Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Wala sa sariling natawa ako at saka pa namamanghang tinitigan ang mukha nito, seryoso na siya ngayon habang maang na nakadungaw sa akin, animo'y tinatantya ang emosyon ko.

"Teka, bakit ako?" takang tanong ko.

Kahit bahagyang kinabahan sa kaninang sinabi nito ay hindi ako nagpahalata, bagkus ay ngumiti pa ako na para bang inuudyo ito.

Nagkibit-balikat lamang ito at hindi na sumagot, saka deretsong naglakad ulit. Since hawak pa rin niya ang kamay ko ay wala na akong nagawa kung 'di sundan ito kung saan man siya magtungo.

Pumasok kami sa isang resto, malapit lang din sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya dahil buong oras na itong tahimik, hindi na siya umiimik at sa pagkain na lamang nakatutok ang atensyon.

Pagak akong natawa sa sarili. Ito ba ang matatawag niyang date? Really, huh?

Kahit pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras ay matiyaga pa rin akong naghintay, halos hindi ko nga malunok-lunok ang nginunguya kong pagkain dahil nawalan na ako ng gana.

"Good night," aniya at marahang binitawan ang siko kong hawak niya.

Pagkatapos ng “dinner date” ay hinatid lang ako nito sa tapat ng building at nagpaalam din kaagad paalis, ni hindi man lang ako hinayaang magsalita. Ano bang nangyari roon?

And I wonder, kung hindi rito sa building, saan kaya siya ngayon nanunuluyan? Kung ako ay maraming tinatago, malamang one hundred percent mayroon ding sikreto iyang si Adam.

Sa sobrang inis ay padabog akong nagmartsa papasok sa loob at kahit sa hagdan ay dinig na dinig ang malalakas kong yabag, rason para malingunan ako ng ibang taong nagdaraan.

But whatever! Wala akong pake. Nakakaasar talaga ang lalaking 'yon.

Nang mabuksan ang pintuan sa unit ay mabilis din akong sumalampak sa sofa at naiinis na binalingan ang mga throw pillow na naroon. Doon ay ibinuhos ko ang inis ko, tipong mukha 'yon ni Adam.

Sa sobrang asar ko sa kaniya ay naging ilag ako rito, hindi ko siya pinapansin kahit anong pilit nito sa akin. Maaga palagi akong pumapasok at umuuwi para lang hindi niya ako maabutan.

Tatlong linggo na rin akong naglalagi rito, kaya ganoon na lamang at wala na akong maisuot na pormal. Wala akong masyadong pambahay at hindi rin ako nakapagdala ng mga swimwear dahil balak ko sana ay mag-surfing sa Isla.

Kaya ngayong restday ko ay napagpasyahan kong mamili na muna sa labas, mayroon naman daw ilang boutique sa loob ng building at iyon ang pagkakaabalahan kong hanapin.

Wala kasing nabanggit si Adam tungkol doon nang i-tour niya ako, kung tour pa nga bang matatawag iyon. I'm just wearing a blue faded jeans at plain white t'shirt at tsinelas.

Natatawa akong lumabas ng unit dahil sa suot ko, wala na talaga akong maisuot na matino. Nagpapa-laundry naman ako once a week, pero mukhang hindi talaga kakayanin lalo pa't six months ang itatagal ko rito.

Sa kahahanap at kalilibot ng building ay napadpad ako sa Clubhouse kung saan sobrang daming tao ang nasa loob. Kumunot ang noo kong pinakatitigan iyon at dahil sa curious ay walang alinlangan akong pumasok.

Well, malay natin may masagap akong impormasyon dito na pwede kong maisama sa report ko.

Pagkapasok sa loob ay tumambad sa pandinig ko ang ingay ng mga tao, roon ay natanto kong baka nga may event dito. Dumako ang paningin ko sa gitnang bahagi ng Clubhouse kung saan doon nagtagal ang atensyon ko.

Mayamaya pa nang halos maningkit ang dalawang ko sa nakikita. Wearing a khaki green plain t'shirt and a beige cargo pants, hindi maipagkakailang military man ang malaking lalaking iyon.

Nang masilayan ang magulo at mahaba nitong buhok ay napapilantik ako sa hangin. What the f*ck! It's Cloud, my cousin— panganay na anak nina Tita Summer at Tito Storm. And what the hell is he doing here?

Hindi makapaniwalang pinagmamasdan ko ito, mukha kasing siya ang apple of the eye ngayon. Teka, ano bang mayroon?

Ilang segundo pa yata akong nakatulala sa kaniya nang biglang magtagpo ang tingin namin matapos niyang umirap dahilan nang panlalaki ng kaniyang mata. Kalaunan nang ngumisi ito at iyon ang naging hudyat sa akin para lapitan ko siya.

"Cloud," naisatinig ko sa hangin.

"Reece..." sambit nito at sumilay pa ang ngiti sa kaniyang labi.

Nang tuluyang makalapit ay nagagalak ko itong niyakap na agaran naman niyang sinuklian. Matagal din kasi kaming hindi nagkita nito, pati ng kambal niyang si Sunshine ay na-miss ko rin.

Sa sobrang tuwa siguro ay hindi na namin napansin ang paligid, nagkumustahan at kaunting chitchat ang nangyari hanggang sa matigilan kami pareho.

"Pwedeng mamaya na kayo maglampungan diyan? Patapusin na muna ninyo ang meeting na 'to dahil halos dalawang oras nang delay kaming mga empleyado rito," anang boses ng babae na nakatutok pa ang bibig sa mic.

Kumunot ang noo kong binalingan iyon at halos ngumiwi ako nang makita ang itsura nito, she's just wearing a black bunny attire na madalas kong nakikita sa mga Casino and gambling area.

What the heck?

At dahil sa sinabi nito kanina ay nagsimula na ang event na welcoming party pala ni Cloud, since VIP ito at katulad ko ring may shares sa Rampage Island.

Ilang minuto ang itinagal noon at hindi ko alam kung bakit narito pa ako, imbes sana na mamimili ako ngayon and here I am waiting for Cloud na makalapit sa akin nang matapos ang event.

Sumunod naman iyong babae kanina kay Cloud dahilan para humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang hubog ng kaniyang katawan, pinasadahan ko pa ito ng tingin pamula ulo hanggang paa.

Sa suot nitong ID ay nakilala ko siya, her name is Windy Green. All right, hindi na ako magpapaligoy pa— she's sexy, matured and a lil bit nasty by the way on how she look at me from head to toe.

Wala sa sariling umirap ako sa hangin na hindi naman niya napansin dahil abala ito sa pagche-check ng katawan ko. Binalingan ko si Cloud na siyang nasa gilid namin at tahimik lang na nanonood sa aming dalawa.

Teka, ano ba niya ang babaeng 'to? Girlfriend?

Ngumiwi ako at nang mapansin iyon ni Cloud ay mabilis niyang hinila si Windy sa kung saan, rason para maiwan akong tulala roon.

So, girlfriend niya talaga ang babaeng 'yon? Really, Cloud? Pagak akong natawa sa sarili at hindi na namalayan ang pagdating ng isang tao sa harapan ko.

"Hey, love..." Boses ni Adam ang narinig ko, kaya naman ay wala sa sariling nilingon ko ito.

Nahulas ang emosyon sa mukha ko dahil sa sinabi nito at maang na napatitig sa kaniyang mukha na noo'y sana ay hindi ko na lang ginawa.

Umakyat ang dugo sa pisngi ko nang halikan ako nito sa labi, hindi naman iyon nagtagal at mabilis din siyang humiwalay. Kahit gulat at halos mabato ako sa kinatatayuan ay nagawa ko itong sampalin.

"How dare you!" sigaw ko rito at walang habas na sinapak ito sa braso.

"F*ck, Reece!" pag-ungol nito na halos ikapantig ng tainga ko.

Holy sh*t!

Imbes na masaktan, o magalit ay narinig ko pa ang kaniyang pagtawa, animo'y natutuwa na pinapanood akong frustrated na hinahampas siya.

"Bakit ba panay ang nakaw mo ng halik. Bwisit ka! Ang kapal ng mukha mo!" bulyaw ko rito at nang mahuli niya ang kamay ko ay natigil ako sa paggalaw.

Nilapit pa nito ang kaniyang mukha sa akin, kulang na lang ay malanghap ko na ang hininga nito na amoy mint green. Katulad ko ay restday din nito, ewan ko at mukhang sinadya yata niyang ipagsabay kaming dalawa.

And for f*ck's sake, he's only wearing a summer shorts na parang kagagaling lang niya sa Isla. Kaya ganoon na lamang uminit ang katawan ko nang maglapat ang dibdib namin.

"Bakit? Kapag ba sinabi kong gusto kitang halikan, papahalik ka? Hindi di ba?" nakangisi niyang turan at saka pa pinanood ang pagkibot ng labi ko.

Pagak na lamang akong natawa sa narinig, bago nailing-iling. Hindi ko na alam kung paano ko pa papatunguhan ang isang 'to. Baliw lang din talaga at para sakyan ang kabaliwan nito ay ngumisi rin ako.

"Sana nag-try ka muna, hindi ba? Papatulan ka naman, e."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro