Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3

Hila-hila ang maleta nang pumasok ako sa gate papasok ng village. Sa tulong ng private chopper ng Organization ay mas mabilis ang naging biyahe ko, iyon nga lang ay dahil six hours ahead ang oras ng Pinas sa Italy, pasado alas dos na ng hapon ako nakarating.

Sa bahay ay naabutan ko roon si papa na abalang nagbabasa ng newspaper at dahil nakatagilid ito ng upo sa pang-isahang sofa ay mabilis niya akong nilingon. Kita ko mula rito ang panlalaki ng kaniyang mga mata.

Ang hawak nitong diyaryo ay unti-unti niyang ibinaba sa mesang naroon sa gitna, tinanggal pa nito ang suot niyang reading glass at napatayo mula sa kinauupuan.

"Reece?" aniya nang nakakunot ang noo dahilan para mangiti ako.

May sa katandaan na nga talaga ito, pero kahit na ganoon ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya, parang walang pinagbago dahil halata pa rin ang pagiging dominante nito. Hindi ko na siya hinayaang maglakad dahil ako na ang nagkusang lumapit dito at mahigpit itong niyakap.

"Papa..." sambit ko, kalaunan nang maramdaman ko ang dalawang braso niyang yumakap sa akin. "I miss you, Pa."

"I miss you more, hija," sagot nito at saka pa hinaplos ang medyo magulo kong buhok dahil sa uri ng pagtulog ko kanina sa chopper.

Huminga ako nang malalim at hinayaan ang sarili sa ganoong sitwasyon. I'm a "daddy's girl" way back in my childhood, hanggang ngayon pa rin yata? Mas kasundo ko siya sa lahat ng bagay, suportado niya lahat ng ginagawa o mga pangarap ko.

Kumpara kay mama na may pagka-strict at metikolosa. Kung ano ang nais nito ay gusto niyang masunod, kagaya na lamang noong ino-offer niya sa akin ang Rampage Society, umalis ako sa Pinas na masama ang loob dahil ayaw niya akong payagan at paalisin.

"Napaaga ang dating mo, ah? Anong nangyari? Tapos na ba ang kontrata mo roon sa Italy?" sunud-sunod nitong pagtatanong.

Ang alam nila ay by contract ang pinasukan kong company but the truth is, lifetime employment ang kontrata ko sa Black Hawk Dragon Organization, unless mag-retire ako at age of sixty or mag-resign.

Iniiwasan kasi ng organisasyon na paiba-iba ang tauhan nila to keep their company's secret, kaya kadalasan doon ay matatagal na at doon na rin tumatanda.

Hindi ko na nasagot ang tanong ni papa nang sabay kaming nakarinig ng pagkabasag dahilan para humiwalay ako sa kaniya at nilingon ang bagong dating- si mama na siyang tulalang nakatitig sa akin.

Nabitawan pa nito ang hawak na tray na may lamang isang baso ng kape, marahil para kay papa, kung kaya rin ay mabilis siyang nilapitan ni papa at pinalayo sa mga bubog na naroon sa paanan niya.

"Ma..." pagtawag ko rito at tipid na ngumiti.

"Re-Reece?" Katulad ni papa ay bakas din ang pagkagulat niya nang makita ako.

Sa pagmamadali kanina ay hindi ko na nagawang magsabi sa kanila na darating ako, nawala na rin sa utak ko dahil masyado na akong nilamon ng next mission ko.

Dahan-dahan ay nilapitan ko ito at walang pasabing niyakap na kaagad niyang sinuklian. Kung ano ang higpit ng sa akin ay ganoon din ito, tila ayaw na akong pakawalan dahilan para mahina akong matawa.

"I miss you... Mamu," bulong ko na mas lalo niyang ikinagulat.

Iyon kasi ang dati kong tawag sa kaniya, pero nang lumaki at nagdalaga na ay ginawa ko na lamang pormal. Madalas ay ginagamit ko na lang iyon noon sa tuwing naglalambing ako sa kaniya.

Kahit naman hindi kami okay noong umalis ako ay hindi rin naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Hindi ko kayang tiisin ang sariling pamilya, lalo si mama na namulatan ko simula pagsilang niya sa akin.

Alam ko ang dinanas nito noong wala si pala sa tabi niya, naroon ako noong mga panahong pumasok ito sa Rampage Society. At the age of five, wala pa akong muwang noon, saka ko lang siya natanto nang mabanggit ulit sa akin ang salitang Rampage Society.

"Reece, anak," aniya at saka pa pumiyok dahil sa kaniyang pagtangis.

Natawa na lamang ako dahil noon pa man ay napakababaw na ng luha nito, iyakin nga raw sabi ni papa. Mabuti at hindi ko iyon namana sa kaniya.

Humiwalay ito sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi, saka niya ako tinitigan sa mata dahilan para makita ko ang paisa-isang pagtulo ng luha nito.

"Miss na miss ka ni mamu," pahayag niya at pinanggigilan pa ang pisngi ko.

"Mama naman," natatawa kong saad at hinawakan ang dalawa niyang braso upang pigilan ito.

"Pero maiba nga tayo, bakit napaaga ang dating mo? Hindi ba't next year pa ang katapusan ng kontrata mo?" takang tanong nito at tumigil sandali.

Bahagya pa itong lumayo sa akin saka pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko, hanggang sa muli ako nitong balingan. Nakangiti kong pinagmamasdan siya habang halos magkadikit na ang dalawang kilay nito.

"Ma, nag-resign na po ako." Bumuntong hininga ko at pilit ulit ngumiti upang itago ang panginginig ng boses ko.

"Bakit ka nag-resign?" pagsingit ni papa nang matapos ito sa ginagawang pagligpit sa mga bubog, rason para lingunin ko siya.

Kibit ang balikat ko. "Masyado na kasi akong naho-homesick doon, kaya baka siguro ay dito na muna ako maghahanap ng trabaho."

Tumalikod ako upang itago ang pait sa mukha ko, mukha ng taong nagsisinungaling sa harapan ng kaniyang magulang. Kunwari pa ay tinungo ko ang maleta, bago hinila pabalik.

"Hmm, if ever ba na pumasok ako ng Rampage, tatanggapin pa rin kaya ako, Ma?" deretsong tanong ko at binalingan sila na ngayon ay natulala na lang sa mukha ko.

"Gu-gusto mong-" Si mama na halos hindi na yata makapagsalita dahil sa gulat.

"Himala at nagbago ang isip mo? Pumapayag ka na?" segunda ni papa nang hindi na magsalita si mama.

Mabilis akong tumango bilang sagot at naglakad palapit sa hagdan.

"Opo, gusto ko rin sana ay bukas na ako magsisimula," pahayag ko at hindi na sila nilingon dahil deretso na akong umakyat sa taas.

Napabuntong hininga pa ako nang tuluyan na akong makapasok sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Ayaw ko man sanang pumasok doon ay wala na akong magagawa.

Kinagabihan nang dumating si Lauren galing sa kung saan at pumasok sa kwarto ko, naabutan pa ako nitong nakatulala sa may veranda habang malalim ang iniisip.

"Ate!" tili nito at niyakap ako mula sa likuran.

"Lauren..." sambit ko, saka siya tuluyang hinarap.

Napangiti pa ako nang makita ang itsura niya, suot nito ay black lacy hanging sando na pinatungan niya lang ng maong jacket. Samantalang ang white skirt naman nito ay kumalahati na sa kaniyang hita, saka pinaresan ng gladiator sandals.

Sa pananamit pa lang ay sobrang magkaiba na kami ni Lauren, kung noon ay naturingan akong "boyish" sa uri ng istilo ko, siya naman ay may pagka-kikay, maarte at maldita kung minsan.

Malayong-malayo ang itsura namin dahil kung ako ay nagmana kay papa, siya ay nakuha niya lahat ng mayroon si mama. Magkaiba rin ang way of thinking namin, opinion at say sa buhay.

She's now in her college life and taking a business management at mukhang balak nitong saluhin ang company ni papa in the near future. Ganoon din si Lawrence na nakikipagsabayan pa rito.

"So, balita ko ay tinanggap mo na ang Rampage?" tanong niya nang nakataas ang kilay, tila inuudyo ako.

"Kailangan, e..." sagot ko at kibit ang balikat na binalingan ulit ang likuran.

Mula rito sa veranda ng kwarto ko ay kita ang kahabaan ng kalsada palabas ng village at dahil gabi na ay kumikislap pa sa paningin ko ang mga kulay dilaw na street lights.

"Kailangan ko ng trabaho," mabilis kong segunda at mahinang natawa. "Ikaw? Balita ko ay may boyfriend ka na?"

Nilingon ko ito na noo'y sumandal sa railings ng balcony at humarap sa loob ng kwarto ko, nakita ko pa ang unti-unting pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi.

Dahil doon ay natanto kong totoo nga ang sinabi ko, nanginig ang kaniyang balikat at labas ang gilagid na ngumiti siya, bago ako nilingon.

"Oo, Ate. Mayroon na pero..." Tumigil ito saglit at sumimangot. "LDR kami ngayon. Kaya almost one year na kaming hindi nagkikita."

Sa narinig ay nangunot ang noo ko. "Huh, bakit naman? Nasaan ba siya?"

"Ayun- he's chasing his dream, pero anyway, alam mo, Ate... na-miss kita," aniya na para bang iniwawala ang topic.

Wala namang problema sa akin kung magka-boyfriend siya, as long as nasa tamang edad at nasa mabuting tao naman siya, why not? Bakit pipigilan ang mga taong nagmamahalan?

Kibit lamang ang balikat ko at inabot ang ulo nito, saka marahang ginulo ang kaniyang buhok na siyang labis niyang ikinatuwa at muli'y yumakap sa akin. Magkaiba man kami sa lahat ng bagay- still, nagkakasundo pa rin kami bilang magkapatid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro