Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6 : Intertwined

Chapter 6 : Intertwined

"Sana all," bulong ni Yana sa akin habang palabas kami ng room. Kami nalang kasi ang naiwan, kasama si Juo.

"Sana all ka diyan! Kasama kayo," sabi ko kaya nanlaki ang mga mata ni Yana. Si Juo naman, parang hindi narinig ang sinabi ko. Buhat-buhat niya ang lalagyan ko ng mga notebook. Binukod ko dahil 'yung backpack ko masiyado nang mabigat. Ganiyan siya palagi.

Hindi siya gentleman, lagi ko lang pinapamukha sa kaniya na hindi siya gentleman kaya kinukuha na niya palagi ang bag ko na 'yon. Hinihintayin ko talaga ang araw na may makatapat na babae 'tong isang 'to. 'Yung tipong magiging gentleman siya dahil inlove na siya. Sa sobrang gentleman, kulang nalang pati babaeng mahal niya binuhat na niya.

"Seryoso Jen? Kasama kami?" Tanong ni Yana habang bumababa kami ng hagdan.

"S'yempre. Ayokong kaming dalawa lang ano," sagot ko. Kinuwento ko kasi kay Yana na may date kami ni Alas sa valentines.

"Gaga! Date nga 'di ba? Ang KJ naman nito. Hindi kami sasama!" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "'Di ba Juo?"

Lumingon ng bahagya si Juo sa amin at kumunot ang noo niya bago nagsalita, "oo?" Alanganin niyang tanong kaya napatingin ako kay Yana. Sinamaan pala niya ng tingin kaya sumagot si Juo ng naaayon sa gusto niya.

"'Pag hindi ka sumama, ihahagis kita kay Dela Pips," pagbabanta ko.

Si Dela Pips ang kaklase namin no'ng grade 8 na nakadagan kay Yana. Mga bata pa kami kaya s'yempre, todo laro sa class room ang mga lalaki. Ayun, nadapa si Dela Pips at nadaganan niya si Yana. Simula no'n, natatawa kami kapag naaalala 'yon. Sumigaw pa kasi si Yana ng, "bakit ba kasi kayo naglalaro rito!? Playground ba 'to!?"

And believe me, that's really the funniest moment I had no'ng junior high.

Simula rin no'n, sinumpa na ni Yana si Dela Pips na ngayo'y nasa kabilang strand na.

"Sasama kami, pero bubukod kami ng table," demand niya.

"Fine," walang gana kong saad. Ayoko nang makipagtalo sa kaniya. Sasama naman sila e, ayos na 'yon. Baka mapikon pa 'tong si Yana at hindi na lalong sumama.

Hinatid ako ni Juo sa harapan ng bahay namin dahil dala-dala nga niya 'yung bag ko. Nag-thank you naman ako sa kaniya. Ngumiti lang siya bago naman niya hinatid si Yana.

Bakit hindi nalang si Juo? Lord bakit hindi nalang siya?

Owemji. Kung hindi ko ba naging kaibigan si Juo, siya nalang ang itatadhana sa akin ni Lord?

No. Mahal ko si Alas.

Pero hindi sapat 'yung mahal ko lang siya para sagutin ko na siya. May kulang pa. I need to seek for more. I need to dig deeper. I need to know him more.

Kung si Juo siguro ang tinibok ng puso ko, baka kami na. Mas kilala ko pa si Juo kaysa kay Alas, sa totoo lang. Napaka-transparent ni Juo sa akin kapag magkasama kami. Siguro kung may mga sikreto siya sa akin, bilang nalang 'yon sa daliri.

Take note, lalaki siya at babae ako. Pero hindi kami nagkaka-ilangan. Well, minsan.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Bumungad sa akin si Mama na naka-upo sa sofa at nag-ce-cellphone. Nagmano ako sa kaniya kaya napunta sa akin ang atensyon niya.

"Kamusta ang school anak?" tanong ni Mama kaya tamad akong umupo sa sofa, katabi niya.

"Nakaka-ihi 'ma," sagot ko kaya kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Kasi ba naman po, sa Math namin, bawal lumabas. Extended nanaman ang klase namin. Muntik pa nga kaming mawalan ng lunch dahil sa kaniya. Biruin mo po, ang Math class namin ay seven-thirty AM, natapos po siya eleven-fifty. Oh 'di ba. Pigil ang ihi ko," paliwanag ko kaya tawa nang tawa si mama. Samantalang ako, lukot ang mukha.

Luminga ako sa buong paligid. Tahimik at parang si mama lang ang nasa bahay.

"Si Kuya panget?" tanong ko, pagtutukoy kay Kuya Denden.

"Kasama mga kaibigan niya. Nagmiryenda," sagot ni mama bago muling bumaling sa hawak niyang cellphone.

"Tropa mama. Tropa," pagtatama ko bago tumayo.

"Tropapits 'nak," pagtatama ni mama sa akin kaya halos lumuwa na ang mata ko. Hindi ko kasi alam kung seryoso si mama o binibiro lang ako.

"Akyat lang po ako sa taas," paalam ko. Tumango si mama kaya umakyat na ako sa k'warto ko.

Pagpasok sa k'warto, agad akong dumapa. Sinubsob ko ang mukha ko sa kama.

Gusto kong mag-isip ng idea about sa art contest na sinalihan ko.

Pero walang pumapasok sa utak ko na tungkol sa art. Bagkus, puro what if's ang nasa utak ko.

What if sa feb 14, last date na pala namin ni Alas?

What if sa valentines, sasabihin niya sa akin na, "Jen, pagod na ako."

Nagpagulong-gulong tuloy ako sa higaan dahil sa naisip ko.

Hindi ko dapat iniisip ang mga 'yon.

Pero paano kung 'yun nga ang magyari sa sabado? Sa valentines? Sa feb 14?

***

"Oh ba't lukot 'yang mukha mo?" Bungad na tanong sa akin ni Yana.

Nasa harapan na kami ng SM. Today is February 14. Ang araw ng date namin ni Alas na para na ring friend's date.

Kasama ni Yana si Yara, magaling na ito no'ng isang araw pa. Nasa tabi rin nila si Juo. Ngumiti lang ito sa akin bago tumingin sa malayo. Parang may kung anong iniisip.

"Wala lang," sagot ko bago sumabay sa paglalakad nila. Iniwan ko si Alas sa likod. Sabay silang naglalakad ni Juo at paminsan-minsang nag-uusap.

"Wala lang pero kita ko na kulangot sa ilong mo sa sobrang lukot ng mukha mo," sabi ni Yara kaya sinamaan ko siya ng tingin. Si Yana naman bahagyang natawa sa sinabi ng kapatid niya.

"Sinundo ako ni Alas," sabi ko.

Kumunot naman ang noo nilang pareho. "Ano namang meron kung sinundo ka ni Alas? Hindi ka ba kinilig? Wala ka bang kilig hormones sa katawan mo Jen?" Tanong ni Yana.

"Dahil sa pagsundo niya, nasira ang araw ko," saad ko. "Alam niyo naman si kuya Denden, palaging may katarantaduhan. Dinamay pa si Alas," dagdag ko.

"Ano bang ginawa?"

"Condom."

"Anong meron sa condom?" Sabay na tanong ni Yana at Yara.

"Binigyan ni Kuya Denden si Alas ng condom!" Madiin pero mahina kong saad.

"Ano!?" Hindi makapaniwalang sabi ni Yana. "Ba-bakit?"

"Pfft." Nagpipigil si Yara ng tawa niya kaya sinamaan namin siya ng tingin ni Yana. Akala niya nagbibiro ako.

"Akala ni kuya Denden sa condo ako dadalhin ni Alas." Pakiramdam ko tuloy namumula na ako dahil sa kahihiyan. Umiinit na rin ang pisngi ko kaya napahawak tuloy ako ro'n.

Lumapit si Yara sa akin at bumulong, "ang tanong, gagamitin ba ni Alas?" Pagkatapos ay humagikgik siya kaya mahina ko siyang sinabunutan.

"Owemji! Gamitin niya kung gusto niya! 'Wag lang sa akin 'no!"

This time, si Yana naman ang lumapit at bumulong, "naku. Wini-wish mo bang sa iba nalang makipagsex si Alas? Jen, watch out for your words. Baka magkatotoo 'yan."

"E-edi go!" Sagot ko pero hindi na nila ako pinansin.

Aaminin ko, kinabahan ako sa sinabi ni Yana. Kung iisipin, napakavulgar ng sinabi niya. Pero may malalim na ibig sabihin 'yon.

Bakit gano'n?

Lately, ang dami kong nakukuhang mga salita na hindi na nawawala sa isip ko. Tulad no'ng mga sinabi ni Juo sa akin. Hanggang ngayon tanda ko pa rin. Hanggang ngayon nasa utak ko pa rin 'yung mga sinabi niya.

"Jen, where would you like to eat?" Hindi ko namalayan na tumabi na pala sa akin si Alas. Sila Yana at Yara naman, pumunta sa likod at pinagitnaan si Juo. Nag-uusap din silang tatlo at bahagyang tumatawa.

"Ka-kahit saan," sagot ko nang ibalik ko sa kaniya ang tingin ko.

"Sabihin mo na. Baka dalhin kita sa condo at do'n tayo kumain."

"Shut up! Sa McDo!" Agad kong sigaw kaya natawa si Alas.

Seriously!? Ano bang nakakatawa!?

"Ang cute mo talaga kapag nagagalit," bulong niya sa tainga ko.

"A-alam ko. Maganda pa." Pinilit kong maging normal. I mean, normal ako. Pero 'yung banat niya... binabaliw ako.

"Alam ko rin," nakangiti niyang saad bago hawakan ang kamay ko. Intertwined pa kaya bahagya akong nailang.

Naglakad kami papuntang McDo ng gano'n. Hawak niya ang kamay ko at dinig ko ang pang-aasar ng tatlo sa likod. Sabay-sabay pa silang nag-'sana all'. Tawa sila nang tawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Pagtingin ko, nakahawak na sila Yana at Yara sa kamay ni Juo. Tig-isang kamay ni Juo ang hawak-hawak ng magkapatid. Sabay pa nilang tinaas 'yon kaya mas lalo akong naasar.

Naaasar ako kasi effective 'yung pang-aasar nila.

Dahil kinikilig ako. Enebe.

Tumingin si Alas sa akin bago ngumiti. "Pasmado," aniya kaya binawi ko ang kamay ko sa kaniya.

"Pasmado ka riyan!" sabi ko sabay hampas sa braso niya.

Natawa naman siya at hindi nalang ako sinagot.

"Kami na ni Juo o-order," sabi niya nang makarating na kami sa McDo. "Tara Juo!"

Sumunod sa kaniya si Juo. Kami namang mga babae naghanap ng ma-u-upuan. Marami na rin kasing mga tao pero luckily, may nahanap pa kami sa bandang dulo.

Pag-upo namin, agad akong na-hot seat ng dalawa.

"Kamusta?" Tanong ni Yana.

"Anong kamusta?" Kunot noong tanong ko.

"Masarap ba? Malambot ba?" Tanong ni Yara na tumataas-taas pa ang dalawang kilay.

"A-ang alin?" Tanong ko kaya inirapan nila akong dalawa.

"Malamang 'yung kamay ni Alas! Alangan namang titi niya 'di ba? Unless natikman mo na---"

"Pakyu," saad ko kaya sabay silang tumawa.

Mga bunganga talaga ng mga 'to.

Mali yatang sinama ko pa sila.

---

An : I updated because today, is a special day for an extra special person to me. Allow me to greet you, HinaChan_9, Happy Birthday! May message na ako sa'yo kaya hindi na ako mag-me-message rito <3.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro