Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 : Left with No Choice

An : Grade 11 pa lang si Jen sa story na 'to and so the other characters from Downpour. It means na sa timeline na 'to, wala pang gusto si Juo kay Yana. Hindi pa rin close si Denden at Francheska. So don't be confused. Isipin niyo na lang na prequel ito ng Downpour. Thank you!


Chapter 1 : Left with No Choice






Ang pinakamahirap na yatang problema na na-engkwentro ko ay ang problemang hindi ko alam kung anong problema ko.

Tama 'yon. May problema ako, at hindi ko alam kung ano. Ang gulo 'di ba?

I once read a quote before na ang tao, may dalawang bagay lang na kinatatakutan. Fear of death and fear of the unknown. Yes I am afraid to die dahil sino bang hindi? Pero mas nangingibabaw sa akin ngayon ay ang fear of the unknown.

Lately, may problema ako pero hindi ko alam kung ano.

Yeah, call me weird and tell me to visit a psychiatrist, pero 'yun talaga ang pakiramdam ko kahit wala naman talaga. Or baka meron pero hindi ko lang napapansin dahil mas occupied ang utak ko sa pag-alis ni Kuya Concon.

"Hindi na kita mahal!" I concluded bago umupo sa sofa na nasa loob ng k'warto ni Kuya Concon. I crossed my arms and raised both my brows para ipakitang nagtatampo ako sa kaniya.

"Ang OA mo talaga kahit kailan," sabi ni Kuya Concon bago lumapit sa akin. "Aalis lang ako hindi mo na agad ako mahal?" Dagdag pa niya bago lumuhod sa harapan ko. Kunwari rin siyang nagtatampo dahil sinabi kong hindi ko na siya mahal.

Yes, I don't mean it. Alam naman niya 'yon. Alam naman niyang inaartehan ko siya kaya nga inaartehan niya rin ako. Kahit kailan talaga, magaling siyang sumakay sa mga trip ko.

Kitang-kita ko ang features sa mukha niya. Ang nunal malapit sa lips niya na hindi mo naman agad mapapansin kung hindi ka rin lang tititig sa mukha niya, ang mapupungay niyang mga mata, makapal na kilay na hindi gaanong OA, sakto lang para mas magmukha siyang g'wapo.

Siguro kung hindi ko siya kuya, matagal ko na siyang nilandi.

But still, I'm his first and only girl.

"Pero iiwan mo ako rito," nagtatampo ko pa ring saad.

"Nandito naman sila Mama at Papa," pangangatwiran pa ni Kuya Concon.

"At nandito rin si Kuya Denden, makakasama ko sa buong buhay ko habang wala ka," agad kong sagot.

May dalawa akong kuya. Maswerte ako sa panganay kong kuya, si Kuya Concon. Sobrang bait niya, at spoiled ako sa kaniya. Kahit marami akong trip sa buhay, sinasakyan niya ang lahat ng 'yon. Kabaligtaran naman niya si Kuya Denden, ang sumunod kay Kuya Concon.

Kung s'werte ako kay Kuya Concon, malas naman ako kay Kuya Denden.

I'm not really into bad boys, pero binigyan ako ng kapatid na saktong-sakto sa depinisyon ng bad boy. And it's kuya Denden.

Kung si Kuya Concon, sinasakyan ang mga trip ko, si Kuya Denden naman, may sariling trip na never kong nasakyan at never kong sasakyan dahil sobrang karumal-dumal. How many times did he murder cockroaches tapos ibabato sa akin? At ilang beses na rin ba akong nagising na may katabing ipis? Honestly, hindi ko na nabilang pa sa dami no'n.

At sa tuwing nangyayari 'yon, Kuya Concon is there to be my knight in shining armor. He always protects me from Kuya Denden's evil plans towards me.

At ngayon, hindi ako makapaniwala na iiwan ako ni Kuya Concon, kasama si Kuya Denden.

How am I supposed to live without my angel kuya? How am I supposed to live with my devil kuya? Owemji. Nababaliw na 'ko.

"Look, uuwi rin naman ako every two years---"

"And by the time na nakauwi ka, ilang daang ipis na ang naihagis sa akin ni kuya Denden," I cutted him off. "Alam mo naman na kahit may Bygon tayo, hindi maubos-ubos 'yang mga ipis na 'yan dito sa bahay. Parang kada araw may nararape na ipis sa dami nila," dagdag ko pa.

"Jenjen, alam mo naman na pangarap ni Kuya na magtrabaho sa Korea 'di ba?" Malambing na sabi ni kuya Concon.

"Isama mo nalang ako. Alam mo rin namang mahilig ako sa Koreano 'di ba?"

"You can't. Nag-aaral ka pa," sagot niya kaya mas lalo akong sumimangot.

I'm a grade 11 student in the current year. Mas'werte talaga si kuya Concon dahil hindi siya naabutan ng lintik na k to 12 na 'to. Napaka-unfair lang na hindi sila naabutan ni Kuya Denden.

Kuya Denden is in his first year college. Malay ko kung seryoso ba siyang mag-pediatrician o baka niloloko lang kami no'n. Sa itsura niya, mukhang wala siyang balak mag-aral ng matino. At gusto pa niyang magdoktor.

Kuya Concon graduated as a nurse. At heto, nakakuha siya agad ng trabaho sa South Korea bilang medical member ng military do'n. Matagal na niyang pangarap na makapagtrabaho ro'n dahil tulad ko, adik din siya sa k-drama. Nang tanggapin siya bilang medical member sa military sa South Korea, tuwang-tuwa siya dahil naaalala niya 'yung k-drama na Descendants of the Sun.

"Wala na ba akong magagawa para pigilan ka?" Tanong ko sa kaniya.

Nakangiting umiling si Kuya Concon.

"Hmp! Wala rin naman pala akong magagawa, umarte pa ako sa'yo na para bang grade 3 ako," naiinis kong saad bago suntukin ng marahan si kuya Concon sa balikat niya. Bahagya siyang napaurong bago tumawa.

"Hayaan mo, 'pag balik ko, dala ko na si Taehyung," he said that made me stop for awhile.

"Owemji Kuya! Promise 'yan ha!?" Agad kong sigaw.

"I can't promise. Kung sakaling hindi ko makikidnap si Taehyung, ano p'wede kong isubstitute?" Natatawa niyang tanong kaya napaisip ako.

"Siguro---"

"Bigyan mong snow."

Mula sa pintuan ng k'warto ni Kuya Concon, nakatanaw si ipis man. I mean ang kuya kong kabaligtaran ni kuya Concon. Si kuya Denden.

"Epal," saad ko.

"Gusto mong ipis?" Nang-aasar nitong tanong sa akin.

"Denden, stop bullying our princess," pagsasaway ni kuya Concon kay kuya Denden.

"See kuya Con? Hindi ka pa nga umaalis, pinagbabantaan na niya ang buhay ko. Paano pa kaya kapag naka-alis ka na?" I said before giving kuya Denden my most threatening look.

"Nagsumbong ka pa. Akala mo naman may magagawa si Kuya Concon kapag nilagyan ko ng ipis ang bed mo, ang cabinet mo, ang bag mo, ang---"

"Denden," kuya Concon stopped him. "Can you please stop teasing Jenjen? Kapag wala na ako, dapat ikaw ang papalit sa akin. Protect her. Or if you can't protect her, at least show to her that you care for her, okay?" Pangaral ni kuya Concon kaya nakataas ang kilay ko kay kuya Denden. I am so proud of myself for having a backer.

"Whatever kuya Concon. Hinihintay ka na ng sasakyan sa baba," sabi ni Kuya Denden bago ako titigan ng masama.

"Kuya Con oh!" Pagsusumbong ko.

"Denden..." mapanghamon na saad ni kuya Concon kaya dinilaan ko si Kuya Denden bago ito tuluyang makalabas sa k'warto. "So, ano ngang p'wede kong ipamalit kay Taehyung in case hindi ko siya makidnap?" Natatawang saad ni kuya Concon.

***

"Kuya 'wag mong kakalimutan 'yung promise mo sa akin ha! Si Taehyung o kaya bouquet of sunflower," bilin ko kay kuya Concon bago siya sumakay sa kotse na maghahatid sa kaniya sa airport.

As much as I want to be with him hanggang airport, hindi naman p'wede dahil may klase pa ako bukas. Baka malate ako ng gising kung sasama pa ako. It's 10pm at ang flight ni kuya Concon ay 11:30pm. Kaya for sure, late nang makakauwi sila Mama at Papa na siyang maghahatid kay kuya.

"Yup!" Sagot ni kuya Concon.

Tumingin naman siya kay kuya Denden. Para silang nagusap na dalawa gamit lang ang mata. How can they do that? May gano'n bang powers ang mga lakaki? Eye communication?

"Oo na," parang sumusukong saad ni Kuya Denden. "I'll stop teasing her," dagdag pa nito.

"O siya, mauna na kami baka matraffic pa kami. Denden ang gate ilock mo ha," bilin ni Mama.

Muling yumakap si kuya Concon sa akin at may ibinulong siya. "In case na inasar ka pa rin ni Denden, sabihin mo sa akin through chat or video call. Okay?" Aniya.

"Sure," sagot ko bago kami naghiwalay.

Nag-fist bump naman silang dalawa ni Kuya Denden bago sumakay sa kotse.

Hinintay naming maka-alis ang kotse bago kami pumasok sa loob ng bahay.

Gaya ng bilin ni Mama, nilock ni kuya Denden ang gate ng bahay.

Napatingin ako kay Kuya Denden.

Owemji.

The way he look at me.

It's so evil.

As if may masama nanaman siyang plano.

"Si-sinabi mo kay kuya Con na hindi mo na ako aasarin," sabi ko habang maya't-mayang umuurong.

"Tama, sinabi ko nga 'yon," he said. "But I didn't promise," dagdag niya kaya agad akong napatakbo sa loob ng k'warto ko nang habulin niya ako.

Luckily, agad kong na-lock ang k'warto ko bago pa man niya magawa ang masama niyang balak sa akin.

I guess, I need to sleep now. Because owemji, I'm with kuya Denden.

I'm left with no choice but to be with him! At wala nang kuya Concon para ipagtanggol ako sa kaniya. This is an awful reality.

Tumalon ako sa kama at inabot ang naiwan kong cellphone sa katabing table.

May isang unread message ro'n kaya binasa ko 'yon.

From Alas.

Are you free tom after class?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro