Chapter 15
"Do you need a drink?" Mabilis niyang inilahad sa harapan ko ang hawak nitong bottled water kaya bumaba ang tingin ko roon.
"Ahm, thank you," mahinang usal ko bago kinuha ang tubig. "I'm Esperanza..."
Kahit na alam kong nakilala niya na ako noon sa meeting ni Madame X ay inilahad ko pa rin ang kamay ko sa kaniya, saka tipid na ngumiti rito. Ngayon na malapitan ko siyang nakikita ay halos mapahanga ako sa angking ganda nito, she has the best and beautiful smile. Akala ko noon ay masungit siya dahil na rin sa plakado niyang kilay.
"Luna Esperanza Pierto," dagdag ko pa.
"Lucy Skye Martinez ulit," aniya at saka pa malakas na tumawa.
"Palabas ka ba?" tanong ko nang mapansin kong naroon pala si France sa gilid.
"Oo, lalabas lang kami saglit ni France," sagot niya habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.
Sa sinabi niyang iyon ay napangiwi ako. "Ah, mabuti naman at mabait si France sa 'yo."
Sa akin kasi ay hindi— ang istrikta niya masyado sa 'kin. Hindi naman ako naiinggit, maybe unfair lang sa side ko. Tipid akong ngumiti rito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Naalala ko iyong sinabi ni Madame X patungkol sa presyo niya, “some price you couldn't even imagine”— like, anong ibig sabihin no'n? Iba ba siya sa amin at mas mahal ang bayad?
"Sige, it's nice to see you again. Mas maganda ka sa malapitan, Espee."
Sa narinig ay halos matawa ako sa loob-loob ko dahilan para sumilay ang isang ngiti sa aking labi, tumango-tango pa ako rito. Kahit papaano ay sandali kong nakalimutan ang kaninang nangyari.
"Mag-ingat ka, Skye, at magkikita pa tayo ulit," paalam ko sa kaniya bago kumaway.
Nang makita ko ang pagtalikod niya at paglabas ay mabilis ko ring tinungo ang elevator habang hawak ang bottled water na ibinigay niya. Napatingin ako roon at nailing na lamang. Hindi ko naman kailangan ng tubig sa ngayon, nagmamadali ako kanina dahil gusto kong maabutang gising si Reece. I just wanna hug her, iyon ang kailangan ko dahil masyado nang mabigat ang nararamdaman ko.
Kinabukasan nang mag-aya si Reece na gusto niyang lumabas at pumasyal kaya naman ngayon ay binibihisan ko na siya ng jumper dress na hanggang tuhod niya, sa loob no'n ay plain white t'shirt. Matapos kong maisuot sa kaniya ang puting rubber shoes ay masaya naman nitong inilagay sa ulunan ang isang kulay asul na headband at saka pa umikot sa gawi ko.
"Mamu! Ang ganda!" bulalas ni Reece habang nagpapapadyak pa sa sahig.
Halos matawa ako sa itsura nito, ang dalawang kamay kasi nito ay nakatakip sa bibig niyang nakanganga. Kumikinang din ang parehong mata nito at hindi maipagkakailang excited siya sa pupuntahan namin. Nabanggit sa akin ni Manang Fe na may parke malapit dito kaya mas pinili kong magsuot na lamang ng sports attire.
Hindi rin naman siguro kami magtatagal doon kaya pwede na 'to. Matapos kong maisintas ang itim kong rubber shoes ay sabay na kaming lumabas ni Reece ng unit. Tumatalon-talon pa itong naglalakad hanggang sa makababa kami sa may lobby.
"Saan ho ang punta niyo, Ma'am?" anang security guard na naroon malapit sa entrance.
"Papasyal ko lang 'tong anak ko, Kuya," sagot ko at mayamaya pa'y may tinawagan ito sa hawak niyang walkie-talkie.
Hindi rin nagtagal nang bumukas ang pinto at bumungad sa paningin ko ang tatlong body guard. Napabuntong hininga ako dahil sa sitwasyon ko ngayon, akala mo naman kasi ay tatakas kami. Lumabas na kami ni Reece at mas piniling maglakad na lang sa gilid ng kalsada. Hindi ko na rin sinama si Manang dahil masyado ko na siyang naaabala.
Isa pa, may sarili rin namang buhay 'yon, hindi ko kailangang iasa sa kaniya ang anak ko. Nang makarating sa nasabing parke ay mabilis na kumawala sa akin si Reece at kumaripas ng takbo papunta sa playground na naroon. Masaya itong naupo sa isang swing at idinuyan ang sarili.
"Mamu!" sigaw niya habang hindi na maalis ang ngiti sa labi.
She's the cutest thing I've ever seen so far. Reece, my daughter was also the best gift I've ever receive. Maihahalintulad ko rin siya sa isang dyamante, na itataya ko ang buhay ko para lang maprotektahan at maalagaan siya. Naging malakas din ako dahil sa kaniya.
And the best thing you can do as a mother to your child, is to love them unconditionally. Talikuran ka man ng lahat ngunit hindi ang anak mo.
Wala sa sariling napangiti ako nang makalapit ako sa pwesto niya. Nilingon ko pa ang likuran at nakitang hindi naman ganoon kalapit ang mga security personelle sa amin, tama lang para sa hinihingi kong privacy.
"Duyan mo ako, Mamu!" tumatawang sambit ni Reece na siyang sinunod ko naman kaagad.
Sa oras na 'yon ay halos makalimutan ko ang problemang dinadala ko. Nakatuon lang kay Reece ang atensyon ko sa buong magdamag na naglalaro ito, na ngayon nga ay jungle gym naman ang pinagdidiskitahan. Nakaalalay lang ako sa kaniya sa lahat ng pupuntahan nito, wala itong pinalampas at lahat na yata ng naroong playground equipment ay nalaro na niya.
Nariyan ang seesaw at dahil wala siyang kalaro ay ako ang naupo sa kabilang dulo. Natatawa na lang ako dahil para akong bata na nakikipaglaro sa kaniya but anyway, wala namang masama roon. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa tumigil na lang si Reece dahil sa pagod.
"Mamu, nakakapagod pero ang saya,"" hinihingal niyang turan ngunit hindi pa rin maalis sa boses nito ang tuwa.
"Ayan, halika nga rito," sambit ko na mabilis naman niyang sinunod.
Yumakap pa ito sa binti ko at ramdam ko roon ang mabibigat niyang paghinga. Kinuha ko ang bimpo na siyang nakasabit sa balikat ko at ipinunas iyon sa likod niyang basang-basa na ng pawis. Pinainom ko rin ito ng tubig at pinaupo sa isang pavement. Matapos ayusin ang buhok niyang nagulo at ibalik ang kaniyang headband ay tumayo ako sandali, sakto naman nang tawagin ako ng isang body guard.
"Ma'am..." Nilingon ko ang likuran ko at nakitang tumatakbo ang isa sa kanila palapit sa akin.
"Bakit po?" sagot ko at tuluyan na siyang hinarap nang huminto ito sa kinaroroonan namin.
"May guest daw po kasi na naghihintay sa Demoirtel kaya kailangan na po nating bumalik doon," aniya na siyang nagpakunot ng noo ko.
Guest? You mean client, huh? Ang aga naman.
"Sino raw?" Tumaas ang isang kilay ko sa ere.
"Si Sir Third po, Ma'am."
Wala sa sariling napahawak ako sa sariling bibig nang maramdamang halos malaglag ang panga ko sa narinig. Si Third? Bakit? Anong ginagawa niya roon? Kakakita lang namin kagabi, hindi ba?
Tumikhim ako bago nagsalit, "Si—sige po, susunod na kami."
Mabilis ding tumalikod ang body guard na siyang kausap ko kaya binalingan ko si Reece para sana sabihing aalis na kami ngunit naabutan kong wala ito sa mismong inuupuan niya.
What the hell?
"Reece?" malakas kong sigaw saka pa nagpalinga-linga.
Gaya ng parating sinasabi ko— mawala na lahat sa akin, huwag lang ang nag-iisang mahalaga sa buhay ko. Huwag lang si Reece, ang anak ko.
Maagap kong pinuntahan ang ilang nilaruan nito kanina ngunit hindi ko makita si Reece, kahit ang anino nito ay wala. Pabalik-balik ang takbo ko at halos libutin ko na ang buong park na iyon, gusto kong umiyak pero mas tinatagan ko ang loob ko. Sa kakalakad ay napadpad ako sa pinakadulo kung saan may nakita akong maliit na gazebo, may tao roon kaya mabilis ko iyong tinungo hanggang sa makilala ko kung sino ang babaeng 'yon.
"Esperanza! Ikaw ba 'yan?" bulalas nito at nangunot pa ang noong pinagmamasdan ang kabuuan ko.
"Summer?" kunot ang noong pahayag ko nang tuluyang akong makalapit.
Bumaba pa ang tingin ko sa damit nitong may naka-print na “dick wrecker” dahilan para bahagyang manlaki ang mata ko.
"Oh, bakit? Bakit ganiyan ang itsura mo? I mean, may problema ka ba?" sunud-sunod nitong tanong sa akin.
Doon ay kusa nang tumulo ang luha ko sa sinabi nito kaya mabilis kong pinunasan ang basang pisngi. Shit, napakaiyakin ko talaga! Kung saan-saan at kani-kanino na lang umiiyak.
"Summer, nawawala ang anak ko," nanghihinang sambit ko at muling luminga-linga sa paligid.
Kita ko naman ang gulat na bumalatay sa kaniyang mukha, mayamaya pa nang hawakan ako nito sa kamay at marahang hinila sa kung saan.
"Halika, nakita namin siya. Ikaw ba si Mamu na tinutukoy niya?" pagtatanong nito habang palapit kami sa may gazebo.
"Oo, ako nga, Summer. Pero teka, “namin”? Sino pala ang kasama mo?"
Sa sinabi ko ay wala sa sariling natigilan si Summer dahilan para lingunin ko siya. Lumikot pa ang dalawang mata nito, animo'y hindi mapakali sa hindi ko malamang rason.
"Ah, isang kaibigan lang," mahinang wika nito at kahit naguguluhan sa inaakto niya ay tumango na lamang ako.
Kibit ang balikat kong nagpatuloy sa pagsunod sa kaniya. Hindi na rin ako masyadong nagtanong pa dahil ang gusto ko na lang ngayon ay makita ang anak ko.
"Espee, ano nga pala ang pangalan ng anak mo?"
"Reece," simpleng saad ko dahil abala na ang mga mata ko sa batang naroon sa hindi kalayuan.
"Mamu!" sigaw ni Reece nang dumako ang tingin niya sa akin.
Agaran itong umalis sa pagkakakandong niya sa isang lalaki at mabilis na kumaripas ng takbo palapit sa akin. Lumuhod naman ako upang salubungin ang yakap niya at nang maramdaman ko siya mismo sa aking bisig ay mariin akong napapikit saka mahigpit siyang niyapos.
"Reece..." Hingang malalim ko saka isinubsob ang mukha sa kaniyang leeg.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro