Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20


"Bakit ba kasi kailangan ko pang madala ng swim suit?" Angal ko kay Tessa. "Saka wala namang sinabi sa akin na magdala ng swim suit. Mapahiya pa ako rito, e."

"At least, maganda na 'yong maging handa! Nabanggit nga ni Serron no'n na ang mga Rochon ay nagmamay-ari ng isang private resort do'n sa Calamba. I think it was one of the expensive private resorts there. Saka 'wag mo na lang ipahalata na may dala ka kasi baka may sabihin pa sa 'yo. Itabi mo pero once na mag-aya sila or do'n ganapin ang birthday, wear it and flaunt it. Magagamit mo na 'yong binili mong bikini cover up. Pak na pak na riyan!"

Napabitaw na lamang ako ng malalim na hininga. Hawak-hawak ko ang swim suit na binigay ni Tessa sa akin. Never been used daw ito. Gagamitin niya lang once may outing pero dahil busy sa school, no time to go to beach o kaya sa mga public swimming pool. Binigay na niya sa akin since she thought it will fit on me.

A moment later, my phone receives a call. Tinulak pa ako ni Tessa nang makita niya ang pangalan ni Bennett sa screen. Gumising talaga siya nang napakaagad. Alas y sais pa lamang ng umaga at ngayong ang oras nang pag-alis namin ni Bennett papuntang Calamba.

Agad ko rin namang sinagot ang tawag niya.

"Hello?" bungad ko.

"Good morning, Sel," bungad din nito sa akin. "I'm already out of your dorm building. Will you carry some heavy stuff ba?"

"No, wala naman. Sling bag at isang tote bag lang naman ang dala ko."

"Ah, cool. I'll be seeing you down here."

"Okay, see you."

Agad ko rin namang binaba ang tawag niya at saka ko hinarap si Tessa.

"He's here," anunsyo ko.

"Samahan kita?"

Agad naman akong umiling. "Hindi na 'no. Bumalik ka na ulit sa tulog mo. Ba-bye na!"

"Teka, kailan ba ulit ang balik mo?"

"Sunday evening for sure."

"Hindi ka sure?"

Napakibit-balikat ako. Wala akong matandaang binanggit sa akin si Bennett. "Wala, e. Saka isang araw lang naman cine-celebrate ang birthday, 'di ba? So, possible na by Sunday afternoon or evening ay nakabalik na ako. Alam na naman nila mama so okay na okay na rin."

"This is it, girl! Meeting his parents na agad ang level mo!"

Napangisi naman ako. "Hitsura mo. Walang gano'n. At si Ate Mallory ang nag-invite sa akin, hindi si Bennett. Pero mamaya na ang chika, naghihintay na 'yon sa akin sa baba. Ba-bye!"

Nagmadali naman akong lumabas ng kwarto at paniguradong sisilipin naman kami ni Tessa mula sa bintana sa aming kwarto. Nang tuluyan din naman akong makababa at makalabas ng building ay nakita ko si Bennett na nag-aabang sa labas ng kanyang sasakyan. Binilisan ko naman ang paglalakad papalapit sa kanya.

"Good morning!" Pagbati ko kasabay ang malambing na ngiti.

"Good morning to you, too. Are you ready to go?" He asked and I nodded. "Hop in. And oh, we'll be picking up Cinema first."

Napatango na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko naman binalak pang umupo sa harap sa tabi niya dahil paniguradong doon uupo si Cinema. Nang makapasok ako at sumundo naman si Bennett ay sinilip niya ako thru the rearview mirror.

"Are you okay there?" he asked.

I nodded. "Yes, I'll be fine here."

"Okay, let's go."

When he started to drive away, inaatake ako ng kaantukan ko. Mabuti na lang din ay nakapagsuot ako ng jacket dahil paniguradong aircon din ang bahay nila ro'n sa Laguna. Hindi rin naman katagalan ay huminto na ang sasakyan, a few more minutes of waiting ay may babaeng papunta sa direksyon kung saan naka-park ang sasakyan at saka niya binuksan iyon.

As she got inside, she leaned closer to Bennett and gave him a peck of a kiss. Hinaplos pa nito ang pisngi ng jowa niya. Saglit lang din ay nabalin sa akin ang paningin nito.

Her eyes squinted as if she's examining what am I doing here in her boyfriend's car.

"Are you..."

"She's Sel—Criselda," pagpapatuloy ni Bennett. "She was invited by ate and she's a friend with Archie as well."

"Oh, alright... is she your tutor?" tanong pa nito saka niya ako tiningnan. Tumango naman ako para kumpirmahin iyon. "Oh, great. Nice to meet you!"

Nakipagkamay pa ito sa akin na malugod ko namang tinanggap. "Nice to meet you, too, Cinema."

"Right, thanks! Enjoy the ride."

I smiled and nodded. Tinalikuran na niya ako at saka siya umayos sa pagkauupo niya. May isang malaking handbag lang siyang dala and she's slightly intimidating in person. I've seen her pictures with Bennett, but she really looks different from pictures lalo na't ngayon na wala siyang make-up.

When I shifted my attention, I noticed that Bennett was looking at me thru the rearview mirror and gave me a nod once again. Tumango na lang din naman ako at binaling ko ang atensyon ko sa tabi ng bintana.

Our trip to Calamba would be an hour and a half to two hours, depende na rin kung ma-traffic at matagalan kami sa biyahe. But I guess, it wouldn't be a trouble for us dahil Sabado naman ng umaga at hindi gano'n karami ang mga taong lumalabas.

I tried not to sway my attention to Cinema, but I can't help but notice her anyway. Nang mapalingon ako sa gawi niya, she's wearing a sunglasses and I think she's sleeping dahil nakahilig ang ulo niya sa right side. Inaantok din naman ako pero mukhang hindi ko mababawi sa biyahe ngayon. I'm not sure what can I expect when I got there, isa lang naman akong hamak na estranghero sa kanila.

Bennette's parents probably knew Cinema and they would lay an eye on me baka kasi may mawalang mga gamit. But that's not my intention. Pumayag lang naman akong sumama because of being grateful for their generosity towards me. Hindi naman ako papayag kung sa tingin ko ay hindi maganda ang kalalabasan ng pagsama ko rito.

I believe I'll be fine. I hope this weekend for me will be memorable.

Two hours after, we finally reached their house in Calamba. Nalula pa ako dahil mala-mansion din sa laki ang bahay nila. I'm not surprised that he could be living in a place like that pero hindi naalis ang pagkamangha sa mukha ko. As we enter the humungous automatic gate, Bennett just made a roundabout until he parked his car near the house main door.

Una silang bumaba saka ako sumunod. May kumuha naman ng susi ng sasakyan ni Bennett sa kanya at idinala ito sa designated parking area. Bitbit ko ang bag na dala ko at hinihintay lamang ang sasabihin ni Bennett para tuluyan kaming makapasok sa loob ng bahay nila.

"Let's get inside," Bennett said. Nilingon naman niya ako at tinanguan ko na ang din siya.

Nauna silang dalawa na pumasok sa loob habang kasunod lamang nila. Bumati kaagad ang lamig ng paligid pagkapasok pa lang namin. It smells great na para bang nasa dulo na ako ng rainbow. Everything seems perfect here. Malalaki ang bawat espasyong madaraanan at elegante't mamahalin ang mga kagamitan. I'm not surprised that he proposed to me pay a lot of money just to tutor him.

Saglit lang din naman ay nakita namin si Ate Mallory na nanggaling sa second floor. We looked up at her and then she immediately runs downstairs to meet us.

"Ang aga, a! But good thing though!"

Nang makalapit siya sa kapatid niya ay inakala kong yayakapin niya pero sinuntok niya lang sa balikat si Bennett. Wala namang palag si Bennett at napasinghal na lamang. She then hugged and gave Cinema a kiss on her cheek pero napansin ko ang pag-ikot ng mga mata nito at mabilis niya ring inalis ang pagkayayakap dito at nalihis papunta sa akin.

"So, welcome to our sweet little house, Isel," pagbati nito sa akin. Niyakap niya rin naman ako at nakipagbeso.

"Thank you for welcoming and inviting me to be here. Kahit nakahihiya..."

"Sus, ayos lang 'yan. 'Wag kang mahiya. Marami pang mangyayari today."

"So, where's mom, ate?" tanong ni Bennett, agad namang tinapon ni Ate Mallory ang atensyon niya sa kanyang kapatid.

"Oh, she's you know, shopping!"

"As early as this time?" takang tanong ni Bennett.

"Well, may ilang shops naman na bukas at this hour. Alam mo naman na simple lang din si mom at walang arte. And dad's with her so we can prepare what's going to happen this day. I just called the organizer sa private resort, they are still doing last minute decorations and all, so I guess baka mga three in the afternoon ay pwede na tayong pumunta ro'n."

Shit. Isa bang malaking birthday event 'tong pupuntahan namin?

Bigla ko namang naalala 'yong mga damit na pinagdadala ko. Ang sisimple—isama pa 'yong swim suit na pinahiram sa akin ni Tessa. Wala namang binanggit sa akin si Bennett at Ate Mallory sa mga magaganap kaya nagdala na lamang ako ng sa tingin ko ay bagay sa akin. But I guess, what I brought won't make it to their tier. Parang biglang gusto ko na lang umuwi sa QC.

"Nag-breakfast na ba kayo?" tanong ni Ate Mallory. Umiling naman kaming tatlo sa sagot niya. "Tara sa dining area, nagluto ako ng breakfast."

"Pass muna ako," ani Bennett. "I'm feel so sleepy so I might take a nap first."

"Ako rin," dagdag ni Cinema, sabay kapit sa braso ng jowa niya na para bang higad. Ang laki pa ng ngiti niya. And why do I look at her na para bang kinaiinggitan ko sila? Like, duh. As if naman magugustuhan ko 'to si Bennett.

"Just call us when you need something."

"Okay, bahala kayo," aniya saka binaling nito sa akin ang tingin. "Ikaw, Isel? Join me on breakfast?"

Agad naman akong tumango. Bahagya akong lumingon kay Bennett pero agad naman silang nagpaalam at tumuloy na umalis at tumungo sa second floor. Napaikot na lamang ang mata ni Ate Mallory at narinig ko pa ang mahinang singhal nito.

"Kairita," she muttered and then fixed her hair. "Anyway, Isel, tara na sa kusina."

She grabbed me by my hand saka niya ako hinigit papunta sa dining area nila. Sa layo nang nilakad namin marating lamang ang dining area nila ay masisigurado kong napakalaki talaga ng bahay nila. I was also astonished when I got into their dining area.

Una ko kaagad napansin ang glass dining table which looks formed like a fish except for the tail part, but it looks insane. May maliit na chandelier din sa itaas nito which emphasizes it, the room's bright dahil napaliligiran din ng pin light ang kisame. Everything's so expensive from the way I look at them. Nakatatakot hawakan baka mabasag at siguro mamatay na lang ako ay hindi ko pa tapos bayaran 'yong nabasag o nasira ko man.

Pinaupo ako ni Ate Mallory and then she was the one who assisted me.

"Kain ka lang kung anong gusto mo, wala namang pipigil sa 'yo." Tawa pa ni Ate Mallory. "Hindi, walang halong biro. Kain ka lang talaga. Don't worry, hindi kita ija-judge kung marami man ang kunin mo." Bungisngis pa ang tawa ni Ate Mallory.

Pinilit na niya akong kumuha ng pagkain at maglagay sa plato ko pero dahil napansin niyang kauunti lamang ang pinaglalagay ko ay siya na mismo ang naglagay no'n.

"Ang sabi ko 'wag mahihiya, e." Aniya at sinamahan na niya ako sa hapag-kainan. "So, how do you think of this place and your travel here?"

"Mabilis-bilis na lang din pala ang biyahe ngayon. Noon kasi medyo matagal-tagal pero ayos naman sa biyahe. And to this place, super wow. Hindi ko ine-expect na ganito ang pupuntahan ko ngayon, e 'di sana nakapag-prepare pa ako."

She laughed. "Oh, shoot! Nasabi ko ba sa 'yo na 'yong birthday ni mom ay somewhat pool party? Well, it was my idea na gawin sa resort ang 40th birthday niya and I wanted to swim. So, may dala ka bang extra clothes? Like swim suit and other stuff?"

"Hindi gano'n karami 'yong damit na nadala ko kasi akala ko one day and one night lang ako rito. Though... my friend insisted me to bring a swimsuit kasi alam niyang ang mga Rochon daw ay may private resort. Napilit niya ako kaya iyon, dinala ko na lang din."

She giggled. "I like your friend, alam niya na kaagad kung anong mangyayari. Anyway, kung wala ka namang extrang damit na nadala, I can spare you some of my clothes. I think meron akong hindi pa nagagamit. Sama ka mamaya sa kwarto ko, I'll show you want you can wear. Siguro bago tayo umalis mamaya."

"Sige, ate, thank you talaga."

She smirked. "Naku, maliit na bagay."

Habang kumakain ako, feeling ko nasa bahay ako ng mga royal kahit normal breakfast lang din naman ang kinakain ko ngayon. Hotdog, bacon, fried egg, tapa, at garlic rice. Napakasimple pero sobrang gara kung tutuusin.

"Hey, Isel, you know what." Naitaas ko ang tingin ko sa kanya nang tawagin niya ang pansin ko. "I really like your personality. Even though no'ng isang araw lang tayo nagkakilala, ang gaan ng pakiramdam ko sa 'yo. You're far from what I've been feeling to my brother's girlfriend. Sana ikaw na lang jowa niya. Anyway, chika lang."

Napangiti na lamang ako ng bahagya dahil hindi ko rin alam kung anong ire-react ko sa kanya. What she said could be good or could be bad, but based on what I've been seeing and noticing on her action towards Cinema, I feel like hindi niya bet 'to. And why not?

But what would happen to this day and tomorrow? I feel like everything's going to be... exciting and I guess, full of surprise. I just need to get along with it and find it out by myself.

***

Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!

#RainySeasonInManilaChapter20 #RSIMChapter20 #WTS5

Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro