Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

“Nakakabwesit bakit ba kasi ako ang initusan nila? Anong akala nila saken? Pwede din kaya akong reporter! May araw din kayo sak – sorry.” Naku Hera nakabangga ka pa. Pinulot ko yung bag. “Here,” iniabot ko sa kanya. “Sorry talaga Miss. Nagmamadali kasi ako”


“It’s okay, thanks.”

“May hinahanap ka ba?”

Hindi kasi siya pamilyar saken eh. Kasi maganda siya, malalaman ko agad yun kasi maglalabas agad ng poll ang university student blog updates. Well, poll kung sino ang pinakamaganda sa buong campus.

“Well, I kind a lost. Where’s the supreme student council office? Kanina pa kasi ako naglalakad dito.”

“Ah, teka lang?” Luminga ako sa paligid. Nasa science garden na pala kami. “Naku! Malayo ka na kasi nasa first lobby lang kasi ang office ng SSC.”

“Oh that’s bad,” still she smiled. “Thanks babalik nalang ako sa lobby.”

I smiled back, “Sorry ulit kanina.”

“Walang problema sa akin iyun. I’m Miles by the way,” she extend her hand to me.

“Hera,” nakipagshake hand ako sa kanya. “Sweet Hera Fernandez ang pangalan ko.”

“Nice name,”

“Thanks.”

“Mauna na ako sayo ha.”

“Sure,”

Saka niya ako tinalikuran. Miles? Saan ko ba narinig ang pangalang yun? Hay naku makakalimutin talaga ako kahit kailan? Gosh! Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa. Sinagot ko yun.

“Ano ba Hera! Saan ka na ba? Diba sinabi kong ibigay yan kay Rua. The most sikat ever walking genius law student! We need his opinion para sa student’s rights debate bukas.” Inilayo ko ang phone ko. “Dalian mo na nga diyan Hera!”

“Oo na! Papunta na nga oh!”

Pinatay ko na yung cellphone ko. Asar eh! Ano ako PA ninyo? Hey ano yan? Pinulot ko yung parang nakabaliktad na picture. Kumunot naman ang noo ko.Si Raffy ba ito? Mukha yun ng babae kanina….mukhang nasa 10 years old palang ang dalawang tao sa picture. Nakita ko na ang picture ni Raffy noong bata pa siya.

Huwag mong sabihin siya yung Miles na tinutukoy ni Raffy? Bigla akong kinabahan….No! Kababata lang ni Raffy si Miles. Wala naman sigurong malisya doon? Yeah right! Tiwala lang Hera!

“Tama!”

“Hoy!”

“Anak ng pusang mataba!” Napatalon ako sa gulat. “Rua ikaw lang pala!”

“Oh ako lang ito, o bakit parang naka kita ka ng multo sa itsura mo?”

“Ikaw kaya magulat!” I raised an eyebrow. “Tignan ko lang.”

“I would likely look terrified,” he put his other hand on his hips, then nakamot nito ang ulo. “Depende na rin sa klase ng multo.”

“Ay ewan ko sayo! Oh I almost forgot,” iniabot ko sa kanya ang folder. “Kailangan namin ang opinion mo for tomorrow’s event.”

“Why don’t they attend and know it by themselves?”

“As if they care about my suggestions?!”

“You’re the president’s fiancé. I’m pretty sure they’ll listen to you.”

“Alam mo na?!”

“I’m his bestfriend.” Kinuha nito ang folder saken at tinignan ang laman nun. “Very common. I demand a more sensible questions that these nonsense. I’m not interested.” Ibinalik niya sa akin ang folder.

“E hindi ako gumawa niyan.”

“I know, magaling ka nga kasi sabi ni Raffy.”

“Ay talaga? Sinabi niya sayo yun?”

“Araw-araw at gabi-gabi. Buti nalang mataas ang tolerance ko sa paulit-ulit.” He chuckled.

“Adik ka talaga Rua! Maghanap ka na kasi ng girlfriend mo.”

“I doubt it, after 5 to 8 years pa siguro.”

“Pati love life mo may schedule ah.”

“Walang schedule ang love life Hera, kusa yung dumadating at umaalis. Gets mo?” Ngumiti siya saken. “At huwag mong paiyakin ang bestfriend ko ha, kundi malilintikan ka saken.”

“Ako pa talaga ang magpapaiyak?”

“Tiwala lang Hera, o nga pala, nakilala mo na pala si Miles? Noong isang linggo ko pa nalaman na bumalik na siya sa Pilipinas.” Hayan na naman at kinabahan na naman ako.

“Rua, sino ba talaga si Miles sa buhay ni Raffy?” 

“E goggle mo nalang baka lumabas doon.”

“Puro ka naman biro eh, seryoso ako.”

“Well, I’m serious too.”

May seryoso bang nakangisi. Seryoso, may sayad ba ang lalaking ito? Mula sa mala-anghel nitong mukha at mala-modelo na katawan nito. Minsan talaga nakakaloko lang talaga ito. Sarap sapatusin!

“Rua naman eh!”

“Hera, kung gusto mong malaman iyun why don’t you ask Raffy?”

“E hindi naman nagsasalita.”

“Kailan pa yun na pepe?”

“I mean not literally… palagi niya lang sinasabi na magkababata lang sila.”

“Totoo naman iyun. Anong problema mo?”

“Eh parang may kulang pa… parang may tinatago siya.”

“Meron nga,”

“Kaya nga! Sabihin mo na”

“Alam mo Hera, marami akong alam na hindi ko pwedeng sabihin sayo. Kasi hindi ko ugali ang mangialam ng buhay na may buhay. Nasa bata iyun, don’t invade in others privacy.”

“Ewan ko sayo!”

“O sige na, mauna na ako at nagugutom na ako.”

“Hmp! Ang dami mong naitulong sa akin.”

“Alin doon? Wala naman akong naitulong. Kaya huwag mo na akong pilosopohin. Sige, bye Hera. Send my regard to my lover.”

“Sinong lover mo?”

“Hindi mo ba alam na ako ang other woman ni Raffy? Oh my gosh!”

“Umalis ka na nga! Nakakadiri ka!”

“I know,” natatawang umalis na ito.

Baliw talaga!

“O, akala ko busy ka – Miles?”

“Hi Raffy,”

“Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa nakabalik sa Pilipinas?”

“I’m sorry di ko na sabi sayo na nakauwi na ako sa Pilipinas. May inasikaso pa kasi ako. But what matters most is I’m back Raffy, and it’s for good.” Yumakap siya saken. “I miss you Raffy.”

“Miles…”

“Don’t you miss me?”

“Of course, I mean, I’m just shock.”

She laughed, “You’re cute Raffy, are you free?”

“Bakit?”

“Treat kita, merienda tayo.” Inilayo ko ang sarili kay Miles. Weird! Wala man lang akong maramdaman.

“Ganoon lang ba kadali yun Miles?”

“Let’s just forget the past… let’s start again Raffy”

“Wala naman na sa akin ang nakaraan Miles. Ang sa akin lang eh ay kung ano ang iisipin ng mga magulang mo?”

“Let’s not talk about my parents anymore, treat nalang kita. Sige na, miss ko na bestfriend ko eh.”

“Tsst, ginamit mo na naman yan. Peru hindi ako pwede ngayon.”

“Ha? Bakit? Hindi mo ba ma-cancel ang gagawin mo ngayon?”

“Oh sige… wait lang.”

E text ko nalang muna si Hera. Ika-cancel ko muna ang lakad namin. Hindi naman siguro yun magagalit.

“Sino tini-text mo?”

“Si Hera,”

“Sino siya?”

“Girlfriend ko,” ngumiti ako sa kanya. “Magpapaalam lang ako.”

“Ah,”

Napansin kong biglang nag-iba ang expresyon niya. Oh well, imagination ko lang siguro yun. Napangiti ako nang magreply siya saken ng Okay. Susunduin ko nalang siya mamaya.

“Raffy…”

“Hmm?”

“Ilang taon na kayo ng girlfriend mo?”

“6 years na kami.”

“Ha? Ganoon na kayo ka tagal?”

I chuckled, “Kidding, 10 months palang kami and we are getting married.”

“M-Magpapakasal na kayo?”

“Yup, bago ako lumipad pa America.”

“Sure ka na ba sa desisyon mo Raffy?”

“No doubt, ganoon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao and thanks to you Miles.”

“Para saan?”

“Kung hindi mo ko binusted noon baka di ko makilala si Hera, so ano tara na?”

“Raffy, siguro dapat ninyo mo ng kilalanin ng mabuti ang isa’t isa. I mean we are talking about marriage.”

“Ano ka ba Miles, kapag mahal mo ang isang tao hindi basehan ang tagal ng pagsasama nyo. Ang importante ay pareho nyong mahal ang isa’t isa.”

“Raffy dapat mo paring –“

“Dapat na tayong kumain,” hinila ko na siya. “Kaya halika na”

“Okay,”

 

“Kumusta naman ang araw ng honey ko?”

“Hay naku! Bakit ngayon ka lang ha? Hindi mo baa lam kung ilang taon na akong naghihintay dito magkaka—“

Hindi ko na naituloy ang paglilitanya ko dahil bigla nalang niya akong hinalikan. Hay naku! Lage nalang PDA ang isang ito. Buti nalang wala ng tao. I put my arms on his neck and kiss him back.

“I miss you,”

“Nag-kita pa nga tayo kanina.”

Pinagdikit niya ang noo namin. At bigla nalang ngumiti. Ang gwapo talaga ng mapapangasawa ko. Ang swerte mo talaga Hera.

“Ilang minuto lang kitang hindi makita nami-miss na kita agad.”

“Ay sus! OA mo naman. Paano nalang kung nasa States ka na?”

Ngumiwi si Raffy, “Pwede bang isama nalang kita?”

“Hindi pwede, dapat mag-aral ka doon.”

“O sige, skype nalang tayo palagi. Ayoko kasing ma miss ang mesis ko.”

“Chus mo! Umuwi na nga lang nga tayo. At baka nag-aalala na iyun si Tatay.”

“Yeah Right, ako na naman makikita nun.”

“Bakit hindi ba?”

“Ilang oras lang naman,” pinisil niya ang pisngi ko. “Ang cute talaga ng baby ko.”

“Nambola ka pa… nga pala, nabangga ko si Miles kanina.”

Biglang nanlaki ang mata ni Raffy.

“Kanina?”

“Yup,” kinuha ko sa bag ang picture at inabot yun kay Raffy. “Nahulog niya yata…ikaw yan diba?”

“Hera…”

“Oh bakit ganyan ang mukha mo? Bakit may ginawa ba kayo kanina? Papunta siya sa office mo, kaya sure akong ikaw ang ipinunta niya kanina.”

“Yeah, nagkita kami kanina. Kaya nai-cancel ko ang lakad natin.”

“So kaya pala,” Kunwari ka pa Hera. Tagos sa buto naman ang selos mo! Syet na malagkit.

“Huwag mong sabihing nagseselos ka na naman?” Ngumisi na naman ng nakakaloko si Raffy. Ang sarap sapatusin. Ba’t ba ang cute-cute niya kapag naka-smile siya ng ganyan?

“E ano naman sayo?!”

“Maldita talaga ang baby ko,” inakbayan ako ni Raffy papunta sa sasakyan.“Nag-merienda at nag-usap lang kami ng bestfriend ko. Bestfriend ko lang yung si Miles. Huwag ka ng magselos, tumataba tuloy ang puso ko.”

Kinurot ko siya sa tagiliran.“Ikaw talaga! Ang kulit mo.”

“Aray naman! Halikan kita diyan.”

“O sige sa sasakyan na.”

“Walang bawian yan, ha?”

“Kailan ba ako bumawi ng mga sinasabi ko sayo?

“Oo nga pala,” tumawa ito. “Nga pala, gusto kang makausap ni Mama bukas kaya punta ka sa bahay.”

“May nagawa ba akong kasalanan?” Bigla akong kinabahan ah. “Hoy Raffy! Huwag ka ngang nakangiti lang diyan.”

“Ano ka ba, may ibibigay yata siya sayo… basta pumunta ka lang.”

“Ow sige na nga,”

“Yung kiss ko ha huwag mong kalimutan.”

“Oo na, ang gamahan mo!”

“Kasalanan mo din naman.”

“At bakit naman?”

“Nakaka-addict ang lips mo.”

“Corny mo!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: