Chapter 14 (Repost)
I took a deep breath. Medyo naninikip parin ang dibdib ko. Kinalma ko muna ang sarili ko. Ayoko namang makita ako nila na mukhang miserable. Lalo na't nandoon sila Raffy.
"Hera," Dali kong pinahid ang mga luha ko sa mata. Bakit siya sumunod saken? "Umiiyak ka ba?" I calmed myself first.
"No, I'm not crying."
Peru sadyang hindi sumang-ayon ang boses ko. Naman! Kahit ngayon lang makisama ka naman. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"Hera," Hindi ako sumagot."Alam kong galit ka saken but I want you to listen to me this time, kahit ngayon lang."
"Bakit ngayon lang Raffy?" Hindi ko mapigilang maiyak.
"Bakit ngayon mo lang gustong magpaliwanag? B-Bakit nagawa mo saken yun?"
"Please, don't cry."
"Hindi ko parin maintindihan hanggang ngayon kung bakit nagawa mo saken iyun Raffy? K-kung bakit nagawa mo akong saktan ng ganun nalan? K-kung bakit hindi mo man ipanaunawa saken ang lahat. Maiintindihan ko naman kung hindi mo na ako mahal. Maiintindihan ko yun Raffy. Hindi ako yung taong ipag-sisiksikan ang sarili sa iba."
"I know, but you have to understand me too." He took a deep breath. "Eight years ago I was diagnosed to have a Coronary Heart desease."
Napatingin ako kay Raffy. I was shocked. Bakit? Why did he have to hide it from me?
"It was not the same as before, it was fatal. I thought I'm not going to survive. Natakot ako Hera. Takot na takot akong mamatay at iwan ka. The thought of me leaving you is killing me. Ayokong iwan ka, lalo na noong sinabi ng Doctor na maari ko iyung ikamatay."
He reached out for my hand.
"Ayokong iwan ka. Hindi ko iyun magagawa, but I have to."
"Sana sinabi mo nalang saken ang totoo. Kaya ko –"
"No, ayokong umasa ka, tayo. I only have small chances to live on my hand. Ayokong masaktan ka kung sakali mang mamatay ako. Mas gugustuhin ko pang kamuhian mo ako kaysa manatili kang nasasaktan. Kung magalit ka man saken, at least may chance na mawala yun kapag nagmahal ka ulit."
He continued.
"Noong araw na makita mo kami ni Miles na magkasama at naghahalikan planado ang lahat ng yun. I asked Miles to help me. She was quite hesitant at first peru pumayag din siyang makiayon sa plano kong makipaghiwalay sayo. Mahal ako ni Miles, Oo. And she was willing to let me go at that time but still I made it hard for her."
"B-Bakit siya pumayag?"
"Dahil mahal kita. She could see it through my eyes, kung gaano kita ka mahal, na ayaw kitang malungkot kapag nawala ako. Masakit saken yun, peru tiniis ko yun. The painful look in your face, the tears in your eyes, all of those... kung alam mo lang how much it kills me not to hug you, comfort you and tell you that I love you. Habang nakikita kitang basang-basa ng ulan at umiiyak gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. And I want you to understand that Hera. I did it all for you."
"Hindi mo naiintindihan Raffy. Kung sinabi mo saken ang kalagayan mo edi sana nandoon ako sa panahong kailangan mo ako. Hindi yung sa panahong lumipas ay nagalit ako sayo." Hindi ko mapigilang maiyak talaga. "H-Habang nakikipaglaban ka na pala sa sakit mo. I'm sorry," hinawakan ko ang mga kamay niya. "Nagalit ako sayo ng sobra..." Niyakap niya ako. Kasabay nun ang pagbuhos ng lahat ng mga emosyon ko."I'm sorry Raffy"
"No, ako dapat ang humihingi sayo ng sorry. It was all my fault, kung naging matapang lang sana ako. Kung sana hindi ako nagpatalo sa takot ko... I could have done something better for the both of us. I was coward, ayokong saktan ka, but still, I've hurted you. I'm sorry Hera."
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Raffy. I tried to smile.
"Ikaw talaga! Pinalipas mo pa ang walong taon."
"Am I forgiven?"
"Obvious ba?" He wiped away my tears "Kahit paano nabawasan ang sakit sa puso ko. Akala ko noon mahirap magpatawad peru ngayong alam ko na kung bakit mo nagawa iyun parang naglaho lahat ng sakit at ayoko ng makipag-away sayo. Napapagod na rin naman ako sa pagiging malungkot."
"Thank you Hera. I missed you."
"And hirap mabuhay na mag-isa Raffy. Hindi mo alam kung paano ko kaniya ang lahat pagkatapos nang nangyari sa atin. Kahit na nasaktan ako sa ginawa mo ay ikaw parin talaga ang hinahanap ko sa panahong gusto ko nalang sumuko."
"I'm sorry... na saan si Tatay?"
Ngumiti ako ng mapait. "He died last year"
"I'm sorry... " niyakap niya ulit ako. "I wish I was there beside you. It must have been hard on you."
"I know, but Raffy..."
"Hmm?"
"May sasabihin ako sayo?"
"Ipangako mong hindi mo sisihin ang sarili mo?" Bigla niyang inalis ang mga braso niya sa akin at hinawakan ulit ang mga kamay ko.
"Ano yun Hera?"
"I was so hurt and I'm so desperate to forget you. Nang matanggap ako sa trabaho ay hindi na ako nagpapahinga. Nakakalimutan ko ng kumain at laging umiiyak sa gabi. If I only knew, hindi sana siya mawawala sa atin Raffy. Kung alam ko lang hindi ko sana pinabayaan ang sarili ko. But I was so selfish!"
"Nawala sa atin?"
I bit my lower lip. Hindi dapat ako iiyak. I have to be strong. "Bigla akong dinugo habang nasa trabaho... the moment I learned I was almost three months pregnant our baby is gone. Sinisi ko ang sarili ko... sinisi kita, but that was all in the past now Raffy. Siguro nga hindi para sa atin ang baby."
Natahimik si Raffy. He was shock. Alam ko yun.
"Please talk Raffy."
"W-We lost our child?" I nodded. I tried to touch his face peru umiwas siya.
"Please huwag mong sisihin ang sarili mo Raffy. I did, peru hindi mo dapat sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari. Ako ang may pagkukulang. Ako ang nagpabaya kaya nawala ang baby."
"Huwag sisihin?! Hera, namatay ang anak natin dahil sa kagagawan ko. And you want me to act like nothing happened? It was all my fault! Kung hindi kita sinaktan at iniwan edi sana hindi mo mapapabayaan ang sarili mo at hindi ka makukunan!" Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok.
"Raffy walang may gusto sa nangyari! Huwag mong sisihin ang sarili mo."
"Hera, hindi ko kaya..." I know he was crying, there were already tears in his eyes.
"Raffy, please..." Tumayo si Raffy.
"I need to think..."
"Please forgive yourself..."
Nilapitan ko si Raffy at kanina pa siya naglalasing. "Anak, tama na iyan." Napatingin siya saken at mupo ako sa katabing steel chair. "Itigil mo na yan, kanina ka pa. May problema ka ba anak?"
"Ma, masama ba ako?"
"Sinong may sabi sayo niyan?"
"Hera and I have a child..."
"May anak kayo?" Ganoon nalang ang gulat ko. Kung ganoon ay nagkita ulit sila. Peru bakit mukhang nasasaktan ngayon si Raffy? "What happened?"
Ngumiti ito ng mapait sabay said ng iniinum nitong brandy.
"Peru di ko man lang nakita ang anak namin Ma."
"Ayaw niya ba?"
He shook his head, tears in his eyes. "Our baby died. Namatay siya Ma at ako ang dahilan! Ako! Ako ang dahilan kung bakit nawala samin ang anak namin."
Niyakap ko siya. "Oh God,"
"I could have prevented it if I only knew." Niyakap ko pa siya ng mahigpit. Parang batang humagulhul ang anak ko. Bakit kailangan pang maranasan ng anak ko ang mga bagay na ito? "Mama, pinatay ko ang anak ko!"
"Shsh, huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto ng nangyari anak."
"Bakit ganoon? Pati si Hera gusto niyang huwag kong sisihin ang sarili ko. Kahit siya ang mas nasaktan kaysa saken nagawa niya...nagawa niya parin akong patawarin."
"Dahil alam niyang wala kang kasalanan at ayaw niyang masaktan ka. Forgive yourself, and let go of the past Raffy. Hera loves you despite everything... kaya huwag mong hayaang lamunin ka na naman ng nakaraan mo anak."
"If I learn to forgive myself would I be happy?"
"You will," hinaplos ko ang mukha niya. "Your father forgave me despite the things I've done to him. Kung tutuosin nga mabigit talaga ang atraso ko sa ama mo. Peru kahit gaano yun ka heavy eh napatawad niya parin ako." Sinubukan kung pagaanin ang usapan ng pagtawa ko. "Hindi nga ako agad napatawad ng snob mong ama noong una. Hindi katulad mo... kaya huwag mong palampasin ang chance. Suyuin mo siya ulit at malay mo makabuo ulit kayo ng chunakins."
"Chunakins?"
"Mga babies? Ano ka ba naman anak, di mo knowing ang term paper itech?" Finally ngumiti na siya! That's my baby. Malalampasin mo rin ito anak.
"Nakakawala ka talaga ng problema Mama."
"I'm the best mom nga eh! The best asawa pa! Kaya ikaw anak huwag ka ng mag-drama diyan at kailanman hindi mo madadaig ang acting skills ng Mommy mo. Antique na itong sa akin."
"Yabang,"
"Whatever! Basta anak, simula ngayon hanapin mo ang Happiness mo? At hindi yun nakukuha sa coke!"
"Ikaw talaga Ma."
"Sundin mo na ako ngayon. Mother knows best."
"Thanks Mom,"
"Kahit na hindi ko gusto ang naging desisyon mo noon ay hinayaan kita. Peru kung gagawin mo na naman ulit iyun ay ibubulgar ko na ang mga plano mo. Matalino ka lang anak peru palpak ka naman kagaya ko. I knew it! Nagmana ka sa tatay mo at sa akin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro