Chapter 16 : First Boyfriend
Chapter 16 : First Boyfriend
Tahimik sa loob ng van.
Tulog kasi ang lahat, maliban sa akin at kay Papa na driver namin.
Vacantion just started, two days ago.
Papunta kaming Quezon ngayon para dalawin sina Lola at Lolo. Pareho kasing taga-Quezon ang mga magulang nila Mama at Papa, kaya doon kami magbabakasyon sa loob ng isang linggo. Hindi ko talaga alam kung tatagal kami ro'n, pero estimated ko, one week.
Kung ako ang tatanungin, ayokong magtagal do'n. Hindi sa ayaw kong makasama sina Lolo at Lola, pero ayokong makasama ang mga pinsan kong kakambal yata ni Kuya Denden. Lalo na 'yung mga mas bata sa akin, lahat sila, maligalig.
Lahat yata ng mga pinsan namin sa Quezon, prank lang ang alam gawin kapag nakikita kami. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit haggard palagi sina Lolo at Lola kapag bumibisita kami sa kanila.
Katabi ko si Kuya Concon. Si Kuya Denden naman, katabi si Alas sa likod namin.
Yes, kasama si Alas.
Tama nga ang assume ni Yana na sasama si Alas sa amin. Hindi rin naman tumutol si Mama kaya nakasama namin siya ngayon. Bukod kay Kuya Denden, wala ng tumutol. Hindi ko alam kung pinayagan ba si Alas ng mga magulang niya, but knowing his family, tingin ko kahit anong gawin ni Alas, ayos lang. Parang, nobody cares. Do what you wan't gano'n.
Tulog siya ngayon.
Alam ko kung gaano kahirap matulog kapag katabi si Kuya Denden. Bukod kasi sa malikot itong matulog, nakaka-irita rin ang presensya nito. Kaya hanga ako kay Alas dahil nakatulog siya kahit may kasama siyang demonyo sa upuan. O baka dahil same birds sila kaya gano'n?
4 AM pa lang. Siguro may 30 minutes pa lang kaming nasa loob ng van, papunta sa Quezon. Hindi naman siguro traffic, kaya by 5 AM, baka nando'n na kami. Nagugutom na agad ako kaya sana, makarating na agad kami. For sure naghanda sila Lola ng Biko. O kaya carbonara.
Gusto kong matulog para sana paggising ko nasa Quezon na kami, pero hindi ko magawa. Siguro dahil na rin maaga akong natulog kagabi, kaya kumpleto na ang tulog ko. Hindi na kasi ako nakapagpuyat dahil low battery ang cellphone ko kagabi. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pasalamatan ang cellphone dahil 'di ako nakapagpuyat, o aawayin ko kasi hindi ako makatulog ngayon.
Ang tangi ko na lang ginawa, ay makinig ng kanta ng BTS sa spotify, habang nakamasid sa labas ng bintana. Nag-headset ako para ako lang ang makarinig.
Napatingin ako sa malawak na kalsada. Nasa highway na kami. Kaunti pa lang ang mga kasabayan naming sasakyan, siguro dahil maaga pa.
Med'yo matagal na rin simula nang makapunta ako sa malayong lugar. Hindi kasi ako lumalayo, at kung may gala man, hindi dapat malayo. Hindi naman sa pinagbabawalan ako nila Mama na pumunta sa malalayong lugar, pero parang gano'n na nga.
Ingat na ingat sila sa maganda nilang anak. Nag-iisang babae kasi.
Napalingon ako kay kuya Concon nang agawin niya ang isa sa headset ko. Pinakinggan niya ang kantang pinapatugtog ko, at agad siyang napangiwi bago muling ibalik sa akin ang headset.
"Akala ko tulog ka," sabi ko.
"Akala ko maganda 'yung kanta," aniya.
"Maganda naman talaga ah."
"Maganda nga," kunot noo niyang saad, halatang pilit ang sagot kaya bahagya akong natawa. Lumingon si Kuya sa likuran, kung nasaan si Alas at ang kuya kong mahilig sa ipis. "Bagay sila," ani kuya Concon kaya napatitig ako sa dalawa.
"Owemji. Oo nga," sabi ko sabay hagalpak ng tawa.
"Shhh! Baka magising sila," saway ni Kuya Concon kaya pinilit kong pigilan ang pagtawa ko. Instead of laughing, I took some pictures.
"Alas and Kuya Denden. AlaDen. Ship ko 'to," natatawa kong saad kaya natawa rin si Kuya Concon.
"Sira," aniya.
Gusto ko sanang i-post sa facebook o kaya sa instagram 'yung picture. But knowing kuya Denden, baka gantihan ako no'n. Marami pa namang alagang ipis 'yon. Tsaka si Alas, baka masira ang image niya sa school. Kaya 'wag na lang.
Baka magamit ko pa sa ibang pagkakataon.
***
"Jen iha." Bumeso sa akin si Lola Cara, ang nanay ni mama. "Na-miss kita apo," aniya.
"Na-miss din po kita," nakangiti kong saad. Nagmano ako sa kaniya pati na rin kay Lolo Dorothy, ang asawa ni Lola Cara.
"Naku, ang lalaki na ninyo," sabi ni Lola habang tumitingin sa amin nila kuya Concon at Denden. "Teka, kailan pa naging apat ang anak mo Liza?" tanong ni Lola kay mama.
Napalingon kaming lahat kay Alas.
"Ma, hindi ko anak 'yan. Si Alas po 'yan," sabi ni mama.
"Alas?" Takang tanong ni Lolo.
"Manliligaw ni Jen," sagot ni Papa.
"Ang bata bata pa, may manliligaw na?" masungit na saad ni Lola Cara.
"La, maganda kasi ang lahi natin hindi po ba?" natatawa sabi ko kaya agad na nagliwanag ang mukha ni Lola.
"Aba oo naman. Noon ngang bata bata pa ako, maraming nakapila sa bahay namin," pagmamayabang niya.
"At ang dami kong napatumba noon na manliligaw niya," pagmamayabang din ni Lolo Dorothy, dahilan para mahina kaming matawa.
"O siya, doon tayo sa hapag kainan magkwentuhan. Marami pa tayong mga dapat pag-usapan," sabi ni Lola Cara. Agad namang tumango sila Mama at Papa.
Naunang maglakad sila Mama at Papa. Kasunod nila si Kuya Concon na may bitbit ng mga damit namin. 'Yung ibang bagahe, iniwan lang namin sa kotse dahil pupunta pa kaming Puerto Galera. Si Kuya Denden naman, halatang aburido na dahil kanina pa siya kinukulit ng mga pinsan namin.
Pikon pa naman ang isang 'yon, kaya for sure, bago kami umalis dito sa puder nila lola, may napingot na 'yan.
"Lolo at Lola na rin ba ang dapat kong itawag sa kanila?" tanong ni Alas sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.
Jen, ang puso mo, ikalma mo please. Ngumiti lang siya. Ang rupok mo naman beh.
"Ikaw bahala," monotonous na saad ko bago sumunod kila Lola sa may kusina. Sumunod lang sa akin si Alas, hanggang sa hindi ko na siya naramdaman sa likuran ko.
Lumingon ako para hanapin siya.
"Kuya laro tayo!"
"Siya na taya!"
"Ayoko ng habulan. Luge ako!"
"Huwag niyo siyang agawin, akin siya. Maglalaro kami ng bahay-bahayan, 'di ba kuya? Ipaghahanda ko siya ng tea. Kasama ang mga barbie dolls ko."
Agad akong napa-iling. Hindi ko na naiwasang mapangiti nang bumakas sa mukha ni Alas ang alanganing ngiti. Nagustuhan siya ng mga pinsan ko. Dapat na siguro akong magpasalamat dahil hindi ako ang magiging kalaro nila habang nandito kami.
"Sandali, maglalaro tayong lahat. Huwag niyong hatakin ang damit ko," ani Alas habang tumatawa. Hindi siya sinunod ng mga pinsan ko. Patuloy pa rin sila sa paghatak kay Alas, kaya pumaweywang siya bago sabihin, "hindi kayo titigil ha."
Isa-isang kiniliti ni Alas ang lahat ng batang humahatak sa kaniya. Dahil do'n, nag-uumapaw ang tawanan ng mga bata. Nagtakbuhan ang iba. Pero karamihan, hindi nakaligtas sa pangingiliti ni Alas.
Mabilis lang 'yon. Binitawan na rin agad ni Alas ang mga bata kaya agad na nagtakbuhan palayo ang mga ito.
Lumapit sa akin si Alas. Pawis na pawis siya dahil sa ginawa niyang panghaharot sa mga pinsan ko.
"Hindi mo naman ako sinabihan na parehas kayo ng ugali ng mga pinsan mo," sabi ni Alas kaya agad akong napakunot noo.
"What do you mean?"
"Pare-parehas kayong natutuwa kapag kinikiliti," aniya bago tusukin ang tagiliran ko. Agad tuloy akong napaliyad. "O 'di ba, ang daming kiliti," saad pa niya bago ako paulanan ng kiliti sa leeg, tagiliran at singit--chos.
"Tama na!" Natatawa kong saad. Pilit akong umiiwas sa mga kiliti niya, kaya hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako. "James?" saad ko.
"Jen?" nakangiting saad ng lalaking nabangga ko. "Kararating niyo lang?" tanong niya.
"Yeah," sagot ko. "Ang laki mo na ah."
"S'yempre. Makakaganti na ako sa'yo dahil mas maliit ka na sa akin ngayon," sabi ni James bago guluhin ang buhok ko.
"Utot mo. 'Di mo kaya 'yon. Takot mo lang kay kuya Concon," saad ko bago hampasin ang kamay niya.
"Hanggang ngayon, puro ka pa rin kuya Concon. Ang tanda tanda mo na, kuya Concon ka pa rin," sabi niya bago pisilin ang dulo ng ilong ko.
"Alangan namang si kuya Denden 'di ba?" saad ko.
Natawa siya ng bahagya, bago lumingon kay Alas na tahimik na nakikinig sa usapan naming dalawa. "Boyfriend mo?" tanong ni James. Saglit na naging seryoso ang tingin niya kay Alas, pero mabilis na bumalik ang ngiti niya nang tingnan niya ulit ako.
"Hindi pa," sagot ni Alas kaya siniko ko siya ng mahina. Natawa naman siya dahil sa ginawa ko.
"Manliligaw," sabi ko.
Tumango si James bago ako akbayan. "Ako ang first boyfriend mo 'di ba?" aniya. "Una na ako. May kailangan pa kasi akong puntahan," sabi niya bago tanggalin ang akbay sa akin.
"Saan?" tanong ko.
"Sa puso mo," aniya bago kumindat.
"Sira!" ani ko bago siya natatawang umalis.
"B-boyfriend. First boyfriend mo 'yon?" tanong ni Alas sa akin kaya napalingon ako sa kaniya. Nakita kong kunot ang noo niya at parang hindi naniniwala.
"Ano naman kung first boyfriend ko siya?"
"Akala ko ako una," aniya.
"Wews. Pinsan ko 'yon," saad ko.
"Pinsan pero malandi?"
"Goals bakit ba," saad ko bago maglakad papunta sa kusina, kung nasaan sila mama.
Hmm.
Nagseselos ba si Alas kay James?
O insecure kasi mas g'wapo si James sa kaniya?
Duh. 'Di niya kailangang magselos at ma-insecure.
Siya lang tinitibok nito.
Harot mo Jen. P'wedeng bawasan ang kaharutan? Uso magbawas paminsan-minsan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro