Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Nang makababa sa may malawak na patag na lupa ay sumalubong sa amin ang isang grupo ng kalalakihan, para silang mga sundalo dahil sa mga kamay nilang nakasaludo sa amin.

"Good afternoon, ma'am and sir! Welcome to Rampage Island!" anang isang lalaki, saka kami sinabitan sa leeg ng tag-iaang hawaiian leis flower.

Napangiti ako bilang tugon at binalingan si papa na ngayon ay nakasunod lamang sa akin habang hawak sa isang kamay ang maleta ko. Nang mapansin akong nakatitig sa kaniya ay tipid lamang itong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad.

Palinga-linga ako sa magkabilaang gilid at kahit ngayong nasa lapag na kami ay namamangha pa rin ako. Napakaaliwalas ng paligid— tipong lahat ng problemang dinadala ko ay tinatangay ng hanging kay lamig sa pakiramdam.

Wala sa sariling napangiti ako habang tinatahak ang daan patungo sa malaking building na naroon sa harapan namin. It has a color of cream and brown at sa sobrang lawak nito ay hindi ko alam kung saan ang hangganan no'n.

Sa gilid ay mayroong mga gazeebo at ilang mga room faculties na napapalibutan ng mga palm trees. Sa kalilibot ng tingin ay hindi ko na namalayang narating na pala namin iyong building at deretsong pumasok sa loob.

"Good afternoon! Welcome to Rampage Island!" masayang turan ng babae na naroon sa information desk.

So, sinunod pala sa Rampage ang pangalan ng isla na 'to? Ang cool. Sa sobrang pagkamangha ay halos buong minuto akong nakanganga. Ang noo'y pagkamuhi at pandidiri sa lugar ay parang naglaho na lang bigla.

May sinabi si papa sa babae na hindi ko na nasundan pa dahil panay ang ikot ko sa lugar, inisa-isang nililingon ang mga taong nagdaraan sa malawak na hallway.

"Reece, let's go." Dinig kong anyaya ni papa at nauna na sa paglalakad na mabilis ko ring sinundan.

Hinatak namin ang hagdan paakyat sa second floor at nilakad ang kahabaan ng hallway na carpented, para itong five-star hotel na may mga steel door sa magkabilaang gilid.

Bawat kanto ay napapalingon ako na halos hindi ko na maitago ang pagkamangha sa kabuuan ng palapag na iyon, para lang akong bata na ipinapasyal ng kaniyang ama sa isang parke.

"We're here," pahayag ni papa at huminto sa isang pinto na mayroong numerong 23A.

"Ito ang magiging kwarto ko?" takang tanong ko na siyang tinanguan naman niya.

Matapos nitong i-tap ang isang black card ay kusa iyong nagbukas at bumungad sa paningin ko ang nakakapanindig balahibo sa ganda ng interior design.

I just can't explain how amazed I am right now. I was left speechless. God d*mn it.

Pumasok kami sa loob at dumeretso sa sala upang doon umupo sa pahabang sofa, samantalang si papa naman ay naupo sa kaharap kong single sofa.

"You're okay, here?" aniya habang mariin akong pinagmamasdan, animo'y tinitimbang pa ang emosyong sa mukha ko.

"Ahm, yes?" Tumaas ang isang kilay ko at saka pa muling nilibot ng tingin ang loob ng unit.

Namangha na ako sa labas pa lang, kaya hindi maipag-aakilang maayos at maganda rin dito sa loob. Naroon ang chill vibes na siyang hinahanap ng mga turista sa isang resort.

It has it all; the ambiance, the scenery and other amenities and services.

"Not bad," simpleng sagot ko at tipid na ngumiti.

"Right! Good to know then," aniya at sinuklian ako ng masayang ngiti, tila ba nasisiyahan siyang makitang nagugustuhan ko ang lugar.

"Ano palang magiging trabaho ko rito?" tanong ko, baka pa sa boses ko ang pagiging excited.

"What do you want, hmm?"

"May pagpipilian ba?" Tila nabuhay ang dugo ko sa narinig at bahagya pa akong umahon mula sa pagkakaupo.

Itinukod ko ang dalawang siko sa kandungan ko habang maang na nakatitig kay papa. Kasi kung mayroon ay mas mapapadali ang pagkalap ko ng mga impormasyon na pwede kong mailahad sa report ko.

"Yes, pwede ka sa Global Positioning Market as financial officer—"

"Mayroon bang offer sa Techonology Department dito?" pagsingit ko sa kaninang sinasabi nito.

Since ang pangunahin kong trabaho as a journalist in Black Hawk Dragon Organization is to monitor some secret data base, to gather full information using their tech-savvy nature.

Kailangan kong malaman kung paano, saan at ano ang mga kamaliang ginagawa sa loob ng Rampage, 'coz based on my mission— Rampage Society is illegal.

A pure illegal business.

"Gusto mong maging IT specialist?" Dinig kong bulalas ni papa dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Binalingan ko ito at nakitang nakakunot ang kaniyang noo, halos magdikit ang dalawang kilay na tinitigan ako na para bang hinahanap sa mukha ko kung tama bang nagbibiro ako ngunit seryosong tingin ang iginawad ko rito.

IT specialist? Sounds good, so yeah.

"Yes? I just want to try it at kapag na-bore ako, pwede ba akong lumipat sa GPM as their financial officer?" dugtong ko at hindi na maitago ang excitement sa boses, para lang akong bata na nanghihingi ng pabor.

Dahil sa sinabi ko ay tuluyan nang napanganga sa akin si papa at hindi makapaniwalang pinagmamasdan ako.

Naisip ko lang din kasi, what if kung pwede naman, hindi ba? After kong makakuha ng impormasyon sa IT Department ay lilipat ako sa iba para mas mapalawak ang nalalaman ko.

Wala sa sariling napangiti ako at tinagilid ang ulo, kailangan kong matapos ang mission ko sa loob ng anim na buwan at sa ganoong paraan ay mapapabilis ang pag-alis ko sa lugar na 'to.

"Sure ka ba riyan? I don't know if it's allowed, Reece," matigas ang boses niyang pahayag, kaya nahulas ang emosyon sa mukha ko.

Tipid akong ngumiti. "It's all right."

Kung hindi pwede, gagawa na lang ako ng ibang paraan. Mabuti siguro kung pag-aralan ko muna ang mga tao rito, kung ano ang galaw at mga ugali nila. Hindi pa nagtagal nang tumayo si papa at bahagyang nag-inat ng katawan.

"Hindi na ako magtatagal dito, Reece. I need to go back, bago pa man ako maabutan ng dilim sa himpapawid," aniya at saka inayos ang sarili.

Marahan akong tumango at tumayo na rin mula sa pagkakasalampak sa sofa.

"Bukas ay may darating ditong tauhan para i-orient ka at nang mai-tour ka muna rito sa isla. Sa ngayon, you need to rest well, okay?" mahabang lintanya nito na siyang mabilis kong tinanguan ulit.

Sinamahan ko ito patungo sa pintuan at sandaling huminto upang lingunin ako. Kita ko pa ang mabigat nitong paghinga dahilan para kumunot ang noo ko.

"I know nahindi ka na bata, pero, Reece baby... take care of yourself, all right?" malambing nitong saad at niyakap ang ulo ko.

"Okay, pa..."

"Kapag may nangyaring masama, tumawag ka sa akin kaagad."

"Pa, naman, malaki na ako at alam ko na ang gagawin. You don't need to worry about me, nakaya ko nga noon sa Italy, e."

Mahina itong natawa dahil sa sinabi ko. "Oo nga pala, bago ko makalimutan, isa ka nga palang strong independent woman."

Natawa na rin ako, kalaunan nang mapait akong ngumiti at napakurap-kurap pa habang yakap siya.

"Sige na, hija, magpahinga ka muna rito, ah? Tumawag ka sa baba kung may kailangan ka. Mauuna na ako," paalam nito, bago tuluyang kumalas sa akin.

Hindi nagtagal nang maiwan ako sa loob at tuluyan na itong nakalabas ng kwarto. Nang maisarado ko ang pinto ay mabilis akong bumalik sa sala at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng unit.

Lumapit ako sa mga sulok at kinapa-kapa ang ilang mga gamit doon, katulad ng flatscreen TV, round table, lampshade at kahit iyong chandelier ay tiningnan ko rin.

Marahas kong tinanggal ang pinakahuling hidden audio recorder na nakita ko at inilapag sa lamesa. So far ay wala namang hidden cameras na naka-install sa loob.

Hinila ko pa ang isang wire na naka-connect sa kabilang kwarto na hindi ko malaman kung para saan iyon. Matapos ay pinagpag ko ang dalawang palad at napatitig sa mga nakolekta ko, kinuha ko ang isa at saka maiging tinitigan.

It's a micro voice recorder that capture high quality and a high definition remote recording devices that capable of voice activation from a distance including real-time monitoring.

Uh-huh? Hindi ko akalaing may ganito sa loob ng Rampage Society. For what, hmm? Well, sa apat na taong pagtatrabaho ko sa Black Hawk Dragon Organization ay isa ito sa mga natutuhan ko.

Ngumisi ako, saka tinungo ang maleta ko at binuksan. Kinuha ko ang laptop kong naroon sa pinakailalim at dali-daling in-open. Dinala ko iyon sa center table at pinatong doon.

Okay! I'm going to write down my first day experience here in Rampage Island.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro