Chapter 3 : Wait Until When?
Chapter 3 : Wait Until When?
"Sana may balak ka pang magsalita," sabi ko bilang pagbasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"A-ah. Sorry," aniya bago kumamot sa batok niya. "Inaya lang kita para personal na tanungin kung free ka ba sa 14?" Tanong niya bago humigop sa straw.
Nasa milk tea shop kami malapit sa campus. Binugaw kasi ako ng mga kaibigan ko kaya wala akong nagawa kundi pumayag na makipagkita kay Alas after class. Tutal wala naman na kaming gagawin dahil luckily, tapos na ang research paper namin.
Thanks to Yana, sobrang dedicated siya na matapos ang research paper namin dahil bukas na ang pasahan. Masiyadong grade conscious ang isang 'yon and aside from that, gusto talaga niyang matapos na 'yon para wala na akong problemahin after class. Meaning, gusto talaga niya akong imeet si Alas after class.
"February 14?" Tanong ko.
Tumango siya kaya napaisip ako.
"Anong meron sa feb 14?" Maang-maangan kong tanong.
"Ahh... valentines po?" Inosente niyang sagot bago ngumuso.
Sa totoo lang, hindi talaga ako madaling kiligin. Pwera nalang talaga kay Taehyung my loves. At sa lalaking kaharap ko.
"Always free naman ako," saad ko. Kahit sa totoo lang, ayoko talaga sa bahay dahil nando'n si Kuya Denden. Somehow, ayaw kong makita ang mukha niya dahil for sure, masasapak ko nanaman siya. Last time I checked his face, may pasa sa mukha niya.
Napangisi ako nang maalala ang sinabi ni Kuya Concon sa akin through chat.
"Kapag hindi pa rin tumigil sa pang-aasar, sapakin mo sa itlog."
Dahil mabait akong kapatid, hindi ko sinapak si Kuya Denden sa itlog. He should thank me for not being brutal and for saving his future. Next time, kapag inasar pa niya ako, tutuluyan ko na ang gintong hotdog.
"Good. Aayain sana kitang magdate," nakangiting sabi ni Alas.
20th.
That'll be our 20th date kung sakaling matutuloy. Hindi naman sa ayaw kong pumunta, pero hindi ba siya nagsasawa na palagi akong kasama? Hindi ba siya nagsasawa sa... oh well, maganda naman kasi ako. Jowable pa. Tsaka ayokong makita sa valentines si Kuya Denden. For sure sira agad ang araw ko kapag nangyari 'yon.
"Saan ba?" Tanong ko bago ubusin ang fries at milk tea ko. S'yempre libre niya.
"Sa SM," sagot niya.
"May kundisyon ako," saad ko. Hindi naman nawala ang ngiti niya kaya tingin ko ayos lang sa kaniya.
"Anything," aniya.
"Gusto ko kasama si Yana at Yara," sabi ko kaya bahagyang nawala ang ngiti sa labi niya. Gusto niya siguro akong masolo sa araw na 'yon pero kasi, kapag kami ang magkasama, kahit pa gusto niya ako at gusto ko siya, parang may mali. Para pa ring awkward. Kumportable naman ako na kasama ko siya. Pero hindi ko maipaliwanag, para kasing may hindi tama kapag magkasama kami.
"S-sure," sagot ni Alas kaya nakangiti akong tumango.
"Ay teka," napahinto ako. "Kawawa naman kasi si Yana at Yara. Wala silang kadate. Ang pangit naman siguro kung tayong dalawa lang ang magdadate 'di ba? P'wede ko rin bang isama si Juo? Para naman may mag-aasikaso sa dalawa kong kaibigan?" Nakangiti kong tanong.
Nahalata kong nawala ang kislap sa mga mata ni Alas. Nasira ko ang plano niya na solo namin ang date. Pero kung ayaw naman niya, madali naman akong kausap. Hindi nalang ako makikipagdate sa kaniya, tapos.
"O-okay lang," sagot niya. Pinilit niyang ngumiti kahit pa gusto ko na siyang tawanan dahil alam kong deep inside, umiiyak na siya.
Hays. Gustung-gusto ko na ganito siya.
Ang cute-cute niya tingnan kapag nagseselos siya.
Juo and I are close. Lalaki si Juo at babae ako pero close pa rin kami. Mas marami kaming napaguusapan kapag uwian. Mas marami kaming katarantaduhan outside the camera at mas nagiging masaya ako kapag kasama ko si Juo.
Para kasing adik na tanga 'yon.
Isang beses nga, pumunta siya sa bahay namin kasama si Mathew. Nilapag niya sa bench namin 'yung bag niya bago siya pumasok sa bahay. Then no'ng uuwi na sila ni Mathew, hindi niya kasama 'yung bag niya pauwi.
Tawa kami nang tawa ni Mama no'n dahil sa katangahan ni Juo.
Buti nalang bumalik din siya agad sa bahay nang maalala niyang may dala siyang bag at nakalimutan niya sa bahay namin.
Baliw siya pero may natututunan naman ako sa kaniya.
Actually, inosente talaga ako dati.
Pero ngayon, may alam na ako kahit papaano dahil sa kabastusan ng dila ni Juo.
I don't know if I should thank him for widening my mind, o dapat akong magsisi dahil open minded na ako.
"J-Jen..."
"Hmm?" Tanong ko.
"A-ano..."
"Ano?"
Nakita kong may binubulong siya. Hindi ko maintindihan dahil bulong nga, hindi ko marinig. Parang nagpapractice siya.
"Alas, may sasabihin ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Wa-wala," aniya bago pumalatik.
"Sure ka?" Tanong ko ulit sa kaniya.
Tumango naman siya. "U-uuwi ka na ba? Hatid na kita," sabi niya kaya tumayo na kami pareho.
Paglabas namin sa milk tea shop, hindi na kami nagusap ulit.
Walking distance lang naman ang school sa milk tea shop na pinag-meet-an namin ni Alas. Malapit naman sa school ang bahay namin kaya lalakarin nalang namin pauwi.
Ilang beses nagattempt si Alas na magsalita. Pero ilang beses din niyang hindi itinuloy.
Gusto ko tuloy siyang tadyakan kasi ang arte-arte niya. Parang kasisimula palang niyang manligaw sa'kin dahil sa inaakto niya.
"Jen..."
"Ano!?" Sigaw ko kaya nagulat siya.
"Meron ka ba?" Natatawa nitong saad kaya inirapan ko siya.
"Ano nga?" Binabaan ko na ang boses ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Next week na pala 'yung art contest na sinalihan mo. Ready ka na ba?" Tanong niya kaya saglit akong napatingin sa kaniya. Napatingin din siya sa akin kaya saglit na nagtama ang mga mata namin.
Iba talaga ang epekto ng mga titig niya.
"B-buti naalala mo pa ang tungkol d-do'n. Tsaka s'yempre. Ako pa ba. I'm always ready," kunwaring pagmamalaki kong saad para maitago ang kaba ko.
Hindi ko alam kung kaba ba ang tamang term do'n. Hindi ko maintindihan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kapag nagpatuloy pa 'to, baka mahimatay na ako rito.
"Ano palang balak ninyo sa bakasyon?" Tanong ni Alas ulit.
This time, nagfocus ang mga mata ko sa kalsada. Baka mamaya pagtingin ko, tumingin nanaman siya sa akin.
"Balak naming pumunta sa Puerto Galera. May ancestral house kasi kami ro'n. O kaya naman, magbabakasyon kami sa Quezon. Sa mga lolo't lola ko," sagot ko. "Kayo ba ng family mo?" Tanong ko.
"Hindi ko nga alam kung makakapagbakasyon pa ba kami."
"What do you mean?"
"Busy kasi sila Mama at Papa sa business. Si ate naman busy sa pagrereview dahil malapit na ang board exam niya," ani Alas. Tumango nalang ako. "Jen..."
"Oh?" Tanong ko bago kami lumiko ng daan. Dumadaan kami sa short cut kuno.
"If e-ever... p'wede ba akong sumama sa inyo sa bakasyon?" Tanong niya kaya saglit akong napahinto. Gano'n din siya.
Kilala siya ni Mama at ng buong pamilya ko. Alam nilang nanliligaw siya sa akin simula elementary kaya tingin ko wala namang problema kung sasama siya sa amin sa bakasyon. 'Yun nga lang, ang tanong...
Kaya ko ba siyang makasama?
Para akong tanga pero palagi ko talagang naiisip na hindi pa talaga si Alas ang kaharap ko.
Parang hindi ko pa kilala 'yung totoong Alas.
Malay. Owemji, napapraning nanaman yata ako.
"Siguro. P'wede naman siguro," sagot ko kaya narinig ko ang mahina niyang 'yes.'
Nanatili na ulit kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Hindi na siya p'wedeng pumasok pa sa loob dahil for sure, nasa loob si Kuya Denden. Pagtitripan nanaman niya itong si Alas kapag sinama ko pa siya sa loob kaya mas mabuting dito nalang siya sa labas.
"Thank you sa paghatid. Uwi ka na. Gabi na. Baka marape ka pa ng mga bading na tambay diyan sa kanto," saad ko. Tumawa lang siya bago tumingin sa akin. "H-hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kaniya.
Nagulat ako nang hawakan niya bigla ang kamay ako.
"J-Jen... kanina ko pa gustong sabihin sa'yo 'to... alam nating pareho na matagal na akong nanliligaw sa'yo. 'Wag ka sanang magagalit pero may gusto sana akong itanong sa'yo," aniya kaya med'yo kinabahan ako. Ewan ko. Hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya, kinakabahan na agad ako.
"A-ano 'yon?"
"May balak ka pa bang sagutin ako?" Diretsahan niyang saad kaya napatigil akong saglit.
Hindi ako nakasagot.
Med'yo matagal akong natahimik at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Alas. Marahan din niyang binitawan ang kamay ko.
"Ka-kahit 'wag mo nang sagutin. Sorry, nabigla yata kita. Pumasok ka na," nakangiti niyang saad. Tumalikod siya at aalis na sana pero tinawag ko ang pangalan niya kaya muli siyang humarap sa akin.
Muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Juo.
"Ewan ko sa'yo Jen. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kaming mga lalaki, hindi kami 24/7 na energized. Napapagod din kami. Parang kayong mga babae. Hindi nga lang kami mabilis mapagod, lalo na kung tungkol sa babaeng minamahal namin ang usapan. Kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na kay Alas kung may pagasa pa ba siya o wala."
Suminghap ako ng hangin bago nagsalita.
"What if sabihin ko sa'yo na konting-konti nalang sasagutin na kita?" Tanong ko kay Alas.
Kumurba ang labi niya at ngumiti. "Ma-masaya s'yempre," sagot niya.
"Pero paano kung sabihin ko sa'yo na hindi pa ako handa? Paano kung sabihin ko na hindi pa rin kita nagugustuhan?" Kasinungalingan.
Bumuntong-hininga si Alas. "Naaalala mo pa ba 'yung sinabi ko sa'yo no'ng grade 7 tayo? No'ng acquaintance?"
"A-alin do'n?"
"Sinabi ko sa'yo na handa akong maghintay kahit kailan Jen," sagot niya. May kumirot sa puso ko at gusto kong lumapit sa kaniya para sabihing gusto ko na siya, matagal na. "I'm willing to wait Jen. Until you think I'm deserving for your heart. Wala lang sa akin kung hanggang kailan ako maghihintay sa'yo. Hindi ako mapapagod na maghintay sa'yo. Never."
Buong gabi hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Alas.
Hindi raw siya mapapagod na maghintay sa akin.
Naguguluhan ako.
Paano kung seryoso si Alas na hindi siya mapapagod sa paghihintay sa akin?
Pero paano kung totoo nga 'yung sinabi ni Juo?
"Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kaming mga lalaki, hindi kami 24/7 na energized. Napapagod din kami."
Owemjii!
Bakit ba kasi ayaw pang umamin ng puso ko!? Bakit hanggang ngayon ayaw ko pang sagutin si Alas?
At bakit ba ginulo ni Juo ang isip ko!?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro