Chapter 2
Bright Green Eyes
***
Matapos nilang mag alay ng dasal sa puntod ng kaniyang daddy Santi ay naunang pumanhik sina Ullysis at Magda sa kotse. Kasama rin nila ang ina nilang si Hilda na noo'y inaalalayan nilang makapasok sa kotse. Malayo-layo ang tingin ni Summer sa kinatatayuan niya mula sa pagkakaparada ng kotse ni Ullysis nang biglang napakislot siya nang marinig ang dagundong ng nagbabadyang ulan.
Makulimlim na ang kalangitan kaya naman napagpasyahan niyang tapusin ang pagmuni-muni sa harap ng puntod ng kaniyang ama. "Sige po dad, aalis na po ako, I love you." Sabi pa niya rito habang nag-gesture ng flying kiss na animo'y kaharap lang niya ang pigura ng kaniyang ama. Aminado kasi siyang daddy's girl kaya ganito na lamang ang kaniyang pangungulila sa kaniyang namayapang ama.
Nang naglakad na si Summer sa gawi nila Ullysis ay may nabangga siyang kung sino. Nakasuot ito ng maitim na tuxedo habang nakasalamin din na itim, 'yong animo'y men in black. May katabi itong isang lalaki na gaya rin ng nakaitim na ginoo na halatang amo nilang lahat.
"Sorry po." Pag-iiwas niya ng tingin bago tuluyang lumayo. Pero bago pa man makalayo ay napansin ni Summer ang pagsipat ng matandang lalaki sa kaniyang gawi at tila e-pwenesto pa pababa hanggang sa kaniyang tungki ng ilong ang salaming itim na suot nito.
Animo'y may kung ano itong tinitingnan sa parte ng kaniyang mukha.
Ano kaya iyon?
Tanong pa ng isip niya.
Binawi niya ulit ang tingin at nagpatuloy sa paglakad. Narinig pa niya ang sigaw ni Magda na noo'y nasa loob na ng harapang bahagi ng kotse. "Dali ate! Maabutan ka ng ulan!" Tili nito kaya naman napalakad-takbo agad siya sa gawi nila at tiyempong pagpasok ni Summer sa kotse ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahan-dahang inandar ni Ullysis ang makina ng kotse at noo'y nagsimula nang gumalaw. Napalingon ulit si Summer sa bandang iyon kung saan naroroon siya nakatayo.
Nandoon pa rin ang mga lalaking nakaitim, naka-payong na ang mga ito ng kaparehang kulay ng kanilang mga suot. Animo'y nagluluksa ang mga ito sa mga oras na 'yon. Na curious pa siya dahil sa pagpuna ng matandang lalaking iyon sa kaniyang mukha kanina. Partikular sa kaniyang mga mata.
Nakaka-kaba lang kasi ng tingin nito, na tila pinupuntirya ang kaniyang kaluluwa sa likod ng kaniyang mga mata.
Iyong parang naninigiradong mga titig.
Pero bago pa man siya mag-conclude ay nagsalita ng kung ano ang mama Hilda nila na noo'y nasa kaniyang gilid. "Gutom na ang baby ko!". Ani nito habang sinasapo ang sariling tiyan na animo'y buntis. Napatingin si Summer kay Magda, ganoon din ang dalawang magkasintahan sa kaniya na tila nakikipag-titigan kung ano ang ibig sahihin ng sinabi nito.
"Oho ma, antay lang po tayo, okey? Papakainin namin 'yang baby mo mamaya 'pag nandoon na tayo sa bahay.." Explain pa ni Summer dito na halatang hinihimay ang bawat pagbigkas na tila kumaka-usap ng bata.
Ngumiti naman ito sa kaniyang at muling nagsalita. "Ang bait mong bata hija, ang swerte siguro ng magulang mo." Sabi pa nito sa kaniyang pero imbes na magsalita bilang pagresponde ay marahan lamang niya itong hinalikan sa noo. A pure innocent kiss.
Natanaw pa ni Summer ang mga hitsura nina Magda at Ullysis na noo'y nakangiti.
"Mas maswerte po kami ma, kasi ikaw ang mommy namin.." Sabi pa ni Magda sa kaniyang ina na parang wala lang dito ang narinig at noo'y ipinukol muli ang tingin sa bintanang nababasa na ng ulan.
She already knew, it's very complicated to handle her mom's situation pero as long as magkasama silang tatlo ni Magda ay kakayanin nila iyon. Ang Ina na lang ang pinaghuhugutan nila ng kanilang lakas, lalo pa ngayong nagkaka-edad na rin ito at gaya nya'y nagbi-build na rin silang dalawa ni Magda ng kani-kanilang mga pangarap.
Dalawang taon na mula ng maka-graudate siya sa kursong physical therapist, naka avail siya sa scholarship ng gobyerno at fortunately, nakapasa sa licensed exam as medical technician therapist. Si Magda naman ay kaka-fourth year college lang ngayong taon sa kursong Dentistry. Gaya niya'y working student din ito at rumaraket minsan sa modeling at mga mall show events bilang promogirl. Doon din nito nakilala si Ullysis na isang baguhan din gaya niya na modelo. Actually, she find him natural at tipikal lamang na lalaki, simple lang itong umasta kahit pa nga alam ni Summer na may kaugnayan si Ullysis sa sikat na promoter ng Harrison Modeling Incorporation. Iyon 'yong kompanyang nagpapasikat sa mga baguhang modelo dito sa Pilipinas at ini-expose sa ibang country.
Pero kahit pa ganoon, Ullysis is a type of low key man, and that's the reason why she admire him to be with her little sister's boyfriend.
"Ate? Lutang ka na naman, pati rin ba ikaw gutom na?" Satsat na naman ni Magda habang naririnig niya ang pagkanta ni Ullysis sa isang awiting pinapatugtog sa stereo ng kotse nito.
Umiling lang si Summer at sumandal sa balikat ng kaniyang ina. It's her safest place of all, ang pagsandal sa braso ng kaniyang ina at ama noon. Kaya nga siguro minsan sinasabihan nila siyang Santina the second. Hanggang hindi na niya napansing nakaidlip na pala siya habang nakikipagbuno pa si Ullysis sa napaka-traffic na lugar ng Edsa road.
***
(Glavio's moment while in the cemetery)
"Boss? Okey lang po ba kayo?" Tanong ng isa sa mga kasamang bodyguard ni Don Glavio. Marahan lamang siyang tumango at muling tumitig sa puntod na iyon. Halos isang dekada na rin ang nakalipas, isang dekada na rin ang nakakaraan ng mawalan siya ng dalawang importanteng tao sa buhay niya.
"Masaya na siguro kayo riyan, ano?" Turan pa niya na parang nakikipag-usap lamang sa hangin.
"Andaya n'yong dalawa, sabay pa talaga kayong nawala sa akin." Ani nito na ramdam ang umaagos na luhang kanina pa niya ikinukubli. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang nararamdaman niya ngayon. Pagkabigo.
Ngayon ang araw ng pagluluksa ni Don Glavio sa kaniyang mag-inang si Elizabeth at ang munting sanggol na nasa sinapupunan nito, ang anghel na hindi nasilayan ang mundong dapat sana'y ibibigay pa niya. Pagak pang napatawa ang dakilang ginoo dahil sa kabila ng pagluluksa ng kaniyang mag-ina ay ang rumihestrong imahe ng matalik niyang kaibigan.
"Santi, kung nasaan man kayo ngayon, alagaan mo ang mag ina ko. Patawad, matalik kong kaibigan.." Usal pa niya bago nilapag ang isang bagay sa puntod ni Santi na siyang katabi lang din ng puntod ng kaniyang yumaong asawa na si Elizabeth. Isang metro lang ang layo ng pagkakalibing ng puntod ng mga iyon.
Elizabeth Romero and little Angel at si Santi Remolada, ang kaniyang nag-iisang matalik na kaibigan. Ang taong hindi umiwan sa kanila simula pa noong nasa Madrid silang tatlo, hanggang maglayas silang dalawa ni Elizabeth papunta dito sa Pilipinas.
Ang lalaking nabangga ng sarili kong anak. Ang pamilyang hindi ko inakalang mawawasak dahil sa isang trahedya..
Sambit pa ng guni-guni ni Don Glavio.
"Boss, lumalakas na po ang hangin at ulan, tara na po.." Sabi pa ng kaniyang tauhan. Muli'y nilisan niya ang dalawang puntod na iyon. Ang dalawang taong halos kasabayan niya sana noon sa industriya. Iisa lang ang dapat niyang mahanap at makita ngayon. Tutuparin niya ang sinumpaang iyon mula sa kaniyang asawa. Hahanapin niya si Hilda, ang asawa ni Santi at ang mga anak nito.
Nakasakay na siya sa kotse at noo'y pumanhik na sa kanilang destinasyon. Iisa lamang ang gusto niyang puntahan sa ngayon, ang Demoirtel. Ang lugar kung saan nakikipag- negosasyon siya bilang isa sa mga top sponsor ng mga anghel ni Suprima X. Ang walang pagkakakilanlang babae sa likod ng mascara.
Nagbabakasakali rin si Don Glavio na baka sa pamamagitan ng ahensyang iyon ay makikita niya ang mga anak ni Santi. Natitiyak niyang dala rin ng mga ito ang mukha't appeal ng pagiging Remolada. Natitiyak niyang magaganda ang mga anak ni Santi, at kung hindi siya nagkakamali, dalaga na at nasa hustong edad na ang mga ito ngayon.
Bahagya pa siyang natigilan nang sumiksik sa isipan niya ang pagmumukha ng babaeng bumangga sa kaniya kanina. Maganda, maputi, attractive ika nga, at may mga matang tila nakita na niya noon.
Ang mga matang 'yon..
Sambit pa niya sa kawalan habang mariing napahilot sa kaniyang sintido. Dumagdag pa kasi sa pino-problema niya ang pagiging supil ng kaniyang anak na si Cristobal o kilala sa screen name na si Storm. Ang walang emosyon na anak niyang namumuhay pa rin sa nakaraan.
...itutuloy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro