Chapter 1
Chapter 1
"Reece, anak?" Dinig kong pagtawag sa akin ni mama mula sa labas ng pinto dahilan para unti-unti akong magmulat.
Ilang minuto pa nang mapatitig ako sa puting kisame ng kwarto. Sandali akong nag-isip kung pagbubuksan ko ba ito, o hindi. If I know, iyon at iyon lang ang sasabihin nito sa akin, kaya narito na naman siya para kulitin ako.
Hindi na bago kung sadyain ako nito sa kwarto ko. Sa ilang araw niyang pangungulit ay halos makabisado ko na yata ang linyahan nito sa tuwing kakausapin niya ako patungkol doon.
"I want you to take care of my shares, ikaw ang gusto kong maging substitute ko as shareholder ng Rampage Society."
Wala sa sariling napangiwi ako nang halos marinig ko sa mismong tainga ko ang boses na iyon ni mama. Right. Gusto niya akong pumasok sa Rampage Society, not as hooker, but one of an officer in charge na siyang labis kong inayawan.
I just find the place so disgusting, lugar iyon ng mga babaeng nagbebenta ng sarili- kaibahan nga lang sa karamihang club o bar, doon ay mayayaman at multi-billionaire ang pwede mong maging client.
Pwedeng-pwede kang yumaman, kahit sa ilang araw mong pamamalagi roon. Kung gusto mo ng easy-money, sa Rampage Society ka pumasok. They will guarantee that every single of your body is worth the price.
But not my type, sa tuwing naiisip ko na papasok ako roon ay nasusuka ako; minus the fact na nanggaling doon si mama. Hindi na rin lingid sa kaalam ko na nanggaling siyang Rampage Society as one of their elite hooker.
"Laureece..." madiing sambit ni mama sa buong pangalan ko, hudyat na naiinip na ito kaya wala na akong nagawa, kung 'di ang sumunod.
Tinatamad man ay bumangon ako sa pagkakahiga at parang lantang gulay na tinungo ang pintuan. Nang mabuksan ay halos bumalandra pa sa mukha ko ang kamao ni mama nang tangkang kakatok ulit ito, rasonn para matigil ang kaniyang kamay sa ere.
"Ma, please... ilang beses ba tayong mag-uusap tungkol dito?" may kalakasang bungad ko rito dala ng inis sa paulit-ulit naming pagtatalo.
Hindi ko na napigilan ang sarili, kunot ang noo kong pinagmasdan ito pamula ulo hanggang paa at pabalik sa kaniyang mukha. Nasa mid-forties na si mama ngunit hindi pa rin maipagkakailang sobrang ganda niya.
Iyon nga lang ay wala akong masyadong namana sa kaniya, bukod sa buhok kong bahagyang umaalon ang dulo. Lahat sa akin ay galing kay papa, ika nga ay parang pinagbiyak na bunga.
Actually, si papa ang kauna-unahang naging client ni mama noong nasa Rampage Society pa ito, na noo'y high school lover pala ang dalawa. Destiny speaks for themselves, I guess.
Doon sila muling nagkita at saka ipinagpatuloy ang dating nasimulan. Kung sa akin mangyayari iyon, baka gumawa na lang ako ng krimen. Mas nanaisin ko pang maglagi sa kulungan, kaysa ang manatili sa ganoong uri ng lugar.
"Anak-"
"Nariyan naman si Lauren, hindi ba? Maigi pang sa kaniya mo na lang i-offer 'yan. Tama na, Ma, hindi niyo po ako mapipilit sa ganiyan," mabilis kong pahayag, pinuputol ang kung ano mang sasabihin niya.
Lauren is my lil sister, six years ang agwat namin and she's now in her first year of being senior student. Samantalang graduating naman ako sa college as bachelor of science in journalism.
And yes, I want to be a journalist or rather work in a communications or media-related field. I want to pursue my dreams, kaya hindi ko tinatanggap ang offer ni mama sa akin.
"Ma, please..." pagmamakaawa ko nang hindi ito sumagot.
Tanging pagtitig na lamang ang nagawa niya sa akin, kaya tumikhim ako. I am not a spoiled brat, but I have my own opinion. Hindi ako nagre-rely sa kanila dahil gusto kong maging successful ako balang-araw in my own ways.
"May pangarap po ako, okay. Ayokong mag-settle sa ganoong uri ng lugar," dugtong ko.
Sa sinabi ko ay nakita ko ang kaniyang pagbuntong hininga, animo'y hirap na hirap siyang ipagpilitan sa akin ang gusto, kalaunan nang marahan itong tumango sa kawalan ng pag-asa.
"Al right," simpleng sagot niya at wala nang anu-ano'y tinalikuran ako.
So, heto na naman kami. Instead na ako ang sumama ang loob, siya pa itong nagkakaganiyan. Ano ba ang mali sa hindi ko pagtanggap, gayong may pangarap naman ako?
Malakas akong napabuntong hininga, bago padarag na sinarado ang pinto. Kibit na lamang ang balikat ko. I just don't get it, bakit kailangang ipagpilitan sa akin, right?
Dumeretso ako sa banyo upang makaligo na, pasado alas otso na rin kasi at kailangan ko nang maghanda sa pagpasok. Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos ako sa pag-aayos, ginulo ko pa nang bahagya ang buhok ko upang magkaroon ng volume.
Mayamaya pa nang t.umayo ako mula sa pagkakaupo at tinitigan ang sarili sa isang vanity mirror. Suot ang plain black t'shirt na may kalakihan sa akin, tinernuhan ko lang iyon ng washed blue jeans and a black rubber shoes.
Washed day ngayon, kaya pwede sa University ang mag-civilian. Inayos ko lang ang golden blonde kong buhok na may highlights na kulay red, it's a trend so I gave it a try, isa pa ay bagay naman sa akin.
Napangisi ako nang makita ang reflection sa salamin. Aaminin ko, I kinda look weird because of my style, the way I speak and walk like a king. They even called me as "tomboy", karamihan din kasi sa kaibigan ko ay puro mga lalaki.
And yes, I'm a little bit boyish but not totally the "tomboy" or a bisexual. O baka hindi ko pa masabi, since never pa naman akong nagkaroon ng karelasyon? Oh, men, whatever.
Hindi na ako masyadong nag-ayos ng mukha at deretsong lumabas na ng kwarto dala ang bag back ko. Nang makababa ay mabilisan akong lumabas upang hindi na ako maabutan ng kung sino, lalo na ni mama na siyang tanging naiiwan lang sa bahay.
Nilakad ko lang din ang kahabaan ng Villa de Luna na pagmamay-ari ni mama- sinunod ito sa pangalan niyang "Luna" na siyang regalo sa kaniya ni papa noon.
Hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng village ay naglakad pa ako ng kaunti at ilang segundo pa nang sandali akong mapahinto. Tumigil ako at saka pinakiramdaman ang paligid.
Malakas ang kutob kong may sumusunod sa akin, kaya mabilis kong nilingon ang bandang likuran ko at hindi nga ako nagkamali dahil nasilayan ko pa ang pagtakbo nito papasok sa isang eskinita, marahil upang magtago.
Hindi na ako nagdalawang-isip na habulin siya at wala na akong naging pakialam kung ma-late man ako sa school. Wala pang isang minuto nang hatakin ko ang kwelyo ng kaniyang damit.
Hudyat iyon para ilabas ko ang dalang self-defense at mabilis na itinutok sa lalaki dahilan para mapatigil siya. Unti-unti ay lumingon ito sa gawi ko at kagaya ng inaasahan ay nanlaki ang dalawang mata niya.
Bumaba pa ang atensyon nito sa hawak kong baril at dahil doon ay nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang adams apple na para bang natakot ito, kaya wala sa sariling napangisi ako.
"Sino ka?"
Ngayon ko lang natanto, he looks familiar. Hindi ko lang masabi kung saan ko siya nakita. Mayamaya nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya dahilan para kumunot ang noo ko at binalingan siya.
"Chill! Ako si Adam, we're schoolmate and I'm one of your stalker," aniya at saka pa muling tumawa.
Adam? Wala akong kilalang ganoong pangalan. Schoolmate kami? Baka kaya siya familiar, pero stalker? Really?
"And if you don't mind, matagal na kitang crush. Matagal na kitang sinusundan. So please, bear with me," dagdag niya nang hindi ako magsalita.
Napangiwi ako, it's my first time na may nagsabi sa akin ng ganoon. Crush? Sa itsura kong 'to? At hindi ko alam kung bakit kinabahan ako, ang lakas kasi bigla ng pagtibok ng puso ko.
"Pwede mo na bang ibaba 'yang baril na hawak mo?" pahayag niya dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
Sa sinabi nito ay bahagya akong natawa at saka binawi ang kamay na nakatutok sa kaniya, halata pa rin kasi ang takot at pagkabalisa niya, dala ng hawak kong baril.
"Hindi ko akalaing marunong ka palang humawak niyan..."
"It's just a toy gun," saad ko at malakas na tumawa.
Bigay lang sa akin ito ng mga kaibigan kong lalaki, sabi nila ay pang self-defense ko raw ito sa oras ng kapahamakan kagaya nito. Mukha siyang totoong baril, but the truth is laman nito ay pepper spray.
"So, you're Adam, right?" tanong ko, saka pa ngumiti na siyang ikinagulat niya. "I'm sorry and by the way, my name is Ricci."
"Ricci? Hindi ba ay Reece? Laureece Miller?" takang tanong nito, kaya muli akong tumawa.
"Stalker ka nga."
Hindi ko alam kung bakit. Somehow, magaan ang loob ko sa kaniya kahit pa grabe sa pagririgodon itong puso ko, kulang na lang ay lumabas na sa katawan ko. Natawa ito at inilahad ang kaniyang kamay sa harapan ko na mabilis kong tinanggap upang makipagkamay.
"I'm Adam Benneth Cooper."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro