Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos hindi na ako tinigilan ng magaling kong ina sa pagpapaala na dapat na akong humanap ng girlfriend. Hindi ko maintindahan kong bakit ko kailangan ng girlfriend?

Puro sakit lang naman ang naidudulot ng mga ganyan-ganyan. And besides I’m happy with my life, no girls to mind, single and free. Mas gusto ko pang makulong sa opisina ng SSC kaysa mag-isip ng mga paraan ma please lang ang babae. I mean yung “Girlfriend”. Aissh, sakit lang talaga sa ulo ang mga babae.

Nahilot ko ang sentido.

“Sabi ko na nga bang walang maidudulot na maganda ang pagiging matalino.” Inilapag ni Mama ang tray ng pagkain sa table. Paano na naman kaya nito nabuksan ang pinto ng kwarto ko? “Itigil mo na nga iyang ginagawa mo Raffy. Ako itong naiinis sa pinaggagawa mo eh.”

“Sa lahat ng ina sa mundo ikaw lang yata ang na iinis na makita ang anak na nag-aaral. Ang weird mo Ma.”

“Isa pa iyan! Iyang pagtawag mo sa akin ng mama. Hindi ba mommy ang tawag mo sa akin noon? Anong nangyari?”

“Masyadong pambata, and besides there is nothing wrong with what I’m doing. It’s part of my job as the SSC President.”

“Pambihirang anak ka!” 

Binatukan pa talaga ako. Saan ka ba makakikita ng ina na brutal sa anak niya at galit kapag busy din ang anak niya. Hay naku.

“Ma naman, magsisimula ka na naman ba?”

“Maghanap ka na kasi ng girlfriend! Ilang taon ka na ba? Gusto mo bang tumanda na walang kasama? Hindi masaya iyun anak, boring.”

“Kung maka-react ka naman parang 50 na ako bukas. Hindi kaya OA ka lang masyado Ma?”

“Ikaw talagang bata ka. Hay naku! Natutuyuan ako ng dugo sayo.”

“Bakit ‘di mo subukang diligan.”

“Anak ka talaga ng Ama mo!”

“Alangan namang sa kapitbahay.”

“Raphael Myco Salazar ha! Itapon kita sa labas.”

“Pwede ba Ma?!” I groaned. “Pabayaan mo nalang ako. Kahit taningan mo pa ako hindi ako maghahanap ng girlfriend, 20 palang ako, okay? At kapag di mo pa ako tinigilan ipapagapos ko na kayo kay Papa.”Aish! Ang kulit talaga.

“Mommy nandito na si Daddy!” Narinig ko pa ang mga papatakbong yabag ng kapatid kong si Oleena. “Kuya kumusta ang sapilitang paggawa ni Mommy sayo?” Binalingan nito si Mama. “Mommy ang ganda mo ngayon may date kayo ni Daddy?”

“Matagal na akong maganda anak 'di na iyun kumukupas. Mana ka saken diba?”

“Syempre naman!”

Kung sa kakulitan lang nagmana si Oleena kay mama. Sobrang Hyper! She’s only 15 peru kung mag-isip parang bata but when it comes to Academics matalino naman ang makulit na batang iyun.

“Umalis na nga kayo!” Pagtataboy ko sa kanila. “Oley, hilahin mo na iyang si Mama. I need silence.”

“Che! sabing huwag mo kong tawaging Oley eh. Hindi ako sabon!”

“Magkaiba ang spelling nun.”

“Kahit na! Magkatunog parin.” Yumakap ito kay Mama. “Mommy, si kuya oh”

“Hayaan mo na iyang kuya mo. Basta Raphael kapag di ka pa nakahanap ng girlfriend ako na ang maghahanap sayo!”

“Tama! Mag-girlfriend ka na kuya! Kundi iisipin naming bakla ka. Isa kang kampon ng ng mga nang-aagaw ng lakas! Ewww…”

“Ah ewan ko sa inyo!”

Alam nyo yung feeling na may ganyan kang pamilya? Hell.

“Grabeh ka talaga Raffy napuno mo na naman ang office natin ng mga bulaklak at chocolates na may love notes pa” tinapik siya nito sa balikat. “Woah! Ikaw na talaga! Pa-interview ka nga minsan kay Boy Abunda.”

“Kung gusto mo sayo na ang mga iyan oh.” Wala naman din akong pakialam sa mga iyan. “Huwag kang magtira.”

“Astig ka talaga. Kung makabigay ka saken niyan walang habas. Ano nalang ang iisipin ng mga babaeng nagbigay sayo niyan.”

“I didn’t ask them to give me those things” I leaned on my seat.“Nagsasayang lang sila ng pera at aanhin ko naman iyan? E marami kaming ganyan sa bahay.”

“Ikaw na talaga!”

“At teka nga ano bang ginagawa mo dito wala ka bang klase ngayon?”

“Tinatamad ako eh, boring ni ma’am.” Nakamot nito ang likod ng ulo nito. “Saka madali lang mag cop up. Matalino ako eh.” Sabay tawa.

“Hayan! Diyan ka magaling eh, lumayas ka na nga lang dito, better yet pumasok ka na.” Sinipat ko ang relo sa bisig. “You’re just ten minutes late.”

“Hay naku! Isa ka talagang dakilang kill joy. Pagbutihin mo ka-Edie,” tinapik niya ako sa isang balikat. “At nang tumanda ka ng maaga.”

“Ungas! Umalis ka na nga lang.”

“I love you Raffy…You know that…mwah!”

 Kumindat pa saken ang mukong at nag-flying kiss.

 Manang-mana talaga ito kay Ninong Ash. Mas matanda nga lang ako ng isang taon nito. Pitong taon na ako nang malaman ni Ninong na may anak pala sila ng girlfriend nito noon at iyun si Rua. Ang sobrang kulit kong Vice President.

“Adeek ka talaga!”

“I know it and I also love it. I’m a dove boy he-he.”

Napailing nalang ako sa kalokohan nitong si Rua hindi na talaga ito nagbago. Bigla namang tumunog ang cellphone ko.

“Hello Ma,”

“Raffy boy kumusta ka na? Kumain ka na ba?”

I sighed heto na naman po kami. “Ma, iyan lang ba ang itinawag mo?”

“At saka nami-miss na kita.”

“Nagkita pa po tayo kaninang umaga.”

“Eh ano naman? O ano nakahanap ka na ba ng girlfriend?”

“Ma –“ Hindi ko na nagawang sagutin ang Mama ko ng biglang may pumasok sa office. Mukhang susulong yata sa gyera ang babaeng bigla nalang pumasok. Take note hindi pa kumatok. “Wait Ma,“ binalingan ko ang babae. “What do you want?”

“Walanghiya kang lalaki ka!” Singhal niya bigla sa akin. “Pagkatapos ng ginawa mo saken! Ganito lang?” Hindi ko nagawang pigilan ang babae at pinag-babayo na niya ako. Sino ba ang babaeng ito? Anong ginawa ko sa kanya? For Pete’s sake I haven’t meet this girl!

“Who are you?!” Nahuli ko ang dalawang kamay nito. “Wala akong ginawa sayo? Is this kind of a prank because really it’s not funny!” Peru nagpupumiglas parin ito. “Will you stop doing that? Huwag kang malikot, mag-usap tayo ng maayos.”

Bigla na lang itong umiyak. Ano ba talagang problema ng babaeng ito?

“Alam mo ba ang ginawa mo, ha? You ruined me! Pinagkalat mong may nangyari sa atin. Ang kapal ng mukha mo.” Ano daw?!

“Aray!”

“Para yan sa ginawa mo!” Hindi pa talaga nakuntinto ginawaran na naman nito ng sampal ang kabila kong pisngi. “Ang sama mo!”

Hindi ko na mapigilang ang sarili ko. Tumayo ako at hinaklit ito sa braso at pilit na pinaupo. I trapped her in my arms, my hands on the table.

“Listen Miss, who ever you are, unang-una hindi kita kilala. Pangalawa wala akong pinagkalat na may nagyari sa atin. Pangatlo ni sa hinagap hindi ko maiisip na magkagusto sa isang babaeng wala man lang habas akong sinugod at pinagbabayo, plus you slapped me not just once but twice.” Inilapit ko pa ang mukha sa kanya.

“Kung ano mang problema mo sa lalaking iyun wala na akong pakialam. So if you’re done you may now leave.” Umayos ako ng tayo at inayos ang uniform ko. Binalingan ko ulit ang babaeng natulala na sa kinauupuan nito. “You just ruined my day. Thanks to you.” Marahas kong kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa at umalis.

Shit ang araw na ito! Dumagdag pa ang babaeng iyun. Aissh.

“You still there Ma?”

“You’ve got a lot of explanations to do. Umuwi ka na! Pag-uusapan pa natin ang pananagutan mo sa babaeng iyun.

“H-Huh?!”

“Uuwi ka ba o ako na mismo ang magpapauwi sayo!”

“I hate this day!”

Sapo ang dibdib na nakatutulala ako sa kawalan. Gosh! What have I done? Tama naman sigurong sinugod ko ang Rafael na iyun diba? Nagkalat siya ng maling balita kaya dapat sugurin ko siya. Infairness sa lahat ng stalker ko siya ang pinakagwapo at ang pinaka-arogante! Hay naku! No need to be guilty Sweet tama ang ginawa mo.

“Sweet Hera!” Napatingin ako sa may pinto ng SSC office. Nakahawak pa sa hamba ng pinto si Kenya habang habol-habol pa ang hininga. “Ano ka ba Sweet anong ginagawa mo dito?” Lumapit siya sa akin. “Are you out of your mind?”

“Ano bang problema? Itinama ko lang namang ang pagkakamali ng Rafael na iyun.”

“Oo nga, peru Sweet Hera naman bakit si Hon. Raphael Myco Salazar ang sinugod mo? Hindi iyun si Rafael na tinutukoy kong stalker mo. Iyung president ng Department ng Engineering ang tinutukoy ko. Si Rafael Sarno. Kaloka ka ‘te! Sa lahat ng susugurin mo ang President pa ng buong student body ng University natin? At hindi iyun magagawa ni Raphael Myco. He’s too arrogant and snob to care and to stalk.”

“So you mean, mali ako ng taong sinampal at binugbog?”

“Ano?! Sinampal mo ang tao?”

“Not just once, but twice” Napangiwi ako. Patay! Palpak ka talaga kahit kailan Hera.

“Anak ng baboy ka talaga Sweet Hera! Anong sinabi sayo ng President?”

“Hmm, masama. Argh!” Nahilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha. “Anong gagawin ko Kenya? Wala na akong mukhang maihaharap sa President ng buong Student body. Ang tangaks ko naman kasi eh.”

“Buti alam m,”  Hinila niya ako. “Halika na nga! Hanapin natin si Raphael at mag-sorry ka sa kanya.”

“Nahihiya ako,”

“Bahala ka na nga sa buhay mo Sweet Hera!” Binitiwan niya ako at iniwan ako.

“Kenya naman huwag mo akong iwan!” Sinundan ko siya. “Anong gagawin ko uy?”

“Hanapin mo si Mr. President at mag-sorry ka sa kanya.”

“Hindi ko kaya. Mag-drop nalang kaya ako?”

“Ihuhulog talaga kita sa imbornal kapag di ka pa nag-sorry.”

Bilang na ang araw ko sa eskwelahan na ito. Nak ka talaga ng mga tangaks Hera. Maganda ka lang peru minsan puro hangin lang ang laman ng utak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: