Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Habol-habol ang hininga ko nang lumabas ako ng elevator at halos magkabuhol-buhol ang hininga ko dahilan upang huminto ako sandali para makalanghap ng hangin.

"Saan ba ang punta mo? Ihahatid na kita." Dinig kong boses ni Adam sa likuran ko.

Ilang minuto lang nang pantayan niya ako at binalingan ang mukha ko. Nagtiim bagang ako at inisang linya ang labi upang pigilan ang sarili. Hindi ko na alam ang gagawin ko. F*ck!

Ang mga mata naman ni Adam ay bumaba sa linya ng panga ko, pababa sa labi ko na mas lalong nagpainit ng mukha ko, lalo pa nang mataman kong muli nasilayan ang pagdila nito sa natutuyong labi.

F*cking sh*t! Wala sa sariling napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Ayokong magmura, pero tangina talaga, bakit ba ganito? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

All right. Fine, na-miss ko siya.

Mariin akong pumikit at pumihit patalikod sa kaniya, saka walang pasabing iniwan siya roon. Tinahak ko ang daan patungo sa hindi ko malaman kung saan papunta.

Basta naglalakad lang ako habang inisa-isang tingnan ang mga karatulang nakasabit sa madadaanang glass door hanggang sa mapahinto akong muli at napatitig sa isang pinto.

"Tech Hub," pagbasa ko mula roon sa nakasulat.

Kaya naman natanto kong ito na 'yung hinahanap kong IT Department. Huminga ako nang malalim, bago buksan ang pintuan ngunit nabigo ako nang mapansing may device na naka-install sa gilid at kailangan ng passcode.

Napangiwi ako at hindi sinasadyang lingunin si Adam upang humingi sana ng tulong ngunit hindi ko na kailangan pang hanapin siya dahil naroon na ito kaagad sa tabi ko.

"Dito ka ba naka-assign?" taas ang kilay niyang pagtatanong, tila nang-aasar.

Ano bang problema nito?

"Ah, wait! Ikaw ba ang bagong IT specialist? Hindi ba't journalist ka? Paano ka napunta sa department ko?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at wala sa sariling pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. He's wearing a simple gray suit, naka-tuck in pa iyon sa kaniyang black pants.

Bumaba ang tingin ko sa matipuno nitong katawan. His shoulder became broader, pati ang biceps at dibdib nitong bumabakat sa kaniyang suot.

"Eyes on me, young lady," aniya dahilan para magtaas ako ng tingin sa kaniya.

His face was totally clean, maliban nga lang sa panga nitong natatabunan ng extended goatee. His perfect jawline and his hair is in top knot style that made him very masculine in any angle.

Even his eyes, though they were still the same. Bumaba ang tingin ko sa ilong nitong matangos and that f*cking kissable lips, doon ay nagtagal ang atensyon ko.

"Reece..."

The old Adam is now gone, talaga ngang malayo na siya sa Adam na nakilala ko na noo'y stalker ko pala. But wait, bakit ba sunod nang sunod 'to sa akin?

Tumaas ang kilay ko, pinapantayan ang pang-uudyo niya. Don't tell me, stalker ko pa rin siya?

"Are you my stalker—"

Hindi na ako nito hinayaang matapos magsalita nang walang sabi-sabing hinila nito ang batok ko palapit sa kaniyang mukha. The next thing I knew, his lips landed on my lips.

He kissed me for f*cking pete's sake!

"Next time, don't stare at me like that. I might kiss you all day long," paos niyang sambit nang humiwalay siya sa akin, saka pa ito tumawa.

Sasampalin ko na sana ito nang dumukwang siya sa balikat ko, kasunod nito ay ang pagtunog ng isang device at ang pagbukas ng pintuan na nasa likuran ko. Napakurap-kurap ako sa hangin at halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses akong nalagutan ng hininga sa pinaggagagawa ng lalaking iyon. Mabibigat ang hininga ko nang tuluyan na ako nitong nilayuan.

Mabuti naman at mahihimatay talaga ako nang wala sa oras! Argh! Inirapan ko ito dahilan nang kaniyang pagtawa. Ano ba kasing problema niya? Ninakaw pa nito ang first kiss ko, d*mn it!

"Let's go, late na tayo," pukaw nito sa akin, bago hinawakan ang siko ko.

Masuyo nitong hinila iyon papasok sa loob ng Tech Hub habang natahimik na lamang ako sa kaniyang tabi, tila nawala na sa tamang huwisyo.

"Okay, people! Attention please!" Sigaw nito sa loob, kaya kunot ang noo kong tiningala ito.

Ano bang ginagawa niya? Sa loob ba ng apat na taon, anong klaseng droga ba ang hinihithit nito?

Nagustuhan ko siya noon, pero hindi ko akalaing lalaki siyang ganito. Well, oo nga pala, isang beses lang kaming nagkita noon. So most probably, dati na siyang ganiyan kabaliw.

"So, this is Laureece Miller. Our newest IT specialist," pagbasag nito sa natahimik na mga tao na noon ay nakadungaw sa aming dalawa.

Nilingon ko ang paligid at hindi na ako nagulat kung gaano kaganda ang interior design ng IT Department, sa gitnang bahagi ay naroon nakahilera ang mga dikit-dikit na work station.

Sa gilid ay ang mga cubicle na sa tingin ko ay para sa mga mas ahead na position. Tumagilid ang ulo ko at mabilis na nag-landing ang mga mata sa kamay ni Adam na nananatiling nakahawak sa akin.

"Come here," saad nito at hinila na naman ako kung saan.

"Can you just please, leave me the f"cking alone?" Giit ko rito at pilit na binabawi ang kamay ko.

"Not unless naihatid na kita sa work station mo. And I don't tolerate that kind of attitude you have, Miss Miller," pahayag niya habang naglalakad na siya namang sinusundan ko.

"Wow, really?" pagak akong tumawa.

Is this even for real? Baliw na talaga. Gusto ko pang sampalin ang sarili sa katotohanang siya iyong pinagpantasyahan ko sa nakalipas na taon, pero ngayon ay hindi ko magawang maibalik sa dati feelings ko.

Pakiramdam ko ay may nagbago. Hndi lang sa kaniya kung 'di sa akin din. Hindi na ito sumagot at nanatiling walang imik hanggang sa makarating kami sa isang cubicle na naroon sa pinakadulo.

"Here, this will be your work station and if you have some question, nandoon lang ako," sambit niya at itinuro ang isang pinto sa likuran ng cubicle ko.

"Anong mayroon diyan?" takang tanong ko.

Bago ko makalimutan, may mission nga pala ako.

"Nariyan ang mga head support IT specialist," simpleng sagot nito habang titig na titig sa mukha ko.

Huminga ako nang malalim at saka siya inirapan. Ewan ko ba kung bakit naaasar ako sa presensya niya, imbes na matuwa ako dahil muli kaming nagkita. O baka ganito talaga ako ma-excite?

F*ck, whatever.

Pumasok na ako sa loob ng cubicle at hindi na ito nilingon pa. Pasalampak akong naupo sa swivel chair at sandaling napatitig sa tatlong computer na nasa harapan ko.

"So tell me, alam mo na ba ang gagawin mo as an IT specialist?"

Umirap ako sa ere dahil sa narinig. Akala ko ay umalis na ito, pero hindi pa pala at nagawa pa akong sundan sa loob. Nanigas na lamang ang katawan ko nang dumikit ang kaniyang dibdib sa likuran ko.

Humawak pa ito sa kaliwang balikat ko bilang suporta at siya na ang nagbukas ng monitor para sa akin. Mariin akong napapikit nang sabay-sabay nag-open ang mga computer.

Ang pintig ng puso ko ay malapit na mag-isang linya sa totoo lang, para na akong mamamatay kung patuloy pa niyang gagawin ang paglapit sa akin ng ganito.

"Alam mo, pwede mo naman akong turuan. Just please, lumayo-layo ka bago kita masampal," mariing sambit ko dahilan para lingunin niya ako.

Sa ginawa ay halos hindi na ako makahinga dahil mismong hininga nito ay tumatama sa kanang pisngi ko. Hindi pa rin siya umaalis sa pwesto nito, animo'y nag-e-enjoy na pinagtitripan ako.

Oh, God. For christ's sake, ninakaw na nito ang first kiss ko. Nagkulang pa ba siya roon?

"Noon pa man, ang sungit mo na talaga. I wonder, wala ka pa ring naging boyfriend, hmm?" bulong nito sa tainga ko.

"Excuse me, pero para sabihin ko sayo, marami akong boyfriend. Bigyan pa kita, gusto mo?" pang-uudyo ko at iminulat ang isang mata para silipin siya.

Nakita ko naman ang pag-igting ng panga nito dahil sa sinabi ko, rason para mapangisi ako.

Boyfriend, as in boy bestfriend.

"Mamili ka lang sa kanila, papadala ko sa 'yo ang port folio—"

"Stop it," pagpuputol nito sa akin, bago tuluyang tumayo.

Pagak na lamang akong natawa sa sarili nang marinig ko ang pagbukas-sarado ng pintuan sa cubicle ko, hudyat na umalis na ito.

Anong nangyari ro'n?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro