Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 : Sunflower

Chapter 7 : Sunflower

"Siguro kung nakakatunaw 'yang tingin mo, kanina pa ako naging sundae rito," saad ko habang hindi tumitingin kay Alas na nasa harapan ko. Nanatili akong pokus ko sa pagkain ng fries.

Bahagya siyang natawa. "Parang hindi ka na nasanay, palagi naman kitang tinititigan ah," aniya kaya tumingin ako sa kaniya.

Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.

Nagtagal ang pagtitinginan namin ng halos isang minuto. Kung hindi pa nilapag ni Juo ang tubig sa table namin, baka nag-s-staring contest pa rin kami hanggang ngayon.

Nakakapagtaka, hindi ako nailang.

Gano'n ba talaga kapag sanay ka na? Parang immune ka nalang?

"Tubig para sa mga taong umiibig," ani Juo kaya inirapan ko siya.

"Korni mo," sabi ko bago tinuloy ang pagkain ng fries.

"Korni niyo," pagtatama ni Juo.

Akala ko kakampihan ako ni Alas, pero tulad nila Yana at Yara na naka-upo sa kabilang table, tumawa rin siya.

My heart skipped a beat when I saw him laughing. 'Yung ngiti niya... it's as if the best view I'd ever had. 'Yung pagtawa niya... napaka-genuine. Feeling ko ang g'wapo ng tawa niya.

P'wede pala 'yon? Nagwapuhan ako sa tawa.

Scrap the thing about immunity!

Sa bawat ginagawa ni Alas, may tama pa rin sa akin 'yon. Lahat 'yon may dating sa akin. Lahat 'yon... kahit simpleng gesture o banat lang... malaki ang impact sa akin.

"Jen? Okay ka lang?"

Napatingin ako saglit kay Alas bago tumango.

"May gusto ka pa ba?" tanong niya. Alam kong ang tinutukoy niya ay pagkain. Tinatanong niya ako kung may gusto pa ba akong kainin, kung may gusto pa ba akong I-order. Pero kahit alam ko na 'yun ang tinutukoy niya... iba ang naging sagot ng isip ko.

Wala na. Ikaw leng shepet ne.

"Jen?"

"Ikaw," sagot ko kaya bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya. Saglit lang 'yon, pagkatapos, bumalik na ulit.

"A-ako?"

"Ikaw. Baka may gusto ka pa, order ka na," saad ko bago uminom ng tubig. Naubos ko na kasi 'yung soft drinks ko. Mas nauna ko 'yong naubos kaysa sa pagkain ko kaya hindi pa ako kumakain, busog na ako.

"Wala na," nakangiti niyang sabi.

Argh!

Alas kailan ka ba titigil sa pagngiti?

"Hoy kayong dalawa riyan! Tapos na kami kumain, kayo ba tapos na kayong maglandian?" sabi ni Yana sa kabilang table.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang niya ako.

"Let's go," sabi ni Alas bago siya tumayo.

Tumayo na rin ako. Gano'n din 'yung tatlo sa kabilang table. Mukhang may pinag-uusapan silang nakakatawa dahil tawa sila nang tawa. Pakiramdam ko tuloy, kami ni Alas ang pinag-uusapan nila.

"Saan pala pupunta?" tanong ni Yara sa amin. Dahil nauuna silang tatlo, bahagya siyang lumingon sa amin ni Alas.

Tumingin sa akin si Alas. "Sa'n mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin.

"Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Bakit hindi? Date natin 'to 'di ba? Dapat ikaw ang nasusunod," nakangiti niyang sabi. Buti nalang talaga at may distansya ako sa kaniya kahit sabay pa kaming naglalakad. Kundi, baka kanina ko pa siya kiniss dahil sa ngiti niya---

Ay shuta! Conservative pala ako. Ehe.

"D-date pala natin. Akala ko date nilang tatlo," sabi ko sabay duro sa tatlong nauuna sa aming maglakad. Nagtutulakan pa silang tatlo at palaging natutulak si Juo dahil nasa gitna siya. Tawa sila nang tawa sa ginagawa nila, para silang mga bata.

Natawa si Alas bago lumapit sa akin. Bigla akong kinabahan. Lalapit lang siya sa akin, pero bakit gano'n? Pakiramdam ko tatalsik 'yung puso ko palabas sa dibdib ko? Parang dini-dribble 'yung puso ko.

Alas, tingin ko sa'yo ako aatakihin sa puso!

"So... saan mo nga gustong pumunta?" tanong niya ulit sa akin.

Napa-isip tuloy ako kung saan ko gustong pumunta.

Pero wala talaga akong ma-isip.

Ang lapit kasi ni Alas!

"Arcade tayo!" sigaw ni Yara.

"Oo nga arcade!" pagsang-ayon ni Yana.

"Ang sweet naman ang date nila. 'Wag na sa arcade! Hayaan na natin silang dalawa. Alam mo na, baka may special gifts sila sa isa't-isa," sabi ni Juo habang tumataas-baba ang dalawang kilay. Dahil sa inasta niya, pakiramdam ko namula bigla ang mukha ko.

Kahit kailan talaga! Napaka-open ng isip niya!

Kaya kahit ayokong maging open minded, hindi ko magawa.

"Tayo nalang mag-arcade," yaya ni Juo sa dalawa.

"Oy teka pa'no sila?" tanong ni Yana na hinahatak na ni Juo ngayon.

"Hayaan na natin sila. Date kaya nila 'to! Sampid lang tayo," natatawang sabi ni Juo bago hatakin palayo sila Yana at Yara. Bago sila tuluyang makalayo, kinindatan pa ako ni Juo.

Na para bang sinasabi niya sa aking, "gawin mo na ang gusto mong gawin sa kaniya."

For the second time today, pakiramdam ko namula nanaman ang buong mukha ko.

"Ayos ka lang ba?" seryosong tanong ni Alas.

"H-ha?"

"Namumula ka."

Nauna akong naglakad sa kaniya bago hawakan ang magkabila kong pisngi. "A-ayos lang. Ang init," pagsisinungaling ko. Alam kong gasgas na ang linya na 'yon, pero hindi ako tulad ni Juo na effective magsinungaling. Sana lang hindi na pansinin ni Alas ang pagsisinungaling ko.

"Jen wait." Hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad. Hindi na ako tumingin pa sa kaniya. Baka makita ko lang kung pa'no niya pagtawanan ang nangangamatis kong mukha. "Gusto mo manuod nalang tayo ng sine?"

Bahagya akong lumingon sa kaniya. Akala ko pinagtatawanan niya ako pero nakangiti lang siya.

"Sige," pagpayag ko.

Wala naman akong maisip na gusto kong puntahan. Ang gusto ko lang naman kasi talaga... ay makasama siya. Kapag kasama ko kasi si Alas, may nalalaman akong bago sa kaniya. At kapag nalaman ko na ang lahat sa kaniya, sapat na 'yong basis para sagutin ko siya.

Takot akong masaktan.

Madalas kasi sa mga nababasa ko, kapag break up, sobrang nasasaktan 'yung bida. Kaya ang gusto ko sana, ang first boyfriend ko ang last ko.

Ayokong masaktan ng bonggang-bongga.

Lalo na kapag si Alas ang nanakit sa akin.

Baka hindi ko kayanin.

Kaya hangga't maaari, gusto ko nang makilala ng husto si Alas. Although gusto ko na siya.

Umakyat kami sa second floor ng mall, kung nasaan ang sinehan.

Hindi mahaba ang pila. Sakto lang din ang oras namin dahil nagsisimula palang ang mga movie ngayon.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong ni Alas sa akin kaya tumingin ako sa mga movie na naka-display sa labas ng sinehan. Ito 'yung mga showing ngayon.

"Aladdin," sagot ko.

"Aladdin," sabi rin ni Alas bago tumango. "Wait for me here. Bibili lang akong tickets," aniya kaya tumango ako.

Tumingin-tingin lang ako sa kung saan-saan habang hinihintay si Alas. Dumapo ang tingin ko sa dalawang tao. Isang lalaki at isang babae. Bumibili sila ng pop corn. Ang laki ng ngiti ng lalaki. Samantalang 'yung babae, nakasimangot. Para silang nag-aasaran.

Para silang mag-jowa.

Kahit nakasimangot 'yung babae, halatang kinikilig siya sa lalaki.

Halata sa mga mata niya na masaya siyang kasama 'yung lalaki.

"Jen, let's go?"

Napalingon ako kay Alas. May dala na siyang dalawang ticket kaya tumango na ako. Pagbalik ng tingin ko sa lalaki at babae na bumibili ng pop corn, papasok na sila sa loob ng sinehan. Mukhang Aladdin din ang papanoorin nila.

Bago kami pumasok sa sinehan, bumili muna si Alas ng pop corn at drinks. Tig-isa kami.

Pagpasok namin, nagsisimula na ang movie. Pero mukhang kasisimula palang.

Umakyat kami sa bandang taas. Nang maka-upo, tahimik na kaming nanuod. Tuwang-tuwa naman ako dahil ngayon nalang ulit ako nakapanood sa sinehan. Madalas din family ko ang kasama ko. Bonding na namin ang pagpunta sa sinehan.

Ang ganda ng graphics ng movie. 'Yung mga kanta, tatatak sa isip mo. Lalo na nang dumating sa climax, sa kantang 'a whole new world'.

Naramdaman kong hinahawakan ni Alas ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Pero siya, nanatili ang tingin sa movie. Na para bang wala siyang ginagawang kahit ano sa kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. Baka kasi masobrahan sa tibok ang puso ko, atakihin pa ako ng wala sa oras.

"CR lang ako saglit," sabi niya kaya tumango nalang ako.

Nanatili akong nanunuod.

Hinintay kong bumalik siya pero hindi na siya bumalik.

Hanggang sa matapos na ang movie, hinintay ko siya.

Hindi naman siguro siya nalunod sa CR 'di ba? Gaano ba kalayo ang CR dito sa sinehan? Baka mahaba ang pila sa CR? Baka kinain na siya ng bowl?

Nagp-play na ang credits pero wala pa rin si Alas.

Hindi naman siguro niya ako iniwan 'di ba?

Paano kung nagalit siya sa akin kasi binawi ko 'yung kamay ko sa kaniya?

Hindi naman gano'n kababaw si Alas.

Unti-unti nang naubos ang mga tao sa loob ng sinehan, kaya nag-decide akong lumabas na. Sa labas ko nalang hahanapin si Alas. Kapag hindi ko siya nahanap, didiretso ako sa arcade. Paniguradong nando'n sila Juo.

Paglabas ko, nakita ko si Alas.

May kausap siyang babae.

Nakangiti silang pareho.

May hawak na bulaklak si Alas habang kausap 'yung babae. Bahagya pa nga silang natawa sa pinag-uusapan nila.

Bahagyang nanikip ang dibdib ko.

Hindi ko dapat husgahan si Alas dahil lang may kausap siyang babae. Malay ko ba kung pinsan niya 'yon o baka lola niya. Hindi dapat ako magselos---

Selos? Ako? Hindi ah!

"Excuse me," dumaan ako sa harapan nila dahil nakaharang sila---pero gusto ko ring magpapansin.

"Alis na ako Sir," sabi no'ng babae. Nakangiti pa rin itong umalis.

Sir?

Sir with benefits?

Shuta.

"Jen," tawag ni Alas pero hindi ko siya nilingon. "Uy. Galit ka ba?"

Nilingon ko siya at nginitian. "Ako galit? Bakit ako magagalit? 'Di mo naman ako iniwan sa loob ng sinehan ah. Hindi mo naman ako pinaghintay sa loob. Hindi ka naman nakipag-usap sa ibang babae ah. Kaya bakit ako magagalit?"

"Nagseselos ka ba?"

Napahinto agad ako dahil sa sinabi niya.

"S-selos? Bakit ako magseselos?"

Tumalikod akong muli at naglakad palayo sa kaniya.

"Jen! Uy. 'Wag ka na kasi magalit," aniya habang hinahabol ako at sinasabayan sa paglalakad. Maya-maya pa, humarang siya sa dinadaanan ko.

"Alis diyan!" Inis kong bulyaw sa kaniya.

"Ayoko."

"Alis!"

"No."

"'Di ka talaga aalis?!"

"Not unless tanggapin mo 'to," aniya. Inabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak.

Sunflower.

Namalayan ko nalang na hawak ko na 'yon. Kahit naiinis ako kay Alas. Nakangiti na rin ako habang pinagmamasdan ang sunflower na binigay niya.

"Happy valentines," nakangiti niyang sabi.

Owemji self.

Sunflower lang katapat mo.

Marupok. Ka. Girl.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro