Chapter 16
Chapter 16
It's been a week since I've accepted Bennett's offer I haven't told anyone about it yet. Not even to Tessa. Siguro si Archie may idea na about do'n, but I highly doubt Bennett will tell to it to him.
Habang naghahanda ako ng gamit ko, may 10 AM class kami ngayon at isang oras na lang ang hinihintay namin pero nandito pa rin ako sa dorm. Maya-maya lang ay pumasok si Tessa ng kwarto namin. Nakapulupot sa buhok niya ang tuwalya. Galing siyang common bathroom at kaliligo pa lamang niya.
She continued dressing herself up while I continued preparing my stuff.
"Ah, Isel?"
Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko. And then my eyes landed on her hand where she was holding something I easily recognized. Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko pero nang buklatin niya 'yon at suriin pa ay agad ko na siyang pinigilan. I swiftly get on my feet and snatch the shirt from her hand at nilagay ko 'yon sa likod ko para hindi na niya kunin pa.
Napakunot na lamang ng noo si Tessa. "Sa 'yo ba 'yan?"
Tumango naman ako. "Isang linggo ko nang hinahanap 'to, nasa 'yo pala."
"Kaya nga nagtataka ako, e," aniya. Bakas pa rin ang kuryusidad sa mukha niya at hindi ko siya hahayaang mabuking niya ako. Kahit nga sa phone ko, patago ko pang ginagamit 'yon. I'm trying not to say anything to her hangga't hindi pa rin ako ready sabihin sa kanya. "Bagong bili mo ba 'yon? Parang ang laki no'n sa 'yo."
"Tama lang naman. Comfy sa akin 'yon."
"Oh... okay, sabi mo, e." Hindi na naman niya sinundan pa ng tanong 'yon at nagpatuloy na lamang siya sa pag-aayos sa sarili. Habang hindi nakatingin si Tessa, mabilis ko namang sinuksok sa bag ko ang shirt ni Bennett.
I've been looking for it for a week dahil ibabalik ko na nga kay Bennett pero hindi ko makita. Tama nga ako na nahalo sa mga damit ni Tessa. Muntik na rin akong mabuko from that moment. Mabuti na lang ay nakaligtas pa ako.
"Isel, may tanong lang ako," aniya saka niya ako hinarap matapos magsuot ng damit. "Pansin ko lang, ha? Bakit parang hindi ka na pumapasok sa part-time mo? Nag-quit ka na ba? Or naka-off ka lang?"
Gusto kong itikom ko lang ang bibig ko dahil tiyak na mabubuking niya kaagad ako. Pero ayoko rin namang magsinungalin sa kanya, she's been there with me simula no'ng unang pasukan namin. She stayed friends with me and there's no problem when I told her she need stop keep something a secret, though minsan 'yong iba ay nakalulusot, but I trusted her so I guess I need to get out of my cave now.
Napabitaw na lamang ako ng malalim na hininga.
"Oh... okay... I feel like it's confession time," tugon ni Tessa. "Ano ba 'yong sasabihin mo? Jowa mo na si Archie?"
"Hoy, hindi, a! Hindi ko jowa 'yon si Archie at sa tingin ko hindi talaga 'yon mangyayari."
"Okay, sige, not now, but soon. So, anong chika mo today? Have you been keeping it for a week na ba?"
Muli naman akong tumango sa kanya bilang pag-amin ko.
"Yes... 'yong shirt kasi... kay ano..."
"Alam ko na. Kay Bennett, 'no?" Namuo ang ngisi nito sa labi. I knew she would suspect it. Malakas ang kutob ni Tessa sa mga bagay-bagay. Tango na lang din nama ang sinagot sa kanya. "I figured... pero pa'no ka nagkaro'n ng shirt niya? Ah, wait! I feel like I know where all of this started. 'Yon ba 'yong nagpaalam ka sa amin na may dadaanan ka lang tapos in the end si Mister Bennington Rochon na pala ang pinuntahan mo. How sweet."
"Hindi 'yon, sweet," pagtatanggol ko pa sa sarili ko. "And the reason why I stopped going to my part-time is that—"
"You've accepted his offer!!!" she exclaimed, cheering for me. Nagtatalon-talon pa ito sa excitement niya. I didn't expect that I'll see her with this kind of reaction, so this is a little bit of surprise for me. "Wow! I'm so happy for you! Isel!!!"
"Okay, chill ka lang, Tessa. It's not something to be excited about naman."
"Girl, you're telling me I shouldn't be excited for you! You'll be out of your misery sa part-time mo and I bet you'll be great at this! And why did you accept his offer after all of these weeks?"
"Hindi ko rin alam... basta tinanggap ko na lang."
"Or naawa ka?"
Napabikit-balikat naman ako. "Pwede rin... saka mas malaki 'yong sasahurin ko sa kanya kaya kinuha ko na. Wala namang mawawala and we only agreed to do it on our free schedule. Sinend na rin naman niya 'yong schedule niya sa akin and we'll probably starts to do our session tomorrow."
"At hindi pa alam nina Serron at Dolly 'to?"
"Hindi pa."
"And do you have any plan of telling it to them?"
I nodded. "Yes. Naghahanap lang din naman ako ng tiyempo. Sasabihin ko rin naman sa inyo. It's just... you guys have been talking about Bennett and all at baka kung ano pang isipin niyo. I just accepted his offer kasi malaking tulong 'yong makukuha kong bayad sa kanya. It doesn't help me, but him. It beneficial for both of us, so okay lang talaga... wala ng big deal do'n."
"Okay, gets naman kita. Bahala ka na chumika kina Serron at Dolly. So, pa'no napunta 'yong shirt niya sa 'yo? Akala mo ha, hindi mo ako malilihis sa usapan I always finds a way to talk about." Hagikgik pa nito.
"That day nang magkita kaming dalawa, umuulan no'ng araw na 'yon. We had to go to his car, pinahiram niya sa akin 'yong jacket niya pero in the end ay nabasa pa rin ako. Pinahiram niya lang ako ng shirt tapos ibabalik ko rin sana agad kinabukasan. Ipapadaan ko kay Archie pero biglang nawala sa labahan ko kaya nagtaka ako kung saan napunta. Nasama lang pala sa 'yo."
"Ah, oo, tanda ko 'yon! Naglaba kasi no'ng pagkagising ko kinaumagahan tapos sinabay ko na 'yong sa 'yo. Wala namang tao sa laundry area kaya na-solo ko. Kaya nagtataka ako kung bakit may nahalong black shirt na may engineering gano'n tapos may FEU logo pa sa gilid. Hinayaan ko na lang din... 'yon pala sa 'yo pala talaga 'yon."
"Yup, pinahiram lang din niya sa akin 'yon. Baka ibalik ko na lang kapag nagkita na ulit kami."
"What about the phone? Pahiram din ba sa 'yo?" tanong naman nito.
Naintriga ako sa tanong niya at halos gusto kong tumakbo ng kwarto dahil pakiramdam ko hindi pa tapos si Tessa sa pagtatanong sa akin.
"Anong phone?" maang-maangan kong sagot sa kanya.
But instead, to support her question, mas lumaki ang ngiti sa labi niya as if she really knew what's going on and I need to stop lying dahil buking na buking na rin naman ako.
"Isel, first with the shirt, and the job, so please 'wag na tayong maglokohan pa rito."
"Okay, sige, fine. No'ng araw na nagkita rin kami, aksidenteng nalaglag 'yong phone ko mula sa bag. Hindi pala gaano nakasara kaya lumusot. In the end, nabasag ang screen tapos nadamay pa 'yong LCD so blackout talaga ang screen. He was there and saw my phone died right before our eyes. Binigay niya 'tong luma niyang phone sa akin. Hindi ko nasigurado kung pahiram lang din 'to."
"That's expensive para ibigay lang," puna ni Tessa.
"I know! Hindi ko pa sana tatanggapin, but he insisted kaya tinanggap ko na rin. At saka mahirap mawalan ng communication ngayon kaya wala na akong pakialam kung anong mangyari."
"Ano namang sabi ng girlfriend niya? Si Cinema?"
Napakibit-balikat naman ako. "She wasn't there when we went to his condo."
"Gaga, ikinondo ka kaagad? Sosyal naman!"
"Wala naman kaming ginawang mahalay bukod sa pag-uusap tungkol sa pagiging tutor ko. Sinabi lang ni Bennett sa akin na okay lang naman daw kay Cinema. Nakapag-usap na naman sila and I think she supports him with that."
"Hindi mo pa rin sure."
Napataas ang dalawa kong kilay sa sagot niya. "Pa'no mo naman nasabi?"
"Girl, ano ka ba, simple lang, Bennington Rochon is one of the popular students in their university at maraming nagkagugusto sa kanya. Everybody wants to kiss, hug him. Lahat na ata gusto nilang gawin sa kanya, but Cinems won his heart kaya naman overprotective siya sa relationship nila. And how do I know about this?"
"Si Serron?"
"Nahuli mo. Iyon pa, napaka-chismoso no'n kapag usapang daks at boylets."
"Should I be afraid of her? Hindi ko pa naman alam ugali no'n sa personal. I've seen her pictures though..."
Bennett forgot to logout his apple ID in the phone he gave to me. Hindi naman sa pagiging pakialamera, I had to explore the phone first before using it so I've seen a lot of pictures and some I shouldn't have. In the photos I've found, they were cute though.
There were also an album where Bennett was in London and then there's something I've noticed from his arm. Napatingin talaga ako no'n sa suot kong gold bangle and we have the same thing. And for the past moment we've seen each other, hindi ko nakitang suot-suot niya 'yon.
Would it be possible na pareho kami ng suot? Or he removed his bangle just because he saw me wearing mine?
After snooping from his photos and all, I log out his account and set up mine and insert my sim card and messages come through every single second. Bennett and I started messaging each other from that moment. Hindi ko na lang din sinabi sa kanya 'yong mga nakita ko and I'll intend to keep it for myself—kailangan ko ng holy water sa mata.
"I don't think you should be afraid of her," Tessa advised. "You just have to be yourself. Wala ka namang gagawing masama so you won't be doing bad stuff. Hindi mo naman aagawin 'yong jowa niya sa kanya because it's strictly for a job only, 'di ba?"
"Yeah... there's nothing to be afraid of..."
After our conversation, it felt like everything's normal and she intends to keep her promise not to say anything, and I should handle it by myself. Sabay na rin naman kaming umalis ng dorm to think that anything can happen today.
When we got into the campus, we've met Serron and Dolly. Tiningnan naman ako ni Tessa. Nangungusap ang mga mata niya and I'm not sure what she's talking about. Sinasabi ba niyang sabihin ko na kina Serron and Dolly 'yong mga sinabi ko sa kanya kanina? Hindi naman ako kumibo and I should keep it until the end of the day or maybe next week... bahala na kung mabuking.
"Ladies! Ladies!" Humahangos na palapit sa amin si Archie. Lahat naman kami ay lumingon sa kinaroroonan niya. Tumatakbo ito papalapit sa amin.
"Ay, taray! Ang lakas ko maka-belong sa ladies!" Tawa pa ni Serron. "Pero truth naman girls, 'di ba?"
"Oo na," walang ganang sagot ni Dolly.
"What's the hold up, Archie?"
"They're cancelling all the classes today," he announced as soon as he got closer to us. Pinatong nito ang kamay sa balikat ni Serron. Agad namang napatingin si Serron sa maugat na kamay ni Archie. Napakagat na lamang siya sa labi niya at pinagnanasahan ang kamay nito.
"Diinan mo pa, Archie," bulong nito.
Napangisi naman si Archie at diniinan nga 'yong pagkapit sa balikat at sumigaw na lamang si Serron sa bigat ng kamay ni Archie. Napahimas na lamang siya sa kanyang balikat.
"Sa'n mo naman nasagap 'yang chismis, Archie?" tanong ni Tessa.
"It was announced by the office, I'm not sure what it is, but we're to go."
"Kapapasok pa lang natin, uuwi agad?" ani Dolly.
"May alam akong baka bet mong puntahan," suhestyon ni Serron.
"Uhm... Isel... I thought I should take you out alone. Would that be fine?"
"Para ba 'yang date?" tanong pa ni Serron.
"Nah," sagot ni Archie. "It's not a date."
"Okay lang naman, sure ka bang wala na talagang klase?"
Tumango naman siya. At dahil hindi pa rin kami kuntento sa sinabi niya ay naghatak siya ng isang estudyante at tinanong niya ro'n kung may klase pa ba o wala na. They student said they canceled the classes today so we're all free to go. Nakampante naman ako kahit papaano. May quiz sana kami mamaya at hindi ako gaanong nakapag-review, At least, safe na naman ako.
"So, what do you think, Isel?" he asked.
Nilingon ko 'yong tatlo kong kaibigan and they all answered in chorus. "Go! Enjoy your date!" And I feel embarrassed when they said that, but because we have no classes to go to at makaliligtas ako kina Serron at Dolly ay pumayag na rin akong sumama kay Archie.
"Thank you guys, I'll keep her safe. See you around." And with that, Archie grabbed my hand, and then we both walked away from them. I hope they don't conclude anything from it. We're just friends... that's what I believe so.
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#RainySeasonInManilaChapter16 #RSIMChapter16 #WTS5
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro