Chapter 13
Chapter 13
Animo'y nakalutang sa ere habang buhat-buhat ako ni Adam papasok sa isang private villa resort, hindi ko masabi kung ito ba ang bahay niya, o ano dahil masyadong nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa nito sa leeg ko.
Hinahalikan niya iyon sa paraang siya lang ang nakakaalam, matagal at mainit. Kapagkuwan pa ay kinakagat at sinisipsip dahilan para mas lalo akong mapakapit sa kaniyang leeg.
"Adam..." kagat ang labi kong bulong at idinikit ang noo sa kaniya.
Mabibigat ang hininga ko dahil sa halikan naming hindi matapos-tapos. Wala na akong naging palag at para lang akong alipin nito na napapasunod sa bawat paggalaw ng labi niya.
Nang makapasok sa loob ay tumambad sa paningin ko ang nakaka-relax na interior design ng bahay, maraming painting ang nakasabit sa pader at pinaghalong pastel green and gray ang kulay ng kabuuang bahay.
Even the furnitures, vases and flooring are expensive. I wonder kung ito na ba ang bahay ni Adam?
Abala ako sa kalilibot ng tingin nang maramdamang lumilikot ang isang kamay nito sa katawan ko, bahagya pa niyang itinaas ang laylayan ng t'shirt ko at walang anu-ano'y dinakma ang dibdib ko.
"Adam!" tili ko na sinuklian lang nito ng pagtawa. "Ano bang ginagawa mo? Ibaba mo na nga ako!"
"Not this time, my beautiful Reece. Not now," paos niyang sambit at muling siniil ng halik ang labi ko.
Gustuhin ko mang pumiglas ay para na akong nanghina, masyado nang nadadarang ang katawan ko sa init na hatid ni Adam. Pati ang bawat galaw ng kaniyang kamay ay hindi ko na masundan.
Namalayan ko na lang nang tanggalin nito ang brassiere na suot ko at walang sali-salitang pinisil ang dibdib ko. I just let out a long moan at mariin na lamang napapikit, dinadama ang sarap na dulot no'n.
All right, these are all new to me at wala na akong pakialam pa sa mangyayari kinabukasan. I just let him do what he wants dahil sa totoo lang ay gusto ko rin itong nararamdaman ko.
After all of those years, hahayaan ko na ang sarili na mahulog sa patibong ng isang lalaki, hahayaan ko na ang sarili na damhin kung gaano kasaya ang may iniibig.
"Ohh, Adam..."
Nahigit ko ang hininga nang wala na pala sa labi ko ang labi nito, naroon na iyon sa leeg ko pababa sa balikat ko. Kahit nakadamit pa ay ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito sa balat ko.
Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto dahilan para magmulat ako, walang kahirap-hirap nitong binuksan ang pintuan papasok sa kaniyang kwarto. Hindi na rin siya nag-abalang buksan pa ang ilaw, kaya tanging dim light lang sa apat na sulok ang nagsilbing liwanag sa amin.
Sa bawat pagpisil nito sa dibdib ko ay siyang pagsinghap ko at para na yata akong malalagutan ng hininga. Lahat ito ay bago sa akin, kaya ganoon na lamang mag-react ang katawan ko.
May pagkakataong natatakot ako, pero sa tuwing dadampi ang balat nito sa akin ay may kung anong kuryente ang dumadaloy sa kabuuan ko dahilan para mag-init ako lalo.
Bago man ito sa akin lahat ay aware naman ako kung saan ang patutunguhan nito at nakahanda ako. Siya lang naman itong hinihintay ko, siya lang itong inaasam ng puso ko.
Napabitaw ako sa kaniyang leeg nang dahan-dahan ay inihiga ako nito sa malambot na kama, hindi na ito nag-aksaya ng oras at mabilis din siyang umibabaw sa akin.
Sa isang iglap ay natanggal na nito ang pang-itaas ko, naiwan na lamang ang bra at suot ko pa rin ang pantalon. Sandali itong tumitig sa mukha ko at kahit madilim ay nagawa kong maaninag ang mukha niya.
Kumikislap ang dalawang mata nito sa makamundong pagnanasa, hindi na ako magtataka kung marami na itong nadali, lalaki siya at may pangangailangan. Napangiwi ako sa isiping iyon, kaya bahagyang kumunot ang noo nitong pinagmamasdan ako.
"Anong iniisip mo?" paos niyang sambit habang nakadungaw sa akin.
Gamit ang dalawang braso nitong nakasuporta sa magkabilaan kong gilid upang hindi ako madaganan, samantalang ang mga paa ko naman ay nakakulong sa kaniyang hita, hindi ako binibigyang ng pagkakataong makagalaw.
Umiling lamang ako bilang sagot dito. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito at balak ko sanang magsalita nang muli niyang angkinin ang bibig ko at mapusok na hinahalikan.
"Ahh!" ungol ko at saka wala sa sariling inabot ang buhok nito, roon ay parang kumukuha ako ng lakas dahil tuluyan na akong nawala sa ulirat.
"Fuck, Reece!" sigaw niya.
Kasunod nito ay tumigil siya at parang nanigas sa kinauupuan, mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at naupo sa dulo ng kama. Sa ginawa nito ay umalpas ang kaba sa dibdib ko. Bakit? May nagawa ba akong mali?
Napakurap-kurap ako sa hangin, saka dahan-dahan na umahon mula sa pagkakahiga. Lalapitan ko na sana si Adam nang makitang frustrated nitong sinabunutan ang sarili, rason nang paghinto ko.
"What's wrong, Adam?" alanganing tanong ko at hindi na gumalaw sa kinauupuan.
Nagtaas-baba ang kaniyang dibdib at marahas na tumayo, saka walang pasabing lumabas ng kwarto. Naiwan ako roong tulala sa pintong pinaglabasan nito. F*ck! Anong ginawa ko?
Sa sobrang kaba ay mabilis ko itong sinundan, sa nataranta ko nga ay muntik ko pang makalimutang magbihis. Humahangos na lumabas ako ng kwarto at hinahanap kung nasaan na si Adam.
Ano ba kasing nangyari? Bakit nagkaganoon na lang si Adam? May mali ba akong nagawa? Mali ba ang pagsabunot ko sa kaniya?
Malalakas ang yabag ng mga paa kong umaalingawngaw sa loob ng bahay, kalaunan nang mapahinto ako sa kusina nang makita siya roon. Hawak nito ang isang bote ng alak at parang wala sa sariling nakayuko. Unti-unti ay sinakop ko ang espasyong nakapagitan sa amin at tuluyang nakalapit sa counter table ng kusina niya.
"Adam," pagtawag ko rito ngunit nananatiling nakayuko lamang ito.
Wala pa rin itong pang-itaas, kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib.
"I'm sorry..."
Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasambit ko, siguro dahil pakiramdam ko ay may mali akong nagawa. Dahil din doon ay dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin si Adam, nanlaki pa ang mata ko nang makitang may bahid ng luha ang pisngi niya. Mapula ang dalawang mata at namumungay na tinitigan niya ako.
"Just leave, Reece. I don't need you here," matigas na pahayag niya na halos nagpayanig ng katauhan ko.
Malakas na kumabog ang dibdib ko, rinig ko pa ang unti-unting pagkabasag ng puso ko sa sakit na nanuot sa katawan ko. Ano bang pinagsasabi niya? Ibig bang sabihin ay talagang may nagawa akong hindi niya nagustuhan?
"Ba—bakit?" Pumiyok ang boses ko at hindi na naitago ang sakit sa mukha.
"Just leave," simpleng saad nito at tinungga nang deretso ang bote ng alak.
"Bakit nga?" pagpupumilit ko at saka pa bahagyang lumapit sa counter top ngunit natigil nang kalampagin niya iyon.
"I said, just f*cking leave!" mariing sgaw niya at nanlilisik ang mga matang binalingan ako.
Sandali akong natigilan at maang na napatitig sa mukha nitong galit na galit. Kalaunan nang pagak akong matawa.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang totoong nangyari, kung bakit ka nagkakaganiyan. I'm here to listen, all right."
"Please, Reece, don't make it hard for me—"
"Then tell me, Adam, just tell me—"
"I do have girlfriend, Reece," aniya na siyang nagpatigil sa akin.
Kasabay nito ay ang pagtigil din ng mundo ko, napakurap-kurap ako at ibinuka ang bibig ngunit mabilis ko rin iyong natutop nang walang lumalabas maski isang salita.
"May girlfriend ako, kung hindi mo pa naiintindihan. So please, leave my place now," utos nito at parang kumakausap lang ng katulong.
Tuluyan nang nabasag ang puso ko sa narinig at tila nagbara ang lalamunan ko dahil wala na akong naging imik. Nilamon na ako ng sakit at walang pasabing nilayasan ko siya. Nanginig ang balikat ko at tinakpan ang sariling bibig habang tumatakbo palayo sa villa nito.
“I do have girlfriend, Reece”
T*ngina, may girlfriend na pala. Bakit pa panay ang lapit sa akin? Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. These are all f*cking bullsh*t!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro