Rain Drops
"Go! PAOLO! PAOLO!" Sigaw ako ng sigaw habang nagtatalon. Sya naman ay lumingon sa akin at ngumisi.
Kumindat pa ang adik! Agad na naghumerentado ang puso ko. Bumilis ang paghinga ko. Gusto ko man isigaw ang nararamdaman ko ay hindi pwede. Hindi nya alam. Kaya ako ay nagtitili na lang para maikawala ang nararamdaman. Sya naman ay nag-shoot na! At BOOOM!! Nakatres sya!
"Lia, wow! Lakas parang supportive girlfriend sya ah! Naku! Bagay na bagay talaga kayo! Label nalang ang kulang." Sabi ni Jessica. Napatingin ako sa kanya kinikilig sya sa aming dalawa. Ang saya sana kung totoo ang sinasabi nya.
Pagkatapos ng game ay agad akong lumapit sa kanya. Siya naman ay nakangising nagkakamot ng ulo nya habang nakatingin sa akin. Agad akong tumakbo at lumapit sa kanya. Agad kong nilamukos sa pagmumukha nya ang tuwalya na dala ko.
"CONGRATULATIONS! WAAAH! Pakain! Pacanton! Pacanton!" Sabi ko at nagtatalon sa kanya sya naman ay tawa ng tawa sa pinaggagawa ko.
"Hahaha! Lia first game pa lang toh! Hindi pa finals! Hintayin mo. Hintayin mo pag nanalo kami! Di lang canton ang ipapakain ko sayo!" Sabi niya at niyakap ako. Agad akong lumayo sa kanya dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang gustong kumawala sa dibdib ko.
"Ano ba eewww! Yung pawis mo. Kaderder! Ang baboy mo talaga Pao." Sabi ko pero lalo nya lang akong inipit sa kili kili nya.
"Hmmm! Nag-iinarte ang number one fan ko! Akala mo di ko nakita ang pagchecheer mo sa akin." Sabi nya. Agad akong napaiwas ng tingin bukod sa di ko sya kayang tignan ng matagal ay uminit ang pisngi ko.
"Tss. Supportive bestfriend ako e! Pasalamat ka at nagsayang ako ng laway at sigaw." Mayabang na sabi ko at tumawa. Sya naman ay ginulo nya lang ang buhok ko.
"Hintayin mo ko. Magshow shower lang ako. H'wag kang gagawa ng kaengotan." Sabi niya at binato sa akin ang isang jacket.
"Suot mo. Lalamigin ka gabi na." Sabi nya kaya agad kong kinurot ang pisngi nya.
"Awww ang sweet naman ni baby Pao pao!" Sabi ko at tumawa. Agad naman syang nagmartsa papunta sa banyo. Kinikilig ako pero kailangan pigilan. Bestfriend lang ako.
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng eskwelahan namin ay napabuntong hininga ako. Habang buhat buhat ang mga kwaderno na inutos sa akin ni Ser. Inaantok talaga ko kaya napaidlip ako ng saglit sa room pero nakita ni Ser kaya eto inutusan ako!
"Ayan tulog pa ha? Ano ba pinagpuyatan mo kagabi? May chat ka? Kalandian? Ka eyeball?" Sabi nya na parang ewan ang tono. Agad ko syang inirapan.
"Err. Wala. I just ate snacks and read some books." Sabi ko at nagpout.
Bigla nyang ginawang 1/4 ang dala kong mga notebook. "Ang liit liit ng braso mo akin na nga yan." Sabi nya at tinignan ako.
Napangiti ako. "Ayyiee ang bait nya ngayon. Ano nakain mo?" Tanong ko at tumawa.
"May nangyari kasing maganda! Fre! Alam mo ba? Ang saya talaga." Sabi nya na may matamis na ngiti sa labi.
"Ano yun? Binili na ni Tita yung sapatos na gusto mo?" Tanong ko. Agad naman syang napa iling. Lumabas naman ang kanyang malalim na dimple sa pag-ngiti nya.
"Hindi. May magandang babae kasi. Kilala mo si Dianna? Yung magandang taga section 2? Kinausap nya ko!" Masayang litanya nya. Agad naman akong napalunok.
"Oh! Kinilig ka naman? Kinausap ka lang dre! Hindi ka pa minahal!" Pambabasag ko sa pagpapantasya nya at inunahan sya sa paglalakad.
Ito ang ayaw ko. Lalo na pag nagkakaron sya ng pag-asa sa taong gusto nya. Ilang taon na rin? Sinabi nya sa akin we were in 8th grade when he saw and smiled at Dianna Sy. At simula nun nahumaling na sya rito. Ini-stalk nya. Minsan nga ay palaging yun ang bukang bibig nya.
Ansakit bes. Ansakit. Parang dinudurog yung puso ko. Isipin palang na may mahal syang iba ay masakit na. Pano pa kaya kung totohanan na? Edi durog na ko ng pinong pino. Pero anong magagawa ko? Wala akong magagawa kaibigan lang ako. Kaibigan. Bestfriend. Girl space friend hindi girlfriend. Wala akong karapatan kung hindi ang tanggapin ang katotohanan.
"Hoy! Hintayin mo ko! Alam kong gutom ka na. Ililibre kita! Alam mo naman na good mood ako!" Pasigaw na sabi nya habang hinahabol ako.
Agad kong pinalitan ang mga malulungkot na mata ko sa isang masayang ngiti.
"Yehey! Ililibre nya ko! Sana pala palagi mong nakikita si Dianna no? Para palagi akong nalilibre!" Pinasigla ko ang boses ko kahit labas sa ilong ang sinabi ko.
"Yan ang gusto ko sayo Bestfriend! Suportado mo ko sa mga gusto ko!" Sabi nya at binuhat ng isang braso ang mga kwaderno na hindi ko kayang buhatin gamit ang isang kamay. At inakbayan ako.
Agad akong napatingin sa kanya. Ang gwapo talaga ng lalaking to. Ang tangos ng ilong nya. May dimple pa. Antangkad din halos hanggang lagpas bewang nya lang ako pero magkasing edad kami. Tapos yung kulay abo nyang nga mata na nagsasabing ang gwapo gwapo nya. Kainis.
"O? Napatingin ka sakin Julia Kaylee Sta. Ana?" Sabi nya at ginulo ang buhok ko agad kong tinanggal ang pagkaka akbay nya.
"Ngayon ko lang napansin." Pabitin na sabi ko at tinignan sya. Napatigil naman sya sa paglalakad at diretsong tumingin sa mata ko.
Halos kapusin ako sa paghinga habang tinitignan ang mata nya. Dahil pakiramdam ko nababasa nya ang nasa isip ko at ang nararamdaman ng aking puso. Nakakatakot gusto kong iiwas ang mata ko pero lalo kung hinihila nun papunta sa kanya.
"Ang pangit mo pala." Sabi ko at tinakbuhan sya papunta sa faculty ng teachers.
"JULIA!" Sigaw nya at hinabol ako.
Kasama ko ngayon si Hazel habang naghihintay na matapos ang practice ng basketball team.
"So kamusta na? Ang pagiging martyr mo beshywaps?" Sabi nya habang nakaupo rito sa bleachers.
"Ayun martyr at tanga pa rin. Wala eh mahal ko! May magagawa ba ko?" Sabi ko at tumawa dahil nangingilid ang luha ko. Nakakainis! Bakit kasi sa kanya? Sa dami ng tao sa mundo bakit sa bestfriend ko pa?
"Kasi naman bakit mo minahal ng higit pa ang taong dapat ay kaibigan lang. Alam mo namang masasaktan ka lang." Sabi nya na naging dahilan upang tumulo ang luha ko.
"Ilang taon na rin yan. Apat? Lima? We lose the count. Bakit kasi ayaw mong umamin? Malay mo may pag asa ka pa rin." Sabi nya agad na niyakap ako.
"Masisira ang pagkakaibigan namin dahil sa aking damdamin. Tsaka wala na! Wala nang pag asa dahil look he likes Dianna Sy." Sabi ko at tumungo para maitago ang mga luha. Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at ipinunas dito.
Pero nagulat ako nang pag-angat ng ulo ko ay nakatingin sa akin si Paolo ng may mga seryosong mga mata. Agad kong inalis ang lahat ng luha sa mata ko. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Jeez di nya ko pwedeng makita na umiiyak. Tatanungin nya kung bakit at hindi ako magaling magsinungaling. Alam nya kung pano ko magsnungaling at ayokong masabi bigla ang totoo.
Nagjog sya habang papalapit sa amin. Napatikom agad ang bibig ni Hazel at itinuon ang attention sa kanyang boyfriend na ngayon ay nasa court pa rin.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nya sa akin na agad kong iniling.
"Hindi ako naiyak. Napuwing lang ako oh!" Sabi ko at ngumiti ng pagka laki laki! Sya naman ay seryoso pa ring nakatingin sa akin.
"H'wag mo kong pagsinungalingan Julia. Kilala kita." Sabi niya at lalong inilapit ang sarili sa akin.
"I'm not lying! Bakit naman ako magsisinungaling sayo?" Sabi ko na parang sa akin ko itinatanong ang tanong na iyon sa halip na kanya.
'Bakit nga ba ako nagsisinungaling sayo? Bakit di ko masabi sabi ang totoo?'
"Malaman ko lang na lalaki ang dahilan ng pag iyak mo ngayon ay babasagin ko ang mukha ng taong iyon. Sabihin mo sa akin pag may nanakit sayo ako na ang bahala." Sabi nya at hinalikan ako sa noo.
Napatulala ako sa kawalan. Napapikit ako at napailing. Please Julia Kylee wag kang umasa. Alam mo namang ganyan sya dahil bestfriend ka nya at mahal ka niya....bilang kaibigan at kapatid.
"Julia! Naiintindihan mo?" Tanong nya sa akin na ikinatango ko lang. Ansakit beh.
"Sige dyan ka lang babalik na ko ron." Sabi nya at tinapik ang pisngi ko. Tinignan ko sya na tumatakbo palayo sa akin.
Habang nakatayo ako sa harap ng bahay nina Paolo ay napaisip ako. Malala na ba ko? Malala na ba ang nararamdaman ko.
"Oh! Ikaw pala iha! Buti nalang at napadalaw ka! Ayun si Pao natutulog pa sa higaan nya." Sabi ni Tita na naiirita na. Early bird kasi si Tita at halos ilagay nya na lahat ng alarm clock sa kwarto ni Paolo pero wa epek.
"Haha! Sige po Tita! Gigisingin ko na po yung tulog mantika nyong anak!" Sabi ko at tinakbo ang hagdan nila pataas ng second floor.
Agad kong sinugod ang kwarto nya. Purong asul ang kanyang silid na para bang dagat. Ang tangi lang naiiba ang kulay rito ay ang kanyang higaan na kulay puti. Agad ko syang nakita na walang suot na pang itaas habang nakadapa. Agad akong napanguso dahil kahit na sa batang edad namin ay hulmado na ang katawan nya. I mean may biceps na sya may four pack abs na rin at antambok ng pwet!
Agad kong tinampal ang pwet nya. "Hoy gising na! Tanghali na!" Sigaw ko sa tainga nya na agad namang ikinamulat ng mata nya at napatingin sa akin.
Iniwas ko ang mata ko at inilayo ang mukha ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko.
Papungas pungas syang tumingin sa akin. "Mamaya na." Sabi nya at pumaharap ng higa at hinila ako.
Agad na nanlaki ang mga mata ko ng bumagsak ako sa matigas at matipuno nyang dibdib. Agad na nanlaki ang mata ko tatayo na sana ako ng ikulong nya ko gamit ang dalawa nyang malalaking braso na halos pisain ang katawan ko.
"PAOLO VICENTE DELO SANTOS!" Sigaw ko ng hindi nya pa rin ako pinapakawalan kahit na anong palo ko sa kanya. Agad kong narinig ang mahinang tawa nya.
"Hmmm...Lia ang aga aga sigaw ka nang sigaw. Mamaya isipin nila Mama may ginagawa tayong kung ano dito." Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Pakawalan mo ko! Waaah!" Sabi ko at naglilikot sa itaas nya dahilan paragumulong kami. Ramdam ko na kalahati ng katawan nya malapit ng mahulog pero nababalanse nya pa rin.
"Waaaaah! Paolo! Ano ba! Ayokong mahulog!" Sigaw ko pero tawa nya lang ang narinig ko. At dahil sa paglikot sa itaas nya ay agad kaming nahulog. Sabay kaming nahulog.
Sana nga sabay nalang kaming nahulog. Ako sakanya. Sya sa akin. Pero nahulog nga kami ako sa kanya pero sya hindi sa akin.
"Aray ko!" Sabi ko at umupo ng maayos.
"Hay naku! Ang aga aga kasi nanggugulo ka Lia. Kaya ayan!" Sabi nya at tumawa.
"Leche ka! Tanghali na! Maligo ka na don! Samahan mo ko! Pupunta ako sa mall. May bibilhin ako." Sabi ko at inirapan sya.
Agad syang tumayo at ginulo ang buhok ko. Agad namang tumaas ang tingin ko sa mukha nya. Buset kasi yung abs nya nakaharang. Ang ganda tuloy ng view! Pero waah may innocent eyes!
Kinurot nya ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga pag namumula ka." Sabi nya na agad na ikinalaki ng mata ko. Agad akong tumayo.
"Heh! Maligo ka na! Bilisan mo. Baba lang ako kay Tita. Hihingi ako foods. Ginugutom ako sa kabagalan mo." Sabi ko at agad na nilisan ang kwarto nya.
"Andito ka pala." Napatingin ako sa nagsalita.
It's Paul Benedict Delos Santos. He is Paolo's younger brother.
"Tsk. Still crazy and madly inlove with that jerk?" Tanong nya habang nakasandal sa pader. Katulad ng kapatid nya ay wala rin itong suot na pang itaas.
"Shut it up Benedict! Tss." Sabi ko at inirapan sya. Yan ang ayaw ko kay Benedict he always care. He always caring about my stuffs. At dahil dun muntik ng malaman ng kuya nya na may nararamdaman ako para sakanya.
"Hayst. Ano bang nakita mo kay Kuya." Sabi nya at inakbayan ako. Para nya na akong ate kasi mas close sya sa akin kesa sa kuya nya.
"Anong gusto mo? Maghanap ako ng ibang mamahalin ko pero di ko naman kaya?" Sabi ko.
"Madali lang naman eh! Si Francis. Diba gusto ka nun?" Sabi nya. That man is too much for me. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nya kaya binisted ko sya.
"Si Justine? Kenshin? Mark?" Sabi nya. Tss na agad kong inilingan. Lahat yun iniwasan ko ayaw ko kasing makita ni Paolo na may kasama akong iba bukod sa kanya.
"Oo madali maghanap ng iba, pero mahirap na kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya." Sabi ko at inunahan na sya papunta sa kusina.
"Ate, wag mong paikutin ang mundo mo sa iisang tao, dahil baka pagnawala sya ay hindi na iikot ito." Huling rinig ko sa mga salitang sinabi nya.
"Shet pre! Woooooh andyan crush mo oh!"
"Oy Delo Santos! Si Dianna oh!"
"Huta! Paolo yung crush mo oh!" Sigawan ng basketball team ng dumaan sa gymnasium si Dianna.
Napatingin naman ako kay Paolo na ngayon ay pulang pula na nakatingin kay Dianna. Napabuntong hininga na lang ako. Siguro nga hindi ko dapat pinapaikot ang mundo ko sa taong mahal ko. Dahil sa huli masasaktan lang din ako. Tumayo ako. Alam ko na hindi nya naman mapapansin na wala ako dahil ang atensyon nya ay na kay Dianna.
Paglabas ko ng gym ay agad akong nagtungo sa terminal ng jeep. Di muna ako uuwi. Pupunta muna ako sa sementeryo. Nang may huminto ay sumkay na agad ako. Ay shet! Naiwan ko yung bag ko! Buti na lang nasa akin ang wallet ko. Dadalhin naman iyon ni Paolo.
Agad akong pumara ng makita ko ang sign na papunta sa cemetery. Cemetery Memorial Park. Nang tumapak ako sa damuhan ay agad kong naramdaman ang matinding kalungkutan. Ang sakit na nararamdaman.
Maria Elizabeth Sta. Ana. Ang kakambal ko. Kasangga ko sa life pero she passed away 10 years ago. Before we could both faced the world she left me. Alone and sad.
"Ate, naguguluhan na ko. Nahihirapan na ko sa nararamdaman ko. Ang sakit sakit na kaibigan ko sya. Pero may nararamdaman ako para sakanya. Masama to. Gusto ko nang bumalik sa dati. Yung wala pa kong nararamdaman na pagmamahal na higit pa sa pakikipagkaibigan sa lalaking iyon. Yung hindi ako nasasaktan pag may iba syang kasama. Yung hindi ako nagseselos habang sya ay nakikipagtawanan sa iba. Yung......wala pang sakit." Habang sinasabi ko iyon ay bumuhos na ng tuluyan ang luha ko. Yung mga luha na ilang taon ko nang inaalay para sakanya pero hindi nya manlang nakikita.
"Ate hindi ko na alam ang dapat na gawin. Hindi ko na alam. I'm too hopeless. Alam ko na wala akong pag-asa, wala na dahil may iba na syang mahal. Pero...masama ba na umasa na kahit unti lang? Baka meron? Kasi mahal ko sya at kahit ayaw kong umasa di ko mapigilan! Aish!" Sabi ko at pinunasan ang luha ko. Nakaluhod na ko sa puntod ni Ate.
Bigla akong nakaramdam ng maliliit na patak ng tubig. Akala ko nung una ay luha ko pero patak pala ng ulan. Kasabay ng pag agos ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan ng kalangitan.
Hindi ako nagdalawang isip na salubungin iyon. Dahil para bang dinadamayan ako ng ulan sa aking kabighatian.
"Ate, naiyak ba kayo ng mga kasama mong anghel dyan sa langit? Kaya naisipan nyong damayan ako ng ganito?" Sabi ko habang humahagulgol sa matinding sakit na nararamdaman ko.
Naalala ko ang lahat. Mula sa mga matamis nyang paglalambing sa akin hanggang sa kanyang mga tingin sa babaeng mahal nya. Gusto ko man sabihin na hindi nya mahal yun. Pero dalawang taon? Dalawang taon na syang humahanga doon imposibleng hindi yun magevolve. Gustong gusto ko syang sapakin pag nagkukwento sya sa akin tungkol kay Dianna pero wala wala akong magawa kundi ang sarilihin na lamang ang nararamdaman ko. Dahil wala rin namang patutunguhan kung sa kanya ay aking sasabihin.
Sobrang lakas ng ulan kaya nagulat ako nang wala akong naramdaman na patak ng ulan. Pagtingala ko ay may payong akong nakita. Tinignan ko ang lalaking may dala nito.
"Hindi sapat ang pagmamahal para bigyan mo ang sarili mo ng sakit sa katawan." Sabi nya pero napanguso ako dahil nababasa na rin sya.
"Anong ginagawa mo dito? Ha Alon?" Tanong ko sakanya. Oo kilala ko sya. Nasa kanya ang mga mata ni ate. Sa kanya dinonate dahil inborn syang bulag ay kailangan nya ng donor.
He is Wave Harry Roque. In my elementary days ay may contact pa ko sa kanya pero dumating yung araw na kahit na makausap sya ay di ko na magawa.
"Saving the twin sister of my donor from fever?" He said in a joking way.
Agad akong napayakap sa kanya. He's my alley. Nung nawala ang kakambal ko ay sa kanya ako kumuha ng lakas para tanggapin at lagpasan ang dagok na iyon sa buhay ko.
He hugged me back. "I miss you." Sabi nya. Agad akong napahagulgol sa bisig nya.
"Aawayin natin ang nagpaiyak sa yo ha?" Sabi nya na ikinatawa ko kahit na umiiyak ako.
"Saan ka nagpunta kahapon?" Tanong ni Paolo na ngayon ay katabi ko sa silid aralan.
Sasagutin ko sana pero biglang nagsalita ang teacher namin.
"Class, we have a transferee here." Sabi ni Ma'am at ikinanganga ko ng makit kung sino ang pumasok.
It's Wave.
Agad syang ngumiti ng pagkatamis tamis sa akin na inirapan ko lang na ikinatawa nya.
"Kilala mo?" Mas nauna kasing nagexist sa mundo ko si Alon kesa kay Paolo.
"Yah! Ay oo nga pala. Kahapon nauna na ko nagmamadali kasi ako. Naiwan ko nga bag ko e." Sabi ko at tumingin sa kanya. Pero pag tingin ko ay tumama ang mga mata ko sa mata nyang ngayon ay nakatingin sa akin ng seryoso na tila isa akong bugtong na hindi nya masagot.
"Mr. Roque sit beside Ms. Sta. Ana." Sabi ni Ma'am kaya agad na nabalik ang atensyon ko sa mga tao sa paligid naming dalawa.
Nang matapos ang klase ay nagulat ako nang makita si Dianna sa labas ng classrom namin. Napanganga ako. At mas ikinagulat ko ng dumiretso si Paolo sa kanya.
"Pao." Tawag ko sa kanya agad naman syang tumingin sa akin. Kapantay ng tensyon na ibinigay nya sa akin kanina habang nasa silid aralan kami.
"Dianna this is my bestfriend Julia. Julia this is Dianna." Sabi ni Paolo. Yeah Bestfriend. Maski sya ipinapamukha sa akin na kaibigan nya lang ako.
Agad na dumapo ang tingin ko sa mga kamay nya na maingat na hinahawakan ang siko ni Dianna agad nag nagigting ang panga ko.
"Nice too meet you." Sabi nya at naglahad ng kamay sa akin. Agad ko yung tinanggap ng labag sa aking loob.
"Pleasure to meet you too." Sabi ko at nginitian sya ng kunti.
"Lia, sasamahan ko lang sya saglit. Sabay tayong mag-lunch ha?" Sabi sa akin ni Paolo na agad kong tinanguan. Bakit pa sya magpapaalam? Kahit na hindi nya sabihin sa akin ay yun ang gagawin ko.
Ginulo nya ang buhok ko at kumaway palayo. Pinagmasdan ko silang lumayo sa akin. Habang lumalayo sila ay parang gusto kong hatakin si Paolo pabalik dahil pakiramdam ko ay nilalayo sya sa akin ni Dianna at hindi na ibabalik.
Biglang dumilim ang paligid. Narealize ko na may nagtakip ng kamay sa aking mga mata.
"Pagnasasakatan ka na, h'wag mo nang titigan pa. Alam mong masakit na eh tititig ka pa." Sabi nya at agad akong napaiyak sa kanya.
"Sya? Sya ang nagpaiyak sa aking prinsesa? Ano sapakin na ba natin?" Tanong nya na agad kong tinawanan.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko. "Wala to. Ka-artehan ko lang to." Sabi ko at agad na inayos ang damit ko.
Sabay kaming nagpunta ng canteen dahil gusto nya raw na kumain. Pero ang inorder ko lang ay sandwich bilang pampalubag loob.
"Yan lang kakainin mo? Diet ka? Tss." Sabi nya at umiling habang sya ay nagpapakasarap sa dami ng pagkaing in-order nya.
"Hindi. Sabi ni Paolo sabay kami mamaya." Sabi ko pero bigla akong natauhan. Napapikit ako. Sabi ko hindi ko na papaikutin ang mundo ko sa kanya. Pero ano itong aking ginagawa? Dinedepende ko sa kanya ang lahat. Pati pagkain ko ay sya ang aking sinusunod.
"Eat. Pano kung nakalimutan ka nun? Pano kung inaya syang kumain ng babae nya? Anong mangyayari sayo? Magpapakamatay ka sa gutom ha?" Sabi nya na parang tatay ko kaya agad akong kumuha sa mga pagkain nya sa mesa.
"Very good. Bago ka kasi magmahal ng ibang tao mahalin mo muna ang sarili mo." Sabi nya na agad naman akong natamaan. He's brutally honest with me nakakainis. At ang katotohanang sinasabi nya ay damang dama ko dahil tagos sa puso.
"Hello? Ano na? Paolo! Nasan ka na? Akala ko na sasamhan mo ko sa mall." Sabi ko habang kausap sya sa telepono.
"Ahm-sorry Lia! Promise babawi ako sayo. May usapan kasi kami ni Dianna ngayon." Pagkasabi nya nun ay agad kong pinutol ang linya ng telepono.
Nakakainis. Ilang beses na to? Nakaraang linggo sabi nya sasama sya sa bagong bukas na coffee shop pero I ended up with Wave. At nung Monday sabi nya ay manonood sya ng audition ko pero pinagpalit nya yun para kay Dianna na nagdeclamation.
"Oy! Asan si Paolo? Sila na ba ni Dianna?" Nagulat ako sa paglitaw ni Jessica mula sa kung saan.
"Wala, I hope maging sila na." Labas sa ilong na sabi ko. Kainis.
"Tss. Hay naku! H'wag ako Lia! Si Jasmine nalang! Alam namin na may nararamdaman ka para kay Paolo. How you looked at him. And how you acted when he's around." Sabi ni Jessica at inakbayan ako.
"Ganun ba kahalata?" Tanong ko at hinawakan ang pisngi ko.
"Hindi noh! Observer lang talaga kami ni Jessica. Hanga nga kami sayo kasi natitiis mo yan. Kung ako yan siguro matagal ng sira friendship namin ni Paolo. Look you consider your feelings for the sake of friendship!" Sabi ni Jasmine.
"Lika! Nood tayo sine!" Sabi nila at hinila ako papunta sa cinema.
Namiss ko rin na kabonding ang girls. Ngayon kasi ay palaging boys ang kahang out ko. Nanood kami ng Unofficially Yours. Tapos kumain kami sa Jollibee. Sa sandaling ito ay panandalian kong nakalimutan ang masalimuot na nararamdaman ko para kay Paolo.
"Arcade tayo! Dun tayo sa videoke! Gusto kong magpaulan!" Natatawang sabi ni Jessica. Agad naman akong tumawa at binato sya ng popcorn na hawak ko.
"Hahaha! Adik wala tayong payong!" Sabi ko at tumawa.
"Oo nga! Baka biglang bumalik si Yolanda! Mag basketball nalang tayo." Sabi naman ni Jasmine. Kaya agad na sumimangot si Jessica.
Nag-away kami ni Paolo ilang araw ko na syang hindi pinapansin at kung hindi si Wave ang kasama ko at sila Jessica o si Hazel. Lumipat din ako ng upuan palayo kay Paolo.
"Ate." Nagulat ako nang makita si Benedict sa labas ng classroom. Ang mukha nya parang kinakabahan na ewan. Parang nasasaktan.
"Oh? Benedict anong ginagawa mo dito? H'wag mong sabihin na nang chichicks ka dito? Walang ya ka! Baka makasuhan kami ng child abuse!" Pabiro ko pang sabi ngunit naging seryoso ang ekspresyon nya sa mukha na nagbago ng atmosphere ng paligid namin.
Kanina ay magaan gaan pa pero ngayon sobrang bigat pero kalmado. Yung tipong sobrang kapayapaan pero may sususnod na malaking kaguluhan na hindi matatakasan.
Agad na sumibol ang kaba sa aking dibdib-ay wala pala ako nun. Charr!
Tinignan nya ako. Hinihingal pa sya na parang tumakbo mula sa marathon. Ang mga tsokolateng mga mata nya ay nagsasabi na 'wag kang iiyak' kaya lalo akong natakot.
"Sabi ni Kuya...." Mahabang katahimikan ang namayani sa aming paligid. Natatakot ako. Baka ito na yung araw na mangyayari yun. Kaya ba nung nagsosorry sya ay maganda ang mood nya?
Nangilid ang luha ko. Maaring tama ang hula ko. Maaring hindi rin. Julia kumalma ka. H'wag ka munang iiyak.
"Sabi nya. Aamin na daw sya sa babaeng mahal nya." Pagkasabi nya yun ay nanghina nag tuhod ko. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang nararamdaman ko.
Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipipigilan. "Saan? Saan sya aamin?" Sabi ko. Gusto kong mapanood kung pano nya sabihin sa taong mahal nya ang nararamdaman nya. Kung sasaya ba sya...... kahit na hindi ako ang kasama.
"Sa may field ate." Pagkarinig ko nun ay agad akong tumakbo. Kahit ilang milya pa ang layo ko sa kanya ay handa ko yung takbuhin.
Habang tumatakbo ako ay natakpan ng mga ulap ang araw. Nagbabadya ang isang matinding pagbuhos ng ulan. Kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Pinagtitinginan na ko ng mga tao dahil may mga luhang umaagos sa pisngi ko at tumatakbo ako.
Halos tumigil ang mundo ko nang makita ko siya....sila. Sa gitna ng field na naguusap nakangiti si Paolo. Yung ngiti nya na alam mong masaya sya. Napaupo ako. Hindi ko kaya. Pero anong aking magagawa? Kundi ang mahalin sya ng palihim kahit na sobrang sakit na.
Biglang bumuhos malakas ng ulan. The raindrops are hitting me like how the pain is striking my heart.
Handa na ko. Handa na kong talikuran ang lahat. Kailangan kong makuntento na kahit papano ay may parte pa ko sa buhay nya.
Habang pumapatak ang luha ko ay pumapatak rin ang ulan sa katawan ko. Agad akong tumayo hindi ko man narinig ay sigurado na ko dahil ngayon ay nagtatalon na sya sa tuwa. Agad ko nang tinalikuran ang lahat.
Lahat ng sakit na aking nadarama. Hindi man mawawala ay mababawasan naman. Handa na ko na tanggapin na hindi nya talaga masususklian tong nararamdaman ko dahil magkaibigan kami.
Medyo nakakalayo na ko ng humina ng unti ang ulan. Nanunuot na sa mga buto ko ang lamig ng hangin. Siguro kaawa awa na kong tingnan dahil basang basa na ko tapos broken hearted pa at namamaga ang mata dahil sa kakaiyak.
Pano nalang ako? Kaya ko bang mabuhay na hindi sya nag kasama? Nasanay na ko sa kanya. Hindi ko alam kong kaya kong kalimutan sya.
Pero sa gitna ng aking pagdadrama ay may yumakap sa akin mula sa likuran. Amoy at katawan nya palang ay kilala ko na. Kahit hindi sya magsalita ay alam kong iisang tao lang yan. Sya iyan. Kaya lalong tumulo ang luha ko.
"Julia." Yung boses nya lalo akong naiyak. Hindi ko pa kaya ang ibabalita nya. Hindi ko kayang marinig baka ikamatay ng puso ko.
Hindi nya alam na umiiyak ako dahil nakatalikod ako mula sa kanya. At salamat sa ulan dahil natatakpan ng patak ng ulan ang patak ng aking mga luha. Gusto kong harapin sya pero baka hindi ko kaya. Baka magbreak down ako bigla. Pilit kong kinakalas ang pagkakayakap nya sa akin. Hindi ko pa talaga kaya.
"Mahal kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro