Chapter 5 : What to Do
Chapter 5 : What to Do
"Nasa'n si Yana?" Agad na tanong ni Alas sa akin pagdating ko sa canteen. Nauna siya sa akin at kasalukuyan nang nakaupo sa pinagusapan naming table.
"Hi-hindi raw siya makakasabay sa atin ngayon," sagot ko bago umupo sa tapat niya.
"Bakit daw?" Takang tanong niya pero nagkibit balikat nalang ako. "Teka, oorder lang ako ng kakainin ko," sabi niya bago tumayo.
Mukhang hinintay niya muna ako bago siya umorder. Para masure niya na may makakasabay talaga siya sa lunch.
For the nth time, naghintay nanaman siya para sa akin.
Siguro kung may award para sa mga taong tulad niya na hindi mainipin at magaling maghintay, nakaipon na siya ng gano'ng award.
Gusto kong maawa para sa kaniya. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit siya natatagalan para sa sagot ko. Gusto kong magalit sa sarili ko kasi napaka-irrational ko magisip.
Kilala ko si Alas simula grade 4.
At kung may hindi pa ako alam sa kaniya, malamang sikreto na niya 'yon. It's for his privacy. Everyone deserves privacy.
May limang minuto akong naghintay bago bumalik si Alas sa table namin. Ayokong mauna kumain dahil hinintay niya ako tapos uunahan ko siyang kumain. Mali na nga magisip ang puso ko, ayoko na pati rin utak ko mag-malfunction.
"Sorry, med'yo mahaba ang pila," nakangiti niyang saad. "Tara, let's eat," dagdag pa niya kaya tumango nalang ako.
Nagluluto si mama every morning kaya dala ko na sa umaga ang lunch ko. Less hassle na rin dahil ayokong pumipila sa canteen. Masiyadong mahaba lalo na kapag recess. Buti nga 5 minutes lang ako naghintay kay Alas. Siguro nakisingit nalang siya sa mga kakilala niya.
Napaisip tuloy ako.
Ayaw na ayaw akong pinaghihintay ni Alas.
Pero ano 'tong ginagawa ko sa kaniya?
Pinaghihintay ko lang naman siya.
Sa sagot ko.
Sa sagot ko na kahit ako, hindi alam kung kailan maibibigay.
"Why are you looking at me?" Saad niya bago uminom ng tubig na binili rin niya sa canteen.
"A-ah. Wala. May naalala lang ako," kibit balikat kong saad bago nagpatuloy sa pagkain.
Tahimik lang kami hanggang sa naramdaman kong nakatingin siya sa akin. I feel the sudden awkward in the air kaya tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya.
Hindi niya iniwas ang tingin sa akin. Parang normal lang sa kaniya. Bakit hindi magiging normal? Eh matagal na kaming magkakilala.
"Ba-bakit?" Tanong ko.
Mas lumawak lang ang ngiti niya. "Wala. May naalala lang," aniya kaya saglit ko siyang sinamaan ng tingin. Ginaya niya kasi 'yung sinabi ko kanina.
"Ano namang naalala mo?" Wala sa sarili kong saad bago nagpatuloy sa pagkain.
"Every foundation day noong elementary pa tayo at freshmen year, may chain booth. Mahirap isa-isahin pero lahat ng taon, kung kailan tayo na-chain, naaalala ko pa," nakangiti niyang saad kaya napaisip ako.
Tama siya.
Every year, ginaganap ang foundation day sa school. Every foundation, may mga booth at isa na ro'n ang sikat na sikat na chain booth.
Ewan ko ba.
Sa lahat ng booth, 'yun lang ang hindi pinatatanggal ng school.
Malaki kasi ang kinikita nila ro'n.
Basically, kung isa kang evil friend, ipapalista mo ang pangalan ng kaibigan mo at ng crush niya, o sinumang gusto mong itali sa kaniya, sa chain booth.
After no'n, 'yung mga member ng chain booth, hahanapin 'yung pangalan na pinalista mo, at itatali ang kamay nila sa isa't-isa.
Ang malala, ang gamit na tali ay straw kaya ang hirap putulin.
At para masure na hindi agad matatanggal ang chain, kinukuha ng school government o ng SG ang mga gunting. After 5 minutes, tsaka palang p'wedeng putulin ang tali.
Siguro yumaman na 'yung booth na 'yon sa amin ni Alas.
Lahat kasi ng mga kaklase namin, at schoolmates, alam na may gusto si Alas sa akin.
Kaya maya't-maya, nakatali ang kamay namin sa isa't-isa. Minsan ko na ngang naisip na baka inuutusan ni Alas ang mga kaibigan niya na ilista ang pangalan namin. Malay ko ba kung trip niya akong makasama sa buong foundation day.
Kaya simula no'n, palagi akong may gunting at cutter sa bag. Para if ever na itali nila ako kay Alas, eh madali kong matatanggal.
"Naalala ko pa nga. Kapag nalaman mong may chain booth, hindi ka papasok sa school para hindi matali sa'kin," nakangiting sabi ni Alas.
Pero ramdam kong malungkot siya.
Iniisip niya siguro na ayaw kong matali sa kaniya.
Kung alam lang niya na dati, ako mismo ang nagsuggest sa SG na kuhain lahat ng gunting ng mga estudyante para walang kawala ang mga matatali. Grade 4 representative kasi ako no'n kaya nakapag-suggest ako.
Umiling na lamang ako.
"Naalala mo pa ba, tuwing may groupings tayo sa room at naging kagroup kita? Tapos ang gagawin ay role play, tayo palagi ang ginagawang nanay at tatay," saad ni Alas.
Ewan ko ba sa mga kaklase namin.
Palagi kaming trip ni Alas.
Kapag nanay at tatay, kami agad ang gaganap. Hindi nangyari na kapag magkagroup kami ni Alas at role play, magkapatid lang kami. Palagi kaming magasawa. O kaya naman, magjowa.
"Ang dami mo yatang naaalala," sambit ko bago uminom ng tubig. "May gusto ka bang sabihin or you mean something?" Dagdag ko pa.
Napailing siya at yumuko. Nakangiti pa rin siya pero sa kabila no'n, alam kong may gusto talaga siyang sabihin sa akin.
"Alas?" Med'yo kinakabahan kong saad.
Inangat niya ang tingin niya sa akin. Nawala na 'yung ngiti niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"Jen... what if... just what if... I found another girl, and then... I loved her? I mean, paano Jen kung---"
"Kung makahanap ka ng ibang babaeng mamahalin? Kung magkaro'n ka ng gusto sa iba?" Pagtutuloy ko sa sasabihin niya.
Naisip ko na rin 'yan noon, Alas.
Sa tagal nating magkasama, naisip ko nang baka magkagusto ka sa iba. Pero tumagal tayo ng ganito... nandito ka pa rin at hinihintay ako.
Pero paano nga kung may magustuhan siyang ibang babae? Paano kung may ibang babae siyang mahalin? Kaya ko ba?
Tumango siya ng marahan.
"T-then it's good... for you," pilit akong ngumiti. "At least hindi ka na maghihintay," dagdag ko pa bago ligpitin ang pinagkainan ko. Binalik ko na sa lunch box ang tupper ware na kinainan ko.
"B-but that's just a what if!" Sabi ni Alas bago muling ngumiti.
Tumango na lamang ako bago tumayo.
"Aakyat ka na?" Tanong niya bago siya tumayo.
Tumango naman akong muli.
"Tara na," sabi niya bago kami magsimulang maglakad.
Tahimik kaming naglalakad papunta sa room.
Sa totoo lang, I have enough time para makasama siya. Absent ang teacher namin sa next subject pero mas pinili kong bumalik nalang sa room.
Kapag nasa room kami, para kaming hindi magkaklase.
I have my friends.
He has too.
They separate us.
Even though our friends push us to each other, para pa rin silang wall minsan.
Pinaglalayo nila kami sa loob ng room. Wala kaming oras ni Alas para magusap. Dahil ang mga kaibigan namin ang mas madalas naming kasama. Ang mas madalas naming kausap.
O baka ako lang?
Baka ako lang ang walang oras sa kaniya?
Nasa harapan na kami nang room namin nang huminto ako. Hindi muna agad ako pumasok at nahalata ni Alas 'yon.
"Anything wrong?"
My heart.
The way it beats, the way it respond.
It's wrong.
Nakangiti akong lumingon sa kaniya. Para hindi niya mapansin na deep inside, may kung anong tumutusok sa puso ko.
"Bakit mo natanong 'yung what if kanina?" Tanong ko. "M-may nagugustuhan ka na ano?" Kunwari'y nagbibiro ako.
"Wala!" Agad niyang saad. "Ikaw lang talaga... ikaw lang at wala nang iba," sagot niya habang nakangiti.
Napatingin ako sa mga mata niya.
Sincere.
Sana hanggang sa masagot na kita, ganiyan pa rin ang mga mata mo. Sana ako pa rin ang gusto mo. At sana, 'pag dumating ang araw na sagutin na kita, malinaw na ang lahat sa akin.
Ngumiti ako at tumango. "Tara na," aya ko sa kaniya bago kami pumasok sa room.
Mabilis akong pumunta sa p'westo ko.
Katabi ko si Juo sa upuan. Busy siya sa pagsusulat pero binati niya ako nang maramdaman niya ako sa tabi niya.
"Kamusta lunch date niyo?" Tanong nito nang hindi tumitingin sa akin. Nagsusulat lang siya at seryoso sa kaharap na notebook.
"Nabusog ako," pagamin ko.
"Binusog ka niya?" Mapangasar na saad ni Juo. At sa tono ng pananalita niya, iba ang ibig sabihin niya.
"Owemji Juo. My innocent mind," sabi ko na lamang. Bahagya naman siyang natawa.
"Alam mo, si Yana, walang ibang ginawa kundi sungitan ako habang naglulunch kami. Kaya hindi ako nabusog," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. "Share ko lang," pangunguna niya kaya natawa ako.
Kilalang-kilala talaga niya ako. Alam niya ang susunod kong sasabihin sa kaniya.
Inangat niya ang tingin niya sa akin.
Tumitig siya sa mga mata ko pero iniwas ko agad ang tingin ko. Lumingon ako kay Mathew na busy makipaglaro kay Yohan. Naglalaro sila ng uno.
"May problema," saad ni Juo. Hindi siya nagtatanong. Statement 'yon.
"Wala," giit ko.
"Meron."
"Wala nga."
"Meron nga."
"Wala sabi e."
"Meron sabi e," panggagaya niya kaya nilingon ko siya.
Bumuntong hininga ako bago tumingin sa likod. Kung nasaan si Alas at nakangiting nakikipagusap sa mga kaibigan niya. Napalingon siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Mabilis ko namang iniwas ang mga tingin ko.
"Told yah! May problema," umiiling-iling na sabi ni Juo. "Mind to share?"
Bumuntong hininga ako ulit bago bahagyang lumapit sa kaniya. Gusto kong siya lang ang makarinig sa mga sasabihin ko.
"Ewan ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ayaw ko pang sagutin si Alas. Naguguluhan ako. The feeling is mutual. I like him too---"
"You mean, you love him too. Alas loves you. And you said the feeling is mutual, then you love him too," pagtatama ni Juo kaya inirapan ko siya.
"Whatever Juo. Dami mong alam," inis kong saad bago lumayo sa kaniya.
Natawa naman siya.
"Jen... seriously speaking. Hindi ba dapat, relasyon ang pinapatagal? Hindi ang panliligaw? Yes, I value the essence of courting process. It's the way of knowing each other. Pero ilang taon pa ba ang kailangan para makilala mo si Alas?"
Napaisip ako sa sinabi niya.
Hindi pa ako nakakamove on sa sinabi niya sa akin na ang mga lalaki napapagod din, dinagdagan na naman niya ng pangpalito ang utak ko.
"W-what should I do?" Wala sa sarili kong tanong.
"Malay ko. Kawawang Alas kapag natigang 'yan kakahintay sa'yo," umiiling-iling na sabi ni Juo.
"Wala ka talagang k'wenta!" Bulyaw ko rito bago ko siya talikuran.
Tatawa-tawa naman siyang bumalik sa pagsusulat.
Okay. Really.
What should I do?
---
An : I made it this long dahil... baka matagalan ang next update. I want to focus on NGAG more. Less than 20 chapters lang naman 'yon kaya mabilis akong makakabalik sa pagsusulat nito. And who knows? P'wede akong magupdate rito if I have free time pa.
Please vote and comment! Thanks for reading!
P.s. don't ship Juo and Jen. They aren't meant for each other. Close friends lang talaga sila. Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro