Chapter 13 (Repost)
I don't have any choice but do the interview. Handa man o hindi bahala na si Batman. Hindi pa ako nakakapasok sa empire building ng Salazar peru nakikita ko na yun sa TV at sa Magazine. Hindi naman din kasi palapunta si Raffy dito noon.
The place spoke of wealth and class. Lobby palang para ng five star hotel knowing na isa itong opisina. Pagkatapos e-confirm ng entrance clerk ang appointment ko sa CEO ay dumiretso agad ako papunta sa elevator, sakto namang bumukas yun at pumasok na ako.
Kabado ako... sobra! Peru di ako magpapatalo sa kaba. Naka-move on na ako. Kaya ko ng harapan si Raffy. Hindi na ako masasaktan. Argh!
Sino ba niloko ko? Bwesit! Kaya ko bang harapin si Raffy? Umalis nalang kayo ako? Naman! Kung kailan gusto ko ng kalimutan ang lahat saka naman naglaro si TADHANA! Bwesit na talaga ako!
Naka move-on ka na diba? Oo, O bakit nag-drama ka na naman diyan? Hindi ako nagda-drama, kinakabahan lang ako. Bakit ka kinakabahan? Bakit nga ba?
Kasi mahal ko pa siya? Aissh! Maloloka na talaga ako... Tanga ko grabeh! Sinaktan na nga ako, namatayan na ng anak... heto parin ako! Gusto ko ng maiyak ngayon pa lang.
Bumukas ang elevator. Oh right, heto na ako, wala ng atrasan.
"Good morning, are you Miss Sweet Hera Fernandez from LIMELIGHT magazine?"
"Yes, I'm here to interview Mr. Rapahael Salazar."
"For a moment," tumawag mo na ito. "Miss Fernandez is already here sir. Should I let her in? Yes sir....okay.... thank you sir." Ibinaba na nito ang telepono. "Pwede ka ng pumasok Miss Fernandez, RMG is waiting for you"
"Thank you," Pumasok na ako. "Good morning Mr. Salazar." Nakatalikod pa ito. Nanginginip pa ang mga kamay ko. Relax Hera... huwag kang kabahan. He turned around at mukhang nagulat itong makita ako. I compose myself.
"H-Hera?"
"Mind If I take a seat?"
"S-sure Hera,"
"I prefer Ms. Fernandez, Mr. Salazar."
"I'm sorry, I just thought I can call you by that name."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Inilabas ko nalang ang tab ko. Mabuting simulan ko na ito at nang matapos na ito.
"Magsisimula na ako."
"Sure," He leaned on his seat. Peru hindi pa rin nakatakas sa akin ang tingin niya. Kahit na hindi ako nakatingin ay nararamdaman ko ang mga titig niya. Hindi ko na iyun pinansin pa at sinimulan ko na ang dapat gagawin ko.
"How does it feel to be one of the most popular businessmen in the country?"
"The usual, I don't feel anything about it... popularity means nothing to me. I'm still an ordinary person. I'm a businessman not a celebrity... I don't want fame for myself, I'd rather want it for my company."
"At the age of 28 you already made a name for yourself. You made the Empire more bigger than before. Hinigitan mo pa lalo ang iyung ama."
"I just did whatever I can do. Kung ano man ang naging bunga nun. Siguro nga nagampanan ko nga siguro ng maayos ang responsibilidad ko."
Ilang tanong pa ba? Hindi na talaga ako komportable. Patuloy parin ako sa pagtatanong. Okay, konti nalang. Kaya ko pa ito! Konti nalang.
"Do you have plans to settle down?"
"I do,"
"When?"
"Actually, I did, eight years ago." Tumingin siya sa akin. "I was about to marry this girl. The girl who made me realized a lot of things. That I'm missing a lot of things in life."
Huwag mong sabihin na magkwe-kwento siya ngayon?
"She thought me a lot of things. Marami kaming sinubukan na hindi ko kailanman nasubukan. Those things na hindi ko magawa noon and thought that it was boring... ay hindi pala. It was fun indeed, perfect when I'm with her. Kapag kasama ko siya parang masaya nalang palagi. I love her so much to the point na kaya kung iwan ang lahat para sa kanya peru..."
"Peru?"
"Sinaktan ko siya..."
"Sigurado akong nasaktan siya ng sobra, to the point siguro na gusto nalang niyang mamatay dahil sa sakit."
"I know, peru I have to do what is best for her."
"You don't know what is best for her because you chose to hurt her. If you want the best for her you should have chose to make her happy."
"I need to do that... it was very hard for me. Alam kong nasaktan ko siya peru mas masakit kung malalaman niya kung ano ang katotohanan."
"What truth? That you love someone else...That you're dying? The latter part would be better kung iyun nga ang totoo."
"Kung alam niya lang..."
"She doesnt know a thing. Dapat sinabi mo ang lahat sa kanya para hindi siya magmukhang tanga. You should have made it clear to her para hindi siya gaanong nasaktan."
"Hera let's talk please,"
"There's nothing to talk about Raffy. Anyway, I already have enough information I need. I think I should go." Tatayo na sana ako nang hawakan ni raffy ang kamay ko.
"Mag-usap tayo, please."
"I have to go Raffy." Saka ko binawi ang kamay ko sa kanya.
Hindi ko na kakayanin ang isa pang minutong makasama ka Raffy. Nasasaktan lang ako lalo. Mas mabuti ng lumayo na ako ng tuluyan sayo. Para din iyun sa ikabubuti nating dalawa.
"Raffy buti at nakapunta ka,"
Bati sa akin ng kaibigan kong si Leo. Ginawa niya kasi akong ninong ng anak nito dahil tiba-tiba daw ang anak niya sa akin. Tiyak daw siyang hindi ko tatakbuhan ang magiging inaanak ko. Talaga naman... hindi pa rin nagbabago ang lalaking ito.
"I cancel all my appointments for today."
"Conscience ikaw ba yan? Grabeh! Tamang-tama ako."
"You're still the same Leo. Sana lang ay di mamana ng anak mo ang kalokohan mong iyan."
"Remind me that Raffy, ipapa novena ko iyan kay Mama."
"Ikaw talaga! Saan ang inaanak ko?"
"Hanapin mo,"
"May mapa ka?"
"Mukhang natuto ka na nga mga jowk ko ah." He chuckled.
"Ganyan talaga kapag tumatanda," lumapit naman si Miles."Hi Leo."
"Sino ka?"
"Puro ka naman biro eh! Sapatusin kaya kita."
"Naka-heels ka po," tumawa ito. "Oh Miles anong ginagawa mo dito? Hindi naman kita inimbitahan."
"Bakit di pwede Leolito!"
"Ow sure... magkasama yata kayo nitong si pare? Kayo na ulit?"
"You know the truth Leo stop that will you," sabi ko nalang. "Saan na ba ang inaanak ko?"
"Excited much? Makikita mo rin ang cute kong anak mamaya. O sha! Magsisimula na, tayo na." Nauna ng pumasok sa simbahan si Leo.
"Hanggang kailan mo itatago kay Hera ang katotohanan Raffy?"
"Let's not talk about that today Miles."
"Face it Raffy, alam kong mahal mo parin siya bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Hindi ka namatay, nabuhay ka... sasayangin mo ba ang ikalawang buhay mo?"
"Please, Miles... huwag na muna natin pag-usapan yan ngayon."
"I wish for your happiness Raffy alam mo iyan. I love you and I want you to be happy."
"I know," but I doubted if Hera could still accept me after what I've done.
"Ano ba yan Hera binyag na binyag ng anak ko nakabasungot ang mukha mo.Cheer up Hon, nakaka VB ka talaga!"
Sino pa naman ang hindi ma V-VB? Makita mo ba naman ang taong ayaw mong makita kasama ang naging dahilan ng pagkamiserable mo. Hindi iyun masaya! Masakit yun. May pa please-please let's talk ka pa... hayan at ibabandira mo pa na may partner ka.
"Let me guess? Iyun ang surprise ko no?" Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Nainis pa ako lalo. "I hate surprises."
"Huwag ka ngang obvious masyado Hera. Ipakita mo na naka move on ka na. Stand up there and smile! Magpaka GB ka huwag puro BV okay?" As if madaling gawin iyun!
"Hay naku! Ang mabuti pa ay magpa-picture kayo ng baby ko." Baby niya?
"P-pwede bang mamaya nalang Kenya..."
"Walang ma-mayamaya. Aish, kargahin mo na ang inaanak mo."
Gusto kong sabihin na hindi ko kayang humawak ng bata. Nanginginig parin ako hanggang ngayon. Naalala ko ang anak kong nawala saken. Sa tuwing makakita ako ng baby hindi ko maiwasang isipin na anak ko iyun...na sana buhay ito at kasama ko.
Bigla akong kinabahan.
"K-Kenya..."
"Huwag mong sabihing nandidiri ka sa anak ko Hera?!"
"No, I mean. Kenya please...mamaya nalang."
"No! Ngayon na... at mas maganda ang view sa simbahan." Hinila na niya ako patungo sa asawa nito na kasalukuyang kinakausap sila Miles at Raffy habang karga nito ang anak. "Honey!"
"Honey... Hi Hera,"
"Hello," Napayuko nalang ako. Alam kong nakatingin sila Miles at Raffy saken.
"Honey, ipahawak mo muna kay Hera si baby pa-picture sila ng ninong niyang si Raffy. Okay lang ba Raffy?"
"O-okay lang naman... e kay H-Hera?"
"Payag iyan,"
Kinuha na nito ang anak sa asawa at maingat na ipinakarga saken ang bata. Ayaw ko sanang hawakan ang baby kaso nakakahiya naman kay Kenya. Nanginginig ang mga kamay ko peru sana hindi nila mapansin iyun. Hindi ako makapag-isip ng matino... Heto na naman ako! Naiiyak ako na hindi ko alam kung bakit.
Kaya mo ito Hera. It's time to face your fears. Kailangan mo ng e-let go ang masakit na nakaraang iyun. Hindi talaga para sayo si Raffy at maging ang anak ninyo.
"Lapit ka pa kay Hera, Raffy." Utos ni Leo
"Ah okay..."
I tried to be calm as possible. Pinilit kong ngumiti at gawing natural iyun kahit na parang nanlalambot ang tuhod ko at parang bibigay na iyun.
"Try to put your arms around Hera, Raffy."
"K-Kailangan pa ba yun?" Tanong ko.
"Para mukhang real... bagay na bagay nga kayo eh... parang anak nyo ang baby namin. O sige na picture na tayo!" Naramdaman ko ang pagdantay ng braso ni Raffy sa balikat ko.
"Relax, I'm not going to eat you." Raffy whispered in my ears. "Masyado kang tense."
"Huwag ka lang masyadong close sa akin."
"I'll try... smile now,"
"Okay, one...two....three....say baby!"
Pagkatapos na pagkatapos ng picture ay inabot ko kaagad kay Kenya ang baby. Hindi ko talaga kaya. I need to let this out...naiiyak ako.
"I think I need to go out."
"Hah? Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang... susunod nalang ako sa reception ng binyag."
"Sure ka?"
Tumango lang ako, "Don't worry."
"Baka nandiri ka talaga ng sobra sa anak ko ha?"
"Ano ka ba hindi... labas mo na ako"
"Okay,"
Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Miles sa kamay ko.
"Why don't you follow her Raffy?"
"Do you think I need to?"
"Hindi ako bulag Raffy. Alam kong tense siya, mukhang may problema siya. Alamin mo at para magkausap na din kayo."
I sighed, "Okay, sumabay ka na sa kanila Miles."
"Kausapin mo na siya Raffy."
"Kung makikinig siya... alam mo namang maldita din ang isang iyun."
"Kaya nga mahal mo iyun eh. Please, make yourself happy from now on Raffy kahit doon lang makabawi ako sa ginawa ko kay Hera. Nagi-guilty talaga ako eh. Kung nandito si Rua tiyak ipapamukha na naman saken ang kasalanan ko dahil naging accessories of the crime ako." She sighed,then smiled. "Take this guilt away Raffy at ang kaligayahan mo lang ang solusyon nun."
"I'll try Miles,"
"Don't try... do it!"
"Thanks,"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro