Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Muling tumunog ang cellphone ko na siyang hawak ko pa rin, kaya wala sa sariling tiningnan ko ang caller— si Phoenix na isang secret agent ng Black Hawk Dragon Organization.

"Hello?" bungad ko rito.

"Ricci?" aniya na parang naninigurado sa taong kausap.

Ganito kasi kadalasan ang turo sa mga agent sa Organization na kinabibilingan ko, huwag kaagad magsasalita at magbibigay ng impormasyon through phone.

"It's me," saad ko habang patuloy na naglalakad.

"Gusto ko lang sabihin sa 'yo na may pinadalang agent diyan. I don't know what's the reasons, so please, be careful.

Nangunot ang noo ko. Isa sa dahilan kung bakit malapit kami sa isa't-isa ni Phoenix— codename niya, samantalang “Ricci” naman ang sa akin ay dahil sa parehong kapwa pilipino kami. Ilang beses ko na rin itong napatunayang mapagkatitiwalang tao at siya rin itong madalas na nagwa-warning sa akin katulad nito.

"Sino?"

"I don't know. Either si Phantom, Tiger or Apollo."

Sa narinig ay napasinghap ako. What the hell? At talagang iyong mga magagaling pang agent ang pinapunta rito ni Big Boss? Frustrated na napakamot ako ng ulo at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.

"All right. Thanks, Phoenix," sambit ko at mabilis na in-end ang tawag.

Mukhang mahihirapan ako, lalo nito sa paggalaw. Isama pa ang Accent na 'yon. Tch. Paano niya kaya nalamang ako ang nangha-hack sa system ng Rampage? Kung IP geolocation lookup ang ginamit nito pang-track sa IP address ko ay hindi malabong mahanap niya ang exact location ko.

So, mali ako ng hinala na wala itong alam pagdating sa manual software dahil ganoon siya kagaling na IT Analyst. Wala sa sariling napairap ako sa hangin, kasabay nito ay ang pagbaling ko sa lalaking nasa kabilang banda ng hallway, papalapit ito sa gawi ko.

Blanko lang ang kaniyang expression na nakatitig sa daan at animo'y wala lang ako sa paningin nito. Pagak akong natawa at hindi na lang din ito pinansin. Hanggang sa parang hangin lang ako nitong nilampasan.

Nakaramdam man ng sakit sa kaibuturan ng puso ay tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad at pigil ang sariling huwag itong lingunin. Masaya ako kahit papaano na nasa totoong girlfriend na nito ang buong atensyon at wala na sa akin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang makapasok sa loob ng unit. Inabala ko na lang sarili sa paggawa ng report upang hindi na ako makapag-isip pa ng iba. Isang linggo yata akong naging ganoon dahil sa dami ng nalaman kong impormasyon ay hindi ako matapos-tapos.

"Rampage Angels..." bulong ko sa sarili, kasabay nito ay ang pagtitipa ko sa keyboard ng laptop.

Iyon daw ang tawag sa mga fallen angels na nagbebenta ng katawan sa Rampage Society, kung kanino ko iyan nalaman ay hindi ko alam. Madalas kasi ay namamalayan ko na lang ang sarili na nakikinig sa usapan nang may usapan.

Doon ay mas nakakasagap ako ng detailed information kagaya nito. Malakas akong humikab at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. Tinatamad na napasandal ako sa sofa habang nakasalampak sa sahig.

Narito ako sa unit at magdamag na ginagawa ang report, it's my restday today at imbes na pagpahinga sana ay hindi ko magawa dahil bukas makalawa ay kailangan kong ipasa ang unang bahagi ng project ko.

Huminga ako nang malalim at tangkang ipipikit ang mata nang biglang tumunog ang pintuan, hudyat na may taong naghihintay sa labas. Kumunot ang noo kong binalingan iyon. Sino naman kaya ang dadalaw sa ganitong oras?

For f*ck's sake, pasado alas onse na ng gabi. Wala na akong nagawa at madaliang binuksan iyon, sa nakitang tao sa labas ay halos malaglag ang panga ko. Dikit ang kilay na pinasadahan ko ito ng tingin pamula ulo hanggang paa.

"Hey, Adam... why are you here?" casual na sambit ko rito kahit pa pinapangunahan na ako nang malakas na tibok ng puso ko.

"Napadaan lang," tila alanganin nitong sagot.

Marahan akong tumango at tipid na ngumiti rito, samantalang titig na titig naman siya sa mukha kong pinanatili ang blankong expression. Nakapagtataka lang na matapos ang ilang linggong hindi niya pagpansin sa akin ay heto siya— “napadaan” ika nga nito.

"So, uhm, may kailangan ka?"

Ewan ko kung paano ko nagagawang palamigin ang boses ko, animo'y nakalunok ako ng yelo at kulang na lang ay manigas ang lalamunan ko. Huminga ito nang malalim at lumikot ang dalawang mata, tila hindi alam ang gagawin o nais sabihin.

"It's already eleven in the evening, Adam. Hindi ba't dapat ay natutulog ka na—"

"Can I come in?" pagpuputol nito sa sinasabi ko.

Sa narinig ay naging doble ang linya ng noo ko, maang ko pa siyang tinitigan. Ilang sandali pa nang matanto kong niluwagan ko na ang pintuan upang papasukin siya.

Tuluyan na itong nakapasok sa loob at walang imik ko namang sinarado ang pinto. Matapos iyon ay nagulat na lang ako nang yapusin ako nito mula sa likuran.

"A—Adam..." nahihirapang tawag ko sa pangalan niya.

Paano at halos isiksik nito ang mukha sa batok ko, ang dalawang braso naman niya ay mahigpit na nakayakap sa tiyan ko habang nakaipit ang mga kamay ko, hindi binibigyan ng pagkakataong makagalaw.

"Adam, ano ba?" angil ko rito nang hindi siya magsalita.

"Shh..." pagpapatigil nito sa akin. "I just so f*cking miss you, Reece."

"And let me tell you, Adam, may girlfriend ka na, kaya please lang..."

Mariin akong napapikit at hindi na kinakaya pa ang kahibangan nitong si Adam. Gusto kong magalit sa kaniya ngunit bakit parang naaawa pa ako?

"Hindi ko pala kaya," paos niyang bulong sa likuran ko.

"But you need to, Adam. Isipin mo naman ang mararamdaman ng girlfriend mo kapag nalaman niya itong ginagawa mo. You're cheating."

"I'm not," aniya, kasabay nito ay ang pagkalas niya mula sa pagkakayakap sa akin.

Mabilis pa ako nitong ipinaharap sa kaniya at hinawakan ang magkabilaan kong pisngi, masuyong humahaplos doon ang mga daliri nito. Sa sobrang lapit namin ay kitang-kita ko ang malamlam nitong mata, mapupungay iyon na nakatingin sa akin. Kumibot ang bibig nito nang bumaba ang atensyon niya sa labi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" pukaw ko rito.

Kahit hirap ay pilit akong kumawala sa hawak nito at mabilis na nilampasan siya upang magtungo ng kusina. Deretso akong lumapit sa ref at kumuha ng tubig.

Tila natuyo bigla ang lalamunan ko, pati na rin ang labi ko at parang uhaw na uhaw ako. Abala ako sa pag-inom nang maramdaman ko ang presensya ni Adam sa gilid ko.

"We just broke up, Reece," pahayag nito na siyang nagpagunaw ng mundo ko.

"You what?" bulalas ko at wala sa sariling naibaba ang baso sa lamesa.

"I dumped her just to be with you. I'm sorry kung sa tingin mo ay masama ito— but trust me, Reece, ito lang ang alam kong tama sa paningin ko."

"Adam naman!" tuluyan na akong napasigaw at mariin siyang tiningnan.

Ano bang hangin ang pumasok sa utak nito at ginawa niya iyon?

"Listen, Reece..." pagsusumamo nito at marahang hinawakan ang dalawang braso ko.

And I just can't believing myself na tumango pa rito at naghihintay sa paliwanag niya. D*mn it!

"I loved you when we our in college days. Do you remember, I used to be your stalker, ikaw ang mahal ko simula pa noon at hanggang ngayon," mahabang pahayag nito habang bakas sa parehong mata ang sakit.

"Kung hanggang ngayon, bakit ka nagkaroon ng girlfriend, hindi ba?" Mariin itong pumikit at napahingang malalim.

"Yeah, I did. I did forgetting about you, gumawa ako ng way para tuluyan kang makalimutan pero f*ck!" malutong itong nagmura at nagdilat, kasunod nito ay ang pagtulo ng kaniyang luha.

"Adam..." nahahabag kong pagtawag dito.

"Look at me now, Reece, nakalimutan ba kita? Hindi, 'di ba? Ikaw ang sinundan ko rito noong malaman kong plano ng magulang mo ang papuntahin ka rito. Ikaw iyong matagal ko nang sinusundan, ikaw 'yung palagi kong hinahabol na hindi ko maabot-abot."

Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung saan banda ako nasasaktan, sa nakikitang umiiyak na Adam, o dahil sa mga pinagsasabi nito ngayon. Bakit ngayon lang?

"Ikaw 'yung pangarap ko, Reece. I love you and I always will, so please, accept me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro