Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Hindi ko alam gaano katagal na kami magkatitigan ni Third. Simula kasi nang sabihin niya iyon ay hindi na ako umimik, tuluyan na ring nalaglag ang panga ko sa sahig.

"You don't have to rush yourself, pag-isipan mo muna," aniya matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Bakit?" sambit ko habang hindi makapaniwala sa narinig.

Kalmado lang ako pero fuck, sobrang lakas na ng tibok ng puso ko na nagawa ko pang maging casual sa harapan niya. Walang expression kong sinusuklian ang mainit nitong paninitig.

"I don't know, I have this feeling na dati na tayong magkakilala, based on your reaction when we first met," dagdag nito na lalong nagpagulo sa isipan ko.

Gayunpaman ay marahan akong tumango at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang inis. Ano bang nangyari sa kaniya? Talaga bang hindi niya ako kilala? Or worst, nagka-amnesia ba siya?

"What happened to you?" maang ko itong pinasadahan ng tingin pamula ulo hanggang sa makikisig nitong balikat.

He's still the same though, nag-mature lang ang itsura niya dahil sa paglipas ng panahon ay mas lalong na-depina ang mga facial features nito. Lumaki ang katawan, lumalim ang boses... but I know, he's still the same. Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya kaya nabaling doon ang atensyon ko. He got the sexiest eyebrows ever, makapal at itim na itim.

Huminga ako nang malalim saka mahinang kinurot ang sarili. Pigil ang paghinga ko, kasabay kung paano ko pigilan ang palihim kong pagpapantasya sa kabuuan ni Third. For pete's sake, nasa seryosong momentum kami. Mariin akong napapikit, kalaunan nang magdilat din.

"What do you mean by that?" baritono niyang saad, hindi naaalis ang pagkakakunot ng kaniyang noo.

"Na-aksidente ka ba noon?"

Sa sinabi ko ay doon na tuluyang nalukot ang mukha niya, tila ba nahulas ang emosyon sa kaniya. Lumikot pa ang dalawa nitong mata na para bang hindi mapakali sa kinauupuan.

"Tama ba ako?" mabilis kong segunda nang ma-realize kong tama ang hinala ko. "Kailan nangyari? Paano? Third, kailan? Sagutin mo ako."

"I don't know who you really are, but there is something about you na gusto kong malaman—"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," pagpuputol ko sa kung ano mang nais niyang iparating.

Bumuntong hininga ito at napansin ko pa ang pagkuyom ng kaniyang kamao na naroon nakapatong sa mesa. Nang mapansin niyang doon ako nakatingin ay kaagad din niyang ibinaba iyon.

"That was six years ago," aanganin niyang pahayag at nagtiim bagang.

Mapait akong ngumiti at hindi na namalayan ang pag-alpas ng luha dahilan para malaya iyong namalisbis sa aking pisngi. Shit, why do I need to feel this way? Wala pa ay nag-uunahan na ang mga luha ko.

"On our way to Manila when we got involved into a car accident then my mom died... also my dad and my lil brother are dead on arrival." Kibit ang kaniyang balikat, saka pa bahagyang napanguso.

Sa sinabi niyang iyon ay naging visible sa paningin ko ang mamasa-masa nitong mga mata, tila gustong umiyak but he remain strong. He don't wanna show his vulnerable side like he used to kaya ako na ang umiiyak para sa kaniya.

"Na-commatose ako for how many months, then later on, we found out that I have Retrogade Amnesia," dugtong niya at saka pa tumango-tango sa sariling alaala "Do you know what is it?"

Mabilis akong napailing, hindi na magawang makapagsalita dahil sa samu't-saring emosyong nararamdaman ko ngayon. Mayamaya pa nang mailing si Third habang abala sa paninitig sa hawak niyang wine glass.

"This type of amnesia tends to affect recently formed memories. I know who I am, I also know who my family is. I maybe act normal but yeah— well, you can call me asshole, a son of a bitch but really, I don't really know you."

Doon ay mas lalong lumakas ang paghikbi ko, nanginginig pa ang balikat kong tinakpan ang bibig upang pigilan ang sarili. Hindi ko lubos akalain na ganito pala ang kinahinatnanan niya noon.

"I'm sorry. Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin saka pa hinawakan ang balikat ko.

Iniisip niya sigurong baliw ako— kung bakit ako umiiyak sa kwento nito, samantalang siya naman dapat ang umiiyak ngayon.

Ewan ko pero parang bumaliktad ang mundo at ako na ngayon ang naaawa sa kaniya. Namatay ang kapatid nitong siyang pinakakamahal ni Renz, ang nag-iisang nakasuporta sa relasyon namin noon. Ang parents naman nito na kahit ayaw na ayaw sa akin ay ayos lang.

Harap-harapan mang pinapahiya sa maraming tao, kahit kailan ay hindi ko magawang magalit at magtanim ng sama ng loob sa kanila. I just realized they want the best for their son, at hindi ako 'yon. Ano bang panama ko sa kayamanan nila? Samantalang ni hindi ko nga alam kung sino ba ang mga tunay kong magulang.

"I actually want you to help me, sabi ng doktor ay pili lang ang mga naalala kong tao at isa ka siguro sa mga hindi ko matandaan," pahayag niya at marahang hinawakan ang kamay ko.

Ngumiti ito ngunit hindi naman umabot sa mga mata niya, kita ko pa rin ang lungkot at hinagpis doon katulad ng sa akin. Naguguluhan lang ako, sino ba dapat ang mag-adjust sa amin?

"Pag-iisipan ko muna," mahinang sambit ko bago pinunasan ang basang pisngi. "Gusto ko nang magpahinga."

Tumango siya sa sinabi ko saka dahan-dahan na tumayo at mabilis na lumapit sa akin. Walang pasabing kinuha pa nito ang kamay ko para aalalayan ako sa pagtayo dahilan para lingunin ko siya. Seryoso na ang mukha nitong nakatingin lang sa harapan habang marahan akong akay-akay na akala mo ay napilayan.

Wala sa sariling napangiti ako sa kawalan— isang malungkot na ngiti. Nang makalabas sa Resto ay tumigil ito sa gilid at dahil hawak niya ang kamay ko ay napahinto rin ako saka siya tiningala.

"Magbabayad ako kahit magkano, pumayag ka lang sa kondisyon ko," sambit nito at dinilaan pa ang kaniyang labi.

Sa ginawa niyang iyon ay natuon ang atensyon ko roon at parang sirang plaka sa isipan ko ang halikan namin noon sa Hotel. Nang makita niya ang paninitig ko ay mahina akong tumikhim.

"Hindi ka ba nandidiri sa 'kin? Isa akong bayaran," walang emosyon kong pahayag.

"Wala naman akong pakialam sa kung ano o sino ka, I just want you to be mine. That's all." Sumilay ang ngiti sa labi ko at hindi na napigilan ang sariling makaramdam ng kaunting saya.

"Pero paano—"

Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin nang mabilis pa sa kidlat na lumapat ang kaniyang labi sa akin, marahan pa nitong hinawakan ang panga ko, pababa sa labi ko at hinaplos iyon.

"I sealed it with a kiss, so it's a deal," mababang boses niyang saad, tila pa napapaos.

Nang hindi magsalita ay muli niya akong hinalikan, matagal iyon kaya unti-unti kong ipinikit ang parehong mata para namnamin ang oras na 'yon.

Wala na kaming naging pakialam sa paligid, kahit pa alam kong may ilang tao ang nakatingin sa amin. Nang humiwalay ay mababakas sa mukha nito ang emosyon na noo'y nakita ko sa Chad Stone Hotel— burning with so much lustful desire.

"I'm starting to love your kisses, it's addicting..." sambit niya at muling hinaplos ang pisngi ko.

"We—we have to go," alanganing putol ko rito at bahagyang lumayo.

Ayokong dumating sa puntong maghalikan na lang kami rito magdamag sa gilid ng Restaurant. Wala pa siyang alam tungkol sa akin kaya kailangan kong unti-untiin at ibalik ang kaniyang alaala.

"Yeah..." paos niyang sagot saka marahang tumango. "See you when I see you."

"Su—sure."Tipid akong ngumiti at kumaway bago tuluyan siyang tinalikuran.

Mabilis akong naglakad patungo sa van na naroon naka-park sa hindi kalayuan. Nang mapansin ako ng mga security personelle ay agad nila akong sinundan papasok sa loob ng sasakyan. Pasalampak akong umupo at sakto ay nalingunan ko pa si Third na nanatiling nakatayo sa kaninang pwesto namin.

Kumunot ang noo ko nang mapansing hawak nito ang kaniyang ulo habang nakayuko. Gusto ko pa sanang bumaba para malaman kung anong nangyayari ngunit huli na dahil nakausad na ang sinasakyang van. Ilang minuto akong natahimik at pilit pinapasok sa utak ko ang kaninang offer niya.

He want me to be his girlfriend. For what? Para matulungan siyang maibalik ang nawawala niyang memorya? Mariin akong napapikit nang biglang mag-materialize sa isip ko ang mukha ni Reece. Sasabihin ko na ba sa kaniya na may anak kami? Pero paano kung hindi niya tanggapin? Isa pa, iisipin no'n na niloloko ko lang siya at hindi sa kaniya ang bata.

Ayokong mangyari na tinatanggi niya si Reece sa harapan pa nito mismo. Saka na lang siguro kapag ayos na ang lahat, ayoko rin siyang biglain at hindi ko pa nga alam kung papayag ba ako o hindi sa inaalok nito. Naguguluhan na ako, ang daming naglalaro sa utak ko at para na akong sasabog.

Fuck!

"Ma'am, nandito na po tayo," anang bodyguard na nauna nang bumaba.

Pagtingin ko sa labas ay nakita kong naroon na pala kami sa tapat ng Demoirtel. Nang ilahad ng isang bodyguard ang kamay niya ay mabilis ko iyong kinuha at nang makababa ay walang lingun-lingon na kumaripas ako ng takbo patungo sa loob ng Demoirtel. Sa pagpasok ay hindi sinasadyang may mabangga akong babae na hindi ko alam kung saan nanggaling, halos ma-out of balance rin ako dahil sa suot kong sandals, mabuti at mabilis akong napakapit sa front desk.

"Sorry... sorry," agad kong paumahin at nang makilala kung sino siya ay nanlaki ang mata ko. "I—ikaw si Skye, hindi ba?"

"Oo. Okay ka lang ba?" mahinang sagot nito saka pa tipid na ngumiti.

Okay lang ako? Well at least, nasagot na ang mga katanungan sa utak ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro