Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

"Two million just for one night?" pag-uulit ko pang sabi, "Teka, sino ba 'yan?"

"It's Third Miller and yes, two million... for just a single date." Pagdidiin pa nito lalo na para bang sinasabi niyang ang swerte ko.

Date? Seriously? Bakit siya makikipag-date sa akin? As far as I remember, ayaw na niya akong makita. Kaya ngayon ay nakakapagtaka. Nagbago na ba ang isip nito at bigla niya akong na-miss?

Halos maloka na ako sa mga narinig ko mula kay Nikita kaya hindi ko na namalayang nakaayat na pala ako sa unit para makapaghanda. Matapos kong maligo ay mabilis kong isinuot ang napiling dress.

It's a bodycon types of dress that literally hugs my figure kaya naman ay kitang-kita ang liit ng baywang ko, light blue iyon kaya pinaresan ko na lang ng white spool heels. Naglagay din ako ng light make up to enhance my facial features.

Nakalugay lang ang mahaba at kulot kong buhok dahilan para umayon iyon sa outfit ko. Nang sa tingin ko ay tapos na, nilingon ko ang whole body mirror na siyang nasa gilid ko saka ako tumayo.

Perfect! Halos hindi na matanggal ang ngisi sa labi ko simula nang marinig kong si Third ang nag-request sa akin. Wala lang, I just feel secured dahil kahit papaano ay ligtas ako sa ibang clients na hindi ko naman kilala.

Hindi naman sa pagiging excited, ewan ko rin sa sarili at parang nasa mood ako. Though, naiinis ako sa katotohanang two million lang ang makukuha ko. Pero kung sabagay, hindi na rin masama at sabi nga ay date lang daw.

At siya ang date ko for tonight. God damn it!

Wala sa sariling umikot ang mata ko sa ere at nagbuntong hininga. No, hindi ko ipapakita sa kaniyang masaya akong makita ulit siya. Pumayag lang naman ako dahil no choice na ako. Isa pa, sayang ang two million kung tatanggihan ko.

Sakto ang naging dating ni Manang Fe sa unit na kahit pala hindi ko na tawagan ay kusa siyang pupunta rito. Well, malamang nasabihan na rin siya nila France na may lakad ako ngayon.

"Reece, alis na muna si Mamu, okay?" paalam ko rito na abala sa paglalaro ng kaniyang barbie house.

"Opo, Mamu, ingat!" aniya na hindi man lang ako nililingon rason para matawa ako.

"Sige na po, Manang, alis na ako."

"Ingat, hija."

Ilang sandali pa nang lumabas ako ng unit at deretso ang lakad patungong elevator, hindi rin nagtagal nang tuluyan akong makababa. Paglabas sa Demoirtel ay agad kong nabungaran ang tatlong security personelle na sa tingin ko ay siyang susunod sa akin.

Tinanguan ko ang mga ito bago naunang sumakay sa dating van na ginamit saka naman sila sumunod. Ang isa ay nasa passenger's seat habang naroon din ang driver sa harap. Ang dalawa naman ay naupo sa may pinakalikuran ng back's seat kaya ngayon ay mag-isa ako rito sa unang bahagi ng van.

Mabilis din iyong umalis at naging tahimik na ang paligid. Abala ako ngayon sa pag-iisip kung anong pwede kong gawin o kung anong mangyayari mamaya kaya hindi ko na namalayan ang pagdating namin sa isang five star dining restaurant.

Gaya ng dati ay nakailang buntong hininga muna ako bago bumaba at harapin ang kasalukuyang nangyayari. Ilang metro ang naging layo sa akin ng mga bodyguard ko nang tahakin ko ang nasabing restaurant.

Since kita naman ang nasa loob ng Resto ay nakita kong huminto sila at tumambay na lang sa labas. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ko bago hatakin ang pinto at deretso ang pasok sa loob.

Tumigil muna ako sandali para hanapin si Third at dahil kilalang-kilala ko na siya na pati ang hubog ng likod nito ay mabilis ko siyang nakita. Nangangatog man ang dalawang tuhod ay nagawa kong lapitan ang pwesto niya.

Nasa dulo iyon ng Restaurant, katabi ng glass window kaya kitang-kita ang ilang street lights at building sa labas. Huminto ako sa mismong gilid nito dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin.

Suot nito ang business casual suit na parang kagagaling lang niyang trabaho, bahagya ring magulo ang buhok niya, and his freaking pair of eyes is now bloodshot, animo'y pagod sa buong maghapon.

Bumaba pa ang atensyon ko sa matangos nitong ilong na dati kong kinaiinggitan, pababa sa labi niya na noo'y ang sarap halikan. Sa panga nitong ngayon ay naka-igting marahil sa paninitig ko sa kaniya.

"Have a seat," baritonong usal nito dahilan para mabalik ako sa reyalidad at mapahinto sa pagpapantasya rito.

"Okay..." mahinang sagot ko at umupo sa katapat nitong upuan. "So, bakit mo ako inaya ng date? Akala ko ba ayaw mo na akong makita—"

"Stop, woman. Let's eat first," pagputol nito sa akin kaya wala sa sariling naitikom ko ang bibig.

Heto na naman at rumaragasa ang galit sa katawan ko, paakyat sa ulo ko. Napakabastos talaga! Hindi ko siya nakilalang ganito, ang layo na talaga niya sa lalaking minahal ko noon.

Ito rin ang dahilan kung bakit ako pumayag ngayong makipag-date sa kaniya, para malaman ang buong kwento kung bakit siya nagkaganito. There must be something na nangyari noong umalis siya at iniwan ako.

It's already seven o'clock kaya ang in-order ni Third ay pang-dinner na. Hindi ako ganoon kumain dahil nakakain na rin naman na ako kanina sa Demoirtel, kaya ang isang slice na lang ng cake ang nilalantakan ko ngayon.

Nilingon ko si Third nang mahinang tumikhim ito, kunot ang kaniyang noo habang papalit-palit ang tingin sa plato ko at sa mukha ko. Mayamaya pa nang itinabi ko ang hawak na kubyertos saka pinunasan ang gilid ng labi.

"So, ahmm..."

"Kumain ka ba kanina?" aniya na pinutol ang dapat na sasabihin ko.

Literal na napanganga ako sa sinabi niya, hindi dahil sa first time ko siyang marinig mag-tagalog ngayon nagkita kami ulit, kung 'di dahil tunog concern iyon. Mariin akong umiling at lumunok, ayokong mag-assume.

Damn it!

"Bakit 'yan lang ang kinakain mo? Hindi mo pa nagagalaw 'yan," matigas niyang sambit at itinuro pa ang beef steak na naroon sa lamesa gamit ang hawak niyang tinidor.

"Busog ako," simpleng saad ko at tuluyan nang nawalan ng gana.

Marahan ko pang itinulak ang pinggang nasa harapan at sumandal na lamang sa kinauupuan. Bumagsak sa kaniya ang malamig kong tingin, blanko lang ang mukha ko at pilit itinatago ang totoo kong nararamdaman.

"Bakit ka nakipag-deal ulit sa akin? Anong purpose nitong pag-aya mo sa 'kin ng date?"

Huminga ito nang malalim bago tumigil sa pagkain, tila nawalan na rin ng ganang magpatuloy. Matapos mapunasan ang sariling bibig ay mariin ang titig nitong binalingan ako.

Sa uri pa lang ng tingin niya sa akin ay halos malunod ako, kahit nag-iba na siya ay ganoon pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing tititigan niya ako, na para bang ako lang— ako lang ang babaeng nakikita niya.

Mapait akong ngumiti at tinagilid ang ulo. "Hindi ba't sinabi mong ayaw mo na akong makita?"

Sa sinabi ko ay ako rin itong nasaktan. Naramdaman ko pa ang pagkirot sa puso ko nang maalala ang huling eksena namin sa Hotel na iyon, hanggang ngayon kasi ay sariwa pa ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa pandinig ko.

Tumaas ang sulok ng labi ko at nangingising pinagmamasdan ang mabilis na pag-iiba ng emosyon sa kaniyang mukha. Mula sa kaninang nabuburyo ay lumukot iyon, animo'y hindi nagustuhan ang pang-aasar ko.

"Na-miss mo ba ako? O gusto mo na talaga akong tikman?"

"May utang ka sa 'kin na dapat mong bayaran."

Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi upang maiwasang mapanganga. What the hell? Utang? Kailan pa ako umutang sa kaniya?

"The heck! A—anong utang?" Bulalas ko at nanlalaki ang matang pinasadahan siya ng tingin.

Ako pa talaga ang may utang? Sa six years na wala siya, siningil ko ba siya sa lahat ng ginastos ko kay Reece? Hindi 'di ba?

"Ano bang pinagsasabi mo?" dagdag ko nang hindi siya umimik.

Tila nasisiyahan pa siyang nakikita akong balisa at hindi na maipinta ang mukha.

"Binayaran kita sa halagang five million pesos pero walang nangyari, remember? Ngayon mo ako bayaran," pahayag niya at saka pa ngumisi ng nakakaloko.

Ang kaninang galit na tinitimpi ko ay muling nabuhay at umalpas dahilan para kalampagin ko ang mesa. May ilang customer ang napalingon sa gawi namin pero hindi ko na pinansin.

Gulat naman akong tiningnan ni Third ngunit mabilis ding bumalik sa kanina ang emosyon niya, na siyang halos magpatawa sa akin. Ang kapal talaga ng mukha niya, bwisit siya!

"Ikaw ang unang umalis, iniwan mo ako, remember?" sambit ko sa katotohanan na alam kong hindi niya kaagad nakuha.

Napalatak ako at nailing na lamang nang tanging pagkunot lang ng noo ang isinukli niya sa akin. Huminga ako nang malalim bago ayusin ang sarili, handa na sanang tumayo nang pigilan niya ako.

Ang kamay kong naroon nakapatong sa mesa ay mabilis niyang hinawakan rason para dumaloy ang kuryente sa kaibuturan ko at wala sa oras na napaupo akong muli. Maang ko siyang binalingan pababa sa kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

"Actually... I need you. I badly need you," mahinang pahayag nito ngunit sapat na para umabot sa pandinig ko.

Sa oras na 'yon ay halos hindi ko maramdaman ang sarili, ewan ko kung saan na napunta ang kalukuwa ko at tila nawala yata ako sa huwisyo. He needs me? Noong kailangan ko siya, nasaan ba siya?

"Bilang kabayaran— please, be my girlfriend."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro