Chapter 20
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sakit ng ulo, kaya sapo-sapo ko iyon nang mapaupo ako sa kama. Idamay mo pa iyong telepono na paulit-ulit sa pag-ring. Tch, sino ba 'yon? Ang aga-aga namang mambulabog. Binalingan ko si Reece na mahimbing pa rin ang tulog sa tabi ko at doon ko lang naalala iyong nangyari kagabi sa bar.
Fuck! Nakatulog nga pala ako at hindi na namalayan kung sino ang nagdala sa akin dito sa unit. Napahinga ako nang malalim at kamuntikan pang madapa nang makababa ako sa kama. Dala ng alak kagabi ay sobrang sakit ng lalamunan ko, pati ang paningin ko ay nanlalabo pa rin hanggang ngayon. Nahihilo rin ako kaya minabuti ko munang dumeretso ng kusina upang kumuha ng isang basong tubig.
Halos laklakin ko iyon dahil masyadong natutuyo ang lalamunan ko, para akong namalat at paos ang boses. Dala-dala ang isa pang baso ng tubig ay tinungo ko ang sala at ibinaba iyon sa center table. Hinintay kong mamatay muna ang telepono, hindi rin nagtagal nang mag-ring ulit iyon sa ikalawang beses. Ano ba't napaka-importante naman nito?
"Hello?" Pikit ang matang sinagot ko ang telepono.
"Good morning, Esperanza! Gusto ko lang sabihin na mayroon kang bisitang naghihintay dito sa lobby," anang babae sa front desk.
Sa narinig ay walang pasabing ibinaba ko ang linya ng telepono at pasalampak na nahiga sa pahabang sofa na nasa likuran ko lang. Sa sobrang antok ko ay muli akong nakatulog at hindi na namalayan ang oras. Nagising lang ako dahil sa malakas na pagtikhim ng isang boses dahilan para unti-unti akong magmulat upang hanapin iyon, only to find out na nasa harapan ko si France na nakatayo— kasama si Third.
What the fuck?
Lahat yata ng nainom ko kagabi ay umakyat sa lalamunan ko, kaya mabilis pa sa kidlat na kumaripas ako ng takbo papasok ng kusina at doon sumuka. Halos sambahin ko ang lababo sa sobrang pagkakayuko ko roon.
"Wasted ka, girl?" Dinig kong puna ni France na sinundan pala ako rito sa kusina.
Hindi pa man ako nakakalingon ay sobrang nanlalaki na ang dalawang mata ko nang ma-realize na narito sa loob ng unit ko si Renz. Fuck! Bakit siya nandito? Holy fuck!
"A—anong ginagawa niyo rito?" pagtatanong ko nang tuluyan ko silang binalingan.
Kaagad na nagtama ang mata namin ni Third na ngayon ay seryoso ang mukhang nakatitig sa akin, kunot ang noong pinagmamasdan ako. Sinipat pa niya ng tingin ang kabuuan ko, pamula ulo hanggang paa. Mariin akong napapikit at nilunok ang lahat ng hiya sa katawan. I know, I look miserable and wasted.
Tumikhim ako at mabilis ding nagmulat saka inayos ang magulo kong buhok. Sa isang iglap ay parang nawala ang hangover ko nang makita ko si Third dito mismo sa unit ko. Nalingunan ko pa ang likuran nito kung nasaan ang kwarto namin, mabuti at hindi pa nagigising si Reece.
"Pwede niyo naman akong hintayin sa baba 'di ba? Hindi niyo na kailangan umakyat pa rito," pahayag ko at wala na akong pakialam kung mahalata man nilang natataranta ako.
"Girl, kung alam mo lang. Kanina ka pa namin tinatawagan, sinagot mo naman daw ang telepono pero ibinaba mo rin, so we decided to check kung ano nang nangyari sa 'yo. Masyado lang nag-aalala sa 'yo si Third," mahabang lintanya ni France.
Ngunit hindi ko ito pinansin, bagkus ay itinulak ko sila palabas ng kusina hanggang sa may pintuan. Gulat namang napatigalgal sa akin si France, lalo na nang pagdiskitahan ko si Third na itulak palapit sa pinto.
"Stop it, woman," angil ni Third at pilit kumakawala sa pagkakatulak ko.
"Ano bang nangyayari, girl?" segunda naman ni France habang maang na nakatingin sa akin.
Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Hindi dapat narito si Third, matatanggap ko pa kung si France lang mag-isa pero hindi iyong kasama niya ang ama ni Reece. Natatakot ako.
"Lumabas na kayo, susunod ako sa baba," mariing utos ko at blanko lang ang mukhang tinatapunan sila ng tingin.
"Pack all of your things, woman. Hihintayin kita sa lounge area—"
"Just please, leave," matigas kong sambit at marahas na binuksan ang pinto para sa kanila.
Nagtagal ang paninitig sa akin ni Third na para bang gusto niya akong sakmalin, nakaigting ang panga nito at mababakas sa mukha niya ang galit. Well, wala akong pakialam.
"Susunod ako—" Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin nang mag-materialize sa likuran namin si Reece.
"Mamu!"
Fuck. Nalintikan na.
Sa sigaw ni Reece ay dahan-dahan na napalingon si Third. Gustuhin ko man siyang itulak ay hindi ko na nagawa dahil masyado na akong nanghihina sa posibleng mangyari ngayon. Tuluyan nang nakalabas si France ng pinto, habang si Third naman ay nananatiling nakatayo sa hamba ng pintuan.
Naroon ako sa gilid niya kaya kitang-kita ko kung paano magbago ang reaction ng mukha niya nang makita niya si Reece. Ang kaninang galit at seryoso ay napalitan iyon ng pagtataka, ngunit naroon sa parehong mata niya ang pangungulila, na hindi ko alam kung para saan. Hindi rin mapakali ang parehong mata nito na panay ang pagkurap sa kinatatayuan ng anak ko.
"Siya ang anak mo?" hindi makapaniwalang saad ni Third.
Kumikirot ang expression ng mukha nito at para bang nanakawan ng kaluluwa dahilan para mapahawak ito sa pinto. Maang ko lang itong tinitingnan at pinapanood ang bawat galaw niya.
"Fuck!" mariin niyang sigaw saka frustrated itong napahawak sa kaniyang ulo.
"Th—Third!" bulalas ko nang paulit-ulit itong sumisigaw.
Doon ay naalarma si France at muling pumasok ng unit, mabilis niyang dinaluhan si Third na ngayon ay mahigpit ang hawak sa ulo habang mariing nakapikit ang mata. Maagap niya itong nahawakan, bago pa man matumba sa sahig. Samantala ay halos maestatwa ako sa mga oras na 'yon, ni hindi ko maramdaman ang sarili, na para bang namanhid sa mismong kinatatayuan. Tanging pagtitig lang ang nagawa ko habang nanginginig ang mga kamay.
"Fuck! Argh!" malakas na sigaw ni Third at nanghihinang napaupo kasama ni France.
Dalawa silang napasalampak sa sahig, mabuti ay nasalo ni France ang kaniyang ulo kung 'di ay baka tumama iyon sa dulo ng lamesang naroon.
"Third!" sabay naming sigaw ni France nang tuluyan nang mawalan ng malay si Third.
"Esperanza! Tumawag ka sa lobby ngayon din at sabihing magpadala ng ambulance!" natatarantang pahayag ni France na siyang sinunod ko kaagad.
Nabangga ko pa si Reece na nananatiling nakatayo, nanlalaki ang mga mata nitong pinapanood ang nangyayari. Hindi ko muna ito pinansin at dali-daling nag-dial ng number sa baba.
"P—please, call the ambulance... kailangan dito sa room number 33."
"Ho? Ah, sige po. Right away!" matapos niyang sumagot ay siya na mismo ang nagbaba ng linya.
Sandali akong natulala roon at nakipagtitigan sa puting pader habang hawak pa rin ang telepono. Napahawak ako sa ulo nang kumirot ulit iyon. Fuck! Sumabay pa talaga si Third sa hangover ko.
"Esperanza!" sigaw ni France sa likuran ko kaya dali-dali akong tumayo para lapitan siya. "Tulungan mo ako rito."
Gaya nga ng sabi niya ay pinagtulungan namin siyang mailabas, mabuti at napadaan si Antonio sa hallway kaya tumulong na rin siya sa amin sa pagbuhat kay Third hanggang sa makababa kami ng lobby. Sakto ang naging dating ng ambulance kaya mabilis na naipasok doon si Third. Sa sobrang kaba at takot ko ay sumakay ako roon habang hawak ang kamay nito, sa kabila naman ay si Reece na umiiyak. Kasama rin si France na siyang nasa tabi ko.
"Mamu... si Papu..." Pagtangis nito ngunit wala sa kaniya ang atensyon ko.
Kung 'di ay na kay Third na walang malay at kahit nakapikit ay bakas pa rin sa mukha nito ang hirap na dinaramdaman niya. Maaaring sumakit ang ulo nito nang makita si Reece, so possible ay may naalala ito sa nakaraan namin. Hindi rin nagtagal nang huminto ang sinasakyan namin sa isang kalapit Hospital, doon ay ibinaba ang stretcher ni Third at nagmamadaling ipinasok iyon sa loob.
Hindi na namin nagawang sumunod dahil pinigilan na kami ng ilang doctor kaya naupo na lamang kami ni Reece sa waiting area, na naroon sa labas ng emergency room. Nanlulumo kong inihilamos ang dalawang palad sa mukha at tahimik lang na umiiyak. Kinakabahan ako para kay Third, maaaring good news ang ibalita at pwede ring bad news.
"Esperanza, I'm sorry kung 'di kita madadamayan ngayon pero I need to go. May mga kailangan pa akong gawin," pahayag ni France na tinanguan ko lang at hindi na nag-abalang tingnan pa.
Narinig ko na lang ay ang nga yabag nito palayo. Huminga ako nang malalim at niyakap si Reece na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Mapait akong ngumiti nang ma-realize kong iba pala talaga kapag nakaramdam ka ng lukso ng dugo. Iyon siguro ang naramdaman ni Reece kaya nagawa niyang tawagin si Third na “Papu”, kahit wala pa naman akong sinasabing siya nga ang tunay niyang ama.
Ilang minuto rin kaming naghintay ni Reece doon, habang walang sawang nananalangin na sana ay okay lang ang lahat at maayos na si Third. Ayoko mang mangyari pero gusto kong magkakilala pa sila ng anak niya.
"Miss?" Sabay kaming napaangat ng tingin sa babaeng doktor na kararating lang.
Muling nabuhay ang kaba sa dibdib ko kaya dali-dali akong tumayo para harapin ito.
"Kamusta siya, Doc? Okay naman ho siya, hindi ba?" pahayag ko at hindi na mapakali sa kinatatayuan.
"Don't worry, Misis Miller. He's fine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro