Chapter 10
Sa sinabing iyon ni Manang ay mabilis akong pumasok sa banyo upang makaligo. Sinigurado kong nagkuskos ako ng mabuti kahit pa nga'y nanginginig ang dalawang kamay ko. Ewan ko ba at bakit parang kinakabahan ako na magkikita kami ngayon ni Madame X.
Siguro kasi ay nakapaskil na sa utak kong isa siyang istriktong babae at metikolosa, ayon na rin sa mga naririnig ko sa ilang hookers. Isa pa, baka alam na rin niya ang nangyari sa unang client ko which is 'yong dati ko pang kasintahan... and speaking of Third, heto na naman siya't ginugulo ang utak ko. Wala yatang araw na hindi siya sumasagi sa isipan ko.
"I wanna fuck you so hard, you smell so good, Esperanza."
Nang maisip ko ang eksenang iyon ay wala sa sariling nag-init ang katawan ko. It's been six year nang makuha niya ako, and here I am again, fascinating him over again. Parang wala lang iyong sakit no'ng iwan niya ako at ganito pa rin ang nararamdam ko sa kaniya.
I feel so fucking horny... what the fuck, Esperanza?
Ganito ba talaga ang epekto niya sa akin? Halu-halo ang emosyon ko, nariyan ang galit at sakit, pero sa tuwing maalala ko naman iyong halikan na nangyari sa Hotel ay nalulusaw ako sa init. Ibang-iba kasi siya sa Renz na nakilala ko, noon ay gentleman pa siya although may pagka-aggressive pero ngayon?
Tch. All I can see him is a madman, a fuckboy, a womanizer and what so ever but damn, so sexy and hot. Fuck him! Dapat talaga kinakalimutan ko na siya. Wala siyang magandang dulot sa akin, lalo na sa nag-iinit kong katawan. Napalunok ako sa sariling laway at mariing napapikit bago tumingala dahilan para tumama sa mukha ko ang malamig na agos ng tubig na nanggagaling sa shower.
I so fucking hate him.
Ilang minuto pa ang itinagal ko roon hanggang sa matapos ako. Doon na rin ako nagbihis ng black highwaist pants at white sleeveless na may pulang ribbon sa leeg. Lumabas ako sa banyo na tinutuyo pa ang buhok gamit ang puting tuwalya. And as usual, naabutan ko na naman sina Manang at Reece na nanonood sa TV at nang mapansin ako ay sabay pa silang lumingon sa gawi ko.
"Tapos ka na pala..."
"Oho, Manang. Nga pala, saan po ba iyong office ni Madame X?" pahayag ko habang isinusuot ang isang pares ng doll shoes.
"Nasa rooftop iyon, hija," aniya na hindi ko nasagot dahil abala naman ako ngayon sa pag-aayos ng mukha.
I put a light make up para magmukha naman akong presentable sa harapan ni Madame X. Tinuyo ko rin nang mabuti ang buhok ko saka ko iyon inipitan sa magkabilaang gilid ng tainga. Hinayaan kong nakalugay iyon na umabot hanggang baywang ko. Nang matapos ay nilingon ko ang whole body mirror and I must say, mukha na akong normal at kaaya-aya sa paningin ng iba.
"Sige na, Manang, mauuna na po ako," sambit ko habang nilalapitan sila sa sofa.
Isang halik ang iginawad ko kay Reece na siyang sumabit pa sa leeg ko dahilan para pigilan siya ni Manang. Natatawa naman akong ginulo ang buhok nito at muling hinalikan.
"Babalik agad si Mamu, ah? Behave ka lang dito, okay?" pahayag ko na mabilis niyang tinanguan, "Yay! That's my girl."
"Kaya mo na ba pumunta mag-isa roon?" pagtatanong ni Manang kaya nilingon ko siya.
"Kaya naman po, hahanapin ko na lang siguro."
"Gusto mo ba na samahan ka na namin? Balak ko rin kasing ilibot si Reece dito sa Demoirtel para kahit papaano ay hindi siya maburyo."
Sa sinabi nito ay halos pumalakpak ako sa tuwa. Good idea! Nang tumango ako ay mabilis niyang binihisan si Reece na wala namang angal, bagkus ay tuwang-tuwa rin siya kagaya ko. Well, kanino pa ba magmamana ang batang iyan? Syempre sa akin— ang ugali. Huwag na tayo roon sa itsura niya dahil aaminin kong para silang pinagbiyak na bunga ni Renz, I mean ni Third.
Napangiwi ako habang hinihintay sila, mayamaya pa ay tumatalon-talon si Reece papunta sa kinaroroonan ko. Suot nito ang kulay puting bistida na abot lang hanggang tuhod niya. Puti rin ang kaniyang doll shoes saka pa may palamuti sa ulunan niya, bulaklakin iyon na parang pang-diyosa ang design. Napansin ko pa ang bolang hawak nito.
Wala sa sariling sumilay ang ngiti sa labi ko, napakagandang bata talaga. Sana lang ay huwag siyang magaya sa akin kaya gagawin ko ang lahat para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Hawak ko si Reece nang makalabas kami ng unit, samantala ay naroon naman si Manang sa harapan at siya ang sinusundan namin sa mabagal na lakad sa gitna ng hallway na 'yon.
"Manang, ang dami na palang tao rito, ano? Kasi nasa third floor ako, ibig sabihin ay okupado na ang first at second floor, tama po ba?" tanong ko para kahit papaano ay may mapag-usapan kami at mawala ang kaba na nararamdaman ko.
Isa pa, curious lang din ako. Sa laki ba naman kasi ng building na 'to, akala mo ay MOA sa sobrang lawak.
"Ang first at second floor ay para sa mga escort na good for days, weeks or even months. Depende sa kanila kung gusto pa nilang mag-renew, pero imagine, sa isang kwarto, apat ang nagshe-share doon?"
Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Manang, hindi ko rin maiwasang mapanganga. So, parang pang-karaniwang dormitory lang talaga? As in wow lang, hindi ko lubos akalain na ganoon na karami ang na-recruit nila.
Ganoon na ba karami ang nangangailangan ng pera at trabaho at sa patalim sila kumakapit?
"Ang third floor naman ay para sa mga kagaya mo, bihira lang ang mga elite hookers dito dahil masyadong maselan sina France, Nikita at Hugo pagdating sa pagpili ng mga high profiled hookers."
Ang daming nalalaman ni Manang. I wonder kung gaano na siya katagal dito at kung paano siya napadpad sa lugar na 'to?
Iyan lang 'yan sa mga gusto kong tanungin pero nanatili na lang akong tahimik at walang imik na sinusundan siya hanggang sa makarating kami ng fourth floor, hagdan na lang din ang ginamit namin since malapit lang naman.
"Itong floor naman ay para sa mga empleyado ng Demoirtel," aniya at saka huminto para lingunin ako. "Sige na, hija, akyat ka na riyan. Mabilis mo na lang makikita ang office ni Madame X."
"Sige po, salamat, Manang."
Tumango ako rito at mabilis na hinalikan si Reece sa pisngi, matapos ko siyang ibigay kay Manang ay nagpaalam na rin ako sa kanila kaya ngayon ay marahan kong tinatahak ang hagdan paakyat sa rooftop. Sakto ang hampas ng hangin sa mukha ko nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan doon.
Una kong napansin ang malawak na helipad na naroon at sa pinakadulo ay isang pinto na sa tingin ko ay iyong office na ni Madame X. Mabilis ko ring nilakad iyon, ilang beses pa akong kumatok at nang walang sumasagot ay nagkusa na akong buksan iyon. Bumungad sa akin ang napakagandang interior design ng office.
Sa paligid ay may iba't-ibang painting— ng mga lalaking nakahubad. Nag-isang linya ang labi ko habang tinatahak ang loob upang maiwasan ang mapangiwi, panay pa rin ang lingon ko sa paligid kaya hindi ko na namalayan ang paglabas ng isang babae sa isang pintuan.
"Oh, there you are! Hello, Esperanza, my dear!" masayang bati niya ngunit naroon pa rin sa boses nito ang pagiging sopistikada.
Bumaba ang tingin ko sa labi nito nang mapansin ang kulay black niyang lipstick, full-volumed din ang buhok nito at parang isang reyna sa kaniyang kaharian, she has the look of Cleopatra. Hindi ko lang magawang makita ng buo ang mukha niya dahil sa half mask na gamit nito.
"I am actually excited to see you, kasi alam mo ba? You made me feel proud, isa kang alamat," dugtong pa niya.
Peke ang naging ngiti ko dahil hindi ko alam kung anong maaari kong sabihin, nananatili pa rin akong nakatayo at nakaharap sa round table nitong kulay pula na napapalibutan ng ilang swivel chair.
"Oh! Sige, my dear, umupo ka muna. Pasensya at masyado akong nabibighani sa ganda mo," wika niya saka pa malakas na tumawa.
Wala sa sariling napangiwi ako habang marahang umuupo sa swivel chair na nahila ko. Nang makaupo ay pinakiramdaman ko ang sarili habang panay naman ang titig sa akin ni Madame X.
Ang kaninang kaba ko ay nawala, tila agos ng tubig sa dagat. Hindi ko akalaing ganito pala si Madame X, she's funny though, but I find her creepy because of her make up. Itim na itim at makapal ang eyeliner nito, samahan pa ng malalagong false eye lashes.
"Just imagine, binayaran ka ni Third na walang nangyayaring sexual intercourse. I am so amazed, ikaw palang ang nakakagawa no'n so I must say, teknik mo 'yon or sinadya mong ganoon?"
Mabilis akong umiling dito. How could she say that without even knowing the whole story? Kung may pagkakataon nga lang talaga akong tumanggi ay ginawa ko na, but they leave me with no choice.
"Hindi po, sorry sa nangyari. Bawal po ba iyong gano'n?" tanong ko pa habang pinaglalaro ang mga daliri na siyang nasa hita ko.
"No, my dear, I'm just so happy and a lil bit confused. But anyway, you did a great job, Esperanza, looking forward for your next performance," pahayag niya saka ako kinindatan.
Performance? What the fuck?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro