Chapter 4 : Lunch Date
Chapter 4 : Lunch Date
"Annyeong!"
"Hindi ko alam kung iniinggit mo ako kuya o inaasar mo ako. O baka pareho!" Saad ko dahilan para matawa si Kuya Concon. Nakaskype kami ngayong dalawa dahil day off niya ngayong araw. "Parang ilang buwan ka palang diyan, nagkokorean ka na agad."
"Masama ba? Tsaka annyeong lang naman alam ko rito," sabi niya kaya pareho kaming natawa.
"Kamusta ka riyan Kuya? Kumakain ka ba diyan? Baka naman inaalila ka nila diyan ha?"
"Ang OA mo talaga Jenjen. Alila agad?" Natatawa niyang sabi. "Eto ayos naman ako. Malamig nga rito e. Gusto mo dalhan kita ng snow paguwi ko?"
"Goodluck sa'yo kuya. Baka pagbalik mo rito sa Pinas tunaw na 'yan," sagot ko.
"Pero seryoso. Malamig dito. Tsaka alam mo ba," lumapit si kuya sa cellphone niya. Parang may ibubulong. Akala mo naman maririnig siya ng iba eh siya lang naman ang tao sa apartment na tinutuluyan niya. "Ang daming chicks dito na naghahabol sa akin," bulong niya sabay kindat.
"Talaga lang ha," agad kong tutol. "Pero sabagay. Mas g'wapo ka kay kuya Denden. Minsan talaga iniisip ko kung saan siya pinaglihi ni Mama. O kaya baka ampon lang siya kaya ang sama ng ugali niya sa 'kin," maarte kong saad.
"Alam mo. Ganiyan si Denden kasi mahal ka niya," seryosong sabi ni Kuya Concon pero agad kumunot ang noo ko.
"Kuya!? Asan ang pagmamahal sa pagtatapon niya ng mga ipis sa higaan ko? Nasaan ang pagmamahal sa tuwing hinahagisan niya ako ng ipis? Nasaan kuya Con!? Nasaan!?" Madrama kong saad bago magpagulong-gulong sa higaan ko.
"Hoy Jenjen! Ang OA mo!" Sigaw ni Kuya kaya muli akong umupo at humarap sa laptop. "Ganiyan lang magpakita ng pagmamahal 'yang si Denden. Alam mo namang kulang ng dalawang buwan sa tiyan ni Mama 'yon kaya gano'n 'yon 'di ba? Tapos panot pa 'yung doktor na nagpaanak kay Mama sa kaniya kaya gano'n. Galit na agad sa mundo baby pa lang."
Pareho kaming natawa ni Kuya. Kahit kailan talaga. Alam niya kung paano ako papatawanin. Hindi tulad ni kuya Denden. Ang sarap kurutin sa bawat sulok ng katawan dahil nakakagigil.
"Maiba nga ako. Kamusta na kayo ni Alas? Nanliligaw pa rin ba sa'yo 'yun?" Tanong ni Kuya.
Napabuntong hininga ako at tumango.
"Hindi mo ba pinapaiyak 'yon?"
Napahinto ako. "AKO!? Paiiyakin ko 'yon!? Bakit parang baligtad kuya!? Hindi ba dapat ang tanong mo ay, 'hindi ka ba pinapaiyak no'n'?" Tanong ko kaya natawa si Kuya Concon.
"Sa inyong dalawa, tingin ko mas may posibilidad na ikaw ang magpaiyak. Kilala ko si Alas. Sobrang bait kaya no'n."
"Edi sana ikaw nagpaligaw sa kaniya," sagot ko.
"Teka nga. Kanina ko pa napapansin. Wala ka ba sa mood? May kinalaman ba si Alas kaya ka masungit? Sabihin mo anong ginawa ni Alas?" Bakas sa tono ni Kuya na handa niyang awayin si Alas para sa akin. Sa totoo lang, wala namang kasalanan si Alas kung nagugulo ang utak ko.
Hindi ko nga alam kung bakit nagugulo ang isip ko. Hindi naman necessary na guluhin ko ang isip ko. Pero ang gulo talaga.
Owemji. I want Taehyung right now.
"Wala naman siyang ginawa. Narealize ko lang na mas g'wapo si Taehyung sa kaniya," kunwaring biro ko.
"Pero mas mahal mo naman 'yon kaysa kay Taehyung," sagot ni Kuya.
"Paano mo naman nasabi na mahal ko si Alas?" Interisado kong tanong.
"Jenjen, kilala kita. Mula't sapul na niligawan ka ni Alas, the feeling is mutual. In denial ka lang palagi sa nararamdaman mo," sagot niya. "Mas masaya ka kapag kasama mo siya. Alam mo bang dati, kahit ang korni ng jokes no'n, tinatawanan mo? Tapos laway na laway ka pa sa kaniya---"
"Utot mo! Baka siya naglalaway sa akin," giit ko.
Natawa si kuya. "O siya pa'no. Una na ako ha? Matutulog na ako. Alam mo namang palagi akong puyat sa trabaho."
"Sa trabaho o sa kdrama?"
"Mahalaga pa ba kung alin sa dalawang 'yon ang kinapupuyatan ko?" Natatawang sagot ni Kuya. "Kapag pala ginago ka ni Alas. Kahit hindi pa kayo, dudurugin ko ang itlog niya ha. One call away lang ako Jenjen. Ingat. Goodnight," paalam ni Kuya kaya bahagya akong natawa.
"Ingat ka rin Kuya! Goodnight! Labyu!" Paalam ko bago mag-end ang call.
Sinarado ko ang laptop at diretsong napahiga sa kama.
Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Lately feeling ko may mali. O baka naman ako lang ang nakakaisip na may mali? Baka naman wala talagang mali? Baka umiiral nanaman ang pagiging OA ko kaya ako nagkakaganito.
Gusto ko si Alas.
Mali.
Mahal ko si Alas.
Pero hindi ko magawang sabihin sa kaniya. Gusto ko munang malaman sa ngayon kung anong mali sa nararamdaman ko at bakit nagdadalawang isip ako na sagutin siya. Masiyado nang matagal na naghintay si Alas.
Natatakot ako na baka mapagod siya sa paghihintay tulad nang sinabi ni Juo.
Pero mas natatakot ako sa p'wedeng mangyari once na sagutin ko siya at hindi pa rin ako sigurado sa kung anong mali na nararamdaman ko.
Basta ngayon ang gusto kong malaman ay kung anong hindi ko pa alam kay Alas. Gusto ko pa siyang makilala para mawala ang pagdududa ko sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay nagdududa pa rin ako sa lalim ng pagmamahal niya sa akin.
Paano kung mas malalim pala ang pagmamahal ko sa kaniya?
Paano kung mas malalim ang nabagsakan ko, at hindi niya ako masalo dahil nasa mababaw lang ang pagmamahal niya sa akin.
Alam kong mali ang pagdudahan siya dahil matagal na siyang nandiyan at naghihintay sa akin.
Pero hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko kung...
Kung kilala ko na nga ba talaga siya.
***
"May naisip ka na bang concept sa gagawin mo sa art contest?" Bungad na tanong sa akin ni Yana pagdating ko sa school.
"Wala pa nga eh. Kaya eto ako, finding for some inspirations," sabi ko habang naglalakad kami papunta sa room. Halos sabay kasi kaming pumasok. "Wala yata si Yara?" Takang tanong ko dahil magisa lang siya.
"Nilalagnat," maiksing tugon niya kaya tumango nalang ako. "Speaking of inspiration," bulong ni Yana.
Papalapit sa amin ang grupo ni Alas. Nagtatawanan sila bukod kay Alas na mukhang sentro ng asaran. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti sa akin.
"Good morning," bati niya.
"Good morning."
"Free ka ba this lunch?" Tanong niya.
"Hmm... kasama ko si Yana mamaya sa lunch," pagsasabi ko ng totoo.
"Well, can I join?"
"Paano 'yang mga tropa mo?" Nguso ko pa sa mga kasama niyang patuloy pa rin sa pang-aasar sa kaniya. Hindi ko alam kung tungkol saan ang k'wentuhan nila. Pero base sa mga tawa nila, mabentang-mabenta sa kanila si Alas.
"Wala akong paki sa mga 'yan. Mga siraulo---ay sorry," napakamot siya sa likod ng batok niya. Kahit kailan talaga, sobrang bait niya kapag kaharap ako. Ano kayang ugali niya kapag wala ako? "So ano? P'wede ba akong sumabay sa inyo?"
"Magpaalam ka kay Yana," bahagya kong siniko si Yana.
"H-ha? Oo naman. P'wede. Since naghahanap din naman si Jen ng inspiration. 'Di ba Jen?" Nakangiting sabi ni Yana kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Natawa lang siya sa ginawa ko.
"Great! So pa'no? See you mamaya sa lunch," nakangiting sabi ni Alas bago sila umalis kasama ang mga tropa niya.
"Yana! Bakit pinayagan mo?"
"Bakit hindi? Sabi mo magpaalam siya sa akin. So I agreed. Sana kasi ikaw na nagdecide 'di ba?" Mataray na saad niya bago naunang maglakad sa akin.
"Argh!" Inis kong saad bago siya sundan sa paglalakad.
Kapag kasama ko si Alas, hindi naman inspirasyon ang nakukuha ko.
Mas lalo lang akong nawawala sa focus.
Owemji ka talaga Yana!
***
Lunch.
After almost forever with Math, finally nakahinga rin ako ng maluwag.
Ayos lang naman ako sa math. Sa teacher hindi.
"Sana mapanot siya. Palagi nalang siyang galit sa klase natin kahit wala naman tayong ginagawa sa kaniya," inis na sabi ni Yana. Tinutukoy niya ang terror naming math teacher.
"Parang hindi ka pa nasanay. Wala kasing naging asawa at anak. Kaya palaging galit," sagot ko.
Sabay kaming lumabas ng room at pumunta sa canteen dahil sasabay si Alas. Usually sa room lang kami kumakain nila Yana at Yara. Minsan kasama rin namin si Juo pero dahil palaging late dumating ang lunch niya, mas nauuna kaming kumain sa kaniya. Hinahatiran kasi siya ng lunch ng parents niya.
Sweet 'di ba.
And speaking of Juo, papalapit siya sa amin ngayon at nakangiting kumakaway. "Saan kayo pupunta? Tsaka nasa'n si Yara?" Agad niyang tanong nang makalapit siya sa amin.
"Sa canteen. Sabay kasing kakain sila Alas at Jen," sagot ni Yana kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kami lang? 'Di ba kasama ka?" Takang tanong ko pero agad siyang lumapit kay Juo.
"Ha? May sinabi ba akong sasabay ako sa'yo? Actually, papunta talaga ako sa room ni Juo para sumabay sa kaniya. Sabay tayo maglulunch 'di ba Juo?" Nakangiting tumingin si Yana kay Juo. 'Yung tingin na parang manununtok kapag may maling sinagot si Juo.
Alanganing tumango si Juo. "O-oo, sabay tayo," sagot niya bago ngumiti sa akin.
"Oh pa'no. Una na kami ha. Gutom na kasi ako. Goodluck sa lunch date niyo!" Saad ni Yana bago hatakin si Juo palayo.
"Y-Yana! Hoy!" Sigaw ko pa pero hindi niya ako pinansin.
Owemji.
Hindi ako makapaniwala.
Nautakan ako ni Yana.
To be continued...
---
An : This part is dedicated to : Avrina_Laire. Damihan mo pa comments. Ang bilis ko magupdate oh. Haha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro