Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Nang hindi ako umimik ay malakas na tumawa si Madame X, umalingawngaw iyon sa bawat sulok ng office niya kaya halos lumubog ako sa kinauupuan ko sa sobrang hiya.

"Anyway, hintay lang tayo ng kaunti at parating na rin ang iba pang kasamahan mo," aniya at umayos ng upo.

Prente nitong isinandal ang likuran sa kaniyang trono. Ang katawan ni Madame X ay palapad, dala marahil ng itim niyang dress ay mas lalo siyang naging nakakatakot tingnan. Nagmistulan siyang mangkukulam sa disney movie na Snow White and the Seven Dwarf. O 'di kaya ay iyong madrasta ni Rapunzel, pwede ring ibang version ni Maleficent.

Shocks! Halos matampal ko ang sariling noo. Kakapanood ko ito ng mga movies na paborito ni Reece. Huminga ako nang malalim bago nailing-iling sa sariling kabaliwan. Hindi rin nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin nang bumukas ang pinto sa likuran dahilan para lingunin namin iyon. Unti-unting naningkit ang mata ko nang maaninag ang mukha ng babaeng kararating lang.

Ang tunay na Maleficent...

Dahan-dahan itong lumapit sa kinaroroonan namin, na para bang isang modelo na naglalakad sa gitna ng runway. Sa taas ng height niya ay halos mabali ang leeg ko kakatingala rito nang huminto siya sa gilid ko. Sa kakatitig sa mukha niya ay hindi ko maipagkakailang napakaganda nito.

She has a long wavy black hair, slim but sexy like a coca-cola bottle. Masyadong fierce ang nakikita kong itsura niya, or baka dahil lang sa way ng pagme-make up nito? But whatever it is, she resembles Maleficent, parang kontrabida ang galawan at mukha niya. Hmp, pareho sila ni Madame X.

Hindi kaya ay mag-ina ang dalawang 'to? Nang tapunan ako nito ng tingin ay napangiwi pa siya sa hindi ko malamang rason, dahilan para mahulas ang emosyon sa mukha ko. Lumukot iyon at sinamaan siya ng tingin.

"Hi, Maleficent!" bati ko saka pa ngumiti ng mapang-asar.

Ngunit ganoon pa rin ang mukha nito, nananatiling poker face na parang wala lang sa kaniya iyon. Tch, mayroon yata siyang resting bitch face syndrome, ang maldita, grabe talaga.

"Have a seat, Heather," anang Madame X at swabeng gumalaw naman ang babae.

So, Heather is the name. Heather the great hater. Wow, sounds good. Napangisi ako. Gusto ko nang matawa sa mga pinag-iisip ko, nababaliw na nga siguro ako.

Walang imik itong umupo sa katabing upuan ko habang pinag-dekwatro naman nito ang kaniyang hita. Napangiwi ako sa nakita. Lahat yata sa kaniya ay masyadong smooth, baka nga model ang isang 'to. Hindi ko na siya pinansin at nilingon ang gawi ni Madame X sa harapan na ngayon ay hindi ko na mahagilap. Narinig ko na lang ang pagbukas-sarado ng isang pinto na siyang pinanggalingan niya kanina.

Talagang iniwan pa niya kami rito kaya no choice ako kung 'di magmukmok sa upuan, pinag-krus ko pa ang dalawang braso sa dibdib. Sa ilang minutong nagdaan ay wala kaming kibuan hanggang sa may kumatok ulit sa pinto. Sabay naming nilingon iyon at naunang pumasok ang isang familiar na babae. Oh, I remember, she's the girl from the restroom. So, isa rin pala siyang hooker?

Akala ko noon ay baka empleyado lang ng Demoirtel. She's actually have a nice butt real talk, ang gandang tingnan at match talaga sa katawan niyang malaman, a valoptuous body indeed. Ang straight at blonde nitong buhok ay nakatabon sa kaniyang dibdib pero sa kabila no'n ay kita ko pa rin ang may kalakihan nitong dibdib.

Wow, sana all lang.

Wala sa sariling napailing ako at na-realize na tama nga si Manang Fe at France, iba ang level ng mga napipili nilang elite hookers, parang mga high-class sa ganda. Mukha naman silang mayayaman pero bakit sila napadpad dito? Kasunod nito sa pagpasok ay ang petite na babae, may hubog din ang katawan at siguro'y ka-height ko lang.

May pagka-ash blonde ang buhok na tumugma sa kulay niyang puti. Maliit ang kaniyang mukha at nang dumako ang tingin ko sa mata nito ay halos maglaglag ang panga ko. She have a sparkling beautiful pair of eyes! Like the color of ocean and what amazed me more is her innocent face.

Fuck! Nahiya ako bigla sa mga babaeng 'to! Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang hiya sa sarili, halos isiksik ko pa ang katawan sa inuupuang swivel chair at parang gusto ko na lamang lumipad palabas ng silid na iyon.

"Umupo ka na," anang isang boses.

Ngunit nananatili silang nakatayo na para bang na-estatwa na sa kinatatayuan. Sa pagmamasid ay mas pinili kong gawing blanko ang mukha, ayokong makita nilang naiinggit ako sa kanila.

"Hey..." bulong no'ng babae sa likod ni banyo queen— I mean Summer.

"Excuse me, excuse me," sambit nito nang siguro'y mabalik sa reyalidad.

Umikot siya sa kabilang dulo at naupo sa tabi ni Heather the great. Ngumiti pa si Summer ngunit tanging pag-irap lang ang isinukli sa kaniya ni Maleficent dahilan para tumaas ang isang sulok ng labi ko.

"Hi! Kamusta?" maligayang wika ni Summer na hindi ko inakalang sobrang daldal pala.

Nang mapansin kong sa akin siya nakatingin ay tipid lamang akong ngumiti. Sumunod naman iyong isang babae at tumabi sa bakanteng upuan na naroon sa gilid ni Summer saka pa may ibinulong dito.

Hindi ko na narinig at wala rin naman akong pakialam. Bahala sila sa buhay nila.

"Good morning, angels!"

Nilingon ko si Madame X na ngayon ay nandoon na ulit sa harapan, nakatayo ito habang inisa-isa kaming tinapunan ng tingin. Kumunot ang noo ko, naisip ko lang na bigla-bigla siyang nawawala't sumusulpot.

"Good morning, Madame X!" sabay-sabay nilang bati kaya nakisabay na rin ako, ngiti naman ang naging tugon niya sa amin.

"Congratulations sa inyong apat, kayo ang may pinakatamataas na bidder amount in just a single transaction," pahayag nito habang malaki ang ngiti sa labi.

So, tama nga ang hinala ko. Isa rin silang kagaya kong kapit sa patalim, pero bakit ulit? Hindi talaga ako matahimik. Nasa mga mukha naman nila ang pagiging mayaman, the way pa lang sila manamit ay walang-wala na ako.

Bakit kaya sila nandito?

"My God, girls! Ngayon lang 'to nangyari, infairness!" tila natutuwang turan ni Madame X na sinabayan pa niya ng palakpak.

Hindi kami umimik bagkus ay nananatili lang kaming tahimik na nakikinig sa kaniya.

"Mga baguhan kayo pero dinaig pa ninyo ang mga high ranked angels namin," pahayag niya bago ako nilingon. "Congratulations, Esperanza, dahil ikaw ang unang nakapag-close ng deal amounting of five million pesos."

Kibit ang balikat ko sa sinabi nito. Anong magagawa ko sa five million na 'yan? Pinakita lang sa 'kin ni France pero ni hindi ko man lang nahawakan.

Isa pa, napakatagal ng isang taon. For christ's sake! Baka naman paglabas ko sa Demoirtel ay sobrang yaman ko na dahil naipon na lahat ng perang ibinayad ng mga magiging client ko. Mapait akong ngumiti at hindi na umimik.

"Si Heather naman ay may nag-deal, amounting of two million pesos for a night, even though it's not final and close."

Sa sinabing iyon ni Madame X ay halos sabay-sabay kaming napalingon kay Heather. Two million? Wala sa sariling napangiwi ako.

"And you, Remolada... ten million just to get you out of here. Ano? Pinirmahan mo na ba?"

Nanlaki ang mata ko. Pwede pala 'yon? Ten million kapalit ng paglaya rito sa Demoirtel? Wala sa sariling nakagat ko ang labi. Sana may mabuting loob din ang kumuha sa akin dito, kahit si Third ay okay na. Matapos mailapag ni Summer sa round table ang kaniyang kontrata ay ngumiti pa ito, tila nasisiyahan dahil sa wakas ay makakalabas na siya rito. At sino naman kaya ang nakuha niyang client? Bakit ang saya pa nito?

"And you..." saad ni Madame X saka pa itinuro iyong babaeng nasa tabi ni Summer.

I don't know her name so I just call her “beauty”, I am so fucking fascinated over her. Damn those beautiful eyes.

"You hit the unexpected amount yet the highest limit of a single transaction. You hit one million... dollar. Not bad para sa mga baguhang gaya mo, kagaya ninyo. Honestly speaking, napahanga niyo ako girls."

Tuluyan nang nalaglag ang panga ko sa sahig. What the hell? One million dollar is equivalent of fifty million in peso for pete's sake! Not bad? Not bad? Napahinga ako nang malalim.

Sa buong pagsasalita ni Madame X ay hindi na matanggal ang ngiti niya sa labi, sobrang natutuwa ba siya na naibebenta namin ang katawan sa mga halagang iyon? Umupo na ito sa kaniyang trono at kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto dahilan para lingunin namin iyon. Doon ay pumasok si France na as usual, pormadong-pormado.

Kasunod nito ay isang babae. She's tall like Heather, has a fair skin like me. And that kind of body that is oozing with sexyness like Summer and a pure innocent smiling face like Beauty. What a good combination she has, she's more likely look heaven because of her sweet angelic face. Good damn it! Mas lalo yata akong na-insecure.

Napansin ko ang paglapit ni France kay Madame X at saka pa bumulong dito, marahan naman iyong tinanguan ni Madame.

"Hmm, so okay... meet our new elite member, Lucy Skye Martinez. Magiging kasali na siya sa grupo ninyo—"

Hindi na natuloy si Madame X sa pagsasalita nang biglang sumingit si Maleficent, I mean si Heather the great.

"Kasali? So, how much does her cost naman?" aniya na siyang nagpaismid sa akin.

Ang conyo naman, girl.

"Some price you couldn't even imagine," sagot ni Madame X nang may ngiti sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro