Chapter 12 : To Protect
Chapter 12 : To Protect
Ilang beses akong nag-attempt na lapitan si Alas at tanungin kung napa'no 'yung sugat niya sa kilay. Pero hindi ko magawa. Sa tuwing gusto kong lumapit sa kaniya, kung hindi siya umiiwas, si Juo naman ang gumagawa ng paraan para hindi ko tanungin si Alas.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa kilay ni Alas, pero naghihinala ako kay Juo. Ayokong isipin na si Juo ang gumawa no'n, pero malaki ang posibilidad no'n dahil mukhang galit si Juo kay Alas. Dahil siguro sa nangyari kahapon, dahil siguro may masamang balak si Alas sa akin kahapon kaya galit si Juo sa kaniya.
Gayunpaman, ayokong sabihin na si Juo nga ang gumawa no'n. Malay ko ba kung nadapa si Alas sa hagdan, nauna ang kanang bahagi ng kilay niya kaya pumutok. O kaya nakipag-away siya sa mga tropa niya.
Maraming p'wedeng dahilan kung bakit putok ang kilay niya, pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko kung alin sa mga naiisip ko ang tama.
"Jen, bukas ia-announce 'yung mga nanalo sa art contest kahapon 'di ba?" Tanong ni Yana sa akin kaya tumango ako. "For sure mananalo ka," sabi pa niya bago sumubo ng tokneneng.
Nandito kami sa tapat ng school ngayon. Uwian na. Nanlibre si Juo ng miryenda kaya sumama kaagad kami sa kaniya. Sa totoo lang, kapag ganitong nanlilibre si Juo, excited ako. Buhay na buhay ang sistema ko. Pero ngayon, hindi ko ramdam 'yung saya na ililibre ako. Sila Yana at Yara pa nga ang humatak sa akin dahil sabi ko, uuwi na ako.
Napaka-dull ng araw ko. Bakit gano'n?
"Tingin ko..." Huminto si Juo saglit para uminom ng palamig. Pagkatapos tinuloy niya ang sinasabi niya. "Si Jen ang nakaka-alam kung panalo siya o hindi."
Kumunot ang noo naming tatlo nila Yana.
"Ako? Paano ko malalaman eh hindi naman ako ang judge?" walang gana kong saad.
"Oo nga Juo," segunda naman ni Yara.
"Your confidence makes you win," kumpyansang sabi ni Juo. "Naaalala niyo ba 'yung laban niya last year? 'Yung poster making? Sobrang confident si Jen noon na mananalo siya. Five minutes bago matapos ang oras, nakapagpasa na siya. 'Yung mga kalaban naman niya, ang dami ng minus points dahil nag-exceed sila sa oras. Then boom, nanalo nga siya like what she expected," paliwanag ni Juo.
"Baka nagkataon lang," wala pa ring interes kong saad. Kumuha pa ako ng maraming tokneneng. Kahit wala akong gana, hindi naman yata tamang palagpasin ko ang panlilibre ni Juo. Minsan lang siya manlibre, dadamihan ko na.
"Nope. Last last year, no'ng grade 9 tayo. Ikaw ang pambato ng section natin para sa Ms. Acquaintance hindi ba? Confident ka rin no'n na mananalo ka dahil kailangan. I mean, ang daming perang nagastos ng mga magulang mo para manalo ka ro'n. Kaya naging confident ka. And then, you won," sabi ni Juo kaya muli kong naalala 'yung acquaintance namin 3 years ago.
Napa-isip naman sila Yana at Yara habang kumakain.
"See, Jen is the only one who can say if she's going to win or not. Kapag sinabi niyang hindi siya mananalo, hindi talaga siya mananalo. Kapag sinabi niyang sure win siya, mananalo 'yon. Pero kapag sure siyang mananalo siya pero natalo siya, then..." Hindi tinuloy ni Juo ang sinasabi niya.
"Then ano?" tanong ko pero umiling nalang siya. "Weird mo," sabi ko bago uminom ng palamig.
"Ikaw kaya ang weird Jen. Hindi si Juo," sabi ni Yana kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Bakit ako?"
"Buong araw ka kayang tulala. From first subject to last. Hindi ka active," sabi ni Yana.
"Hindi naman talaga ako active sa lessons ah. Ano bang bago do'n?" giit ko.
"Hindi naman lessons ang tinutukoy ko. Alam naman naming hindi ka active kapag may lessons. Pero active ka makipag-chismisan sa mga katabi mo. Lalo na kay Mathew. Pero isang sentence o kahit word, wala kang sinabi kay Mathew. Ang weird na no'n para sa'kin," sabi ni Yana.
"Tapos usually, kapag nagkukwento kami ng tungkol kay Taehyung, active ka. Pero kanina, harap-harapan na naming sinabihang jutay si Taehyung, wala ka pa ring sinasabi. Nakikitawa ka lang sa amin. Take note, 'yun ilan sa mga kwento namin kanina hindi joke pero tumatawa ka pa rin. Lutang na lutang ka yata this day?" Ani naman ni Yara.
I just shrugged my shoulders.
Gano'n ba ako ka-preoccupied buong araw? Hindi ko manlang na defend si Taehyung sa mga kaibigan ko? Hindi ko manlang nasabi na, "oy hindi ah. Daks kaya si Taehyung. Hindi lang bakat."
I heaved a deep sigh.
Isa lang ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Si Alas.
Hindi kami nag-usap buong araw. Walang kahit hi, o kaya kamusta. Kapag nagkakatinginan kami, binabawi agad niya ang tingin niya. Pakiramdam ko tuloy, may masama akong nagawa sa kaniya. O baka siya ang may kasalanan sa akin kaya iwas siya nang iwas.
Hindi ko naman alam kung anong kasalanan niya.
O baka alam ko pero nagbubulag-bulagan lang ako?
Ah basta. Hindi ko alam. Ang gusto ko lang, maka-usap ulit si Alas.
"Tara na. Ihahatid ko na kayo," sabi ni Juo bago i-shoot sa basurahan 'yung plastic cup niya. Gano'n din ang ginawa naming tatlo.
Nagsimula na kaming maglakad palayo sa school.
"Juo, hindi ka ba napapagod? Palagi mo nalang kaming hinahatid pauwi. Hindi ka naman namin boyfriend," puna ni Yana habang naglalakad kami.
"Kailangan ba boyfriend niyo ako para ihatid ko kayo pauwi?" Natatawang sabi ni Juo. "Ang gusto ko lang, safe kayo maka-uwi. That's all," aniya pa.
"Napaka-gentleman naman," sabi ni Yara bago sila tumawang tatlo.
"S'yempre. Yari ako sa mga nanay ninyo kapag hindi kayo nakauwi sa mga bahay ninyo. Tsaka s'yempre, mga kaibigan ko kayo. I'm willing to protect you. 'Yun naman talaga ang role ng magkaibigan 'di ba? To protect each other," sabi ni Juo.
"Daming alam," walang gana kong saad.
Tinawanan lang niya ako.
Pero deep inside, iba ang dating ng sinabi ni Juo sa akin.
"I'm willing to protect you."
Parang ang diin ng pagsasabi niya sa salitang 'yon. Para bang gusto niyang sabihin na para sa akin ang mga salitang 'yon, kahit hindi naman niya sinasabi. Alam kong para sa aming tatlo 'yon, pero pakiramdam ko, diretso lang sa akin ang mga salita na 'yon.
Napaka-assuming ko naman.
"Bye," sabi ko sa kanila nang makarating na ako sa tapat ng bahay namin.
"Bye Jen!" paalam ni Yara.
"'Yung assignment sa Filipino, baka makalimutan mo," paalala naman ni Yana kaya tumango nalang ako.
Akala ko magba-bye rin si Juo sa akin tulad ng nakasanayan, pero tanging ngiti lang ang binigay niya sa akin. 'Yung tingin niya na 'yung nag-goodbye sa akin kaya tumango nalang din ako sa kaniya.
Nang maka-alis na sila, tsaka ako pumasok sa loob. Nagmano ako kay mama na nagce-cellphone. Kinamusta niya ang araw ko kaya sabi ko, ayos lang. Kahit hindi naman talaga. Ayoko namang sabihin sa kaniya na, "ayun ma, hindi maganda. Hindi kasi ako pinapansin ni Alas. Hindi ko nga alam problema no'n e."
Baka isipin pa ng nanay ko, dahil kay Alas, napapabayaan ko ang pag-aaral ko.
Nagpa-alam na ako kay mama na aakyat muna ako sa taas para magbihis. Tumango lang siya kaya naglakad na ako paakyat sa kwarto ko.
Lingid sa kaalaman ni mama, hindi ako nagbihis. Sinarado ko ang pintuan ng k'warto ko, ni-lock ko.
Pagkatapos, humiga na agad ako sa kama.
Naka-uniform pa rin ako hanggang sa inantok na ako. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, pero nang magising ako, madilim na sa labas ng bintana. Malamang gabi na.
Nagising ako dahil sa ring tone ng cellphone ko.
Paulit-ulit 'yong tumutunog.
Tiningnan ko 'yon, at nakita kong may tatlong miss calls ako galing kay Alas.
Ang dami ko ring unread messages galing sa kaniya kaya binasa ko 'yon isa-isa.
From : Alas
P'wede ka ba ngayon?
Gusto sana kitang maka-usap ng personal.
Nami-miss agad kita Jen.
Mag-usap tayo please.
Maghihintay ako dito sa kanto niyo.
Hihintayin kita.
Jen?
Papunta ka na ba?
Jen, pinag-aalala mo ako. Umalis ka na ba sa inyo? Papunta ka na ba?
Jen gabi na.
Alam kong galit ka sa akin dahil nilayuan kita buong araw, pero please, mag-usap tayo. Gusto kitang maka-usap ngayon. Please.
Jen, hihintayin kita rito kahit anong mangyari.
Kasalanan ko kung bakit ka galit sa akin ngayon.
This is my consequence, right?
After no'n, puro miss calls na niya. Inisip niya siguro na baka napa'no na ako sa daan papunta sa kaniya.
Napatingin ako sa last message niya sa akin. Natanggap ko 'yon ng 5pm.
Tumingin ako sa oras na naka-display sa cellphone ko.
8pm na ng gabi.
Nando'n pa kaya siya? Kung pupunta ako do'n, may Alas pa ba na naghihintay sa akin? 3 hours na siyang naghihintay sa akin kung hanggang ngayon nando'n pa rin siya. For sure umalis na 'yun do'n.
I decided not to go. Tumayo na ako at nagbihis. Naka-uniform pa rin kasi ako hanggang ngayon. Pakiramdam ko ang dugyot-dugyot ko na.
Nang makapagbihis na ako, bumaba na ako sa sala.
Nakita ko si kuya Denden na busy kaharap ang laptop niya.
"Nasaan si mama?" Tanong ko sa kaniya.
"Sa kusina," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.
Mabait siya ngayon kasi busy siya.
Kuya Denden is busy, equals to ceasefire.
Tumango lang ako bago pumunta sa kusina. Nakita ko si mama na naghahain ng hapunan.
Kumain kami. Pagkatapos umakyat na rin agad ako sa kwarto dahil gusto kong matulog ulit. Muli akong napatingin sa cellphone ko, baka kasi nag-text ulit si Alas. Pero wala na. Siguro nga umuwi na siya.
Bago matulog, ginawa ko muna 'yung assignments ko. Pagkatapos, humiga na ulit ako sa higaan, at natulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro