Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 : Know Him First

Chapter 2 : Know Him First






"Anong balak mong gawin mamaya? Sisipot ka ba o hindi?" Tanong sa akin ni Yana, isa sa mga kaibigan ko.

"Kawawa naman si Alas kung iindianin mo lang siya," sabi naman ni Yara, ang kapatid ni Yana.

Itinaas ko ang dalawa kong balikat bilang sagot. "Ewan. Tinanong lang naman niya ako kung free ba ako mamayang after class," sabi ko habang nagpapatuloy pa rin kami sa paglalakad papunta sa library.

May kailangan kasi kaming hanapin na sa library. Research paper ang ginagawa namin sa ngayon at pinagbawalan kami ng teacher namin na magbrowse sa internet. Kaya for sure, masikip ngayon sa library at kung hindi kami magmamadali, mauubusan talaga kami ng upuan.

"Jen, sumagot ka na free ka 'di ba? Wala ba siyang reply pagkatapos no'n?" Tanong ni Yana bago kami makapasok sa loob ng library.

Tama nga ako dahil maraming estudyante rito. 'Yung iba seryosong-seryoso na nagsesearch. 'Yung iba naman nakatingin lang sa mga leader nila, at naghihintay na matapos ang research paper.

May ilan ding sobrang daming librong kinukuha mula sa bookshelves. For sure mga pabida-bida lang ang mga 'yon dahil hindi naman lahat 'yon kailangan. Mga wala sigurong magawa kaya kung anu-ano nalang ang pinagtitripan.

"Juo?"

Napalingon sa akin si Juo, isa pa sa mga kaibigan ko. And speaking of wala sigurong magawa, nakita ko siyang iniikot-ikot ang globe na nasa gilid ng library.

"Oh. Magreresearch din kayo?" Tanong niya sa amin habang patuloy pa rin sa pagiikot ng globo. Tumango naman ako.

"Wala ka bang kasama? Nasa'n ka-group mo?" Tanong ni Yara.

"Si Bal gumagawa ng research paper namin," maikling sabi ni Juo bago kami sabayan sa paglalakad. Naghahanap pa rin kami ng mauupuan at sa palagay ko, sa sahig kami nito kapag wala ng bakante.

"Bakit si Francheska lang ang gumagawa?" Wala sa sarili kong tanong bago siya tingnan mabuti.

"Oh! Hindi ako tamad! Ayaw lang talaga niyang makialam kami kasi magkaiba kami ng reference. Ayan, she end up alone, doing our research paper. Kaya walwal kaming mga members," natatawang sabi ni Juo.

"Jen, wala na yatang upuan," bulong ni Yara sa akin.

"Meron pa!" Sabi ni Juo. "Do'n kayo sa tabi ni Bal. Solo kasi niya ang buong table dahil ayaw daw niya ng magulo. Alam niyo na, kapag tumatandang dalaga, gano'n talaga," napahagikgik si Juo kaya bahagya rin kaming natawa.

Pumunta kami sa med'yo dulo ng library. May mga estudyante pa rin dito pero kapansin-pansin ang nag-iisang lamesa na isang tao lang ang nakaupo. Lahat ng table puno na at ang table nalang na 'yon ang may enough space para sa amin nila Yara.

"Francheska, paupo ha. Wala na kasi kaming maupuan. Kailangan na namin ang research paper bukas," paalam ko kay Francheska na mag-isang nakaupo sa isang lamesa. Busyng-busy siya sa ginagawa niya dahil tumango na lamang siya sa akin bilang sagot. "Thank you!"

"Sandali, kukuha lang ako ng mga libro na kailangan. 'Di ba tungkol lang naman sa politics?" Sabi ni Yara kaya tumango ako. Pagkatapos no'n, umalis na siya at naghanap ng references.

Tahimik akong nanunuod kay Francheska. Sa bilis niyang magsulat, natatawa nalang si Juo na nasa likuran niya.

"Bakit ka natatawa?" Tanong ni Yana kay Juo.

"Eh kasi ang pangit ng sulat niya," sabi ni Juo bago tumawa.

Umangat ang tingin ni Francheska sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "Kapal mo naman Bal! Sana tinutulungan mo ako 'di ba?"

"Ha? 'Di ba sabi mo ayaw mo ng katulong? Ang gulo mo," giit ni Juo bago umupo sa tabi ni Francheska. "Ano bang gagawin?" Tanong niya.

"Re-write mo nalang 'tong mga naunang parts," sagot ni Francheska.

Tumango si Juo bago nagsimulang magsulat sa malinis na papel.

"Jen, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," sabi ni Yana kaya napalingon ako sa kaniya.

"Ha?"

"'Di ba sinabi mo kay Alas na free ka nga after class? Wala na ba siyang reply pagkatapos no'n?"

"Wala na. Ano ba dapat niyang i-reply?"

"Wala naman. Malay ko ba kung may iba pa kayong pinagusapan like, date this coming valentines," ani Yana.

"Date ulit?"

"Oh ba't ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Pero that will be our 20th date kung sakali ngang aayain niya ulit akong magdate sa valentines," sagot ko.

"Aba, bilang na bilang," natatawang sabi ni Yana.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus napatingin ako kay Juo na seryosong nagsusulat. Paminsan-minsan din niyang inaasar si Francheska dahil sa sulat nito kaya ilang beses siyang sinuntok nito. Nakakatawa silang panuorin lalo pa't malakas ang sapak nitong si Juo. Gano'n din si Francheska.

Sa unang tingin, aakalain mong kambal sila. Pareho silang magaling sa History, at palaging magka-away pagdating sa greek mythology. Sa love story ni Psyche at Cupid sila nagkakilala hanggang sa nalaman nilang sa lahat halos ng bagay, pareho sila ng pananaw.

"Baka naman ma-fall na kayo sa isa't-isa," pang-aasar ko sa dalawang nasa harapan namin ni Yana.

"I-ito!?" Saad ni Juo bago duruin si Francheska.

"Bal, aminin mo na kasi, crush mo ako kaya palagi kang dumidikit sa akin," sabi ni Francheska dahilan para kumunot ang buong mukha ni Juo.

"Luh. Nakasinghot ka ba?" Sagot ni Juo bago tumayo at lumipat sa tabi ko. "Si Jen lang kaya crush ko. 'Di ba Jen?" Sabi ni Juo habang tumataas-baba ang kilay at nakatingin sa akin.

"Juo taken na 'yan. May Alas na 'yan kaya hindi na p'wede," sagot ni Yana.

"Edi ikaw nalang. Yiee," sagot ni Juo pero inirapan lang siya ni Yana. "Ang sungit nanaman niyang kaibigan mo," bulong ni Juo sa'kin kaya natawa ako.

"Kung makapagsalita ka, parang hindi mo siya kaibigan," sabi ko pero natatawa siyang umiling. Bumalik din siya sa pagsusulat.

"Kamusta na pala kayo ni Alas?" Tanong ni Juo kaya agad na kumunot ang noo ko.

Ngayong araw na 'to, pang-ilan na ba si Juo na nagtanong sa akin tungkol sa amin ni Alas? Gano'n ba kakalat sa buong school na nililigawan ako ni Alas?

"Ayun, inlove na inlove pa rin sa akin," sagot ko kaya napahinto si Juo sa pagsusulat at tumingin sa akin.

"Seryoso, wala ka bang gusto sa kaniya?" Tanong ni Juo sa akin.

Minsan lang maging seryoso si Juo, at madalas tuwing tungkol lang sa aming mga kaibigan niya ang topic kaya siya nagiging seryoso. Somehow gusto ko ang side niya na 'to dahil nakakausap ko pa siya ng matino. Pero minsan, uncomfortable pa rin ako na magopen sa kaniya dahil lalaki siya at babae ako.

"Does it matter?" Alanganin kong tanong kaya ngumiti si Juo.

"Does it matter?" Panggagaya niya sa tono ng boses ko. "S'yempre! Aba. Baka mamaya pinahihirapan mo lang si Alas na manligaw sa'yo. Tapos hindi mo naman pala siya gusto," sagot ni Juo bago nagsimulang magsulat ulit.

"Sino bang nagsabi na manligaw siya sa akin?" Sagot ko.

"Ewan ko sa'yo Jen. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na kaming mga lalaki, hindi kami 24/7 na energized. Napapagod din kami. Parang kayong mga babae. Hindi nga lang kami mabilis mapagod, lalo na kung tungkol sa babaeng minamahal namin ang usapan. Kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na kay Alas kung may pagasa pa ba siya o wala," sagot ni Juo nang hindi tumitingin sa akin.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

"Makapagsalita, akala mo nagkaro'n na ng girlfriend," natatawa kong saad kaya tumingin si Juo sa akin.

"Hindi pa ako nagkakaro'n ng girlfriend. Pero mukhang malapit na," aniya bago kumindat sa akin kaya napangiwi ako.

"Owemji Juo? Really. Sino naman?" Natatawa kong saad pero tinawanan lang din niya ako. Hindi siya sumagot kaya hindi ko nalang siya pinansin.

"Here are the books!" Sabi ni Yara na paparating sa table namin. May hawak siyang tatlong libro na may iba't-ibang kapal. "Nahirapan akong hanapin ang mga 'to dahil best references ang mga ito pagdating sa politics. Nakipagaway pa ako sa kabilang section para lang makuha 'to. Hindi naman nila ginagamit ayaw pa ibigay," banas na sabi ni Yara kaya natawa kaming pareho ng kapatid niya.

"Let's start. Gusto kong umuwi ng maaga," sabi ko bago nagsimulang magbrowse sa mga dalang libro ni Yara.

"Uuuuy! Gusto umuwi ng maaga kasi may lakad sila ni Alas," pang-aasar ni Yana sa akin kaya tumawa ako ng peke at sinamaan ko siya ng tingin. "Hmp! Sungit!" Sagot niya.

"Nagsalita ang hindi masungit," bulong ni Juo sa tabi ko kaya natawa ako.

Habang nagbobrowse ako, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Juo kanina.

"Kaya kung ako sa'yo, sasabihin ko na kay Alas kung may pagasa pa ba siya o wala."

Ewan ko ba. Halos 5 years na siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko pa rin siya magawang sagutin.

Sa totoo lang, may gusto naman na talaga ako kay Alas. Pero hindi ko pa siya masagot sa dahilang parang hindi ko pa siya kilala. Yes, I know him since grade 4.

Ewan ko.

Nakakabaliw.

Ang alam ko lang, gusto ko pang makilala si Alas ng husto. Ang alam ko lang, may bagay pa akong hindi alam kay Alas.

At 'yun ang gusto kong malaman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro