Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Kinabukasan nang magising ako dahil sa mabigat na bagay na siyang nakadagan sa hita ko. Unti-unti akong nagmulat, only to realized na paa pala iyon ni Adam habang ang kaliwang kamay naman nito ay nasa tiyan ko.

Hindi na ako nagulat at napahinga na lamang nang malalim We just slept together in one bed. Nothing more, nothing less. Dito ko na siya pinatulog sa unit dahil masyado akong nadala sa mga pinagsasabi nito kagabi.

Hindi ko alam kung paano siyang napunta rito sa tabi ko gayong sa sofa ko naman ito pinatulog. Napipilantik na napairap ako sa hangin ngunit lumamyos din ang reaction nang makita ang mahimbing nitong pagtulog.

Dinig ko pa ang mahina nitong paghilik. Ewan ko kung ano nang gagawin ko, kung dapat bang tanggapin ko siya kahit alam ko namang kaka-break lang nila ng ex-girlfriend niya. Naguguluhan ako dahil totoo namang may nararamdaman ako sa kaniya.

Though, nalulungkot din ako para sa mararamdaman ng girlfriend nito and at the same time ay natatakot. What if malaman niya na ako ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Adam? Kahit naman na wala kaming naging relasyon ni Adam noong sila pa ay lumalabas pa ring third party ako.

Maaaring isipin ng iba na ako ang sumira ng relasyong mayroon sila. Hindi naman malabong mangyari iyon dahil ang ako rin ang rason ni Adam kung bakit siya nakipaghiwalay sa girlfriend niya.

Napangiwi ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Adam, ngayon ko lang napansin na mas maamo pa lang siyang tingnan kapag tulog, animo'y ang bait at hindi marunong gumawa ng kalokohan.

Kapag gising kasi ito ay bakas sa mukha niya ang pagiging dominante, arogante at tila isang bata sa sobrang lakas mang-asar. Tch, malakas kong pinitik ang tungki ng ilong nito dahilan nang paggising niya.

"What the..." garalgal na sambit niya at lukot pa ang mukhang napatitig sa akin.

Hindi yata makapaniwala na nandito siya sa kwarto at kama ko, kapagkuwan ay unti-unting humulma ang labi sa isang masayang ngiti. Paano ba kasi siya nakapasok dito?

"Baka pwedeng umalis ka na? May pasok pa tayo mamayang alas otso," pahayag ko.

Pasado alas sais na rin at kung hindi pa siya tatayo riyan ay baka ma-late ito sa trabaho. Sandali siyang natahimik, kaya hindi ko na ito pinansin. Dahan-dahan ay umahon ako mula sa pagkakahiga.

Ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakababangon nang hatakin nito ang siko ko at muling pinahiga sa tabi niya, walang imik nitong iniyapos ang kaniyang braso sa taas ng dibdib ko.

"Adam!" singhal ko rito at malakas na tinapik pa ang kaniyang kamay.

"Shh, let's just stay like this for a minute," saad niya at saka pa isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Halos lumayo naman ako dahil sa kiliti na dala ng hininga nito, pero hindi ako makagalaw sa uri ng pagkakahawak niya kung kaya ay napapikit na lamang ako. Naalala ko tuloy iyong nakaraang nangyari sa private villa nito.

Nakakatawa lang kasing balikan. Hindi man halata, pero nabitin talaga ako. F*ck! Kamuntikan ko nang masampal ang sariling pisngi dahil sa naisip na iyon. Ewan ko ba, masyado lang akong nadadala sa presensya at init ng katawan ni Adam.

"May pasok tayo," mahinang sambit ko, pilit iwinawaksi kung ano man ang nasa isipan ko ngayon.

"Alam mo bang ako ang head ng IT Department?" tanong niya na hindi pa rin umaalis sa pwesto.

Teka, saan na naman ba patungo itong usapan namin? Napalunok ako at sandaling nag-isip ng mga conclusion. Kailangan ko lang mag-ingat sa sasabihin ko at baka mahuli ako sa sariling bibig.

"Ahm, yes?" pikit ang isang mata na sagot ko.

Naramdaman ko kaagad ang paggalaw nito sa gilid ko, ilang segundo pa nang lumuwang ang pagkakayakap niya sa katawan ko. Nagtaka man ay nananatili akong nakatiya.

"Did you know that someone is trying to enter our system data base?" wika niya sa mababang boses at ito na nga ba ang sinasabi ko.

Holy sh*t.

"So, uhm... na-track niyo na ba kung sino?" normal na sambit ko, saka nagmulat at deretso kaagad sa kisame ang paningin.

"On going pa rin ang pag-track dito. You know, hindi naman kasi ganoon kadali maka-track ng hacker, unless naka-register ang name nito online and through google."

Marahan akong tumango bilang sagot. Tensyonado na ang katawan ko, pero nananatili akong kalmado. Samantalang damang-dama ko na ang mga daliri sa palad ko sa sobrang pagkakayukom no'n.

"At gusto ko sanang ikaw ang maging in-charge dito, I want you to hack all of those system na gustong pumasok sa data base ng Rampage Society," aniya dahilan para mahigit ko ang hininga.

Nagulantang yata ang katawang lupa ko dahil sa sinabi niya, ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko, kaya hindi makapaniwalang nilingon ko si Adam.

"Seryoso ka riyan?" taas ang isang kilay kong tanong.

For f*ck's sake, ano ako hibang para ipahamak ang sarili?

"Yes, may tiwala ako sa 'yo, Reece. I know you are more than this," pahayag niya na hindi ko masyadong naintindihan.

I am more than this? Saan?

Magtatanong pa sana ako ngunit natigil din nang halikan ako nito sa tuktok ng ulo ko, bago ito marahang bumangon mula sa pagkakahiga. Sinundan ko siya ng tingin nang dere-deretso itong tumayo at lumingon sa akin.

"I will be giving you a one week rest day and let's meet later after lunch," pahayag nito at saka pa ngumiti, kinindatan pa niya ako nang umalis ito.

Naiwan na lamang ako roong tulala sa pintuang iniwan niyang nakabukas, para akong ninakawan ng kaluluwa dahil hindi kaagad ako nakagalaw. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Ang sinasabi ba ng utak ko na matagal nang alam ni Adam na ako ang nangha-hack ng system nila, pero pinaglalaruan niya lang ako by doing this. O baka nga hindi talaga na siyang napaka-imposible naman.

Adam is the head of the whole IT Department, hindi naman siya hihirangin sa ganoong posisyon para lang sa wala 'di ba? Kung si Accent nga ay walang kahirap-hirap niyang nalaman, paano pa kaya si Adam?

I bet, simula pa no'ng unang araw ko ay alam na nito ang mga galawan ko. He's vigilant, masyadong attentive at cautious si Adam. Alam kong alam niya ang lahat ng butas dito sa Rampage Island, kaya imposible talagang hindi pa nito alam na ako ang hacker nila.

Wala sa sariling naihilamos ko ang dalawang kamay sa mukha. Kalaunan nang matawa na lamang ako, so baka nga pinaglalaruan lang ako nito? Gusto niyang mahulog ako sa sariling patibong. Fine, sasakyan ko kung anong gusto niya. Why not use him para sa mission ko, right?

Sa ganoong paraan ay mas mapapadali sa akin ang lahat. Kagaya ng sinabi nito ay nag-ayos na ako ng sarili bandang alas onse. Kung saan man kami pupunta at kung anong gagawin ay hindi ko alam, kaya nagsuot lang ako ng simpleng damit.

I'm just wearing a white polo blouse and a tattered short shorts. Pinaresan ko lang iyon ng gladiator sandals at hinayaan ang buhok na nakalugay dahil basa pa iyon mula sa pagligo ko kanina, saka naglagay na rin ng red lipstick.

Natapos na akong kumain at hinihintay ko na lamang si Adam dito sa sala ng unit ko. Hindi rin naman nagtagal nang tumunog ang doorbell sa labas dahilan para mabilis ko iyong tinungo.

Kaagad ko siyang pinasadahan ng tingin at nakitang naka-white sando at summer short lang ito, kaya natanto kong baka sa seaside lang kami maglalagi, pero ganoon pa man ay sadyang napaka-gwapo pa rin talaga nito. Simple but he's oozing with hot and sexy look.

"Let's go?" Ngumiti ito sa akin, bago inilahad ang kamay sa harapan ko.

Sinuklian ko ito ng ngiti at hinayaan ang sarili na magpatianod sa sayang nararamdaman. Tinanggap ko ang kamay nito at mabilis niya naman iyong pinagsalikop dahilan nang malakas na pagtibok ng puso ko.

Wala naman sigurong masama kung pipiliin ko munang maging masaya kahit ngayon lang, hindi ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro