Chapter 18
Sandali akong natigilan dahil sa sinabi ni Reece, hindi ako gumalaw at nananatili lang sa kaninang pwesto. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapit niya sa kama.
"Mamu..." pagtawag nito sa akin saka pa hinawakan ang balikat ko. "Miss ko na si Papu."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marinig ko ang lungkot sa boses niya. Masuyo pa nitong ginalaw ang kamay ko, akala niya siguro ay tulog ako kaya panay ang yugyog nito sa akin.
"Sabi mo noon, babalik din siya... babalikan niya tayo, pero nasaan na siya?" mahinang sambit niya, animo'y ano mang oras ay iiyak na ito.
Bumalik na siya anak, hindi lang niya ako nakilala— hindi niya tayo kilala. Kaya hindi ko alam kung paano uumpisahan itong inaalok niya sa akin. Hindi ko alam kung paano uumpisahan lahat.
"Miss na miss ko na si Pa—Papu, e. Miss na miss." Si Reece at tuluyan na nga itong umiyak.
Huminga ako nang malalim saka siya nilingon at mabilis na dinaluhan, na ngayon ay nakatakip ang mukha sa dalawang palad niya. Kasabay ng pag-iyak nito ay ang mahina kong pagtangis.
Mahigpit ko itong niyakap, na para bang sa paraang iyon ay mapapawi ko ang lahat ng hinanakit niya— lahat ng pasakit na dinadala ko. Hindi ko alam kung bakit parang napakahirap maging masaya?
Why do we have to suffer from this shit? Ilang luha pa ba ang dapat na masayang bago namin makita ang tunay na kaligayahan? Parang ang hirap maging masaya, katulad kung gaano kahirap makaahon sa buhay.
Kinagabihan ay maagang natulog si Reece dahil na rin sa magdamag na pag-iyak nito, kaya nagkaroon ako ng oras para makababa. Gusto ko lang magpalipas ng sama ng loob.
Dumeretso ako sa Resto kung saan nasa loob no'n ang nasabing bar. Nang makapasok ay umalingawngaw kaagad sa pandinig ko ang malakas na disco sound, pati ang disco lights na masyadong masakit sa mata.
This isn't my life. Hindi ako sanay sa ganito pero hayaan na. Gusto ko lang magliwaliw at magmuni-muni. Isa pa, masyado nang nagiging unfair ang mundo. Let me just celebrate it.
Mabilis kong nilakad ang daan patungong bar counter at sumalampak sa isang stool na naroon. Nakita ko pa ang isang babaeng bartender sa loob na minamani-obra ang isang bote ng alak sa kaniyang kamay, palipad sa ere.
"Here's your drink, Ma'am," magiliw na saad nito sa isang customer saka inilapag ang isang baso ng alak sa counter.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing familiar ang mukha nito, lalo na nang magtama ang paningin namin at doon ay nakita ko ang kulay asul niyang mata. If I'm not mistaken, Ems ang pangalan niya.
Right. Anong ginagawa niya rito? Aside sa pagiging elite hookers, bartender din siya? Say what? Gaano kakapos-palad ang isang ito?
"Oh, shit! Ikaw pala 'yan, Espee," gulat nitong bulalas at agad akong nilapitan.
"Hello, Ems," pagbati ko rito at tipid na ngumiti.
Naguguluhan pa rin ako. Hooker na ay bartender pa? Kumunot ang noo ko sa isiping kulang pa ba ang one million dollar at nagtatrabaho pa siya rito? Shit, paano pa pala ako?
"Anong order mo?" aniya dahilan para mabalik ako sa reyalidad.
Naroon pa rin siya sa harapan ko at matamang naghihintay sa order ko. Tumikhim ako saka nagpalinga-linga sa paligid. Sa totoo lang ay ito talaga ang first time kong pumasok sa isang bar, hindi rin ako ganoon nag-iinom kaya wala akong idea sa mga alak.
Isa pa, nagpunta lang naman ako rito para magpalipas ng oras at panandaliang lumimot sa problema ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na kaya itong dinaramdam ko. You know, it really hurts.
"One shot of espresso martini, please," pahayag ko na siyang ginaya lang iyong in-order ng katabi ko.
"Okay, wait lang, ah. I'll make one for you," sambit niya bago ako tinalikuran.
Muling lumibot ang tingin ko sa paligid kung saan hindi ganoon karaming tao, puro babae nga lang ang madalas na makikitang naroon sa dance floor at masayang nagsasayaw.
Kung sabagay, exclusive for all Demoirtel's employees itong bar, pati ang ibang facilities nila ay talagang para lamang sa aming may mga access card. Ibang klase rin talaga mag-isip si Madame X, tipong ayaw na niyang pakawalan ang mga angels niya.
Ilang minuto pa nang matapos si Ems sa paggawa ng inumin ko. Marahan niya iyong ibinaba sa harapan ko at malawak ang naging ngiti sa akin, na parang proud pa siya sa ginawa nitong alak ko.
"Here, Espee. Enjoy your drink!" turan niya bago pinagmasdan ang kabuuan ko.
Nagsuot lang ako ng puting spaghetti sando at maikling shorts, tsinelas nga lang din ang gamit ko dahil nandito lang naman ako sa loob ng Demoirtel. Who cares, right? Wala namang mga lalaki rito kaya ayos lang.
"Thank you, Ems."
Kinuha ko ang nasabing espresso martini saka iyon tinikman at halos isuka ko 'yon nang maramdaman ko ang pag-init ng baga ko. Fuck! Napahigpit ang hawak ko sa baso at pekeng ngumiti kay Ems, na mariing nakatitig pa rin sa akin.
Huminga ako nang malalim, kalaunan ay napansin ang pagkunot ng noo ni Ems habang pinapanood ang galaw ko dahilan para magbaba ako ng tingin dito. Masyado bang halata na first time kong uminom ng alak?
"Okay ka lang ba, Espee? Do you have a problem?" mabilis niyang segunda kaya binalingan ko siya.
Ah, iyon pala. Teka, ganoon na rin ba kahalata sa mukha ko? Mapakla akong tumawa at nailing-iling sa kawalan.
"Actually, mayroon nga," sambit ko sa katotohanan at walang pakundangan na uminom sa alak na hawak ko.
Ngumiti pa ako rito upang ipakita na ayos lang at hindi ko kailangang kaawaan. I just hate the feeling na purong awa lang ang nararamdaman sa akin ng isang tao, para bang napipilitan lang sila na pakisamahan ako dahil naaawa sila sa akin.
"Sorry but if you don't mind, ano bang problema? Si Reece ba?"
"Miss, one shot of margarita nga!" utos ng babaeng kararating lang sa bar counter.
Sabay naming nilingon iyon at mabilis naman na umalis sa harapan ko si Ems para i-serve ang order nito, kaya hindi ko na nasagot ang kaninang tanong niya.
Hindi si Reece ang problema ko... bagkus ay si Renz.
"Hey, Miss! Sex on the beach, please!" sigaw ng isa pang babae at mabigat ang katawang naupo sa katabi kong stool.
Nilingon ko ito nang hindi sinasadyang masiko niya ako dahilan para matapon sa counter table ang inumin ko. Halos mapatayo ako sa gulat, mabuti at hindi iyon tumapon sa damit ko.
"Bad day, huh?" mahinang turan niya saka ako binalingan.
Nang tumama ang ilaw sa mukha nito ay doon ko nakita kung sino siya— si Heather the great. Wala sa sariling napangiwi ako at mariing tinitigan siyang nakamasid lang sa akin.
"Ganiyan na ba kainit ang ulo mo sa akin, o sadyang ganiyan ka lang talaga?" asik ko rito at hindi na mapigilang magtaas ng boses.
Marahil dala ng mga problema, isabay pa na natapon ang alak ko ay nawala ako sa huwisyo. Iyong tipong wala ka namang ginagawang mali pero ang sama ng pakikitungo sa 'yo? Like seriously? Inggit o trip lang?
Sa sinabi ko ay malakas itong tumawa na para bang takas sa Mental Hospital. Oo nga pala, bago ko makalimutan, naturingan nga pala siyang si Maleficent ng anak kong si Reece.
"Easy girl, hindi ako pumapatol sa lasing," sambit nito at pinasadahan pa ng tingin ang kabuuan ko. "But you look so pitiful."
"Wow... saan ka kaya pinaglihi? Sa sama ng loob?" pahayag ko saka ngumisi.
Pagak pa akong tumawa, sinasabayan ang kahibangan niya. Hindi pa siya nakakainom pero ang tabil na ng bibig. Tch, baka nga siguro ganiyan na siya kaya hayaan na lang.
Napansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya at mahinang umiling. "Say whatever you want, girl, iinom mo lang 'yan. Fuck, this is shit! Hindi ko alam kung bakit dito rin ako napunta sa lintek na Demoirtel na 'to!"
Kasabay ng sigaw niya ay ang pagkalampag nito ng counter table dahilan para pagtinginan siya ng ilang tao sa bar counter, ngunit hindi na namin iyon pinansin. Matapos mai-serve ang kaniyang inumin ay mabilis din niya iyong ininom.
"So, bakit ka pala nandito? Napunta ka ba rito dahil gusto mo o you don't have any choice?" tanong ko habang pinaglalaruan ang basong hawak.
"I don't have a choice." Kibit ang balikat niyang sagot.
Hindi na ako magtataka kung katulad ko rin siyang naloko ni France gamit ang matatamis nitong salita. Sa isiping iyon ay natawa ako at nailing na lamang. Akalain mo nga at dito ko pa nakita si Renz, kaya parang blessing in disguise rin ang nangyari.
"Ako kasi, gustuhin ko mang umalis— hindi ako makawala. Tatay ng anak ko ang kalaban ko," segunda ko at wala sa sariling napabuntong hininga.
"What? Kalaban mo ang tatay ng anak mo? What do you mean?" sunud-sunod nitong pahayag, animo'y interesado sa kwento ng buhay ko.
Bakit ba sa kaniya pa ako nagsasabi? Sa isang babaeng halos mainit ang dugo sa akin, pero ganoon nga siguro talaga, mas nagagawa mong maglabas ng sama ng loob sa taong hindi mo lubusang kilala.
"But if I were you, sasama na ako sa tatay ng anak mo para makaalis ka na sa trabahong 'to!"
Sandali akong napaisip sa sinabi niya at marahang napatango-tango bago tuluyang inubos ang natitirang alak sa baso.
Siguro nga... gano'n na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro