Chapter 17
Nagbaba lang ako ng tingin kay Third na ngayon ay mariin nang nakatingin sa akin, igting ang panga nito habang nangingitngit sa galit. How could he be so damn sexy when he's angry?
Holy shit! I am so lost.
Nananatili akong nakatayo kaya nakatingala siya sa akin hanggang sa bumaba ang parehong mata nito sa katawan ko, nagtagal ang mga iyon sa suot kong short sport attire at walang pasabing hinawakan ang laylayan no'n. Pilit na ibinababa sa paraang matatakpan ang naka-exposed kong hita.
"Ano ba, Third?" angil ko rito at bahagyang umatras.
Wala sa sariling tiningnan ko ang suot at hindi naman 'yon ganoon kaikli, sapat lang para matakpan ang kalahati ng hita ko. Napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Third bago ako balingan.
"You're showing too much of your skin," baritonong pahayag niya.
And then? This is not too much for christ's sake. Wala sa sariling napairap ako sa hangin, dala marahik ng pagod at kakamadali kanina ay nakaramdam ako ng init— init ng ulo. Kumunot pa ang noo ko dahil masyado akong nalilito sa mga inaasta nito at hindi ko alam kung bakit mas dumoble ang pagtibok ng puso ko.
Siguro ay dahil nakikita ko sa kaniya noon ang Renz na possessive pagdating sa akin. Ngunit hindi na siya iyong Renz na nakilala at minahal ko noon. Siya na si Third ngayon, kaya bakit ba ako nagpapaapekto sa kaniya?
"Tingnan mo kung nasaan ako... kung ano ako," mahinang turan ko at iminwestra pa ang paligid.
Nasa Demoirtel ako kung saan pugad ng mga babaeng nagbebenta ng sarili at isa akong bayaran. Kaya anong pino-problema niya? Mas malala pa nga sa akin ang iba rito kung tutuusin kaya bakit hindi 'yon ang suwayin niya?
Hindi siya umimik, bagkus ay nanatili lang ang seryoso nitong paninitig sa akin at kitang-kita ko pa ang pagtiim-bagang niya. Tumikhim ako saka tuluyan nang naupo sa katapat niyang sofa.
"Ano bang ginagawa mo rito? Akala ko ba ay bibigyan mo ako ng oras para makapag-isip? Wala pa ngang isang araw, oh?" sunud-sunod kong sambit habang nangungunot ang noo.
"I doubled the ten million and I already deposited it, nasa pangangalaga na ng Rampage Society ang perang ibinayad ko sayo."
Sa narinig ay halos kumuyom ang dalawang kamao kong naroon nakapatong sa hita ko. Twenty million? Pagak akong natawa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiisulto sa sinabi niya. Talaga bang bayarang babae ang turing niya sa akin? Na kailangang idaan lahat sa pera para makuha nito ang gusto niya? Mapait akong ngumiti at nailing-iling sa kawalan. Wala nang pag-asa pero sige.
"Hindi ka na ba makapaghintay?" tanong ko rito, tila nang-uuyam pa ang boses.
Bumaba ang tingin ko sa leeg nito nang magtaas-baba ang kaniyang adams apple. Huminga ito nang malalim bago dumukwang palapit sa akin at itinukod pa ang dalawang siko sa lamesa.
"I don't have much time to wait, I want my memories back as soon as possible," aniya at hindi nakaligtas sa tainga ko ang pagsusumamo sa boses niya.
"Sa tingin mo ba, sa paraang ito ay matutulungan kitang maibalik ang nawawala mong memorya?"
Kibit ang balikat nitong tinitigan ako. "Siguro ay oo, siguro rin ay hindi. Pero wala namang mawawala kung susubukan, hindi ba?"
Napabuga ako sa hangin, animo'y nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Wala na akong kawala, knowing Third na noon ay Renz— lahat nang gugustuhin nito ay madali niyang makukuha. I know him too well kaya heto ako at mukhang magpapaalipin na naman sa kaniya.
Muli ay napabuntong hininga ako saka siya pinasadahan ng tingin, pababa sa kabuuan niya. Wearing a black tuxedo with red neck tie, nakapormado rin ang buhok nito dahilan para umangat ang natatangi niyang facial features. He looks dominant in any way. God damn it! Ang gwapo pa rin.
"Anong terms of condition mo rito? May mga rules ka ba? I wanna know so I can back out," pahayag ko kahit pa alam kong wala na talaga akong choice.
Ngumisi ito sa narinig, na para bang nasisiyahan sa sinabi ko. "Wala, you can do all you want."
Really?
"Can you free me?" mabilis kong tanong dahilan para kumunot ang noo niya.
"No. Of course not," matigas niyang sambit ngunit tinawanan ko lang.
"Here in Demoirtel?" segunda ko habang tumatawa pa rin.
Sa sinabi ko ay parang natauhan naman siya. Marahan itong tumango at malakas na tumikhim bago umayos sa pagkakaupo. Ang akala niya siguro ay magba-back out ako. Well, pwede kung gugustuhin ko pero siguro ay huwag muna. Isusugal ko na lang ang natitirang pride ko para maayos itong pino-problema niya.
"Yes, iyon naman talaga ang balak ko kaya ako nagpunta rito para sunduin ka," sagot niya at saka pa ngumisi. "So, pack all of your things. Ngayon ka rin aalis dito, as you wish."
Napahigpit ang kapit ko sa bimpong hawak ko nang may maalala. Aalis na ako rito? Ako lang ba? Paano ang anak ko? Paano si Reece? Hindi naman pwedeng maiwan siya rito mag-isa. Oo at nariyan si Manang Fe na handang mag-alaga at tumulong ngunit ayaw ko.
Ayokong mawalay sa akin si Reece. Hindi ako makakatulog sa gabi na hindi siya kayakap. Hindi rin ako sanay sa umaga na hindi siya ang unang nabubungaran. Malukungkot ako, mapupuno ng takot ang puso ko. Paano na lang siya, hindi ba?
"Third... ano kasi..." sandali akong tumigil at nagpalinga-linga sa paligid.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniyang may anak ako, na gusto kong isama sa paglabas ng Demoirtel. Ayokong iwan iyon dito at hindi ako aalis kung hindi siya kasama.
"What now, Esperanza? Go up and—"
"Paano ang anak ko?" mabilis kong tanong dahilan para matigilan siya.
Halos manlaki naman ang dalawang mata nito at nanginginig ang kamay na itinuro ako. "You what?"
Mapait akong ngumiti nang mahimigan ko ang pagkadismaya sa boses niya. As I expected, alam ko nang ganito ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko ito. Paano pa kaya kapag nakita niya si Reece?
"Sabi mo ay I can do what I want, so gusto kong isama ang anak ko kung saan mo man ako balak dalhin," matigas kong pahayag, pilit pinapatatag ang sarili.
Ilang sandali siyang natigilan at walang imik kaya nagkaroon ako ng oras para titigan siya. Hindi maipinta ang mukha nito, lumikot pa ang dalawang mata na para bang naghahanap ng pwedeng maisasagot sa akin. Sa itsura pa lang niya ay nakikita kong hindi siya payag sa gusto ko. Siguro ay iniisip na niyang isa akong pakarang babae at nabuntis ng isang kliyente ko rito sa Rampage Society, pero hindi pinanagutan.
"Kung ayaw mo, pwede mo namang bawiin ang offer at ibinayad mo sa akin. Marami pang iba riyan na hindi ka tatanggihan," walang emosyong pahayag ko, nananatiling dismayado sa katotohanang nangyayari.
Inayos ko ang sarili upang makaalis na dahil sobrang bigat na ng dibdib ko na any time ay baka mag-break down ako sa harapan niya at ayokong mangyari 'yon.
"Wait here, woman..." mahinang usal niya kaya nilingon ko ito. "Who is the father of your child? Wala na ba kayo? I mean kung kukunin kita, kailangan ay wala ka ng connection sa mga naging lalaki mo."
Wow. Tangina?
Halos manginig ang kalamnan ko at talaga namang nagpantig ang dalawang tainga ko sa narinig. Galing pa sa mismong bibig niya kaya sobra akong nanlumo sa pinaghalong gulat at sakit. Gusto ko siyang sampalin sa mga oras na 'yon pero laking pagpipigil ko kaya pasalamat siya. Tangina talaga, mga lalaki? Mga? Makapagsalita siya ay parang alam na alam na niya ang buong kwento ng buhay ko, ah?
"Gusto mong malaman kung sino?" matapang kong tanong at marahas na tumayo.
"Yes..." Bumuntong hininga siya.
Fuck you, Third.
"Baka mahimatay ka kapag sinabi ko," pang-uuyam ko at kahit mabigat ang loob ay ngumisi ako. "Isa pa, wala naman siyang kwentang tao kaya hindi mo na kailangang malaman. He's a kind of trash."
Iyon lang at walang lingun-lingon na nilayasan siya. Mabibigat ang paang lumabas ako ng lounge area at doon ay nabungaran ko sila Manang Fe na kasama si Reece na siyang buhat pa rin niya. Mataman silang naghihintay sa akin.
"Mamu!" masiglang turan ni Reece nang makita ako.
"Akin na po," mahinang sambit ko at kinuha na si Reece kay Manang. "Salamat po."
"Sige, hija," sagot ni Manang ngunit hindi na ako nagsalita at dali-daling pumasok ng elevator.
"Esperanza!"
Sakto naman ang pagsara ng pinto nang lumabas si Third sa lounge area, mabuti at tuluyan nang sumara ang elevator kaya hindi na niya kami naabutan. Hindi rin nagtagal nang lumapag iyon sa third floor at deretsong lumabas.
"Mamu, sino 'yon?" pagtatanong ni Reece na nasa bisig ko.
"Wala 'yon anak." Just a piece of trash.
May tamang panahon naman para rito. Ayokong biglain si Reece. Isa pa, hindi naman nito hinahanap ang ama niya. Wala siyang nababanggit sa akin kung nasaan ang papa niya kaya panatag ako noon na okay lang sa kaniya kahit hindi nito makilala si Renz.
Pagkapasok sa loob ng unit ay mabilis ko rin siyang ibinaba sa mahabang sofa at pumasok sa kwarto, saka padapang sumubsob sa kama. Hindi pa man nagtatagal nang sinundan ako ni Reece.
"Kamukha ko siya, Mamu, siya na ba si Papu?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro