Chapter 8
Chapter 8
Ngayon ko lang naisip, alam kaya nila mama at papa na illegal itong Rampage Society? At talagang may shares pa sila, ah? Wala sa sariling napangiwi ako sa katotohanang iyon.
Hindi ko na namalayan ang oras dahil abala ako sa pagkalikot nitong mga computer na nasa harapan ko. Kung anu-ano ang binubuksan kong files and folder, para makakuha ng impormasyong pwede kong makalap.
Kapag nakakakuha naman ako ay kaagad ko iyong isinusulat sa maliit kong notebook upang hindi ko makalimutan, saka ko ililipat mamaya sa laptop pagkatapos ng oras ko rito.
Wala na akong naging pakialam sa oras. Mabilis ang kamay kong nagtitipa sa keyboard, kasabay nito ay ang likot ng mata ko hanggang sa mapunta ako sa isang site.
Sa unang tingin pa lang ay maihahalintulad na ito sa dark website, kung saan madalas nagaganap ang underground negotiations at illegal transactions.
Tumaas ang isang kilay ko nang mabasa ang logo sa site na iyon— Rampage Society. Mayamaya pa ay isa-isang nagsilabasan ang option na pagpipilian, kaya mabilis kong pinindot ang “profile” link.
It's like a foreword at background profile ng Rampage Society ang naroon. Mabilis kong kinuha ang ballpen na siyang nakaipit sa tainga ko at isinulat ang mga katagang nababasa.
"It is run through upgraded technology called Titanium, a safe and easy way not to be trace by someone, especially when it comes to taxes or government rules and policy."
As what I thought. Kaya pala maski sa google ay hindi ko makita ang Rampage Society and other whereabouts ng nasabing company.
Napangisi ako habang ini-scroll pababa ang site habang ang bawat salitang naroon ay nakatatak na sa utak ko, wala na pala akong masyadong oras dahil pasado alas singko na.
Kahit naka-focus ako sa ginagawa ay alerto ang katawan ko sa mga naririnig, lalo na sa mga yabag na alam kong papalapit sa cubicle ko, katulad na lamang nang pagdating ni Adam.
Mabilis kong pinindot ang alt+shift+delete dahilan para mawala lahat ng naka-open na application and cache sa computer monitor.
"Anong ginagawa mo?" Dinig kong turan ni Adam at lumapit sa gilid ko.
Tiningala ko siya at nakitang naupo ito sa lamesang naroon habang itinukod ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid. Mariin ako nitong tinitigan, animo'y tinitimbang ang magiging reaction ko.
Ngunit ngumisi lamang ako at pinanatiling blanko ang mukha. "Nagte-take note ako ng mga pwede kong pag-aralan."
"Really? Let me see..." aniya at tangkang kukunin ang notebook ko nang mabilis ko iyong inilayo sa kaniya.
Wala sa sariling napalunok ako at inayos ang sarili, niligpit ko na rin ang mga nagkalat na gamit sa lamesa.
"Saan ka pala tumutuloy?" tanong ko, pasikretong inililiko ang topic.
"Bakit? Kailan ka pa naging interesado sa akin?" walang emosyong sambit niya.
Ngayon lang para aliwin ka— kibit ang balikat kong hindi na nagsalita.
Abala ako sa pag-aayos ng gamit nang mapansin kong hinawakan nito ang computer mouse, rason para sandali akong tumigil upang panoorin ang ginagawa nito.
Nang makitang papunta iyon sa “history” ay marahas akong tumayo. Nagulat naman ito sa ginawa ko, kaya nabitawan nito ang mouse. Bahagya akong lumapit sa gawi niya upang i-distract ito.
"Oo nga pala, first day ko rito kahapon at balak ko sanang gumala. May mga tour guide naman siguro rito, ano?" pahayag ko habang hindi umaalis sa tabi niya.
Mukha na akong tanga rito, pero bahala na. Marahan ko pang sinipa ang switch off ng buong computer na siyang naroon lang sa ilalim ng lamesa dahilan nang paglingon niya sa likuran ko nang mamatay ang tatlong monitor.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Dahan-dahan ay binalingan ako nito, pinagmamasdan ang mukha kong walang expression na nakatitig sa kaniya.
Kahit kabado ay hindi ko iyon ipinahalata, isabay pa ang taksil kong puso na grabe sa pagririgodon dahil sa sobrang lapit naming dalawa. Kapantay ng mukha nito ang dibdib ko at ako naman ay nakadungaw dito.
Unti-unti ay bumaba ang kaniyang tingin sa leeg ko at bago pa man tuluyan iyong bumagsak sa dibdib ko ay lumayo na ako rito. Dala ang bag ko ay iniwan ko na siya roon at deretsong lumabas ng department.
Sa bawat hakbang ng paa ko ay napapapikit ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Goodnes! Hindi ko alam kung bakit nag-init bigla ang katawan ko at parang gusto ko na lamang magtampisaw sa dagat.
Huminga ako nang malalim, bago pumasok ng elevator. Sa kamamadali pa kanina ay hindi ko na namalayang nakasunod pala sa akin si Adam, kaya nagulat pa ako noong pumasok ito sa loob.
"I can be your tour guide for today," baritonong sambit niya, kaya tiningala ko ito.
"Sure ka?" taas ang kilay na tanong ko.
Lumabi ito at kibit ang balikat na binalingan ako. "Yup! Actually, wala naman akong gagawin, kaya samahan na lang muna kita."
"Okay..." bulong ko at marahan na lamang tumango.
Mahigpit ang hawak ko sa bag nang magsarado ang elevator, kami lang kasi ang tao roon at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko, para akong nasu-suffocate sa presensya niya.
Isang beses lang naman kasi kami noon nagkita, iyon 'yung araw na nakita ko siyang sinusundan ako. Pagkatapos no'n ay hindi ko na ulit ito nakita hanggang sa maka-graduate ako at lumipad papuntang Italy.
Sa isang beses na pagkikita namin noon ay aaminin kong nahulog ang loob ko sa kaniya, siya lang iyong lalaking nagtangkang umamin sa akin. At sa kaniya ko lang din naramdaman ang kiliti na dala ng paghanga sa murang edad.
Nang bumukas ang elavator ay sabay kaming lumabas at parehong tahimik na tinatahak ang daan palabas ng building. Pinapauna ko ito, since siya ang susundan ko.
"Where do you want to go?" Nakapamulsa itong lumingon sa akin.
"Ano ba ang mga mayroon dito?" tanong ko at inilibot ang tingin sa paligid. "At saka matagal ka na ba rito?
Hindi siya sumagot bagkus ay naglakad ito palayo na siyang mabilis kong sinundan.
"Four years na yata?" sagot nito, ilang minuto ang lumipas.
Tumango ako habang pinapantayan ang malalaki nitong hakbang. Napansin kong patungo kami sa isang tulay kung saan ang seaport ng Rampage Island.
"So, ahm, matagal na pala, ano? Dito ka ba kaagad after mong maka-graduate noon?" pagtatanong ko pa ulit nang huminto kami sa pinakadulo ng tulay.
"Yeah, sinundan ko kasi 'yung pangarap ko," aniya sa mababang boses kaya nilingon ko ito.
Nakatanaw lang siya sa malayo, animo'y ang lalim ng iniisip o baka nagbabalik tanaw sa nakaraan. Kumunot naman ang noo ko habang pinagmamasdan ang mukha nito.
Infairness, ang gwapo pa rin kahit naka-side view.
"Na akala ko ay nandito," dugtong niya at saka pa mahinang natawa. "Na-scam lang pala ako."
"Bakit? Ano bang nangyari?"
Sa mga pinagsasabi nito ay hindi ko maiwasang mag-worry, tuloy ay nagiging interasado na ako sa kwento ng buhay niya. Kung makapagsalita kasi ito ngayon ay parang ang lalim ng pinaghuhugutan.
"I'm always chasing my dreams, pero kahit kailan ay hindi ko maabot-abot. Nag-iisa lang 'yon, pero napakahirap mapasa-kamay. In the end, sa iba ako napunta."
"Huh?" Mas lalo pang kumunot ang noo ko sa narinig.
Saan ba patungo itong pinag-uusapan namin? Ang sabi ko kanina ay i-tour ako ngunit heto kami, nakatambay sa seaport.
"Alam mo, kung ano man 'yan ay malalampasan mo rin 'yan. Look at you now, isa ka ng head IT officer—"
"Wala ka talagang alam tungkol sa akin, ano?" pagpuputol nito sa akin dahilan para muli ko siyang balingan.
Nakatingin na ito sa akin ngayon, bulgar na nakaigting ang kaniyang panga habang malamlam ang mga matang nakatitig sa mukha ko.
Ano bang pinagsasabi niya? Natural lang naman na wala akong alam sa kaniya, isang beses lang kami nagkita noon. Tingin ba niya ay pag-aaksayahan ko siya ng oras?
Yes, nasabi kong gusto ko siya, pero hindi iyon naging sapat sa akin para problemahin pa siya. I have my own dreams. Abala ako sa pag-abot ng pangarap, kaya hanggang ngayon ay single pa rin ako.
"You are, and always have been, my dream."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro