one / our radio story /
“A love that bloomed
on October was aired
on the radio.”
one.
our radio story.
O c t o b e r 1 6 , 1 9 3 4
Kailan ba kauna-unahang naimbento ang radyo? Hilig ko ang pakikinig ng musika, para sa akin ay isang instrumento ang radyo upang makatuklas ng mga bagong tugtugin na hindi ko pa noon napakikinggan. At para na rin aliwin ako sa tuwing ako ay nakararamdam ng pagkabagot.
Tulad na lang ngayon na naatasan ako ng aking ama sa pagbabantay ng mga trabaho sa aming hardin. Ngunit wala naman akong nakikitang kailangang bigyan ng puna kaya naman inaaliw ko na lang ang aking sarili sa pakikinig ng radyo.
Ni minsan ay hindi ko naisip o nagawang itanong sa aking sarili o sa kung sino man kung kailan ba unang naimbento ang radyo. Ngayon lang din sumagi ang bagay na iyon sa aking isipan at ang dahilan niyon ay walang iba kundi ang lalakeng nakatayo sa aking harapan.
"Hindi mo alam?" nanghahamok ang tono ng kaniyang boses na tanong nang hindi ko sinagot ang kaniyang unang katanungan. Sa kabila ng inosente niyang mga mata ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng irita dahil para bang hinahamon niya ang aking kaalaman.
"Aaminin kong hindi ko alam kung kailan unang nalikha ang radyo ngunit hindi kulang ang aking edukasyon, marahil hindi pa kami nakaaabot sa puntong iyan ng paksa sa eskuwela kaya hindi ko pa alam sa ngayon," taas noo kong sambit.
Nakita ko naman kung paanong mas lumaki ang ngiti sa dulo ng kaniyang mga labi na tila ba mayroong katuwa-tuwang nangyayari sa likod ng kaniyang isipan.
"Malayo pa ang panahon bago mangyari ang bagay na iyan, Binibining Kresha. Ni minsan ba ay hindi ka napaisip kung kailan naimbento o nakilala ang paborito mong libangan?" dagdag niya na siya naman talagang nagpaisip sa akin.
Na kahit katiting man lang ba ay hindi nga ba ako nasasabik sa mas maraming kaalaman tungkol sa mga hilig ko? Ngunit kahit na ganoon ay iba ang nararamdaman ko mula sa aktong ipinapakita sa akin ngayon ng binatang kasing edad ko lamang.
Ngayon lang ito lumapit sa akin at hinamak akong tanungin ng bagay na talaga nga namang aagaw ng pansin ko. Madalas ay tititigan niya lang ako nang hindi nagtatagal nang minuto. Na para bang may kailangan siya mula sa akin ngunit aakto rin sa huli na parang hindi ako nakita.
"Kung mahilig kang makinig ng musika, hilig ko naman ang pagbabasa ng libro," pagkuwento niya at ipinakita sa akin ang librong kanina pa niya hawak. "Nakita ko ito sa koleksyon ng aking ama. Kung gusto mong malaman ang nilalaman ng libro ay kitain mo ako sa treehouse sa likod ng hardin na ito bukas matapos nang tanghalian."
"One Hundred Things To Know About Radios That We Love," naniningkit na mga mata kong pagbasa sa pabalat ng libro na nakaharap sa mukha ko.
"Hʼwag kang mag-alala kung iniisip mong hindi ka pahihintulutan ng mga magulang mo na magpunta sa treehouse bukas dahil ipinagpaalam na kita," sa mga dagdag niya pang sinabi ay hindi ko na napigilan ang pagkunot ng aking noo sa pagtataka.
"Ipinagpalam mo ako? At pinahintulutan ka naman ng mga magulang ko---sandali!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo nang talikuran niya at nagtatakbobg umalis kahit may sinasabi pa ako. Nagtaasan ang aking mga kilay dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyari at napabulong sa sarili, "ang unico-hijo ng hardinero ng mga magulang ko na iyon!"
Nang magdilim at dumating ang oras nang hapunan ay nagtipon kami ng aking pamilya gaya nang lagi upang kumain nang sabay-sabay. At kinuha ko ang pagkakataong iyon upang makausap ang aking mga magulang upang magawa kong kumpirmahin kung may katotohanan ba ang mga sinabi sa akin ni Ellis noong kami ay nasa hardin.
"Ang ama niya ang nagsabi ng kagustuhan ng bata, pinagbigyan na rin namin dahil kaarawan daw ni Ellis bukas at mukhang gusto niya lang ng kaibigang kasamang magdiwang. Ikaw lang sa pamilya ang malaya pa mula sa mga obligasyon kaya ikaw na ang makipaglaro kay Ellis bilang yakag sa kaniyang selebrasyon at abala kami sa hardin ng kaniyang ama," ang sagot naman na nakuha ko mula kay ina.
Dumating nga ang bukas at sapilitan akong pinapasok ng mga katulong sa banyo upang maligo. Bagsak ang mga balikat ko habang tinutuyo nila ang aking buhok at sinusuotan ako ng magarang bestida na kasing kulay ng mga dahon sa aming halamanan.
"Ipinagbaon po namin kayo ng basket ng inumin at mga tinapay, Binibining Kesha. Para po may kainin kayo ng iyong kaibigan," ang puno ng paggalang na kausap sa kaniya ng isa sa mga kusinera ng kanilang mansion.
Maliit akong ngumiti at tumango bilang pahiwatig na narinig ko siya. Umalis na rin siya at iniwan ako sa mga katulong na ipinupusod ang aking hanggang mga baywang na buhok upang walang nakaharang sa aking mukha. At nang matapos ang lahat ay isinuot ko na ang aking yari sa balat na sapatos.
Kasama ang dalawang katulong ay inihatid nila ako palabas ng bahay, aming nadaanan ang hardin kung saan makikita ang nga trabahador at ang aking ama na abala sa kanilang mga ginagawa. Tinangka kong kunin ang atensyon ni ama upang makita niyang aalis na ako ngunit bigo ako.
Kaya naman tutuloy na sana ako ngunit nakita ko ang ama ni Ellis na maligalig akong kinakawayan mula sa kalayuan. Napahinga ako at napagdesisyunang inangat sa ere ang nakabuklat kong palad upang maliit na kumaway.
"Halina po kayo, binibini," ang bulong sa akin ng katulong na siyang nay bitbit ng basket na ipinabaon sa akin. Napatango naman ako at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng mansion patungo sa tree house na nakatayo sa likod lang ng hardin na pagmamay-ari ng pamilya ko.
At bawaʼt yapak na aking ginagawa ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba sa aking puso. Makailang paghinga nang malalim ang ginawa ko hanggang sa matunton namin ang lugar na ilang lakad din ang layo.
Nakatingala sa munting bahay na itinayo sa punong may katangkaran at kalakihan, napapaisip tuloy ako kung bakit ako ang napili para rito. Ako ang bunso ng pamilya, ang laging nililibang ng mga nakatatanda kong kapatid tuwing gusto ko ng kaibigan. Ngunit ito ako ngayon at magiging yakag para sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang lalakeng isang taon ang ibinata sa akin.
"Iiwan na po namin kayo mula rito, binibini," ang paalam sa akin ng dalawang katulong na tinanguan ko lang. Hanggang sa makaalis sila ay hindi ko pa rin alam kung dapat na ba akong umakyat sa itaas.
Tahimik at payapa ang paligid, kahit na mataas ang araw ay hindi ko maramdaman ang init dahil sa puno na lumilikha ng malamig at sariwang hangin tuwing gagalaw ang mga dahon patungo sa isang direksyon.
Hanggang sa makarinig ako ng pagbubukas ng radyo, nang una ay gumawa iyon ng tunog na animo ay wala itong mahanap na signal hanggang sa isang may kaibig-ibig na himig ang tugtugin ang sunod kong narinig.
♫ This radio station
Always talks about love stories
That it made me remember ♫
Kaya naman sa huli ay inakyat ko na rin ang mataas na puno kahit pa hirap ako dahil sa bitbit kong may kabigatan na basket. Nang magawa kong makaakyat ay agad kong nakita si Ellis na nakahalumbaba sa harapan ng radyo, mag-isang nakangiti habang pikit ang mga mata.
"Bakit sa lahat ng lugar na puwede nating tambayan ay rito mo pa napili?" pag-agaw ko ng pansin niya na tagumpay dahil bahagya pa siyang napatalon sa kinauupuan. Nagulat dahil hindi niya namalayang nakarating na pala ako.
Napatayo siya at hindi malaman kung ano ang dapat na gawin ngayong kaharap na ako hanggang sa magkamot na lang siya ng batok. "Abandonado na kasi ang lugar na ito kaya puwede tayong magpatugtog kahit gaano kalakas, alam ko namang pabirito mo ang pakikinig ng radyo," nakangiti niyang paliwanag. "Malaya naging magagawang magsaya rito nang hindi inaalala ang mundo."
Tikom ang mga labi dahil sa mga narinig na sinabi niya ay iginala ko ang aking mga mata sa kuwartong aming kinaroroonan at ginri mapigilan ang ngumiti sa mga dekorasyon nagkalat sa paligid. "Sino ba ang may kaarawan ngayon at bakit ako ang nasurpresa?"
♫ That day back in October
Where my days started to feel incomplete
Just because you're not in it ♫
Radio October / one :
our radio story /
edited version
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro