Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1


Pagkakuha ko ng schedule ko no'ng nakaraang linggo, agad kong pinalaam sa manager ko ang magiging schedule ko upang mabigyan din ako ng nararapat na oras sa pagpasok sa part-time job ko. This wasn't easy for me, pero ginagawa ko na 'to simula nang pumasok ako ng first-year kaya nagagawa ko namang makapag-adjust everytime.

Isa pa, mabuti na lang din ay hindi masyadong mahigpit ang manager ko kaya kapag nakapagsasabi ako kung pwede akong hindi pumasok ay papayagan naman ako nito. Iyon nga lang wala akong sasahurin sa araw na 'yon. And that's okay, minsan may mga bagay lang talaga akong dapat i-priority.

"Isel, saan mo balak mag-ojt?" tanong ng kaibigan ko.

Napakibit-balikat naman ako. Natingin silang tatlo sa akin at nag-aabang ng isasagot ko. "Hindi ko pa alam... medyo matagal pa naman. Ilang buwan pa naman 'yon."

Kumusot ang mukha ni Tessa. Bagong rebond kasi ang buhok. Medyo amoy pa namin ang gamot na ginamit sa buhok niya, but she looks great. Mahahaba ang pilikmata niya at maninipis ang labi. May pagka-chinita rin dahil sa pagkasingkit ng mata at saka makinis ang kutis niya dahil aminado naman siyang gumagamit siya ng skin-whitening.

"Matagal? That's almost just four to five months away," sagot ni Tessa.

"Trulalu," komento naman ni Dolly.

Napataas naman ng kilay ang beki naming friend. "Nakakaloka! Sa tingin ko mabilis na lang din ang five months," dagdag ni Serron.

Napakibit-balikat na lamang ako. "Hindi ko talaga sure. Wala pa siya sa isip ko ngayon pero nagsabi naman 'yong ate kong pinsan if ever bet kong mag-intern abroad."

"Wow! Ang taray naman this girl!" panunuya pa ni Tessa. "Saan naman binabalak mo?"

"True! Anong bansa naman? Kasi may na-kwenta sa akin 'yong naka-ONS ko no'n."

"ONS?" takang tanong ni Dolly. "Like offs?"

"Puta, hindi gano'n 'yon, Dols," hagalpak pa ng tawa ni Serron. "Iba kasi 'yon."

"Ano nga kasi 'yon?" dadag ko pang tanong sa kanya.

Kumusot ang mukha ni Serron kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Like he's already judging me based on that question alone.

"Okay, sige na. 'Yong one time na may chinupa akong senior dati, okay na? Pasado na? Na-gets na o baka naman kailangan pa ng demonstration kung pano ko sinubo 'yong uten niya?"

"Sira! Nagtatanong lang naman kasi," usal ko. "So, anong chika mo ro'n?"

"Uh... hindi talag siya ONS. Happy fun. 1500-1500 lang."

"1500?" takang tanong ni Dolly.

Sigasig namang tumango si Serron. "Siyempre, level up 'yon 'no."

"Ang dirty na ng usapan," komento ni Tessa. "Parang si Serron."

Serron glared at her. "Anyway, ito na talaga tayo, umiwas na tayo sa usapang 'yon. Na-kwento niya kasing nag-OJT siya sa US."

"Teka—" pagputol ni Tessa sa sinasabi ni Serron. "Sino ba 'tong tinutukoy mo? Anong school? Taga-NU rin ba?"

"Teka, ba't ko naman sasabihin?!" usal ni Serron. "Anyway, one time lang naman nagyari 'yon and graduate na siya so you won't see him around na. Natanong niya kasi kung anong year ko and if mag-intern daw ako, try ko raw sa ibang bansa kasi bukod sa mataas 'yong opportunity na makapag-work abroad after graudation ay pwede pa siyang mag-part time bukod sa actual internship niya na sumasahod pa siya. O, 'di ba?! Pak na pak!"

"That's actually good nga!" komento ni Tessa. "Ipakilala mo naman kami sa kaniya baka matulungan niya tayo."

"Sige," ani Serron pero bigla siyang napadilat ng mata nang ma-realize kung ano iyong sinasabi ni Tessa. "Hoy! Hindi mo ako mauuto. I wouldn't drop his name. Kahit kailan... saka kahit hindi ko naman sabihin, napapanood na siya ngayon sa TV. Anyway, let's go back to our topic ulit. So, who's planning to have an internship abroad?"

Sa tanong ni Serron, nagtaas sila ng tatlo ng kamay. Tiningnan nila akong tatlo.

"Hindi ko alam." Singhal ko pa. "Hindi ko pa talaga sure. Wala pa siya sa plano ko. If ever naman mapag-isipan ko, matutulungan naman ako ng pinsan ko na makapag-apply ng sponsorship so I think kaunting time and then I'll made a decision about it."

"Sayang ang foreigners," ani Serron. "You only live once, girl."

"We only live once nga lang kaya sinagad na ni Serron hanggang lalamunan ang every—" Hindi na naituloy ni Dolly ang sinasabi niya nang bigla siyang batukan ni Serron. "Aray ko naman!"

"Hinay-hinay lang girl!" Pandidilat pa ng mata ni Serron.

Napatingin naman ako sa orasan sa screen ng phone ko. Itinaas ko naman ang ulo ko at binaling ko sa kanilang tatlo. "I think we should get into our class na."

"Sus! Baka wala pa professor natin. Baka next week pa pumasok 'yon," ani Tessa.

"Basta, let's go na," pag-aayaya ko sa kanila.

Umalis kami sa kinatatayuan namin sa hallway at tumungo sa susunod naming home room. Pagkapasok namin at nagsipuntahan sa aming mga silya ay naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko. When I check it, it's the same unknown number calling on my phone.

Napakunot-noo na lamang ako habang tinititigan ko ang numero nito. I'm trying to guess who could this be calling me. Hindi ko kasi sinasagot at madalas makatanggap ng scam calls at messages ang number ko kaya ini-ignore ko na lang o kaya naman direktang block para hindi na mangulit. Hindi ko pa bina-block ang number na ito, but it kept calling me for the past few days.

Natauhan lamang ako ng kalabitin ako ni Tessa dahil nakatayo lamang ako sa harap ng upuan ko habang sila ay nakaupo na at tinitingnan ako. Nilapag ko naman ang bag ko at umupo na sa silya pero hindi pa rin naaalis ang mga kakaibang tingin nila sa akin.

"Ano na namang chismis ang gusto niyong malaman?" banas kong tanong sa kanila.

"Is it your jowa, girl?" Nakangising tanong ni Dolly sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya at umiling ako. "No. Wala nga akong jowa at wala akong itinatagong jowa. Ang kukulit niyo."

"Ay angry lang?" Tawa pa ni Serron.

Inirapan ko naman siya. "Bwisit ka, Serron. Unknown number lang 'yon. Tawag ng tawag. Hindi ko sinasagot. Talamak kasi ang scammers na tumatawag sa phone ko kaya hindi ko na sinasagot."

"Pa'no pala kug importante 'yong tumatawag sa 'yo?" tanong ni Tessa.

"Malalaman ko naman kung importante o hindi," pagdadahilan ko pa.

"Baka admirer mo 'yan?" Ngiti pa ni Serron.

Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. "'Yong totoo, Serron? Binigay mo 'yong number ko 'no? Umamin ka o kaya naman gusto mong gulpihin kita."

He was a little shocked after I threatened him with that. Agad rin naman siyang umiling upang depensahan niya ang kanyang sarili.

"Uy Isel, hindi ko naman gagawin 'yon ng walang paalam. I mean, kahit ibigay ko, may magkakainteres ba?"

Babatukan ko sana siya sa tanong niya pero ginawa na iyon ni Dolly para sa akin. Napanguso naman si Serron habang hinihimas ang kanyang ulo.

"Para kang baliw. Alam mo namang conservative itong kaibigan natin. NBSB nga, e," dagdag pa ni Dolly.

"Ang ingay! Iba na lang pag-usapan natin," aburido kong tugon sa kanila.

Tiningnan naman ako ni Tessa kasabay ng pagtaas ng kilay niya. "Meron ka ba ngayon? Medyo moody ka, a."

Umiling ako sa tanong niya. "Wala... wala ako ngayon."

Kumusot naman ang kanyang mukha saka napakibit-balikat ko. "Okay, sabi mo, e. Pero 'di ba, sabi mo may ichi-chika ka sa amin sa nangyari sa 'yo last week? Akala mo nakalimutan mo na 'yong sinabi mo sa group chat, a. Anong ganap, Isel?"

Tiningnan ko silang tatlo at namumutawi ang kakaibang ngiti sa labi nila. Tila mga sabik silang malaman 'yon. Hindi ko rin naman nakalimutan 'yong nangyari last week pero akala ko nakalimutan na nila kaya hindi ko na kinu-kwento.

"What happened last week was full of embarrassment. Hindi ko na lang sasabihin," usal ko.

Sabay-sabay naman silang bumitaw ng malalim na buntonghininga as if they are disappointed na ayaw kong ikwento 'yong nangyari sa akin. Nagmatigas naman ako. Humalukipkip ako at hindi ko talaga sinabi sa kanila. I thought I should kept it for myself. Nakahihiya naman kasi talaga 'yong ginawa ko that time. Mabuti na lamang ay hindi ko kilala 'yong lalaki at hindi siya nag-aaral dito—if he's a student or not, mabuti na 'yong hindi na magkita muli ang landas namin.

Hindi na rin naman nila ako kinulit dahil biglang sumulpot iyong professor namin sa Lit 4. We're not expecting her to attend us so early dahil naririnig naming balita ay halos two to three weeks pa ito papasok bago i-meet ang kanyang klase and that's fake news! Nataranta ang lahat.

***

First meeting na first meeting namin sa aming Literature professor ay recitation kaagad ang binungad nito sa amin. It was a graded recitation at tiyak na lubos na makakaapekto sa grading namin for prelims. Mabuti na lang, I could recall the previous lectures I had from my past literature classes. I'm one of the few who answered our professor's question right.

Tessa got it, too, though Dolly and Serron failed to answer it right. At wala namang masama ro'n. I think our professor we're just testing our knowledge on how we will start our discussion with her and she's quite terrifying, but I know she'll be a great professor.

"Nakadaya ni prof," komento ni Serron nang maiwan kami sa room.

"Aral-aral din kasi," tugon ni Tessa sa kanya.

"E 'di kayo na dean listers," sagot naman ni Serron.

"Ay may pagsumbat?" kuwestiyon ni Tessa. "Sorry naman at dean lister kami ni Isel. May scholarship kasi kaming kailangan ingatan kaya kailangan study is life."

Napabuntonghininga naman si Dolly. "Hindi kayo kinakaya ng height ko. Maliit na nga ako, pinamumukha niyo pang maliit ako." Nagkatitigan kaming tatlo sa sinabi ni Dolly dahil wala namang koneksyon iyong sinabi niya. "Anyway, okay lang 'yan. First day pa lang naman and we still have a lot of time to get what we deserve."

"That should be the mindset." Pagsang-ayon ni Tessa sabay tingin kay Serron.

Tessa and I are the nerds they called. Nasa dean lister kasi kami dahil may iniingatan kaming scholarship and if we failed, we'll have to lose our scholarship as well. Dalawang semester na lang ay makapagtatapos na ako. While Serron and Dolly are heavily-financially supported by their parents. They were also like big-time spender kaya kaming dalawa ni Tessa ang nagpapaalala sa dalawa na magtipid-tipid lalo na si Serron na usually would spend it for a guy just for ONS and we thought it's a bad gesture.

But what they say, it's his money, it his life so he can do whatever he wanted to do. We're just here to remind them and I think growing with people like them helps me to experience a lot of things and I'm not ashamed kung saan ako nanggaling.

Pagkalabas naman namin ng premises ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Binabalak pa ni Serron na mag-hangout daw kami pero hinay-hinay muna siya bago kami sumabak do'n. Kasisimula pa lamang ng klase, iyon agad ang inaatupag. Nagsabay naman kami ni Tessa dahil same dorm kami ng tinutuluyan. Sa isang lady's dorm kalapit lamang ng university ang tinutuluyan namin.

"May pasok ka ba today?" tanong ni Tessa habang naglalakad kami papunta sa dorm.

Umiling naman ako. "Ngayong araw wala pero bukas meron. Binigay ko na naman schedule ko sa manager ko at binigyan na rin ako ng schedule ng pagpasok ko kaya hindi na hassle sa akin."

"Ang sipag mo talaga, Isel. Bilib na bilid ako sa 'yo. Jowa na lang talaga kulang." Tawa pa nito.

Napasinghal naman ako. "Ayoko talaga muna magjowa."

"Sus! Baka kainin mo lang 'yang sinasabi mo,"

Taas noo ko naman siyang tiningnan. "Believe me when I say, Tessa."

Napangisi naman siya. "Sige, sabi mo, e."

As soon as we got into our dorm and have myself changed my clothes, I received another phone call from this unknown number. I hesitated if I'm going to answer it or not and leave it alone, but when the call ended, the phone number started calling once again. In the end, I had to block the number so whoever the person behind this number trying to bother me would stop. I've had enough of the scammers.

***

Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!

#RainySeasonInManilaChapter1 #RSIMChapter1 #WT5

Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro