Chapter 8 : When I'm with You
Chapter 8 : When I'm with You
Nasabi ko na bang mahilig ako sa sunflower?
No'ng tanungin ako ni kuya Concon kung anong gusto kong pasalubong pag-uwi niya rito sa Pilipinas, kung hindi si Taehyung, bouquet of Sunflower ang hiniling ko.
Sino bang hindi magagandahan sa dilaw na bulaklak na 'to?
Kapag nakakakita ako ng sunflower, parang gumagaan 'yung pakiramdam ko. Parang nagiging okay ang lahat. Kaya nga ngayon, para ko na ring napatawad si Alas sa ginawa niya---
I know, wala naman siyang ginawang mali. Nakipag-usap lang naman siya sa babae, right?
Pero pinaghintay niya ako sa loob ng sinehan, para lang kausapin 'yung babae na 'yon? Date namin tapos ako lang 'yung nanuod? Ang saya-saya pa no'ng babae habang kausap si Alas. Akala mo matagal hindi nakakita ng lalaki. Ayoko sanang husgahan 'yung babae, pero 'yung tingin niya kay Alas kanina?
Parang hinuhubaran na niya si Alas.
Inalis ko ang mga iniisip ko.
Nabubwiset lang ako kapag naaalala ko 'yung ngiti no'ng babae. Ang sarap niyang kurutin sa singit.
Imbes na ma-imbyerna, tiningnan ko nalang ulit ang bouquet na hawak ko.
Kung hindi ako nagkakamali, tuwing umaga, tumitingin ang sunflower sa araw, kaya tinawag itong sunflower. Pero kapag wala na ang araw, tumitingin sila sa kapwa nila sunflower.
Ang sweet no'n para sa akin.
Napangiti tuloy ako.
"Ang ganda mo talaga kapag nakangiti," sabi ni Alas. Bahagya akong napa-irap dahil sa sinabi niya, pero nakangiti pa rin ako.
Pauwi na kami at nag-commute lang din kami. Hindi pa kasi kami p'wedeng mag-drive ng kotse, wala pa kaming lisensya.
Pero ayos lang sa akin. Katabi ko si Alas e.
'Yung tatlo, sina Yana, Yara at Juo, bumukod ng jeep. Parang mga tanga. Iisa lang naman ang bababaan namin, bumukod pa sila ng sasakyan. Ayaw daw nilang sumabay sa amin dahil siksikan na raw sa jeep na sinakyan namin. Ang sarap nilang kurutin sa totoo lang, hindi naman kasi masikip!
Sana nga masikip e, para mas dikit ako kay Alas.
If I were right, gusto lang nilang masolo ko ulit si Alas.
"Ang cute mo pa. Ang galing 'no, napagsasabay mo 'yung pagiging cute at maganda," papuri pa ni Alas kaya hindi na nawala pa ang ngiti sa labi ko.
Ang harot mo Alas!
"Alam ko," proud na sabi ko bago tumingin sa labas ng bintana. Ang sarap talaga sa pakiramdam no'ng hangin na dumadaan sa balat ko, 'wag lang talagang magbuga ng usok 'yung mga kotse sa harapan namin. Sira moment ko kapag nangyari 'yon.
"Nagtatampo ka pa rin ba dahil sa nangyari kanina?" Tanong niya kaya bahagya akong tumingin sa kaniya.
Shuta.
Sobrang lapit namin. Ilang beses na akong nakalapit ng ganito sa kaniya, pero paulit-ulit lang 'yung nangyayari sa akin. Sa puso ko.
Naririnig kaya niya 'yung tibok ng puso ko?
"Med'yo," sagot ko bago tumingin muli sa hawak kong sunflower. Hindi naman na talaga ako nagtatampo e, nasuhulan na ako oh. Pero s'yempre dahil nga conservative ako, kunwari may tampo pa ako. Maranasan ko manlang suyuin 'di ba?
"I swear Jen, wala akong balak na iwan ka sa loob ng sinehan."
"Pero ginawa mo na," sagot ko.
Bumuntong hininga siya. "I'm sorry. Kailangan ko lang talagang kuhain 'yang bulaklak na in-order ko kaya iniwan kita. Kaso---"
"Kaso may babaeng nakipaglandian sa'yo?"
"N-no," he shook his head. "Hindi ako nakipaglandian sa kaniya. Siya 'yung nagdala no'ng sunflower. I texted her, sabi ko hindi ako p'wedeng lumayo sa sinehan dahil nga magagalit ka sa akin kapag iniwan kita ro'n. Nang dumating siya, sinabi niya sa akin kung..." Hindi niya tinuloy 'yung sinasabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.
"Kung...?" Curious kong tanong.
"Sinabi niya kung gaano raw ako ka-sweet. At for sure sa girlfriend ko raw ang bulaklak. Pero ang sabi ko, hindi para sa girlfriend ko 'yung sunflower dahil wala naman akong girlfriend."
I slightly paused for a couple of seconds.
I feel attacked.
Wala namang mali sa sinabi ni Alas. Pero bakit gano'n? Parang kumirot ng kaunti 'yung puso ko. Knowing na wala naman talagang label sa pagitan namin, pero bakit apektado ako?
Ito naman 'yung gusto ko e. 'Yung makilala pa siya. 'Yung tumagal ang panliligaw niya sa akin para mas makilala ko pa siya, para malaman ko kung bakit ako nagdududa sa pagmamahal niya sa akin.
Pero bakit may kirot?
"Wala pa..." Bulong ni Alas sa akin bago ngumiti.
Nagwala nanaman tuloy ang puso ko. Ang bilis mag-shift. Parang kanina lang, kumikirot, tapos ngayon bigla nalang humaharot. As if gusto niyang tumalon papunta kay Alas.
Kung p'wede lang sampalin ang puso ko, kanina ko pa siguro ginawa. Hindi na kasi nanahimik. Kaninang umaga pa siya ganito. Ang harot harot!
"Sakto namang paglabas mo, nakita mo kaming nag-uusap. You misunderstood us," pagpapaliwanag ni Alas.
Hindi ako sumagot. Bahagya kong hinawakan ang dibdib ko.
Bakit ganito.
Para akong nababaliw.
Hindi naman niya kailangan magpaliwanag. Bakit kailangan niyang magpaliwanag sa akin eh hindi naman kami. Wala namang kami? Single siya, single rin ako. P'wede kaming lumandi sa iba dahil hindi pa naman kami.
Pero bakit gano'n? Bakit gusto ko, sa akin lang nakatingin si Alas. Ang gusto ko, nasa akin lang ang atensyon niya. Hindi sa attention seeker ako, pero gusto ko, ako lang ang maganda sa paningin niya. Ang gusto ko...
Ang gusto ko ako lang ako gusto niya.
Selfish na ba ako no'n?
Bumaba na kami nang huminto ang jeep sa kanto ng subdivision namin. Mahigpit ang hawak ko sa sunflower kahit alam ko namang walang aagaw nito sa akin. Kung p'wede ko nga lang higpitan ang hawak kay Alas para sabihing walang p'wedeng umagaw sa kaniya, baka ginawa ko na.
Hindi naman sa hindi p'wede.
Pero 'pag ginawa ko 'yon, baka lalo lang mag-twerk ang puso ko.
Naglakad kami nang tahimik papunta sa bahay. Hangga't maaari, ayokong nagta-tricycle kahit pa p'wede naman kaming sumakay no'n.
Gusto ko pa rin maranasan ang maglakad. Palagi nalang akong nakahiga sa kama, palagi akong nasa bahay naglalagi. Kung may pupuntahan kami, madalas nakakotse. Kaya gusto kong maglakad kahit paminsan-minsan lang. What if bukas wala na pala akong paa? Edi hindi ko manlang naramdamang nagkaro'n pala ako ng privilege na makalakad.
"Nag-enjoy ka ba ngayong araw?" biglang tanong ni Alas habang naglalakad pa rin kami. Nakapamulsa siya at bahagyang nakatingin sa akin.
"Oo naman."
Kung tutuusin, kumain lang kami, at nanuod ng sine. Naglakad-lakad din kami kanina habang hinihintay sila Juo matapos sa paglalaro. Naglaro rin kami saglit sa arcade pero nang mag-ayawan na 'yung tatlo, umalis na rin kami agad.
Kaunti lang ang pinuntahan namin, mall lang 'yon. Hindi masiyadong romantic, hindi masiyadong nakakakilig.
Pero dahil kasama ko siya sa buong araw, sapat na 'yon.
"Good to know," nakangiti niyang sabi.
Mga ilang minuto pa, nakarating na kami sa tapat ng bahay ko.
"Thank you sa date," nakangiti kong sabi. "Thank you rin sa sunflower. Alam na alam mo talaga kung anong gusto ko," sabi ko pa habang nakatingin sa bitbit kong bulaklak. Hindi talaga nakakasawang tingnan. Magsimula na kaya akong magtanim ng ganito sa bakuran namin?
"I should be the one thanking," aniya kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.
"Ha?"
"Thank you for accepting my offer to date you this day. Masaya akong kasama ka Jen. And this day means a lot to me. Alam kong hindi naman gano'n kaganda ang pinuntahan natin pero promise, babawi ako sa'yo," nakangiti niyang sabi.
"Ano ka ba. Hindi mo naman ako kailangang dalhin sa magagandang lugar. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka..." napahinto ako dahil kusa nang lumabas mismo sa bibig ko ang kanina ko pang iniisip.
"A-anong sabi mo?" Lumawak ang ngiti ni Alas kaya bahagya akong napayuko.
"H-ha? Ang alin? May sinasabi ba ako? Sabi ko gabi na. A-ano. 'Di ka pa ba uuwi?" Sunud-sunod kong tanong. Kunwari may nahulog ako sa sahig dahil do'n ako nakatingin.
Paano ba kasi ako titingin sa kaniya? Namumula na yata ang mukha ko.
Lumapit si Alas sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya nanatili ako sa pwesto ko.
Maya-maya pa, naramdaman ko nalang siya na nakayakap sa akin. Nasa dibdib niya ang ulo ko, kaya rinig na rinig ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Sing bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na 'to.
"You don't know how you can easily make me crazy Jen. I know it's unusual for a man to be like this, pero Jen... palagi mo akong pinapakilig," sabi niya habang yakap-yakap ako.
Gusto ko ring sabihin sa kaniya na kapag kasama ko siya, hindi mapalagay ang puso ko. Palagi akong kinikilig sa little and simple gestures niya. Gusto kong sabihin na parehas na kami ng nararamdaman, matagal na.
Pero hindi ko kayang sabihin.
Masiyado akong na-overwhelmed ng mga salita niya.
Bumitaw siya sa yakap kaya tumingin na ako sa kaniya. Pilit niyang nilalayo ang tingin sa akin, pero napansin ko pa rin ang pamumula ng mukha niya.
"Alas? Namumula ka."
"H-ha. Hindi ah," giit niya kaya napangiti ako.
Parehas talaga kami.
"Namumula ka nga oh. Okay ka lang ba?" Nakangiti ko pa ring tanong. Mukha tuloy akong tanga dahil 'yung tono ng boses ko, taliwas sa kurba ng labi ko.
"Hindi nga. 'Wag mo na akong pansinin. Pumasok ka na sa loob," aniya kaya mas lalo akong napangiti. Hindi kasi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.
Ang cute niya!
"Okay. Papasok na ako," sabi ko. "Pero lapit ka muna dito."
Hindi naman siya nagdalawang isip at lumapit siya sa akin.
Tumingkayad ako at mabilis na humalik sa pisngi niya.
Pagkatapos tumakbo agad ako papasok sa loob ng bahay.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko.
Lalo na nang marinig ko ang pagsigaw niya.
"Jen! You're being unfair! Ugh! You're making me crazy, again!"
---
An : may update. Inspired ako ngayon 'wag kayo! Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro