Prologue
Prologue
"Out ka na, Crisel?"
"Yup! Kailangan ko ring magmadaling umuwi."
"And why naman?" pag-usisa pa ng ka-work ko. Tinanguan ko naman siya habang sinusuot ko ang jacket ko. "May date ka ano? Tukaan na ba?"
Kumusot naman ang mukha ko sa sinabi niya at inilingan siya sa hinala niya. "Mukha mo. Walang gano'n 'no. Hindi uso sa akin 'yon. May kailangan kasi akong daanan sa department store tapos kailangan ko pang bumili ng cake para sa kapatid ko."
"Naks naman! Huwarang kapatid!" panunukso pa nito. "Saka, oo nga pala 'no? Next week na pala pasukan niyo. Last year mo na, girl. No more part-time!"
Napangisi naman ako. "Sana nga, gano'n lang kadali 'yon. I gotta go na. Ayoko ring gabihin."
"True," aniya. "Narinig ko rin sa balita kagabi kay Kuya Kim na may pagbanta raw ng pag-ulan sa gabi. Mabuti na lang 'til morning pa ako rito. Anyway, babu! See you sa next shift mo."
"Yup! Bye!" pagpaaalam ko.
Mabilis naman akong lumabas ng staff room at saka tumungo palabas ng store. Binati pa ako ni manong guard na sa tingin ko ay bagong hire pa lamang. Dapat ay hindi talaga ko papasok ngayon pero naisip kong sayang naman ang isang araw kung hindi ko pa papasukan so I decided to work today para kapag sapit ng pasukan ay hindi ako masyadong stress. Well, sana nga.
Kahit nagmamadali ako ay nilakad ko na lamang ang daan papunta sa mall. Walking distance na lang din naman. Hindi rin naman ako mag-aakysa ng pamasahe sa mabilisang biyahe—it's just like love, don't invest too much when it will end sooner as you expected.
I put my backpack in front of me. Mabuti na iyong nag-iingat gayong mag-isa lang din ako ngayon. Pasado alas y cinco na ng hapon at kailangan kong makauwi sa bahay before seven at sana ay makaabot pa ako dahil sa tuwing titingin ako sa kalangitan ay hindi ko masigurado kung uulan ba o dahil magdidilim lang?
Hindi katagalan ay nakarating din ako ng mall. Nagmadali akong tumungo sa department store. I know I can do this some other time pero baka makalimutan ko rin kaya isasabay ko na ngayon sa pagbili ng cake.
I bought what I just need. A new set of leaf papers, pen, small notebook, yellow highlighter. All those things cost me over three hundred pesos and I think it's enough for me. Hindi na rin naman ako bibili ng bagong sapatos dahil maayos pa naman ang ginagamit ko no'n.
I carried the paper bag to the cake shop. I hardly picked what cake should I bought, but in the end, binili ko na lamang ang request sa akin ng kapatid ko na mango ice cream cake. Medyo pricey pero once a year lamang ito kaya binili ko na lang din.
As soon as I paid for it, I struggled carrying everything kaya kahit magmadali ako ay baka mabitawan at mahulog ko lang ang mga hawak-hawak ko. I didn't waste my time and book for my ride. Plano ko sanang mag-commute na lang pero dahil may hinahabol din akong oras at minsan ko lang gawin 'to, lubos-lubosin ko na rin.
Pagkalabas ko ng mall, I felt so unfortunate ng maabutan kong umuulan ng napakalakas. Mabuti na lamang ay nakapag-book na ako ng sasakyan at hindi na abala sa akin ang mag-commute pa. Sobrang badtrip talaga kapag umuulan.
Imbis na maging safe and dry, mukhang magiging all wet pa ang look ko nito today. At ayokong magkasakit gayong nalalapit na ang pasukan.
Panay naman ang tingin ko sa phone ko habang inaabangan ang nalalapit na pagdating ng sasakyan na binook ko.
Dahil lumalakas din ang ulan, maraming tao sa labas ng mall ang nagpatitila at inaabangan ang paghupa ng ulan. Kung magtuloy-tuloy ito hanggang gabi, tiyak na magbabaha rin dito. Pero 'wag naman sana. Mahirap ma-trap at sumulong sa baha.
Mayamaya lamang ay natanaw ko na ang sasakyang binook ko kaya kahit medyo malakas ang ulan ay tumuloy ako sa direksyon kung nasaan ang sasakyan. Nang makalapit ako at bubuksan ang pinto ay naka-lock pa ito. Kinatok ko ang bintana saka nito tuluyang binuksan ang pinto ng sasakyan saka ako pumasok sa loob at inayos ko ang mga bitbit kong gamit.
Kinuha ko ang towel ko sa bag at pinunasan ko ang buhok at braso kong nabasa gawa ng ulan. While I continued wiping myself to get dry, doon ko lang na-realize na hindi umaandar ang sasakyan at pansin ko namang sasakyan nakahinto sa paligid namin. And then I noticed that the man sitting on the driver's seat was looking at me intently from the rear view mirror.
Napalunok ako ng laway nang mas lalong sumingkit ang mata nito.
"Y-You're not my driver, right?" I asked, stuttering and I felt my body trembled from his car low temperature.
Napangisi naman ito sa akin. Lagot. Patay! Bakit ba ako pumasok dito? O baka naman maling sasakyan ang napasukan ko? Sinubukan kong silipin ang sasakyan na kasunod lamang sa likuran namin at muli kong chineck ang plate number no'n at sa phone ko and they matched.
"Pasensya na, bababa na lang ako," pagpapaumanhin ko. Aakmang kukunin ko na ang mga bitbit ko at binubuksan ko ang pinto pero hindi ko na mabuksan ito. When I found out that he kept locking it, mabilis na tumapon ang tingin ko sa kanya na puno ng pangamba at takot. "Bababa po ako, kuya. Pakibuksan po ang pinto."
"No," sagot nito sa akin. Malalim at may pagkaseryoso ang tono ng pananalita nito. "It's raining outside. Stay."
Umiling naman ako sa sinabi niya. "Hindi po. Ayos lang, kuya. Bababa na lang ako. Mali rin naman ako nang nasakyan na kotse. Pakibukas na lang po ang pinto."
And when he actually did what I requested, bumuhos naman muli nang napakalakas ang ulan sa labas. Ang ingay ng bawat patak ng ulan sa bubong ng sasakyan at lumalabo ang kapaligiran dahil sa lakas ng ulan.
Then I hesitated to walk out of his car.
"Magpapatila na lang muna ako..."
"It's alright," he said and then he started driving slowly. Hindi ko alam kung saan siya patungo pero sana hindi umabot sa peligro ang sitwasyon ko ngayon.
Tiningnan ko ang phone ko kung saan chineck ko ang binook ko na sasakyan and the driver already canceled my ride. And it's like I have to spend some time until the rain stopped. Hindi ako pwedeng umuwi ng gabi or I'll miss the celebration.
Pansin ko naman na panay ang tingin ng lalaki sa akin mula sa rear view mirror. Nagsisimula naman akong hind imaging komportable dahil pakiramdam ko ay may masama siyang binabalak sa akin. Though the scent of his car smells pine trees. Ayoko lang maging judger pero hindi ko naman maiwasang kabahan.
"Where do you live?" he asked.
"Huh?" Sabay lingon ko sa kanya. Inihinto pala niya sa isang tabi ang saskayan. Umayos din siya ng pagkakaupo at bahagya niya akong hinarap para makausap ng mata sa mata.
"I've asked where do you live?"
"Sa QC lang po," sagot ko naman.
"You're in a rush?" he asked.
Tumango naman ako sa kanya. "Yes, kuya. Birthday kasi ng kapatid ko. Kailangan kong maihabol itong cake niya."
"Where were you in QC?"
"Ah, sa Novaliches lang po."
"Then I'll take you there."
Agad naman akong umiling sa sinabi niya. "Hala! Hindi na po, kuya. 'Wag na po. Okay lang po na magpatila lang muna ako ngayon dito hangga't sa tumila ang ulan. Thank you po agad."
Napangisi naman ito. "No, I'll take you home. I think the rain won't stop and it'll be hard for you to get yourself a ride. You just missed yours, right?"
Napayuko naman ako kasi nahihiya ako sa katangahan ko. Pareho kasi sila ng sasakyan. Gusto ko mang tanggihan ng paulit-ulit itong lalaking ito ay nagpumilit pa rin siyang ihatid niya ako sa mismong bahay ko. Binigay ko naman sa kanya ang address ng bahay namin sa Novaliches at kanya iyong ginamitan ng waze para dalhin kami sa destinasyon.
Inisip ko na almang na may palibreng sakay all the way back home. Tahimik lamang ako at pilit kong iniiwas mapatingin sa rear view mirror kung saan madalas niya akong hagingan ng tingin.
"Why are you in Manila?" he asked out of nowhere. And I don't think it's necessary for me to answer his question, pero para hindi magmukhang natatakot ako sa kanya, then I'll try my best look comfortable as I can be.
"Ah, part-time..."
"I see..." he said, nodding his head. "And who has a birthday today?"
"'Yong seven years old kong lalaking kapatid," sagot ko. "Well, he turned eight na today."
"Great," komento niya. Nang huminto naman saglit ang sasakyan dahil stoplight, may inabot siyang bagay sa loob ng glove box at isang katamtamang laki ng box ang binunot niya ro'n saka niya inabot patalikod sa akin. "For your little brother. Take it. It's my gift."
Umiling naman ako upang tanggihan iyong binibigay niya sa akin. "Hindi na po. Salamat po."
"Take it," he said. "I have a lot of this back in my room."
"Kahit na po. Okay lang po talaga."
But he insisted still. Wala na akong choice kung hindi ang tanggapin na lamang ang binibigay niya sa akin. Sinusoksok ko na lamang sa bag ko ang binigay niya sa akin. Isa 'yong toy car collection na nabibili sa mga gas station kapag may promo sila. Nahihiya man ako sa kanya ay isipinagbawalang bahala ko na lamang at inisip na free ride lang 'to.
Sakto bago mag alas y siete ng gabi ay nakarating ako sa bahay. I was about to pay him, but he didn't want any payment from me. He was the one who insisted to give me a ride so asking for payment isn't his intention.
Nagpaabang na lamang ako sa kapatid ko na salubungin niya ako sa tapat ng gate upang tulungan ako sa mga bitbit ko. Nakaabang naman siya sa akin at naghihintay na nakatayo sa tapat ng gate at hawak ang isang malaking payong.
"Thank you sa paghatid, kuya," aniko. Ni hindi ko pa rin siya magawang tingnan sa mukha. Nahihiya pa rin ako.
"No problem." He smiled. "Enjoy your little brother's birthday."
"Thanks..." Bababa na sana ako ng sasakyan pero bahagya ko siyang nilingon. "Okay lang talaga sa 'yo na hindi ako magbayad? You know, sayang ang gas na ginamit mo."
He shook his head. "No, it's alright. Don't you worry about it."
"Ah... sige... alis na ako," tugon ko. Mabilis naman akong bumaba ng sasakyan niya.
Dali-dali rin naman akong sinalubong ng kapatid kong lalaki at dahil hindi niya magawang ayusin ang paghawak sa payong ay kinuha koi yon habang siya ang pinabitbit ng bag ko. Umalis din naman kaagad 'yong sasakyan. Hindi ko na nilingon pa ulit. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.
"Bakit ang tagal mo naman ate?"
"Gaga ka, umuulan kaya. Ang lakas."
"Ambon na lang naman," dahilan pa nito.
"E, malakas do'n sa Maynila. Dami pa tanong ah?"
"Jowa mob a 'yonng naghatid sa 'yo?"
Kumusot ang mukha ko sa sinabi niya. "Mukha mo jowa. Pumasok na nga tayo sa loob."
At pagkapasok namin sa loob, sinigaw ni Owen na jowa ko raw 'yong naghatid sa akin ngayon. Sasabunutan ko na sana ang kapatid ko pero naalala kong birthday niya ngayon kaya papalipasin ko na lang muna ang isang araw bago ko gawin 'yon sa kanya.
Ilang beses ko namang tinanggi sa kanila na wala akong jowa. May ilang bisita pa pala kami rito sa bahay at narinig nila 'yong sigaw ni Owen. Iniwan ko sila sa sala para takasan ang panunukso at tumungo sa kwarto para makapagpalit na rin ng damit.
Nang makapag-ayos na muli ako ay bumaba na ako at sinamahan ko sila. Kumain na din ako at dahil hindi na makapaghintay ang kapatid ko ay hiniwa na niya ang cake. Pinamukha niya rin sa akin 'yong regalo ni Ate Kiersten sa kanya na sapatos. Kung hindi pa tinanong sa akin ni ate kung anong size ng paa niya, for sure, wala rin 'yang matatanggap pero dahil mabait akong kapatid, I do it all for me and my family.
Saka may binigay na rin si Ate Kiersten sa akin na gold bangle and I really like it. Madalang na lang din kami magkanita no'n ulit. Busy na siya sa kanyang work and I think... babalik siya ng London? Not sure though.
Swerte nga lang ni Ate Kiersten, nakahanap ng Briton. Pero hindi naman jowa ang hanap ko ngayon. I have other priorities and boys aren't included in it.
Habang lumalamon ako ng handa ng kapatid ko ay lumapit naman ito sa akin saka pinakita sa akin 'yong kung anong meron sa phone niya. Hahablutin ko pa sana 'yong phone sa kamay niya pero gusto niya siya ang maghawak. I let him do that kaya naman salubong ang kilay kong tiningnan ang screen ng phone niya.
"Anong meron? Kalokohan na naman? 'Di ba, bawal magbabad sa phone?"
"Nakita ko lang," dahilan pa nito at saka tinitigan ko kung anong nasa screen. Isang itim na sasakyan 'yong bumangga sa poste at yupi ang harapan parte nito.
"Grabe naman 'yan. Sa'n yan banda?"
"Malapit lang ate," aniya. "Nabasa ko r'yan lang daw sa highway tapos... kamukha siya no'ng sasakyan na naghatid sa 'yo rito."
"Weh? 'Di nga?"
Tinanguan naman niya ako ng sunod-sunod. "Oo, ate! Natatandaan ko pa 'yong plate number, e."
"Hala... totoo ba?"
"Jowa mo 'yon 'di ba, ate?"
Gusto ko siyang batukan pero bigla naman akong nag-aalala. Shared post lamang sa facebook iyong nakita ng kapatid ko gamit ang facebook ni mama. Kung totoo man iyon, bigla akong nabahala. Agad ko namang naalala ang binigay nitong regalo para sa kapatid ko.
Pumanik ako sa kwarto at kinuha ko iyon. If it's really him, ayos lang kaya siya? At saka bakit ganito ang kaba ko? Pero gusto kong malaman kung okay lang ba siya o hindi. Pero paano ko malalaman, hindi ko naman alam ang pangalan niya.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Sana ayos lang siya. Bwisit na ulan kasi 'to. Perwisyo!
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaPrologue #RSIMPrologue #WT5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro