Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

"Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang kasal ninyo ni Hera, Raffy ah. Astig mo! Akalain mong mauuna ka pang maikasal kaysa saken. Ang saklap lang!”

"Yan ang napapala sa mga choosy na katulad mo. Mag-emo ka nalang.”

"As if bagay saken mag emo? Emosgwapo pa ako sayo eh.”

"Adik ka, tapusin mo na nga lang yang ginagawa mo. Malapit ng graduation ko at ikaw," binalingan ko si Rua. "Magtino ka dahil ikaw ang susunod na magiging SSC President."

"Sureness? Sinong nagsabing ako ang iboboto nila?"

"I'm sure they will. Kung hindi ipapa-salvage ko silang lahat.”

"Yeah Right, remind me na hindi ko hahawakan ang kaso mo at baka ako pa ang madiin hindi pa ako magkapag love life. Masaklap iyun.”

Hayy naku kahit kailan itong si Rua. Peru kahit pressure na ako sa pagiging SSC President at running for Sumacumluade pa ay okay lang saken.  Makita ko lang si Hera ay complete na ang araw ko. Masyadong cliche para sa lalaking katulad ko. Peru parang ngayon ko lang naintindihan kong bakit mahal na mahal ni Papa si Mama kahit sakit ito sa ulo. Na kahit masungit si Papa ay nagawa siyang paamuhin ni Mama. 

There is nothing impossible kapag puso na ang nakialam.

"Kung ako say – augh!” Napahawak ako sa dibdib ko. Ano na naman ba ito? Akala ko wala na ito? Crap! Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga.

"Raffy?!” Mabilis akong dinaluhan ni Rua at inalalayan."Are you okay Raffy? Na paano ka?”

"Rua..”

“Raffy?! Tulong!”

Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko pa masyadong naimumulat ang mata. Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago luminaw ang paningin ko. Sinubukan kong bumangaon peru biglang may kung anong pumitik sa puso ko. "Ugh… na saan ako?”

 "Anak, hinay-hinay lang," inalalayan agad ako ni Mama.

"You're in the hospital ," si Rua ang sumagot."Bigla nalang nanikip ang dibdib mo, then you past out. Ano bang nangyari sayo?"

"I don't know," Napailing ako. Madalas ko na yung maramdaman pa noon peru binabaliwala ko lang yun. Hindi naman kasi palaging nangyayari iyun.

Biglang pumasok sa Doc. Mondragon, a family doctor. Sa itsura palang ng mukha niya ay mukhang may masamang balita itong dala. Parang ayoko ng marinig ang kung ano man ang sasabihin niya.

"Is it bad?" Tanong ko.

"I'm sorry Raffy," Bumukas ang pag-aalala ni Mama.

"Anong ibig mong sabihin Doc?"

"Meron kang Coronary Heart Disease"

"Anong ibig sabihin nun Doc?"

"CHD is a narrowing of the small blood vessels that supply blood and oxygen to the heart. At dahil doon nahihirapan kang huminga at naninikip ang dibdib mo. Pwede mo itong ikamatay. Matagal ka na bang may nararamdaman na ganyan Raffy?"

"Opo, peru nawawala din naman iyun. Kaya binabaliwala ko lang iyun."

"Raphael Myco! Bakit di mo man lang sinabi saken na may nararamdaman ka na pala?" Naiiyak na singhal sa akin ni Mama.

"I'm sorry Ma. Hindi ko naman aakalahaning malala na pala ito." Damn it!

"Kailangan kang ma-operahan as soon as possible. Dahil masyadong seryoso ang case mo ngayon Raffy. Gaya ng sabi ko maari mo itong ikamatay."

"Doc pagalingin ninyo ang anak ko," naiiyak na sabi nito.

"Ma…”

"Gawin ninyo ang lahat.”

"I'll do my best Mrs. Salazar sa ngayon hindi ko pa masasabi ang chances ng operation mo Raffy. Kung sana ay sinabi mo na saken ang nararamdaman mo." He sighed, "For now, kailangan ko munang obserbahan ka. Mananatili ka muna sa ospital for some tests at ma-monitor ko ang kalagayan mo."

"Sa tingin ninyo Doc malaki ba ang chances na mabubuhay ako? I mean, sa ngayon?"

"To be honest, 30 percent ang chances na maaring mabuhay ka. Peru with the latest equipment sa C-SMC maaring tumaas ang chance mong maka-survive. For now,  we will just continue to pray for that. Naipa-ready ko na ang transfer mo sa Cedar-Sinai Medical Center. May be in two weeks time ililipad ka na namin doon."

30 percent… masyadong maliit.

Pagkatapos nun ang lumabas na si Doc, sumunod na din si Mama.

"Guess what? I'm dying.”

"Ano ka ba naman Raffy hindi ka pa mamatay! Ang masamang damo matagal mamatay."

"Ulol!" Napangiti ako peru hindi din iyun nagtagal. "I don't know what to say... honestly, paano na si Hera. Paano kung mawala ako? Ayoko siyang iwan ng ganoon na lang Rua."

"I know Hera, maiintindihan ka niya kung sasabihin mo sa kanya ang kalagayan mo."

"Ayoko siyang mag-alala. I don't want her to see me like this."

"Edi magpagaling ka!"

"I only have 30 percent to live…”

"Hindi ka pa kasi mamamatay! Lumaban ka... ewan ko sayo Raffy. Pwede ba don't act as if you only have two seconds to live. Huwag mong saktan ang sarili mo dahil lang sa pisteng sakit na yan! Malaki na ang 30 percent chances na mabubuhay ka. Hindi na tayo nabubuhay sa nakaraan at kayang-kaya kang gamutin ng mga makabagong equipment. Huwang mong e rason iyan kung ayaw mong magalit ako sayo.”

"I'm sorry,"

"Kakausapin lang kita kong mare-realize mo na marami kaming sumusuporta sayo. Huwag mo naman sana kaming biguin Raphael Myco. Isipin mo nalang sana si Tita Olivia at si Hera.” Pabagsak na isinarado nito ang pinto. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Still kahit may posibilidad na mabuhay ako. Masyadong maliit ang tsansa na iyun. Ayokong saktan si Hera. Ayokong maging miserable ang buhay ni Hera kung mawawala nga ako.I want her to hate me, forget me, and find someone who will stay with her forever. Gusto kong ipagpatuloy niya ang buhay niya na wala ako. Kung mabuhay man ako. Sapat na sa aking masaya siya sa piling ng iba. Kahit masakit titiisin ko iyun.

Inabot ko ang cellphone ko at edi-nial ang number ni Miles.

"Hello,"

"Miles, si Raffy ito."

"Raffy? Napatawag ka?"

"Magkita tayo at may ipapakiusap ako sayo.”

"Nasaan ka ba?"

"Magkita tayo sa dating park na pinupuntahan natin."

"Okay, i'll be there.”

"Thanks,"

Kailangan kong itama ang lahat. Tinanggal ko ang mga nakakabit saken at tahimik na pumanhik sa ospital na iyun. This decision would save us all from misery. I’m sorry Hera.

Gabing-gabi na ah? Sino naman kaya ang kumakatok. Buti nalang wala si Tatay ngayon. Bumaba ako para buksan ang pinto. Nagulat pa ako kung sino ang nabungaran ko.

"Raffy?"

Bago pa ako makapagsalita ulit ay yumakap na siya saken. Isinubsub niya ang mukha sa leeg ko randam ko pa ang mainit na paghinga nito.

"I miss you,"

"Gabi na ah? Saan ka ba galing?"

"Pwede bang dito muna ako? Nandito ba si Tatay?"

"Wala siya ngayon... halika, pumasok ka muna." Isinara ko na ang pinto.

"Kumain ka na ba?"

He put his arms around me at mataman akong tinitigan sa mga mata. Bakit parang ang weird ni Raffy? May problema kaya siya?

Hinaplos ko ang pisngi niya. "May problema ba?"

"I just missed you," he smiled.

"Lagi mo naman akong na mi-miss eh.” Hinawakan niya ang kamay ko na nakahaplos sa mukha niya at dinala iyun sa mga labi niya. He kissed my hand. 

"I love you Hera. Hindi ko alam kong kakayanin kong malayo sayo."

"Ano ka ba, hinding-hindi ako mawawala sayo."

Peru bakit parang may lungkot sa mga mata niya. Kinakabahan ako...ngayon ko lang nakita ganito si Raffy. Para itong maiiyak.

"I want to be with you forever Hera."

"We will,"

"I don't want to leave you."

"Then don't," Pinagdikit niya ang mga noo namin at mariing pumikit.

"Kung mahal mo ako Raffy hindi mo ako iiwan."

"I wont… I'll die if I would."

"Hindi ka mamatay... you will stay with me forever... we will grow old together kasama ang isang dosena nating anak. Magiging masaya tayo." He smiled.

"I want that,"

"Open your eyes Raffy." Ibinuka niya ang mga mata. "Magiging masaya tayo... pagbalik mo dito sa Pilipinas bubuo tayo ng pamilya o kung magbunga man ang nangyari sa atin hihintayin ka namin ng anak mo."

"Hera..."

"Raffy everything will be alright... I love you." I kissed him.

"I love you more. God knows how much I love you." He kissed me back.

He deepened the kiss, napahawak ako sa batok niya. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at nagsimulang maglakbay ang kanyang kamay sa katawan ko. I know what is about to happen at buong puso ko iyung ibibigay sa kanya.

Muli naming ipinaramdam sa isa't isa ang init ng pagmamahal sa pag-iisa namin.

"Mahal na mahal kita…"

"He...ra...."

Naluluhang nakatitig ako sa mahimbing na anyo ni Hera. Napakaganda parin nito kahit natutulog. She looks so peaceful and beautiful. Naiisip ko palang na iiwan ko na siya parang ayoko na! Bakit ako pa? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang nakilala ko na ang babaeng pag-aalayan ko ng buong buhay ko?

Hinawi ko ang nakatabing na hibla ng buhok sa mukha niya. At hinaplos ang pisngi niya.

"Sana ay mapatawad mo ako sa kung ano man ang gagawin ko." Hindi ko napigilang maluha. "Mahal na mahal kita at ito lang ang alam kong paraan para hindi ka malungkot... kung alam ko lang na ganito... na ganito ang mangyayari hindi na sana kita niligawan, peru ang mahalin ka ay hindi ko pinlano. Peru hindi ko yun pagsisihan kailaman. You're the best that happened in my life."

I kissed her forehead.

"You will always be in my heart Hera. I will always be here for you. I’m sorry."

"Raffy..." I hugged her tight.

"I love you…"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: