Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Nakakabwesit naman oh! Unang araw ng sembreak ginugulo ako ng taong katok ng katok. Kaasar! Bumaba ako sa kama without even bothering looking at the mirror. Wala akong pakialam kong magmukha man akong si Sadaku. Kaasar!

Bumaba ako hadgan at dire-diretsu sa pinto ng bahay.

"Ano ba! Magpatulog ka nga ang aga-aga eh." I rubbed my eyes. "Kaasar ha!"

"Good morning Hera,"

"Raffy?!” Napakurap-kurap naman ako. “Anong...Anong ginagawa mo dito?"

"Anong oras na Hera?" Tinignan nito ang relo. "It’s already 7 am peru nakabulagta ka pa sa kama mo." Bigla naman itong pumasok sa bahay at feel na feel niya pa ang pag-upo sa sofa namin. Isinara ko nalang ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay Raffy?"

"Bored na ako sa bahay."

"Kakagising mo pa lang na-bored ka na agad?"

"Walang basagan ng trip Hera."

"Aissh," Wala naman din akong magagawa sa isang ito. "Kumain ka na ba?"

"Ayusin mo muna ang sarili mo at magluluto tayo." May nakakalokong ngiti ito sa mukha. "May muta ka pa oh."

Shuks! Muntik ko ng makalimutan! Kakahiya. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Raffy at umakyat na ako sa itaas. Peru bago ako pumasok sa kwarto ay bumaba mo na ako.

"Give me 15 minutes!"

"Take your time Hera."

"Aissh! Basta diyan ka lang."

"Sabi mo eh."

Hay naku Raffy kung pumasyal ka naman sobrang aga naman. Hindi pa naman ako morning person! Takte talaga! Makaligo na nga lang.

Dinalian ko na ang pagligo saka pagbibihis nakakahiya naman sa Buwesita ko! Ewan ko ba kahit mainis pa ako ng bongga sa lalaking iyun ay nawawala lang din. Adeek talaga! Bumaba na ako kahit na may nakatakip pang tuwalya sa ulo ko. Hindi pa ako nakakasuklay eh! Simpleng shorts-short at sobrang luwag na puting T-shirt na may malaking patrick star na print iyung isinuot ko. Wala akong sense of fashion pagdating sa bahay.

"Ang laki naman yata niyang damit mo Hera."

"Presko kasi eh. Oh buti di ka na bored?"

Ngayon ko lang napansin na naka walking shorts at puting T-shirt lang din ito. Bakit sa tuwing naka simpleng damit lang ito nagmumukha pa din itong modelo? Siguro na rin sa gwapo nitong mukha at magandang katawan, isali na natin ang height nito.Oh well! Gising na gising siguro itong si Raffy noong nagpasabog ng kagwapuhan, katalinuhan at kabonggahan ang Panginoon.

"Nag-iisip ako kanina eh," tumayo ito.

"Talaga? Ano naman ang naisip mo?" Inalis ko na iyung tuwalyang nakatakip sa buhok ko. 

"Nagugutom ako," ngumiti siya sa akin. "Pwede ko bang pakialaman ang kusina nyo?"

"Nagugutom ka? Marunong kang magluto?"

"Yup! My mom knows a lot of things." Nauna na ito sa kusina. "Nagugutom ka na ba?"

"Slight..." sumunod narin ako sa kanya sa kusina. "Teka, sure ka marunong ka talaga?"

"Ikaw, wala kang belib saken. I know how to cook at kapag natikman mo ang luto ko makakalimutan mo na ang pangalan mo." ngumisi pa ito bago nito isinuot ang apron.

"Hindi kaya OA ka lang masyado Raffy?"

Binuksan na niya lahat ng cabinet at inilabas ang gagamitin sa pagluluto. Nagsimula na din itong mag chop ng mga ingredients.

"Ay nga pala saan ang tatay mo?" 

"May problema sa probinsya at kailangan siya doon. Kaya ako lang mag-isa dito sa bahay."

"E sino ang namamahala sa Parlor nyo?"

"Sina Rowena, anyway, mapagkkatiwalaan naman ang dalawang iyun dahil pinsang buo naman iyun ni Tatay. Pumupunta naman ako doon tuwing hapon."

Nakamasid lang ako sa ginagawa nito. Kung makagalaw si Raffy ay animoy isang professional na cook sa isang mamahaling hotel. Umupo ako sa counter na malayo sa kawa.

"Magkwento ka pa,"

"Ano naman iku-kwento ko? Boring ng buhay ko."

At saka mas masarap ka pang titigan kaysa magdaldal ako dito. Hala! Ano ba itong pinagsasabi ko! Sira na yata talaga nag tuktok ng utak ko.

"Sige ako nalang magtatanong.Nagka-boyfriend ka na ba Hera?"

"Hindi pa, wala pa naman kasi akong nagugustuhan." Kaso my feeling ako na nagugustuhan na kita peru di pa ako sure. Naiinis nga ako eh! 

"Choosy ka siguro masyado."

"Hindi ah! Lahat naman kasi nagkakagusto saken. Gusto ko ako naman iyung unang magkagusto sa lalaki."

"Ang dami mong ek-ek sa katawan." Umuusok na iyung niluluto nito at naamoy ko na ang mabangong amoy ng niluluto niya. "Alam mo gusto kita."

Bigla akong natigilan. Ano daw? Tama ba ang aking narinig?

"Huh?"

"Gusto kita kasi ang kulit mo at sa mga araw na kasama kita plagi mo na lang akong pinapangiti." He turned to look at me and smiled. "Effective iyung mga ginagawa mong pagpapakita saken na maganda ng mundo, Hera."

Tama ba ang naririnig ko? Kaloka! Para akong lulumulotang sa alapaap sa mga narinig ko mula kay Raffy. Dati naman ng may nagsasabi sa kanya nun peru sa kay Raffy lang ang masarap pakinggan.

"Yeah I know everybody likes me," sabi ko nalang.

"Men adores you because you're beautiful....women envies you."

"Anong connection nun?"

"Madalas sabihin saken ni Rua na hindi importante ang panlabas na anyo ng isang tao. What matters most is the inner beauty of the person. In some points, outer looks may matter but it never was the basis why people like the other. Mahalaga nga ang panlabas na kagandahan peru mas nakaka-attract sa isang tao ang ugali nito. People may chose the outer side but for him inner side is much more preferable than the latter part."

"Hindi ko talaga ma-gets, Raffy? Ano iyun, mas gusto mo ko dahil sa ugali ko, ganun?"

"Yup, iba ka kasi sa mga babaeng nakilala ko. Ikaw palang kasi ang unang babaeng sumusuway sa mga gusto ko. You don't look at me like I'm superior than you... you bring the worst in me. You remind me so much of my mom."

Grabeh ha! Hindi ako maka-imik. First time may nagsabi saken na gusto niya ako hindi dahil maganda ako kundi dahil sa ugali ko. Iyun kasing mga lalaki sa campus gusto ako hindi dahil sa ugali ko kundi sa ganda ko. Naiinis nga ako eh! Sabihan ka pa naman na alam kong maganda ang ugali mo dahil maganda ka. Hindi ba nila narinig ang kasabihang Looks can be decieving kaya nga ako naiinis sa kanila.

Peru si Raffy, ni minsan hindi niya pinuri ang ganda ko. He did mention it peru hindi niya iyun inim-emphasize. Napangiti nalang ako sa mga naisip ko. Na touched kasi talaga ako ng sobra.

"Seryoso mo naman, kwentuhan mo nalang ako sa lovestory ng mommy at daddy mo. Naging laman din daw kasi ng balita ang lovestory nila sabi ni tatay."

Ngumiti ito, "Teleserye nga yata, ano bang gusto mong malaman?" 

"Hmm, ang sabi ni tatay saken hindi na tuloy iyung kasal nila dahil hindi sinulpot ng Daddy mo and Mommy mo sa simbahan. Totoo?"

"Yup, hindi nga natuloy iyun and at that time pinagbubuntis na ako ni mommy." Inabot ko iyung cookie jar saka kumuha ng isang cookie. Mas maganda kapag kumakain habang nakikinig ng drama.

Paminsan-minsan ay sumusulyap siya saken.

"Not everybody knew this, ang totoo niyan, isang sikat na theater actress ang mommy ko sa Europe, bumalik lang siya sa Pililipas dahil na ospital si Lolo. At that time my Mom's family company is in the verge of falling."

"Ano bang Company nila?"

"Isang Publication, medyo wala na kasing benta iyung mga dyaryo at magazine nila mommy noon na pinamamahalaan ni Tito Oliver. At dahil doon pinilit ni Tito na akitin ni mommy si dady since their family was one of the riches family in the country. Naisip ni tito na kapag nakasal sila ay masasagip ang kompanya.”

Hindi ko mapigilang kumuha pa ulit ng cookies. Nagiging interesting na kasi ng sobra ang kwento ni Raffy. Grabeh! Parang isa sa mga drama sa TV ang love story eh.

"Tapos?"

"Magkaibang-magkaiba silang dalawa. Peru na-inlove parin si Dad kay Mommy kahit makulit siya at medyo weird. Mom’s is keeping her identity, since hindi naman siya gaanong kilala dito sa Pilipinas dahil halos na sa Europe na ang buhay niya. She made a move para makuha si Daddy sa dapat pakakasalan na nito. Peru nalaman iyun ni Dad.”

“Anong ginawa ni Tito Myco?”

“He never said it to her. He keep it a secret at pinalabas na matutuloy parin ang kasal nila Mommy. That time Mom's is already ready to reveal everything peru hindi iyun natuloy pa. Naisip kasi ni Mommy na hindi niya kayang magsinungaling pa. Ang plano ay makakuha ng pera mula sa pamilya nila Dad at ilipat iyun sa bank account niya. But on the wedding he never showed up."

"Grabeh naman pala! So anong nangyari sa inyo?"

"Kahit ganoon, gusto parin ni Mommy na ipaalam kay Daddy ang tungkol saken. He inserted a note and a ultrasound picture of me inside the envelope na may laman ng tseke na ibinigay sa kanya ni Daddy. Peru hindi naman daw nabasa iyun ni Daddy dahil ipinatapon daw iyun agad kay Tito Ash.  Noong taon din iyun namatay si Lolo at nagkanda-loko-loko na ang lahat. Lahat ng pag-aari nila mommy kinuha ng bangko at naibenta narin ni Tito Oliver. Walang natira ni isang kusing sa pamilya nila Mommy."

"Kung ganoon... Kung nalugi na ang pamilya ng mommy mo. Saan na kayo napunta? May naipon ba siya?"

"Kaunti lang ang naipon ni Mommy peru hindi sapat para balikan niya ang buhay sa Europe. Kaya napagpasyahan niyang sumama pabalik kay Lola Amy ang yaya ni Mommy noon sa Cebu. Doon namuhay kami ng simple sa maliit na kubo ni Lola Amy.”

Nakita ko pang ngumiti ito. Kung ganoon lumaki din pala ito sa komplikadong pamilya at namulat sa kahirapan ng buhay. Unti-unti ko na ring nauunawaan kong bakit siya ganyan.

"Mahirap lang kami noon, kontento na kami kapag may nakakain kami... nagta-trabaho si Mommy sa lungsod habang nasa probinsiya kami nila Lola Amy kasama ang anak nitong si Kuya Chikoy. Napilitang magtrabaho si Mommy na malayo saken dahil may sakit ako sa puso at kailangan akong ma-operahan."

"MAY SAKIT KA SA PUSO?!"

Tumawa lang ito, "Ano ka ba, that was what? Along time ago...magaling na ako...huwag mong sabihing nag-aalala ka saken?"

"Hindi ah!" Peru joke lang iyun. Syempre mag-aalala ka kasi wala naman sa itsura nito ang may sakit. Malay mo naman na may nararamdaman pala siya na ‘di niya sinasabi sa akin.

"Iyun nga, after 5 years nagkita ulit sila mommy at daddy. Hindi ko na rin alam kung bakit sila nagkasundo ulit. Nalaman ko nalang kompleto na ang pamilya ko. Peru kahit ganoon alam kong may problema silang dalawa peru dahil nga bata pa ako hindi ko pa lubos na nauunawaan ang mga iyun."

"Sabagay,"

"Luto na to, pakiabot ng bowl." Bumaba ako sa counter at kumuha ng isang bowl.

"Iya," naamoy ko pa ang masarap na amoy ng niluluto niya "Bango! Ano ba iyan?"

"Nilagang Baka, nakakagutom diba?"

"Wow! Favorite ko iyan," natakam tuloy ako bigla. "Tamang-tama luto na ang kanin."

"Sa liit mong iyan ang takaw mo pala."

"Wait till you see me eating," kinindatan ko pa siya.

Ako na iyung naghanda sa mesa, may dalawang plato na doon, saya ice tea sa pitsel, saka syepre kutsara at tinidor. Inilapag narin ni Raffy ang kanin at ulam. Nauna na akong umupo sa silya.

"Sarap!"

"Kain na tayo."

Nagdasal muna kami bago kumain. Excited akong kumain na eh! Pagkatapos mag-dasal sinunggaban ko na ang mga pagkain sa mesa.

"Ilang taon ka bang hindi kumakain Hera?"

"Wala akong kyeme kumain kaya hayaan mo na. Walang basagan ng trip!"

Natawa lang tuloy ang huli. Bahala siya, peru ang ipinatataka ko lang ay kung bakit masyado naman yata akong komportable sa presensiya nito. Ang Weird, peru ipinagpatuloy ko lang ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit ng mga pinagkainan namin. Ako na iyung nag-hugas tapos siya iyung nagpupunas ng mga pinaghugasan. Para tuloy kaming newly wed couple. Shuks! Naisip ko talaga iyun?

"Grabeh busog na busog ako," hinimas ko pa iyung tiyan ko. "Salamat sa kwento at pagkain Raffy ha, busog na busog talaga ako."

"Sa susunod ikaw naman ang magluluto para saken."

"Ow sure, anytime, so friends na tayo?"

"Hmm, pag-iisipan ko pa."

"Ay sus!" Ako na iyung kumuha sa kamay nito. "Friends na tayo! Pinky promise." I crossed my pinky finger to his. “Girlfriend mo na nga ako eh. Paspasan itong relasyon natin he-he.”

"You're really cute Hera,"

"You always say that,”

“Because you do.”

“Adik ka!” Pinapakilig ako eh.

"Hindi ako nagda-drugs."

"Basta adik ka parin."

"Hindi pa ako name-mental kahit kailan."

"Ewan ko sayo," napakamot lang tuloy ito sa batok.Biglang may kumatok sa pinto.

"Are you expecting a visitor?" Tanong saken ni Raffy. "Ako na ang magbubukas."

"Sige, baka kapitbahay lang iyan."

"Hera may naghahanap sayo!" Pinunasan ko muna ang mga kamay ko. Sumilip ako mula sa kusina. Si Ate Allie.

"Ate Allie?"

"Naku, buti nandito ka Hera," karga-karga nito ang anak nito. Nilapitan ko sila at di ko mapigilang kurotin ang matambok na pisngi ni Baby Renz. "May ipapakiusap sana ako."

"Hi baby Renz," ngumiti saken ang nag-iisang anak nito. "Ano yun ate?"

"Pasuyo sanang bantayan mo muna si Renz. May importante lang talaga akong lalakarin. Nakalimutan ko kasing paalalahanan ang yaya e day off pala niya ngayon."

"O sige po walang problema," kinarga ko ang malusog na malusog na anak nito. "Ako na po ang bahala kay Renz." Kahit na may kabigatan na nga ang batang cute na ito.

"Naku! Naku! Hulog ka talaga ng langit Hera, salamat talaga! Bukas ko nalang kukunin si Renz baka kasi bukas na ako makauwi." Naging malungkot ang mukha nito. "Kailangan ko kasing kausapin ang papa ni Renz. Kung okay lang talaga sayo?"

"Okay lang po, huwag na po kayong mag-aalala." Nginitian ko nalang si Ate Allie. Nauunawaan ko ang sitwasyon nito at ng dating nobyo nito. 

Ngumiti ulit ito, "Salamat talaga," tiningnan nito si Raffy at inabot dito ang mga gamit ni Renz. "Nandiyan na lahat ang mga gamit ni Renz tawagan mo nalang ako Hera kapag may kailangan ka.  At saka, boyfriend mo ba ito?" tiningnan niya si Raffy.

"Ah..."

"Opo, ako po si Raffy, boyfriend ni Hera." 

May panunuksong nginitian ako ni Ate Allie. "Ikaw ha, sige, alis na ako." Hinalikan muna nito ang anak. "Pakabait ka ha."

"Mama,”

"O sha, alis na ako."

"Sige po ingat po kayo."

Kumaway muna ito bago pumasok sa sasakyan nito. Si Raffy na ang nag-sara ng pinto. Kinarga ko ng maayos ang baby. Mabigat talaga na ito. Peru super cute naman. Umupo ako sa sofa.

"Mahilig ka pala sa mga bata Hera?"

"Oo naman, ay wait," ipinakarga ko kay Raffy muna si baby Renz. "Titignan ko lang ang mga gamit ni Renz sa bag niya."

"Okay lang," kinarga nito ang bata at mukha namang gustong-gusto ito ni Renz. "Hindi halatang healthy ang batang ito - ang bigat!" Peru may ngiti naman sa mukha nito. "Hi, baby ako nga pala ang tito Raffy mo." Binabe-baby talk pa niya ito. Another side of Raffy, hindi magtatagal maipag-tatagni-tagni ko rin ang side na iyan ni Raffy.

Umupo ito sa tabi ko.

"I used to take care of Oleena when she was just like this, masyado nga lang iyakin ang isang iyun."

"Ay talaga? Peru ang kulit-kulit na niya ngayon."

"Palagi kasing sumasama kay Mommy, kaya hayun nahawa."

"Siguro palagi kang sumasama sa daddy mo kaya masyado kang seryoso."

"Minsan lang, hindi naman ako ganoon dati Hera."

"Huh?"

"Wala, nevermind."

Anong ibig sabihin na hindi siya ganoon dati? Ano ba talaga ang nangyari noon? Iyun ba ang naging dahilan kung bakit bitter siya at seryoso?

Kumalat na ang dilim at malakas ang buhos ng ulan. Sigurado akong hindi na ako makaka-uwi sa amin ngayon gabi. Makakauwi lang ako kung papalayasin ako ni Hera. But I doubted it if she does. Sa maikling panahon na nakasama ko siya marami na akong alam tungkol sa kanya.

Sa kabila ng popularity nito sa mga lalaki sa school at magandang pananamit nito ay may nakatagong isang simpleng babae na hindi nahihiyang ipakita iyun sa ibang tao. Tulad nalang na wala itong pakialam sa kung ano ang iisipin ng ibang tao sa kanya o kung maganda pa ang tingin nila sa kanya. Matakaw at walang sense of fashion kapag na sa bahay lang o kung wala sa school.

Mga katangiang hindi nakikita ng ibang tao at makikita mo nalang kapag nakilala mo na ito ng lubusan. Iba ito sa lahat ng babae sa school.

Habang pinapatulog nito ang bata ay hindi ko maiwasang isipin na anak namin si Renz at ako itong ama na masayang nakatunghay lang sa mag-ina ko. Aissh, hindi ko alam kung bakit ganito ang mga naiisip ko, lately, I keep on thinking about Hera, naging laman na siya ng panaginip at utak ko.

Peru hindi ko masasabing mahal ko na siya... Aaminin ko gusto ko siya. Hindi ko alam kung handa na ba akong magmahal ulit. Mahigit limang taon na akong hindi nakakaramdam ng ganito. Simula ng iwan ako ni Miles.

Hindi ko na alam kung paano magmahal. This feeling is alien to me now....naguguluhan pa ako. But one thing for sure... I wanna keep her .... apart of me is telling not to let her go.... imagining her with another man is too painful at hindi ko maiwasang maikuyom ang mga kamay sa isipang iyun.

"Okay ka lang ba?"

"H-Ha?"

"Tahimik ka naman yata masyado?"

"I was just thinking something."

Hindi ko maiwasang titigan ang mala-anghel nitong mukha. Simple lang ang ganda nito, mapapansin agad at hindi nakakasawa. Ang gustong-gusto ko sa mukha niya ay ang mata nito at ang labi nito. Something is urging me to grab her by her neck and just kissed her. Palagi ko nalang iyung naiisip peru pinipigilan ko lang ang sarili ko. It was not him...hindi ako iyun.... peru hindi ko maipaliwang ang malakas na atraksyon sa pagitan naming dalawa.

I badly want her....

I want to taste how sweet those kissble lips of hers....

I want to feel her in my arms.... 

Hug her tight....

Crap! I can't fight this feeling anymore.

"R-Raffy?"

Hinaplos ko ang mapulang pisngi nito. "God why are you making this hard for me?"

"Raffy?"

Tinawid ko ang distansiya sa pagitan namin and kissed her on the lips. The feeling was incredible, her lips taste sweet. It was addicted and I don't know how to stop. Randam ko ang pagkabigla ni Hera. I thought she was going to kiss me back but she pushed me away.

Doon ako natigilan... God, what have I done?

"I'm sorry Hera,"

"May kwarto sa baba imposible ka ng maka-uwi kaya doon ka nalang matulog sa kwarto ni tatay." Shit! What's happening to me?

Nilapitan ko siya,"Hera."

"Matulog na tayo Raffy, gabi na." Bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako at pinagsarhan ng pinto.Naikuyom ko ang mga kamay.

"Shit!" 

You're one hell of a JERK Raffy! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: