Chapter 9 : Art Contest
Chapter 9 : Art Contest
Ngayon ang araw ng art contest.
Ilang araw ko ring pinag-isipan kung anong ipe-paint ko. Ilang araw kong tinanong sa isip ko kung tama bang 'yon ang ipinta ko. Kung worth it ba 'yon. Inisip ko kung kaya ba akong ipanalo no'n.
Pero mas inisip ko na hindi ko naman kailangang manalo. Ang kailangan kong gawin ay i-paint ang kung anong nararamdaman ko. Kung anong gusto ko. Hindi ko na nanaisin pang manalo, bonus nalang siguro 'yon kung mananalo nga ako.
"Galingan mo Jen! Kayang-kaya mo 'yan! 'Wag mong kakalimutan ang mga tinuro ko sa'yo ha. Ang shading ng mga kulay, ang tamang sukat at dami ng paint, ang---"
"Ang ingay mo. 'Di ako makapag-internalize," sabi ko kay Yana. Tatawa-tawa naman siya.
"Kaya mo 'yan Jen. Tingnan mo mga kalaban mo. Parang hindi mga praktisado. Hindi 'yan magagaling. Gusto mo ba putulin ko mga paint brush nila?" sabi naman ni Yara kaya agad akong umiling.
"Jusko! 'Wag. Baka karmahin tayo," pag-angal ko.
"Jen, isipin mo nalang nanunuod si Alas sa'yo," bulong naman sa akin ni Juo. Minamasahe pa niya ang balikat ko na akala mo'y sasabak ako sa boxing. Para talagang tanga 'tong mga kaibigan ko. Kikiligin na sana ako sa pagiging supportive nila, kaso nawawala 'yung kilig kapag naiisip kong mukha kaming tanga rito.
"Anong isipin? Nandiyan talaga siya, nanunuod," sabi ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mapangiti. Muli kasing dumapo ang tingin ko sa bandang likuran, kung nasaan si Alas at ang mga tropa niya. Lahat yata sila manunuod sa laban ngayon.
Actually, dapat mga contestant lang ang nandito sa gymnasium. Pero dahil mapilit ang mga estudyante, na-cut ang mga klase sa umaga. Nanunuod tuloy lahat ng mga estudyante. Todo cheer ang iba, bigla tuloy akong kinabahan.
Tiwala ako sa skills ko pagdating sa arts, hindi lang ako tiwala sa sarili ko kung makakapag-focus ako habang nanunuod si Alas. Pakiramdam ko, nasa akin lang ang mga mata niya. Mas lalo lang akong hindi makakapag-focus kapag gano'n.
"Kapag nanalo ka rito, sagot ko ang debut mo next year," sabi ni Juo kaya napatingin ako sa kaniya. Akala ko nagbibiro lang siya pero hindi naman siya tumatawa.
"Seryoso?" Sabay-sabay naming tanong sa kaniya nila Yana at Yara.
Tumango si Juo. "Kung mananalo ka," mapanghamon niyang saad kaya ngumisi ako sa kaniya.
"Ihanda mo na ang debut plan ko Juo. Baka umiyak ang bulsa mo," saad ko.
"Sana nga umiyak ang bulsa ko. Nandiyan si Alas oh. Ang isipin mo muna ngayon, sana makapag-focus ka sa gagawin mo," sabi ni Juo kaya parang gusto ko siyang kurutin. Gusto talaga niyang sabihin 'yung mga bagay na obvious na. Mas lalo ko tuloy naisip na baka ma-block ako mamaya at walang matapos.
"Goodluck Jen!" sabi ni Yana at Yara nang tawagin na ang mga contestant.
Pinapwesto kami sa gitna ng gym. 'Yung mga nanunuod, nasa gilid lang. May harang para hindi makalapit sa amin ang mga kaklase at supporters namin. May mono block chair at malalaking canvas kung saan kami magpa-paint. Bago kami magsimula, pinaliwanag muna sa amin ang mga rules, at criteria for judging.
Nang mag-go sign na, 'yung iba agad na nagsimula. Mas lalong umingay ang gymnasium dahil nagchi-cheer ang karamihan. Hindi pa naman ako sanay na maingay ang paligid kapag nag-a-arts ako. Lalo pa't nang mapatingin ako sa dako nila Alas, nakita kong nakatingin siya sa akin.
Ngumiti siya nang makitang nakatingin ako sa kaniya.
Owemji! Mas lalo tuloy akong hindi nakapag-focus. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ilang beses akong nag-practice para sa araw na 'to. Pero biglang nakalimutan ko kung saan dapat magsimula. Kung anong uunahin ko, kung anong mga kulay ang pagsasamahin ko.
Bigla akong na-stress. Pakiramdam ko hinahabol ako ng oras. Para akong kinakapos ng hininga kahit hindi naman ako tumatakbo. Mali yatang nandito si Alas. Hindi dapat siya nandito dahil nawawala ako sa katinuan.
Nakita ko ang pagngisi ni Juo. Humanap sila ng p'westo kung saan makikita nila ako at ang ginagawa ko.
'Yung ngisi niya, parang sinasabi sa aking tama siya.
"Sana nga umiyak ang bulsa ko. Nandiyan si Alas oh. Ang isipin mo muna ngayon, sana makapag-focus ka sa gagawin mo."
Napabalik ako sa katinuan nang maalala ko ang sinabi ni Juo. Hindi ko alam kung inaasar niya ako, o parte 'yon ng pagmo-motivate sa akin. Pero kung ano man 'yon, thankful ako dahil nakapagsimula na ako sa pagpipinta.
Imbis na mawalan ako ng focus habang nanunuod si Alas, ang ginawa ko, mas lalo akong na-inspire. Ginawa kong inspirasyon na nandito siya, sinusuportahan ako.
Nakangiti ako habang nagpe-paint. Inisip ko na wala ang nakangising si Juo. Inisip ko na walang maingay na Yana at Yara na nagchi-cheer sa akin. Inisip ko na wala ang mga manunuod, inisip ko na kalmado ang lahat sa paligid ko.
At ang nakikita ko lang ay si Alas.
Effective siya, in fairness.
Sampung minuto bago matapos ang oras namin, natapos ko na ang painting ko. May mga kasabayan akong natapos, pero may mga naiwan pa rin sa upuan nila habang tinatapos ang painting nila.
Ang dumi ng kamay ko kahit hindi naman 'yon ang ginamit ko sa pagpinta. Puro pintura ang kamay, kuko at daliri ko. Kaya nang maipasa ko na sa judges ang painting ko, nag-decide ako na bumaba at pumunta sa CR.
Malalaman namin ang mga nanalo next week pa. Hindi ko naman kailangang manalo pa ro'n dahil kahit talo, ipo-post pa rin nila sa Art Gallery ng school ang mga 'yon. Makikita ng lahat ang mga painting na inilaban namin.
Gusto kong makita ang reaksyon ng mga kaibigan ko kapag nakita nila 'yon. Hindi kasi nila masiyadong maaninag ang gawa ko dahil sa liwanag ng ilaw na pumapasok sa loob ng gym. Nakatulong ang ilaw ng araw para matuyo ang pintura sa canvas ko. Ang ganda tuloy ng texture, para sa akin.
"Sayang, kulay lang ang nakita ko sa gawa mo Jen. Hindi ko manlang nakita kung anong nasa painting mo. Tao ba 'yon? Hayop? Bagay? Abstract ba?" Sunud-sunod na tanong ni Yana sa akin habang naglalakad kami papunta sa restrooms. Sumunod sila sa akin nang ipasa ko na ang painting ko.
"Parte 'yon ng puso niya," sabi ni Juo kaya bahagyang kumunot ang noo ng magkapatid.
"Parte ng puso niya? Ano 'yon ugat?" natatawang sabi ni Yara.
Juo shrugged his shoulders as if he knows nothing. Sure ako na hindi niya rin nakita ang painting ko, pero bakit gano'n? Kung umakto siya, para alam niya kung anong pininta ko. Gano'n ba ako kadaling basahin? Gano'n ba kadaling malaman ang ideya ko?
"Kain nalang muna tayo. Juo sama ka?" Tanong ni Yana.
"Sure. Tara!" Sabi ni Juo sabay hatak sa magkapatid papunta sa canteen. Naiwan tuloy akong naglalakad papunta sa restroom.
Nang dumating ako sa restroom, hindi na ako pumasok sa CR ng mga babae. Naghugas lang ako ng kamay sa tapat ng banyo. Ilang beses kong kinuskos ang kamay ko para mawala 'yung pintura. Namumula na ang mga kamay ko nang may humawak sa mga 'yon.
Napa-angat ang tingin ko kay Alas na seryosong nakatingin sa mga kamay ko.
Marahan niyang tinanggal ang mga pintura sa kamay ko, hindi ko naramdaman na ginamit niya ang kuko niya sa balat ko para matanggal ang mga 'yon. His hands gently removed the stains in my hand, causing me to feel butterflies in my stomach.
Napatingin lang ako kay Alas habang kinukuskos niya ang kamay ko. Seryoso siya sa ginagawa niya, pero alam kong alam niya na nakatingin ako sa kaniya.
Bakit ganito kaya ang epekto sa akin ni Alas?
Dumadagundong nanaman ang puso ko. Para gustong lumabas sa dibdib ko.
"There you go," sabi ni Alas kaya napatingin ako sa kamay ko. "Huwag mong kakalmutin ang balat mo para lang matanggal 'yung dumi. Tingnan mo, namumula tuloy," aniya pa.
Tanging tango nalang ang tinugon ko dahil wala akong masabi. Natanggal niya 'yung pintura sa kamay ko, nang hindi manlang siya nahihirapan. Nang hindi manlang ako nasasaktan. Hindi ko alam na may gano'n pala siyang powers.
"Nasaan sila Juo? 'Di ba kasama mo sila kanina?" tanong ni Alas habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Nasa canteen sila," sagot ko.
"Kamusta 'yung gawa mo? Tingin mo ba maipapanalo mo 'yung painting mo?" tanong ni Alas kaya napa-isip ako nang isasagot. "For sure mananalo 'yon! Gawa mo 'yon e," sabi ni Alas kaya napangiti ako.
"Sana nga," nakangiti kong sabi. "Ano... Alas, pupuntahan ko lang sila Juo sa canteen. Baka hinihintay na nila ako," sabi ko.
"Okay. Hintayin nalang kita sa classroom," sabi ni Alas bago ako ngitian.
Shuta.
Bakit gano'n? Iba talaga 'yung ngiti niya.
Parang paulit-ulit na dini-dribble 'yung puso ko kapag ngumingiti siya sa akin. Next time 'wag na siyang ngingiti sa akin, baka bigla nalang akong himatayin sa sobrang tambol ng puso ko.
Alas... you're making me crazy, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro