Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

🌈 Rainbows and Unicorns 🦄

“One year na langgg! Birthday ko naaa!” Masiglang sigaw ni Sye habang bumababa sa hagdanan.

“La la la la la~” Mapaglarong kanta pa niya.

“Shhh! Ang ingay mo, Sye. Nagrereview kami oh.” Pagsaway ng kanyang ate na si Red—kasama sa sala ang mga kapatid na si Orange at Yellow na nag-aaral din para sa kanilang midterm exams.

“Sorry pooo!” Panggagaya ni Sye sa kaniyang paboritong karakter na si Chichay, na ginampanan ng kaniyang idolo na si Kathryn Bernardo, mula sa paborito niyang teleserye na Got to Believe.

Napailing na lamang ang mga ate niya dahil sa kakulitan nito. 

Dumiretso si Sye sa kusina para mag-almusal. “Good morning, Ate Blue~ Sabay ako sa‘yo kumain ha?”

“Sige lang, bebe. Dito ka na lang sa tabi ko kasi pababa na rin si Green at Violet.”

“Eh nasaan si Ate Indigo?” tanong niya.

“Maagang umalis, may groupings daw eh.”

“Oh oki~” 

Salusalo silang nag-agahan. Mayamaya ay nag-unahang umalis dahil napagpasiyahan nila na kung sino ang mahuli ay siya ang maghuhugas ng pinggan.

“Paano ba ‘yan, Sye. Ikaw na naman ang huli. Good luck!” Paalam ng kanyang ate na si Blue.

“Haaay. Kawawa talaga ako sa bahay na ‘to. Parang hindi nila ako kapamilya ah. Baka siguro kapuso?” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sye sa isipan habang nililikom ang mga pinagkainan. 

Lumipas ang mga araw. Siyam na buwan na lang, magiging ganap na dalaga at papasok na sa legal world si Sye.

Kakauwi lang nilang magkakapatid galing sa pamamasyal at pare-parehong nakatambay sa sala.

“Next year na ang debut mo, Sye. Anong gusto mong theme?” tanong ng ate niyang si Yellow.

“Gusto ko may rainbows at unicorns!” Proud na proud niyang pagkakasabi. 

Nagtawanan ang kaniyang mga ate.

“Baby ka pa talaga.” sabi ng kaniyang Ate Blue.

“Kung ‘yan talaga ang gusto mo, sige i-push natin ‘yan.” sabi naman ng kaniyang Ate Orange.

“Hindi ako nagbibiro!” sigaw ni Sye. Muli na namang natawa ang kaniyang mga ate dahil parang katulad ng expression ni Sye ang emoji na galit ngunit may mga puso.

“Hindi nga rin kami nagbibiro. Natutuwa lang kami sa‘yo.” Seryosong pagkakasabi ng kaniyang Ate Red. “Oh siya, baka kung saan pa mapunta ang usapan na ‘to. Saka natin ulit planuhin ang ganap sa debut mo.” 

Nagsialisan ang magkakapatid at nagpunta sa kaniya-kaniyang kwarto.

Balik eskwela. Recess time at nakatambay sila sa hallway.

Kasalukuyang kumakain si Sye ng bread stix nang dumaan ang kaniyang childhood best friend—at crush na si Kyle. 

Tumingin ito sa kaniya at bumati. “Hi, Sye!” Kumaway pa ito. Namula ang pisngi niya. 

Nang makitang malayo na ang binata, hindi na niya napigilan ang kilig at pinaghahampas sa braso ang kaniyang bestfriend na si Rizzie.

“Aray! Aray! Kumalma ka babaita! Maawa ka sa braso ko!” 

Tumigil naman siya. “Sorry~ Papalitan ko na lang ng bago, be!” 

Napairap na lang ang kaniyang bestfriend na si Rizzie. “Sye, bakit ‘di ka na lang umamin sa kaniya?”

Napatayo ang dalaga at napasigaw. “Nauuur!”

Hindi niya napansin na nandoon si Ms. Chie, ang adviser nila. “Ano ba ‘yan, iha. Napakaingay. Paalala ko lang na nasa eskwelahan ka. Hindi niyo ba narinig ang bell? Tapos na ang break time. Pumasok na kayo sa room.”

Nakayuko silang dalawa at saka pumasok sa classroom. Klase nila kay Ms. Chie, kaya tahimik siyang nakinig para hindi ulit mapagalitan.

“Huwag kalimutan, ha? Bukas ang deadline ng binigay kong activity. Class dismissed.”

Nag-aayos siya ng mga gamit dahil gusto na niyang makauwi agad, nang may tumawag ng pangalan niya.

Paglingon, ay doon niya lang napansin na nakatayo si Kyle sa harapan niya. Nanghina ang kaniyang mga tuhod at muntikang matumba. Mabuti na lang ay nasambot siya kaagad ni Kyle.

“Ayos ka lang, Sye?” tanong nito. Nag-aalala.

Tumayo ng tuwid si Sye at tumingin dito. “Oo, ayos lang ako!” Ngunit ang totoo, sa kaloob-looban niya ay naghuhurumintado ang buong sistema niya.

Binitiwan na siya ni Kyle at muling nagtanong. “May gagawin ka ba ngayon? Gagala? O diretso uwi na?”

Pumapalakpak naman ang kaniyang tainga sa narinig. “Wala ako sa mood gumala eh. Baka umuwi na ako. Bakit?” Abot-tenga ang ngiti.

Napapakamot sa batok, nakayuko, nahihiya. “Ah yayain sana kita. Birthday kasi ng kapatid ko . . . Ni Karylle? Kalaro mo ‘yon dati, ‘di ba?”

“Ah oo si bebi Kars. Sige sige, punta ako sa inyo mamaya!”

“Ah eh, ngayon na sana. Diretso na tayo sa amin?”

“Ay gano'n ba? Sorry naman. ‘Di mo agad sinabi eh. Pero hmm, sige? Daan muna tayo sa bahay para makapagpaalam ako. Alam mo naman mga ate ko, grabe magmahal sa akin. Masyadong pisikal.” Sarkastikong sabi ni Sye.

“Sige, para hindi ka rin mapagalitan.” Nakangiting sabi ni Kyle, na siya na namang nagpahina kay Sye. 

Nasa bakuran na sila ng bahay nila Kyle. Nakikipaglaro sa mga bata. Nakatago sila sa likod ng puno ng mangga. 

“Kaya mo bang umakyat doon?” tanong ni Kyle kay Sye.

“Masyadong mataas. Saka baka may mga hantik.” 

“Hindi, wala ‘yan. Lagi akong tambay dyan sa taas eh. Tara, akyat tayo! Sampa ka na lang sa ‘kin.”

Nataranta siya nang dahil dito. “Hoy nakakahiya! Saka mabigat ako ‘no! Baka mabalian ka pa nang dahil sa akin!”

“Hindi. Kayang-kaya kita. Dali na! Para ‘di tayo makita agad. Bibilang ako ng tatlo ha? Sampa ka sa likod ko tapos i-aangat kita. Dali! Isa . . . dalawa . . . Tatlo! Kumapit ka agad d'yan!” 

Tagumpay naman silang nakaakyat. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin sila nahuhuli. 

Nakangiti na naman—pakiramdam ni Sye ay nasa cloud nine siya ngayon. Ilang beses nang nagtatama ang mga braso at kamay nilang dalawa. Bolta-boltaheng kuryente na ang nasa sistema niya. 

Humangin kaya nagsayawan ang mga halaman. “Aray!” sigaw ni Sye. Sa kasamaang-palad, ay napuwing siya at may pumasok na kung ano sa kaniyang mata.

Nataranta naman si Kyle. “Hala! Halika. Tumingin ka sa akin! Hihipan ko!” Mayamaya, si Kyle na mismo ang kumilos. Tinapat niya ang kaniyang mukha sa harap ni Sye at inihipan ang kaniyang mata para mawala. “Ang cute mo pala, Sye.” bulong ng binata. Dahil dito, nag-init naman ang mga pisngi ni Sye.

Mayamaya ay may sumigaw mula sa ibaba. “Huli kayo!” Si Karylle, ang bunsong kapatid ni Kyle. “Mama! Sila ate at kuya oh!” Tinuro pa niya ang dalawa.

“You and me, sitting on a tree. K-I-S-S-I-N-G!” Kilig na kilig at malakas na pagkanta ng ibang bata.

“Huy! Hindi ah!” pagsasaway ni Sye sa kanila.

“Ay kayong mga bata talaga kayo! Mahulog kayo riyan!” sigaw naman ng mama ni Kyle. “Hon, kunin mo nga yung hagdanan at ibaba itong dalawa.”

Nang makababa sila ay hindi pa rin natigil ang pang-aasar ng mga bata.

Kahit ilang araw na ang lumipas mula nang araw na ‘yon, ay kilig na kilig pa rin si Sye, na para bang kahapon lang nangyari ‘yon. Ang kaso nga lang, mula rin nang araw na ‘yon ay nagkahiyaan na silang dalawa tuwing magkikita sa eskwela. 

Lumipas ang mga araw, nagpokus na sila sa eskwela. Malapit nang matapos ang school year, malapit na rin ang debut ni Sye.

Pebrero na. Araw ng mga Puso. 

Nakapila sa song and dedication booth sina Sye at Rizzie. 

“Sure ka na ba dito?” Muling tanong ni Rizzie sa kaibigan.

“Oo be. Final, finally, finalism na ito! Like period, periodically, periodical exams! It's now or never. Sabi mo nga, ‘di ba? Umamin na ako? Kaya ito. Game na!”

Napakamot na lang si Rizzie sa kaniyang ulo dahil sa mga desisyon ng kaibigan.

“Ay mas cute kaya kung face to face. Pero bahala ka. Ikaw din naman ang gagastos ih. Support na lang kita.” Kibit-balikat niyang sabi. “Go be! Forda go! Forda lovelife ng ferzon!” Umakto pa siya na parang may hawak na pompoms. 

Pagkatapos magbayad ni Sye at magfill in ng form ay umalis na sila. Pumwesto sila malapit sa gate para madali siyang makaalis kung sakaling hanapin siya.

“At ang sunod naman ay mula sa sender nating si . . . Yessye. (Yess ye? Yeshe?) Ewan. Basta ‘yon. Kung sino ka man, pinahirapan mo kami sa name mo ha. Mayro'n din siyang message. 

Hello kay Kyle,

Una sa lahat,

Theme song yata natin yung “Mahal Kita, Pero” na kanta ni Janella.

Matagal na kitang crush, pero ayaw kong umamin kasi magkaibigan tayo.

Bago ko ‘to ginawa, itong pag-request, nagsabi ako kina Ate. Sabi ko kasi, kung sino ang crush ko, siya ang escort ko sa debut ko. Gano'n daw kasi eh. Kung sino ang escort mo sa debut mo, siya ang magiging boyfriend mo. 

Pero ewan, ‘di rin ako sure.

Narinig ko lang ‘yon sa tabi tabi eh.

Tapos kaya “Mahal Kita, Pero” kasi palaging tinutugtog ng kapitbahay namin. Pati na rin sa radyo namin. Na-Lss ako. Tapos naisip ko yung kuwento natin. Parang gano'n. Hehe.

Ayon lang.

Kaibigan mo na may crush sayo,

Yessye. ❤️ —

Hooo! Natapos din! Ang haba nito ate girl ha? Pero kung nasaan man kayong dalawa. Sana ay magkausap kayo, at magkaaminan, at magkatuluyan? Hindi natin sure. Pero good luck na lang sa lovelife niyo! Update niyo na lang kami!” Magiliw na sabi ng emcee.

Mayamaya pa ay pinatugtog na ang kanta.

At habang nasa background ito ay may humawak sa kaniyang palapulsuhan. 

Nag-angat ng tingin si Sye at nakita niyang si Kyle ito.  Nag-umpisa itong maglakad kaya sumunod na lang siya dito. 

Patakbo silang umakyat sa fourth floor ng paaralan. Hingal na hingal. Ilang sandali pa ay binitiwan na rin ni Kyle si Sye.

Dahil sa hiya ay lumayo ng kaunti si Sye. Ilang segundo, naging minuto, hindi pa rin sila nag-uusap. Nag-iiwasan.

Gustong-gusto ni Sye magsalita ngunit pinangungunahan siya ng kaba at takot. 
Napabuntong hininga siya at nagpasiya na bumaba na lang ulit at sumama kay Rizzie.

Tumalikod siya at humakbang. Napatigil at napaatras nang muling hawakan ni Kyle ang kaniyang palapulsuhan. Hinila siya nito at saka yumakap.

Napatulala. Hindi alam ang gagawin. Lalong lumakas at bumilis ang pagtibok ng puso ni Sye nang dahil dito.

Sa isip niya, gusto niyang itulak si Kyle dahil baka mahuli sila.

Ngunit iba ang sinasabi ng kaniyang puso. Ayaw na niyang humiwalay. Gusto niyang patigilin ang oras dahil gusto niyang sulitin ang sandaling iyon.

Mayamaya pa ay lumayo ng kaunti si Kyle. Hinawakan niya si Sye sa magkabilang pisngi nito. Nakangiti siya rito. 

Hindi napigilan ni Kyle ang nararamdaman. Mabilis niyang hinalikan si Sye sa noo nito.

Dahil dito, mabilis na nag-angat ng tingin si Sye. Hindi niya alam na malapit pa rin sa kaniya ang mukha ni Kyle. Ayan tuloy, nagdikit ang kanilang mga labi. First kiss.

Tumigil ang lahat nang nasa paligid ni Sye. Pigil din ang kaniyang paghinga. Tumigil din ang kaniyang puso.

Tumagal ito ng ilang segundo. Mayamaya ay napagtanto rin niya ang nangyari. Nanlaki ang mata at mabilis na tinulak si Kyle. 

Nakangiti lang sa kaniya ang binata. “Ang cute mo talaga. Kaya kita gusto, eh.”

Halos lumuwa ang kaniyang mata sa narinig. “Hoy! Hoy— Paano? Bakit?” Natataranta. Hindi na rin alam ni Sye ang sunod na sasabihin. 

Muli namang nagsalita si Kyle. Nakangiti pa rin, nakatitig sa kaniya—diretso sa mata. “Totoo ‘yon. Matagal na kitang gusto. Balak ko sanang umamin sa‘yo sa 18th birthday mo, kaso naunahan mo ako eh. Syempre, bago rin ‘to, na umaamin ako sa‘yo, matagal ko nang sinasabi sa mga ate mong rainbow… hehe. I mean, ROYGBIV kasi. Tapos ayon, nagpaalam na rin ako kina tita at tito. Sabi nila, hintayin daw kitang mag-18. Imaginin mo na lang na ilang taon ko na ring tinatago ‘to, tapos uunahan mo ‘ko? Haaay.” 

“Hoy! Grabe ka! Ang puso ko! Edi sorry??? Teka, kasi, pa‘no ba ‘to?! Paano ba kumalma?! HAHAHA! Kinikilig ako?! KASI NAMAN IKAW EH!” sabi niya. Galit-galitan at parang bata na nagmamaktol dahil hindi binilhan ng kendi. Hindi niya na rin alam ang mararamdaman. Nag-uumapaw kasi ang saya at kilig. Tuloy, lalo siyang hindi mapakali.

“Ilang linggo na lang naman, mag-18 ka na. Konting pagtitiis at paghihintay na lang, Sye.” sabi ni Kyle. Lumapit ito at muling niyakap ang dalaga. Mabilis ding humalik sa pisngi nito. “Baka hindi pa rin malinaw sa‘yo ha? Gusto kita. I like you, Sye.” 

Tumango nang tumango si Sye at yumakap na rin sa binata.

Lumipas na ang buwan at ang debut ni Sye. Kasama niya ang rainbow—ang mga paboritong ate at unicorns—favorite stuff toy niya. 18 na si Sye. Ganap na dalaga. Legal na. Nagsimula rin siyang ligawan ni Kyle. Makalipas ng ilang buwan at linggo ay sinagot na niya ito.

At ngayon ay nagdiriwang sila ng kanilang first monthsary.

THE END.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro