Chapter 7
Chapter 7
Later at night, after our classes—dahil wala naman kaming pasok bukas, Serron planned to go out. Isinama niya kami. Hindi pa sana ako papayag dahil kinabukasan ay may shift ako sa part-time so I have to decline his offer pero pinilit niya pa rin ako in the end dahil libre raw niya.
He always go by that reason kaya wala kaming nagagawa kung hindi ang sumama na lang. Kung hindi naman, magtatampururot si Serron so we just have to give him this time—but mostly, every time naman talaga. Serron and Dolly always wanted to go out, napipilitan na lang din minsan si Tessa o kaya naman minsan ay kakampi sa akin kapag wala siya sa mood.
"Bet mo bang uminom?" tanong ni Serron sa akin. Agad naman akong tumanggi. "So, bet mo lang mag apple juice?" Tango na lamang ang sinagot ko sa kanya saka niya tinanong iyong dalawa pa naming kasama.
Siniko naman ako ni Tessa kaya bumalik ako sa ulirat. Nilingon ko siya at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Ang lalim na naman ata ng iniisip mo? Lumalalim na rin ba ang feelings m okay Bennett?"
Siniko ko rin siya nang mas malakas kaya muntik na siyang bumalentong sa kinauupuan niya. Napatingin naman sina Dolly at Serron sa nangyari.
"Chika?" tanong ni Serron.
Umiling naman ako. "Wala! Ayan na naman kayo. Wala akong chika tonight, okay?"
"Ay, sungit! Nagtatanong lang naman," ani Serron. "Anyway, mukhang wala ka sa mood. Baka gusto mo na rin ng—"
"Nope," mabilis kong usal. "May work pa ako bukas. Ayoko maging bangag."
"Okay, sabi mo, e. Basta magsabi ka lang kung bet mog makalimot sa first heart break mo."
My face scrunched when Serron said that. Hindi naman napigilang matawa ni Dolly. They already knew what they were talking about at bet na bet din nilang asarin ako. Hindi ko na lang din naman 'yon pinansin and I kept quiet sa kinauupuan ko dahil hindi mapakali ang utak ko sa kaiiisip sa napag-usapan namin ni Archie kanina.
It wasn't really big of a deal for me pero napaisip din kaagad ko. Napakaliit ng buo for that to happen. I shouldn't be thinking about iit pero hindi ko lang maiwasan. At this point of my life, I really needed the money. Sa nalalapit na graduation din, for sure, maraming babayaran and what I'm getting from my part-time won't be enough to pay my bills. But I also thought that I can get another job, just not from Bennett.
Saglit lang ay dumating na ang mag in-order ni Serron. Inabot naman nito sa akin ang bote ng apple juice flavor. Wala naman itong alcohol kaya hindi ako uuwing bangag.
"May mga nahagilap na ba kayong yummy sa paligid?" tanong ni Serron.
"Hmm..." Nagpalinga-linga ang ulo ni Dolly. "Wala pa. Feeling ko sa ibang bar sila ngayon. Feel ko lang naman."
"Bakit ba kasi nandito tayo? 'Di ba dapat pagtuunan natin ng pansin 'yong research at iba pang activities?"
"Girl, we don't have to worry about it this time, nagsisimula pa lang naman," sagot ni Serron. "Pero alam naman namin na confident kayo sa group niyo at sa research niyo. Kami rin naman so I guess we all deserve to have fun and chill for the meantime."
"So, balik tayo sa napag-usapan natin before," panimula ni Tessa. "Saan niyo balak mag-intern?"
Bahagya akong napatingin kay Tessa dahil sa tanong niya. Uminom naman ako sa nguso ng bote nang dahan-dahan.
"Feeling ko mag-abroad," sagot ni Serron. "Kasi alam mo na, maraming boylet pero feeling ko malaki rin ang chance ko na makapasok sa mga local broadcasting station dito sa atin so I have to weigh two options. Kayo ba?"
"Local lang kaya ko, e," ani Tessa. "Kahit na makakuha ako ng sponsor, I would still prefer to take my internship here. Personal choice naman para sa akin."
"Abroad ako," Dolly said. "If there's a program na pwede tayong mag-apply to take internship abroad, hinding-hindi ko palalagpasin 'yon. Nasabi ko na rin naman sa parents ko 'yon, kahit ano naman do'n, support lang sila. Ikaw, Isel?"
"Ako?"
"Hindi siguro. May ibang Isel pa kaming kasama e," pabalang na sagot ni Dolly. "Oo, ikaw nga girl."
Napakibit-balikat na lamang ako. "Hindi ko pa rin alam. Hindi ko ulit naisip 'yan. Bahala na kung anong opportunity ang dumating sa akin. I will grab it na lang."
"So, wala ka talagang kasiguraduhan sa buhay mo ngayon?" tanong ni Tessa sa akin. Nakataas ang isang kilay niya na para bang may halong judgement ang panunuri niya.
"Feeling ko wala pang matinong goal si Isel ngayon," komento ni Serron.
"Hindi naman sa walang goal, wala pa talaga siya sa isip ko ngayon. For now, ang priority ko is ang research. If we passed that, siguro that moment ay maasikaso ko na 'yon."
"Oh, well, your life, your choice," ani Dolly sabay inom niya sa kanyang inumin. Hindi naman mataas ang alcohol content no'n. Smirnoff lang naman ang kaya nilang inumin. Minsan Tanduay pero hindi pa rin ako nakiiinom.
"Punta lang akong CR," pagpapaalam ako.
Hinayaan naman nila akong umalis sa table namin. They continued talking and laughing on their seats while I headed to find my way to the restroom. Alam ko na naman kung saan ako pupunta, for the past few years, dito kami palagi hinahatak ni Serron kapag gusto niyang mag-party-party. This isn't like some bars na nag-seserve ng hard liquors. We're still students at para lang makapasok kami sa loob ay kailangan lang namin ng ID with birthday na nagpapatunay na nasa legal age na kami or above eighteen. I'm already twenty—and single.
"Criselda?" Nanigas ang buo kong katawan nang may tumawag sa pangalan ko. Hate na hate ko pa naman kapag may tumatawag sa akin sa buo kong pangalan. I preferred to be called as Isel o kaya naman Crisel. Nakatatanda ang feels sa tuwing tinatawag ang buo kong pangalan.
Dahan-dahan ko rin namang nilingon at hinanap kung kaninong boses iyon nanggagaling. Dinala naman ang mga paningin ko nang may isang pamilyar na lalaki ang naglalakad patungo sa direksyon ko.
"A-Archie!" tawag ko sa pangalan ko. Sinubukan kong hindi magulat at maging casual na lamang.
Napangisi naman itong lumapit sa akin. He even brushed his hair up at pagkalapit niya sa akin ay humalimuyak ang amoy niya—the perfume he used isn't that strong pero sobrang nakatu-turn on. Gosh! Bakit ba ako natu-turn on sa kanya? Like duh, he's friend with Bennett-unggoy.
"Huh. What are you doing here?"
"I'm out with friends," sagot ko sa kanya kasama ang pilit na ngiti.
"Oh, with Serron?" tanong niya. Tumango na lamang ako. "Kanina pa ba kayo?"
"Uh... sakto lang. Ikaw ba?"
"Ah, kararating lang namin," aniya.
Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Namin? E, mag-isa ka lang naman. Sino mga kasama mo?"
"Oh, nando'n sila sa table. I'm just on my way to go to the restroom. Ikaw rin ba?"
Muli naman akong tumango pero wala na ro'n ang atensyon. "Uh... sino 'yong mga kasama mo?"
He snapped his finger. "Oh, yes! I'm with Bennett tonight! Would you like to see him?"
My eyes bawled out as if it was a piece of terrible news. Agad ko namang inilingan ang invitation niya. I would never-ever accept it kahit ano pang mangyari. I wouldn't like to see his face again. Kung ano man ang nangyari sa last encounter naing dalawa, that should be it. Ayoko na ulit makipag-usap sa kanya.
"Hindi na, Archie. At saka, papunta ako sa CR ngayon. Mauna na ako."
He nodded. "Well, I just thought it'll be nice to see you guys come together tonight."
I scrunched my face as if to show that I'm liking his idea, but deep inside of me ay parang gusto ko nang sumuka. I immediately excused myself from him before he could say anything. Nang malagpasan ko siya at matungo ko ang restroom ay nagpakawala na lamang ako nang malalim na buntonghininga. I'm not expecting to see him here. We've been going here for the past few years and this is the first time we've seen each other. Or maybe because this was just the only moment na nakauusap na namin siya?
But why would I always have to see him kapag papunta ako ng CR? Like, destiny ba 'yon?
Nagmadali rin naman akong kumilos sa loob ng CR. I also have my time to look at the mirror para masigurado lang na maayos ang hitsura ko at hindi sobrang losyang sa pagharap kay Archie kanina. And why am I doing this? Am I trying to impress him? Kalokohan.
Bago ako tuluyang lumabas ng restroom ay dahan-dahan kong binuksan nang kaunti ang pinto at gumawa nang maliit na uwang para masili ko ang ganap sa labas. When I feel that I'm secured and Archie's not around the area, agad-agad din akong lumabas ng restroom at tumungo pabalik sa table namin.
Kinuha ko kaagad iyong bote ko ng apple-juice at nanatiling tahimik sa kinauupuan ko. Ramdam ko naman ang lalim ng bawat kabog ng dibdib ko. Ewan ko ba't ganito ang nararamdaman ko. Nakaloloka.
Hinila naman ako ni Tessa para iharap sa kanya. Tumaas ang mga kilay ko pagkatingin ko sa kanya.
"Bakit?" taka kong tanong.
Naningkit ang mata niya sa akin. "Bigla kang sumiksik sa akin at parang bigla kang hindi mapakali? Anong nangyari sa CR?"
Muli naman akong umiling. "Wala naman. Bakit ano bang nasa isip mo?"
Napasinghap na lamang siya at hindi na ako sinagot. Nagpatuloy naman sila sa usapan nila habang unti-unti akong lumulundo sa kinauupuan ko para hindi matanaw ni Archie at 'yong kasama niyang unggoy.
"Hi, guys!" Nanigas ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses ni Archie. Tiningnan ko ang reaksyon nang tatlo kong kaibigan at sabay-sabay silang napatingin sa iisang direksyon. Namuo kaagad ang kakaibang ngiti sa labi nina Dolly at Serron habang si Tessa naman ay tumapon sa akin ang tingin. Mistulang nahulaan na niya kung bakit ako biglang nagtatago. "Good to find you here!"
"Hi, Archie!" pagbati ni Serron. Binati rin sila no'ng tatlong mokong. "Hello rin, Bennington!"
Bennington?
"Where's Criselda?" Archie asked.
Pinanlakihan ko ng mata 'yong tatlo pero tinuro nila akong tatlo dahilan para unti-unti akong umayos sa pagkauupo ko. Dahan-dahan ko namang inihilig ang katawan ko para harapin silang dalawa. I waved at them and smiled a little. Nakatutok lamang ang tingin ko kay Archie pero hindi ko napigilang tingnan sa mata si Bennett. He's wearing plain-black tee, and his hands were inside the pocket of his jeans. Nakatingin lang din siya sa akin at tila ba'y nakikipaglaban kung sinong unang bibigay.
"Ah, uuwi na pala kami ni Tessa." Kinuha ko ang kamay niya at binaba ko ang hawak kong bote. Napuno naman nang pagtataka ang mukha ni Tessa dahil sa sinabi ko. Gano'n din ang reaksyon nina Serron at Dolly pero alam kong may ideya na sila kung bakit.
"Hala! Ba't uuwi na kayo?" tanong ni Serron.
Tumango ako nang mabilis. "Yes, 'di ba, sabi ko nga may work pa ako bukas. Tara na, Tessa."
"Kasama talaga ako?" Tanong pa nito kaya pinandilatan ko siya ng mata. On that note, I know, she knew what I'm already talking about. Tumayo na rin siya sa kanyang kinauupuan at nagpahatak na sa akin. "Yup! We're already leaving, guys! See you soon!"
"Bye, girls!" Kaway pa ni Serron.
Binati rin kami nina Archie at Bennett pero ngiti at tango na lang at binigay namin sa kanila. Nagmadali naman kaming lumabas ng premises hangga't sa marating na namin ang exit.
"Bakit may biglang pagtakas, Isel?" takang tanong ni Tessa.
"Kasi naman..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung anong irarason ko.
"Crush mo ba?"
Agad naman akong umiling para tumanggi. "No. Wala akong gusto sa mga 'yon. Lalong-lalo na si Monkey-Bennett. Never in my life."
"Monkey-Bennett?" a voice behind us spoke. "Did you just call me a monkey?"
Dahan-dahan kaming napaharap ni Tessa sa kanya. Hindi ko sure kung bakit nakasunod siya sa amin ngayon. I wasn't really expecting to see him and hear me said that word aloud. Bigla akong nahiya at gusto ko na lamang tumakbo nang pakalayo-layo.
"Do you guys want to talk?" Tessa asked.
"No, don't leave."
"Can I?" he asked.
Tessa nodded and smiled. "Of course!" Hinarap ako ni Tessa at alam kong bakas sa mukha ko ang pagmamakaawa na 'wag niya akong iwan sa lalaking ito. "Babalik na lang muna ako sa loob. Just... don't freak out."
When Tessa left and I was alone with this monkey. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
And he's walking closer to me. He's wearing a smirk on his face and I don't like it.
"And hello again, my Manila girl."
And with that, I punch him in his face and I ran away as I feared him getting back to me. Puñemas! Ano 'tong pinasok kong gulo?!
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaChapter7 #RSIMChapter7 #WT5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro