Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, saka madaliang itinago ang tickler ko sa bag, bago pa man ako maabutan ni Adam na nagte-take note na naman ng mga pwedeng i-report para sa project ko.

Limang minuto na lang ay uwian na, kaya minabuti kong magligpit na ng gamit at ng mga kalat sa lamesa, para mamaya ay deretsong uuwi na lang. Nang natapos ay naging kibit ang balikat kong napasandal sa swivel chair.

Hindi pa man nagtatagal nang umahon ako mula sa pagkakaupo at inabot ang bag ko at saka inilabas ang compact powder at red lipstick, nag-retouch lang ako para magmukha naman akong presentableng tingnan.

Though yes, I'm a little bit excited. Hindi ko naman na iyon itatago dahil kagaya nga sabi ko ay ie-enjoy ko na lamang itong nararamdaman ko para kay Adam.

Isang pasada pa ng pulang lipstick sa labi ay mabilis ko iyong ipinasok sa bag, lalo na nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa cubicle, hudyat na may taong pumasok.

"You ready?" Ang baritonong boses ni Adam ang bumungad sa akin na siyang nasa likuran ko.

Prente kong inikot ang swivel chair paharap sa kaniya, saka tipid na ngumiti rito. Nakapatay na ang mga monitor at kahit buksan pa niya 'yan bukas ay burado na lahat ng history ng mga pinaggagagawa ko kanina.

Nanatili itong nakatayo habang ang dalawang mata niya ay bumaba sa labi ko at doon nagtagal ang paninitig niya. Bulgar pa nitong dinilaan ang kaniyang natutuyong labi dahilan para itikom ko iyon at kaagad na tumayo.

Ako rin pala iyong titiklop sa mismong kabaliwan ko, tch.

"Let's go?" pahayag ko nang nasa gilid na niya ako.

"You're always looking good," bulong nito, tila wala pa rin sa sarili.

Napangisi na lamang ako at nauna nang maglakad palabas ng work station, ramdam ko naman ang presensya nito sa likuran ko na sumusunod sa akin.

Kalaunan nang mapahinto ako dahil hindi ko alam kung saan ba ang patutunguhan namin, kung saan banda kami kakain, kaya nilingon ko si Adam na ngayon ay nakangising nakatitig sa pang-upo ko.

Holy f*ck!

Nanlaki ang mga mata ko. Halos tumaas pa ang dugo ko sa mukha sa natantong baka kanina pa niya pinagmamasdan ang pwet ko at lihim na minamanyak.

"Adam!" matigas kong sigaw at wala nang pagdadalawang-isip na hinampas ito sa braso nang makalapit siya.

"What?" natatawang sambit niya, animo'y nagpapatay malisya.

Bwisit talaga!

"Ang manyak mo rin, ano?" giit ko rito at muling sinuntok siya sa dibdib.

Kulang na lang talaga ay iparanas ko sa kaniya ang natutunan ko noon na muay thai at kick boxing, mula kay Cloud na pinsan ko at ngayon ay isang ganap ng military man.

Hayop na 'to, ang sarap ibitin ng patiwarik.

"I'm what?" aniya na halos hindi na mawala-wala ang ngisi sa mukha.

Sa sobrang inis ay inirapan ko na lamang ito at mabibigat ang mga paang lumayo sa kaniya. Deretso akong naglakad at hindi na pinapansin ang pagtawag nito sa akin.

At hindi ko rin naman kasi alam sa sarili kung bakit bigla akong nag-init? F*ck! Kung anu-ano nang nangyayari sa akin dahil sa Adam na 'yon.

Mabuti pa ay umuwi na lang ako at nawalan na ako ng ganang makipag-date sa manyakis na lalaking 'yon. Padabog kong hinampas ang switch ng elevator at matiyagang naghintay sa pagbukas no'n. Ilang sandali pa nang may umakbay sa akin.

Sa amoy pa lang ay alam ko nang si Adam iyon, kaya mabilis akong lumayo at nanlilisik ang mga  matang nilingon siya. Kulang na lang ay bumulagta ito sa harapan ko kung tunay ngang nakamamatay talaga ang matalim na paninitig.

"Pwede ba, Adam, lumayo-layo ka sa akin," naiinis na sambit ko rito.

"And why is that Mrs. Cooper?" aniya at tumaas ang isang sulok ng labi.

The f*ck is wrong with him? Mrs. Cooper?

"You know, I can't wait na ipakasal ka sa akin, kaya ngayon pa lang ay sinasanay ko na ang sarili na tawagin ka sa gano'n," natatawang pahayag niya.

Lumukot ang mukha ko sa sinabi nito. "As if papakasalan kita. Dreame on, Adam."

"As if may choice ka," taas ang kilay nitong segunda na halatang nang-aasar.

Ano bang pinagsasabi ng hinayupak na 'to?

Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nainis ng ganito, lahat ng nangyayari sa akin ay purong bago at dahil iyon kay Adam. Lakas ng loob pagrambulin ang natutulog kong puso, f*ck!

Wala na akong makapang sasabihin, kaya nanahimik na lang ako hanggang sa hilain ako nito at naglakad patungo sa kung saan.

"Maglibot na lang muna tayo, total ay maaga pa naman," saad nito at saka pa pinagsalikop ang mga daliri namin sa kamay.

Dahil doon ay muli na naman akong nakaramdam ng kiliti sa katawan, hindi ko alam pero siguro kinikilig? Is that the right term? Wala sa sariling napabuga ako sa hangin at matamang sinusundan lamang ang mga yapak nito.

"We're on the sixth floor, right?" aniya dahilan nang paglingon ko rito. "So, mula third floor hanggang dito ay for all VIP employees, members or even clients. Kalahati ng sixth floor ay ang IT Department."

Tumango ako rito, saka nagmasid-masid sa paligid. Yeah, tama nga, clients is their number one f*cking asset here. Paano at purong mga billionaire ang karamihan sa nagpupunta rito.

Ang iba pa ay galing showbiz at mga kilalang TV personnel. So possible, once na malaman ito ng FBI and other government related, kasali sila at damay-damay na ang mga tao rito.

Wala naman masyadong makikita sa floor na iyon, kaya deretso kaming bumaba sa first floor gamit ang elevator sa bandang dulong bahagi ng nasabing building.

"Sa second floor, mostly ang mga naroon ay mga staycation for about how many days, weeks and months."

Is that so?

Naalala ko kasi noon kay papa nang dumating kami rito ay ni-request ko sa kaniyang sa mababang floor lang ako ilagay. Ayokong mapagod mag-akyat at baba kahit pa may elevator naman.

Wala akong alam na for staycation lang pala ang second floor, pero sabagay ay six months lang naman ang itatagal ko rito. Kaya valid na siguro 'yon.

"So tell me, hindi ka ba magtatagal dito?" pagtatanong nito.

"Hindi ko lang alam, depende kung patuloy mo akong iinisin," sagot ko na siyang nagpatawa sa kaniya.

"All right, I'll be a good boy then."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa kung ano man ang nararamdam ko ngayon, bumaba pa ang atensyon ko sa kamay naming magkahawak pa rin na para bang ayaw na ako nitong bitawan.

Nang bumukas ang elevator ay muli niya akong hinila palabas. Tahimik na lamang akong sumusunod dito, kahit pa may mga taong nakatitig sa amin at sinusundan kami ng tingin.

"Sa first floor naman ay dito matatagpuan ang Theatre, Casino, Clubhouse, Auction Area, other departments and name it, nandito na lahat," pahayag niya habang mabagal na naglalakad sa malawak na hallway na iyon.

"Legal ba ang Casino rito?" n1111akangising sambit ko at nakatutok lamang sa dinaraanan namin.

I know the answer is “no” since it's all illegal, gusto ko lang talagang manggaling sa mismo nito mismo.

"Hmm, seems like may gusto kang malaman," bulong nito at saka ko pa narinig ang mahinang pagtawa niya.

Sa sagot nito ay mabilis ko siyang nilingon, kung kanina ay ako ang nakangisi, siya naman ngayon ang abot tainga ang ngisi habang tumango-tango sa kawalan.

"So, hindi 'di ba? Bakit niyo ina-allow ang ganito?" taas ang kilay kong tanong.

"Once na ang utak mo ay nilamon na ng businesses and negotiations, hindi mo na maiisip 'yon. Ika nga, money is the password for this kind of society. Aware ka naman doon, since anak ka ni Ms. Esperanza Pierto-Miller 'di ba?"

Pagak akong natawa at hindi na malaman kung ano pang idudugtong ko. Really? Nakakatawa naman pala at alam niyang illegal itong Rampage Society and yet, he's here and defending the company.

Magkano ang sahod ng isang Adam Benneth Cooper?

"Kapag naimbestigahan ito at nagsagawa nang bust out operation, madadamay ka," mahinang pahayag ko sa tunog dismayado.

And I don't want that to happen.

"Kapag nangyari 'yon, hindi ako magdadalawang isip na isisi sa 'yo ang lahat," walang emosyong sagot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro