Chapter 17
Chapter 17
Hawak-kamay kaming bumaba ni Adam at sabay na lumabas ng Rampage building, sa oras na 'yon ay wala na yata akong ibang maramdaman kung 'di ang saya na siyang nag-uumapaw sa puso ko.
Ewan ko, basta ay masaya lang ako sa nararamdaman ko ngayon. For the first time in forever, ngayon lang ako sumaya sa ngalan ng pag-ibig na mali man din sa paningin ng iba ay hindi na iyon alintana sa akin.
"Where we going?" Kalaunan ay tanong ko nang hilain niya ako palapit sa dalampasigan.
Mula rito ay kitang-kita ko ang kalawakan ng isla, ang malalaking alon sa gitna na naging dahilan para ma-excite ako sa isipang magsu-surfing kami. Tama nga ang hinala ko nang huminto ito sa mga nakahilerang surfboard at kumuha ng isa, bago ako nilingon.
"Marunong ka?" sambit niya, animo'y nagyayabang sa akin kung kaya malakas akong tumawa.
"Try me, Adam..." pang-uudyo ko rito habang hindi mawala-wala ang ngisi sa labi ko.
Dahil sa totoo lang ay surfing ang isa sa mga favorite water sports ko, ito ang kadalasang past time ko noon every time na napupunta ako sa mga lugar na malapit sa isla. Sa sinabi ko pa ay nakita ko ang pag-angat ng dulo ng kaniyang labi at anh pagtaas ng isang kilay.
"Okay, let's go!" sigaw niya at nauna nang pumalaot.
Natawa na lamang ako at nailing, saka kumuha ng surfboard. Maagap ko rin itong sinundan na ngayon ay nasa bandang gitna na ng isla at naghihintay na lang ng malaking alon. Nailing na lamang ako sa sobrang bilis nito.
Ilang alon ang pinalampas ko at nang makakuha ng tyempo ay dinaig ko pa ang kidlat sa sobrang bilis, umangat ako mula sa surfboard at sinabayan ang agos ng dagat papunta sa gitnang bahagi.
"Woah!" Dinig ko pa sa kalayuan ang boses ni Adam na hindi ko masyadong napapansin.
Abala ako sa pagsasagawa ko ng surf tricks at inuna ko ang carve— carving is a way of changing the line and direction in open sections of the waves. When you do the carve, you put your weight and power on the surfboard's rail.
In other words, you bury the rail in the water, draw an arc and stay in the curl. Halos pasalampak akong nalaglag sa tubig nang matapos iyon, tumatawa pa ako dahil dinig na dinig ko ang sigaw ni Adam, animo'y chini-cheer ako.
Gamit ang surfboard ay nagpatianod si Adam palapit sa akin habang suot nito ang malawak na ngiti sa labi. Mayamaya pa nang huminto ito sa harapan ko, ilang dangkal lang ang layo sa akin.
"Hindi ko akalaing magaling ka nga," pagpuna nito, kasabay nang pagkamangha sa kaniyang mukha dahilan para mamula ang pisngi ko.
"For beginner trick pa lang iyon, lakas mo mambola," natatawa kong sagot.
"Let's do the ultimate surfing trick, tube ride?" mayabang nitong sambit habang itinataas-baba ang kilay.
Ang yabang, ah.
"Game," deretsong saad ko habang nakangisi at sinimulang lumangoy papunta sa gitna na hawak pa rin ang surfboard sa isang kamay.
Mabilis din namang sumunod si Adam at sabay pa kaming napahinto nang masigurong sapat nang nasa gitna kami, naghihintay na lamang ng mas malakas at malaking alon. Hindi rin nagtagal nang halos magkasabay naming ginawa ni Adam ang tube ride.
Where the barrel ride is the mother of all maneuvers in surfing. It consists of riding the hollow part of the wave, fully covered by the curl's lip. Iyon nga lang ay bihira lang ang perfect tubular waves at kailangan ng tiyaga sa paghihintay.
"Fuck!" sigaw ko nang banggain ako ni Adam, rason para ma-out of balance ako at mahulog.
Dinig ko ang malakas nitong pagtawa nang makaahon ako at marahas na pinunasan ang basa kong mukha.
"Adam!" muli kong sigaw at hindi na naitago ang inis.
Hinampas ko ang tubig nang mapansing papalapit ito sa akin na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos sa kaniyang pagtawa. Bwisit talaga.
Inirapan ko ito, tangkang tatalikod nang higitin nito ang kamay ko at ipinaharap sa kaniya. Salubong ang kilay kong tinitigan ito habang siya ay nakangiting aso na lamang.
"You're good in any ways, you always make me proud," sambit niya sa mababang boses.
Tumaas lamang ang kilay ko at kinagat ang pang-ibabang labi na mabilis naman niya iyong sinundan, kita ko pa ang pagdila nito sa kaniyang labi at muling tumingin sa mata ko.
"Can I kiss you?" tila paos at nagsusumamong saad niya.
Ngunit hindi pa man ako nakapagsasalita nang hilain nito ang batok ko at walang anu-ano'y sinakop ang nakaawang kong labi dahilan para mapapikit ako. Wala pa sa sariling nabitawan ko ang surfboard dahil tila nanghina ang katawan ko at ngayon ay mahigpit na lang kumapit sa leeg nito.
"Uhmm..." singhap ko nang may pagkakataong makahinga ako.
Para kasi itong gutom at uhaw na uhaw na hindi magawang pakawalan ang labi ko. Wala na rin akong naging pakialam sa paligid, tanging si Adam at ang malambot na lang nitong labi ang iniisip ko. Kasabay nito ay ang pag-uumapaw ng labis na saya sa puso ko.
Kulang na lang ay sumabog ako sa sayang nararamdaman. Nang humiwalay si Adam ay masuyo niyang hinaplos ang magkabilaan kong pisngi na siyang sobrang init ngayon at tumitig sa paraang ako lang ang nakikita nito, sumilay pa ang isang ngiti sa labi nito.
"You don't know how happy I am, Reece," malambing nitong pahayag at pinatakan pa ng halik ang noo ko.
"And I'm happy too, I really am," sagot ko sa katotohanang kanina ko pa nararamdaman at hinayaan ang sariling yakapin siya.
Ramdam ko pa ang paninigas ng kaniyang katawan, animo'y hindi inaasahan ang ginawa ko. Ngunit hindi na ito umapila pa, bagkus ay mas mahigpit pa ang naging pagyakap niya sa akin. Matapos 'yon ay inaya niya pa ako sa ibang water sports katulad ng wake-skating, surf-skiing and jet surfing na inabot yata kami ng tatlong oras.
Sunod naming pinuntahan ang isang underwater tunnel na may iba't-ibang equipment for another water sports. Nariyan ang scuba diving, sea walking, underwater scooter at marami pang iba na halos hindi ko na mabanggit. Una naming sinubukan ang underwater hockey kung saan kaming dalawa ni Adam ang magkalaban.
Sunod ay ang snorkeling with whale na naroon sa pinaka-sentro ng isla. Sa freediving naman na halos mamangha ako sa sobrang dami ng isdang nakikita sa paligid, nariyan pa ang iba't-ibang corals at malalaking bato sa gilid-gilid.
Hawak ni Adam ang kamay ko habang lumalangoy ito patungo sa nagkukumpulang isda na mabilis ding nagsialisan dahilan para matawa ako, para lang kaming bata na naglalaro.
We also give a try ang pinakatatakutan ng lahat, ang cage diving where you experience a close-up encounters with the ocean’s most fearsome predators, isa na rito ay ang naglalakihang pating. Hindi ko na nga namalayan ang oras at para lang akong bata na nakasunod kay Adam.
Samantalang parang takot itong mawala ako dahil ni hindi man lang niya binibitawan ang kamay ko. Nang makalabas sa underwater tunnel ay doon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan, bagsak ang balikat kong humilig sa braso ni Adam.
"You're tired," pagpuna niya sa akin na ikinatawa ko.
"Yeah, but I enjoy it. Thank you."
Sa narinig ay huminto ito, rason para matigilan din ako at nag-angat ng tingin dito. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilaan kong kamay at saka dinala iyon sa tapat ng bibig niya.
"And thank you, too, Reece..." pahayag niya at bumakas pa sa parehong mata nito ang hindi maipagkakailang saya.
"Para saan?"
For all I know, ako itong napasaya niya. He gave me a one week restday na labis kong ikinatuwa, may pagkakataon pa akong gumala at i-tour ang sarili kung saka-sakali.
"Dahil dumating ka— ang tagal kitang hinintay, Reece. Sa apat na taong paghihintay ko, halik mo pa lang ay sobrang saya ko na."
And with that, he kissed me again. Parang hindi na yata ito magsasawang halikan ako na buong puso ko rin namang tatanggapin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro