Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14

Nang makapasok sa unit ay padarag kong isinara ang pintuan, kulang na lang ay makalas iyon at masira. Ramdam ko ang sariling galit mula sa nakakuyom kong mga kamao. Sa sala pa lang ay hinubad ko na ang suot na damit at hinayaan na lang ihagis iyon sa kung saan.

Nang wala nang natirang saplot ay mabilis akong pumasok sa loob ng banyo.Pumailalim ako sa malamig na shower, saka mariing napapikit habang dinadama sa katawan ang lamig dala ng tubig. Habol-habol ang hininga kong itinukod ang dalawang kamay sa pader.

Panay ang singhot ko ngunit wala namang lumalabas ni isang patak ng luha sa mata ko. Nasasaktan ako, pero hindi ko maramdaman man lang na umiiyak ako. Ngayon pa lang na nalaman kong may girlfriend na si Adam ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa, kung kailan handa ko nang isuko ang lahat sa kaniya.

Kung kailan napagdesisyunan ko nang mahalin ito, pero anong nangyari? Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako, o malulungkot. Hanggang sa matawa na lamang ako sa sariling kabaliwan, kasabay nang pagbaon ko sa limot ng totoong nararamdaman ko kay Adam.

As the day passed by, hindi ko namalayang nakaisang buwan na pala ako rito sa Isla. Sa isang buwan na iyon ay kahit papaano, marami-rami na rin akong nakalap na impormasyon patungkol sa Rampage Society.

Were it's actually an elite realm of multi-billionaire's hidden treasure. Kagaya nga rin ng sabi ni Adam, money is the password for this kind of society, purong pera at connections ang tumatakbo at pinapalakad sa kabuuan ng Rampage Society.

Napag-alaman ko ring mayroon silang tinatawag na Suprema X, kung saan ngayon ko lang din natanto na siya ang tinatawag na Madame X ni mama. Hindi ko alam kung ano siya rito ngunit iyon ang susunod kong aalamin, pati ang bawat butas sa departamento ng Isla.

"Hey, Miss," anang boses ng isang lalaki.

Napabuntong hininga ako at tinatamad itong tinapunan ng tingin mula sa balikat ko. Tumaas pa ang kilay ko nang mapansing nakadungaw siya sa cubicle ko habang tila may matang lawin na nakatitig sa katawan ko. Kumunot pa lalo ang noo ko dahil ngayon ko lang siya nakita. Bagong tauhan ba ito ng IT Department?

"Anong kailangan mo?" mahinang sambit ko.

Sinabayan ko pa iyon ng paghikab upang ipakitang tinatamad akong kausapin siya.

"I just came here to find some help, my monitor is in trouble and couldn't fix it," pahayag niya at hinawi pa ang buhok pataas.

Mas lalong nagdikit ang dalawang kilay ko sa sinabi nito. Hindi naman siya magiging IT kung hindi niya alam magmani-obra ng mga computers, right? O baka para-paraan naman ang isang 'to? Mukha pa lang kasi ay masasabi ko nang marami na siyang babaeng naipasa-kamay.

"Ganoon ba? Saang cubicle ka ba?" tanong ko.

"Come here, so I can—" Hindi na ito natapos sa pagsasalita nang may malingunan siya sa gilid nito.

"Ako na, Accent," sambit ng pamilyar na boses dahilan para mahulas ang emosyon sa mukha ko.

"Oh, Adam! Yeah..."

And speaking of Adam, naroon nga siya sa labas at kahit alam nitong nakatingin ako sa kaniya ay hindi man lang nag-abalang lumingon sa gawi ko. Tch, ano pa bang ine-expect ko?

Simula kasi ng araw na 'yon ay hindi na ako nito pinapansin, ni isang lingon sa pwesto ko ay hirap siyang gawin. Naging ilag ito sa akin, akala mo ay may nakakahawa akong sakit. Wala namang problema sa akin ang paglayo niya.

Mas mabuti nga iyon upang tuluyan ko na siyang makalimutan at mawala na ang nararamdaman ko rito. Ngunit sa ilang araw na hindi namin pag-uusap, hindi maitatagong nami-miss ko rin ito.

Kibit ang balikat ko nang walang lingun-lingon na umalis sila sa labas ng cubicle ko. Nagtungo marahil sa pwesto ng lalaking iyon na nagngangalang Accent. Hindi rin nagtagal nang mag-alas singko at oras na para umuwi.

Madalian kong inayos ang gamit at sarili, bago tumayo upang lumarga na. Hindi na rin ako nag-abalang lumingon pa, o maghintay. Nang makalabas ay deretso lang ang lakad ko patungong elevator at mabilis ding iyong nagsarado.

Laking pasasalamat ko nang mag-isa lamang ako sa loob. Imbes na sa second floor at sa unit ang uwi ay napagpasyahan kong sa Clubhouse na lang muna maglagi. I think I need alcohol to lessen what I'm feeling right now.

I am deeply hurt. Gusto ko nang kalimutan si Adam, pati itong feelings ko sa kaniya.

Masakit na ang ulo ko sa trabaho, pero hindi ko iyon ininda. Nang makapasok sa Clubhouse ay mabilis din akong nag-order ng tequilla at naupo sa bakanteng upuan. Sandali kong hinilot ang sentido ko nang kumirot iyon.

Wala pa sa sariling nalingunan ko ang tatlong babae na nakaupo sa hindi kalayuan, tulad ko rin na nag-iinom ang mga ito. What caught my attention is, that woman wearing her sexy attire, kulang na lang talaga ay huwag na siyang magdamit.

Napairap ako sa ere nang matantong si Windy iyon, ang girlfriend ni Cloud. Sa katabi niya ay isang pamilyar na babae, naningkit ang mga mata ko at pilit na inaaninag ang mukha nito na hindi ko na nagawa dahil sa pag-vibrate ng phone ko.

Mabilis ko iyong kinuha at tangkang bubuksan nang sandaling matigilan dahil sa paglapit ng isang bulto sa kinauupuan ko.

"Hi, Miss Miller." Hindi pa man ako nakalilingon ay umikot na ang mata ko sa ere at tinaasan lang siya ng kilay nang tuluyan ko itong hinarap.

Ano na naman ba ang kailangan nitong si Accent? Patago akong napairap at itinuon na lamang ang atensyon sa cellphone ngunit mabilis din itong nagsalita na siyang nagpatigil sa akin.

"Now, tell me, why do you want to steal the informations of the Rampage? Do you know that stealing is a crime?"

Halos magpantig ang tainga ko sa narinig, unti-unti ay hinarap ko ito at nagtagis ang bagang, lalo na noong ngumisi siya nang nakakaloko.

"Excuse me?" kunot ang noo kong singhal dito.

Teka, paano niya nalaman? Kaya ba ako nito nilapitan kanina sa cubicle? F*ck! Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at natulala na lang sa mukha nitong tila nasisiyahan sa naging reaction ko.

"Don't worry, I won't tell to the head of the IT Department that I already know who's behind of the malicious stealing. I don't know your reasons and I don't care. Besides I don't interfer other business and issues," mayabang na pahayag nito.

Doon ko natantong matagal na palang alam nila Adam na may nagnanakaw ng data base at informations ng Rampage Society ngunit hindi nila malaman kung sino. Well, I hack their system the last time para mas lalo kong mapag-aralan at makakuha ng ibang impormasyon.

Sa kabila ng sinabi nito ay hindi pa rin ako napanatag. Hindi ko alam kung anong mayroon itong si Accent, pero hindi ko siya pwedeng pagkatiwalaan. Nakita ko pa ang pagngiti nito at namamanghang nakatitig sa mukha ko.

Rason para magkaroon ako ng oras para mapagmasdan ang kabuuan nito. Katulad din ni Adam na puno ng balbas ang kaniyang panga. He has pair of sparkling green eyes, a narrow nose and a rosy lips. But wait, sa paninitig sa mata nito ay may naalala ako.

"Your eyes— looks like the eyes my grandmother Estrella. Hindi ako pwedeng magkamali, pareho kayo ng mga mata... green eyes," saad ko at parang hibang na hindi pinapakawalan ng titig ang dalawang mata nito.

Bumuka ang labi niya ngunit naitikom din nang pareho kaming matigilan dahil nang may isang kamay ang naglapag ng papel sa lamesa. Sabay kaming napalingon ni Accent sa babaeng bagong dating at nakitang kay Accent kaagad ang atensyon nito.

Napansin ko pa ang pagkindat niya, samantalang pinandilatan naman ako nito ng mata. Pagak na lamang akong natawa sa sarili habang taas ang kilay na pinagmamasdan ang bawat side ng mukha nito.

It's Windy the b*tch. Tch, anong ginagawa ng babaeng 'to rito? Lakas ng loob sumapaw, katulad din ng ginawa niya noon sa amin ni Cloud. Nang makuha iyon ni Accent at binasa ay nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi dahilan para tumaas ang kilay ko.

"Seems like you will be busy tonight? Enjoy!" Nakangisi akong tumayo at iniwan na siya roon.

Alam ko ang kalakaran dito sa Rampage, kaya hindi na ako magugulat kung maglandian ang dalawang iyon. If I know, tinamaan ito sa karisma ni Windy. Mga lalaki talaga, oh.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro