Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

four / love on stereo / a special episode /

four.

love on stereo.

2 0 2 4

"Continuation na ng airing, everyone. Patapos na ang commercial," paalala sa aming lahat ni Director Jin kaya naman bumalik na ang lahat sa kanilang mga pwesto at upuan.

Inubos ko na ang iniinom kong maligamgam na tubig at naupo na rin sa haparan ng condenser microphone. Kinuha ko ang headphone at isinuot iyon sa ulo ko habang tumitikhim para matanggal ang pagkagaralgal ng boses ko.

"Ready na ang lahat?" pag-uulit ni Director Jin kaya naman binigyan namin siyang lahat ng thumbs up. "Okay, the microphones will be turned on on one, two, and three!"

Nang umabot namg tatlo ang bilang ni Director Jin ay sakto ring natapos ang background music na ineere bilang commercial para magkaroon kami ng break. At nang tumahimik ang paligid ay naging hudyat iyon sa akin para simulang magsalita.

Napahinga ako nang malalim at lumunok ng laway, inilapit ko ang labi ko sa microphone nang nakangiti nang sa ganoon ay may buhay ang aking boses oras na magsalita ako.

"Magandang gabi sa lahat nang minamahal naming listeners! Ang oras po ngayon ay nine o'seven nang gabi. At narito akong muli, ang inyong minamahal na radio broadcaster sa ating MJC Radio Station, Dj Maj!"

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtango ng mga kasama ko bilang approval na maganda ang ginagawa ko kaya naman mas lalo akong napangiti habang nagpapatuloy sa trabaho ko.

"Atin pong napakinggan ang nakaaantig na kwento ng buhay ni Kesha na ating pinamagatang Radio October. I know na sasang-ayon sa akin lahat kapag sinabi kong ouch! Ang sakit masyado ng kwento ni Kesha." Sandali akong huminto upang tignan ang comment section ng live stream. "Ang comment ni Ms. Nerdy, ganiyan talaga ang tradition on early century, ano? Right love but wrong timing."

Akmang aabutin ko ang mouse upang tignan pa ang ibang comments nang gawin na iyon ng kasama ko para sa akin. Nginitian ko siya at binigyan ng thank you na walang tunog.

"Ang sabi rin ni Maye, mabuti at in good terms ang dalawang lalake but ang sakit na hanggang alaala na lang ang lahat. Nasa huli talaga ang pagsisisi." Gumawa ako ng tunog na nalulungkot at ngumuso pa. "Nasa huli talaga lagi ang pagsisisi," umiiling kong pagsang-ayon.

Kinuha ko ang script at sinimulang basahin iyon sa isip ko bago muling nagsalita sa microphone. "Pero ating pakinggan ang pahabol na sulat ni Kesha dahil hindi lang diyan nagtatapos ang kaniyang kwento."

At sinimulan kong basahin para sa listeners ang nilalaman ng liham na aming natanggap mula kay Kesha, ang ninety one-year-old na babaeng mag-isa na lang ngayong naninirahan sa mansion na noon ay tahanan niya kasama ang kaniyang mga minamahal at pamilya.

Dear, Dj Maj

Sa kabila ng mga bagay na aking mga paghihinayang ay natutunan ko ring patawarin ang sarili ko. Hindi ko na rin sinisisi ang sarili ko sa mahabang panahong sinayang ko dahil hindi ko lubusang masabing nasayang iyon gwnoong nakasama ko ang pamilya, anak, at mga apo ko.

Nagkaroon ako ng mapagmahal, malalahanin, at maalagang asawa. Isa rin sa mga bagay na ipinagpapasalamat ko na si Emmanuel ang aking nakasama ay dahil binibigyan niya ako ng kalayaan. At iyon ay ang manatiling kaibigan si Ellis. Kahit na hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang lihim at tunay na nararamdaman namin ni Ellis para sa isaʼt isa.

Kaya kahit maraming pagkakataon akong natukso na ipagtapat kay Ellis ang nararamdaman ko––na ayain siyang tumakbo papalayo; tumakas papunta sa lugar na mapagbibigyan ang pagmamahalan naming dalawa. Hindi ko ginawa sa takot na masira ko ang tiwala ng aking asawa. Na masaktan ko siya sa kabila ng mga kabutihang ipinakita niya.

Kahapon ay nagtapos ng kolehiyo ang apo ko  kaya naman naisipan ko silang puntahan. Nag-alala pa nga sila na baka mapaano ako dahil na rin sa edad ko. Ngunit sinabi ko sa kanila na gusto kong magpunta ng ibaʼt ibang lugar upang libangin ang aking sarili ngayong wala na ang kanilang ama.

Gusto kong hayaan ang sarili ko na huminga. Kanina naman ay nanggaling ako ng dagat at nakatagpo ng nakapagagandang mga dalaga. Napakababait din nila dahil sinamahan nila akong panoorin ang paglubog ng araw habang pinakikinggan ang kwento ko tungkol sa mga makikisig na lalakeng kilala ko. Si Emmanuel at si Ellis.

Dj Maj, sobra silang kinikilig habang pinakikinggan ang kuwento ko. May pagkakataon din na lumuha sila at emosyonal akong binigyan ng mainit na yakap. Ngunit sa kabila niyon ay mas ikinagugulat ko kung paano sila magtawanan nang malakas habang ako ay nakangiti lang nang maliit. Pero noong subukan ko ring tumawa nang walang alinlangan, para kong naalala ang aking kabataan.

Kaya napagdesisyunan ko nang subukang ipadala sa inyo ang kwento ko. Sa tagal kong nakikinig sa inyo, Dj Maj. Ibaʼt ibang aral na ang natutunan ko mula sa karanasan ng iba niyo pang sender. Naisip ko, gusto ko ring malaman ng iba ang mga natutuhan ko. Na sa kabila ng mga inakala nilang mali nilang desisyon ay may makikita silang pag-asa na hindi nila inaasahang naroon lang pala.

Na kahit gaano pa kagulo ang mga bagay ngayon ay darating din ang panahon na hihinahon ang alon ng dagat at magagawa nila muling ngumiti. Dj Maj, kung binabasa mo ang sulat kong ito ay maaaring nasa tabi ako ngayon ni Ellis. Hawak ang kaniyang kamay habang sinasamahan siyang magdasal na sana matapos din ang mga gabing namimilipit siya sa sakit.

At magpasalamat sa Diyos dahil hindi siya mag-isang lumalaban para sa sarili niyang buhay. Dahil mananatili ako sa kaniyang tabi kahit pa bawiin na siya sa akin anumang sandali. Ang gusto ko lang ay bumawi. Ang iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa noong nagmamahal siya nang palihim.

Dj Maj, dito ko na po tatapusin ang liham ko bago pa man mabura ng mga luha ko ang mga letrang nakasulat sa papel na ito.

Nagmamahal,
Kesha

Nang matapos kong basahin ang pinakahuling word ng liham ay natakpan ko ng palad ko ang bibig ko. Agad kong sinenyasan si Director Jin para patayin ang speaker ng microphone ko. At nang muted na iyon ay saka ko hinayaan ang sarili ko umiyak.

Napalapit sa akin ang ilan sa mga kasama ko upang patahanin ako ngunit sinabi ko na maayos lang ako sa kabila ng mga luhang sunud-sunod na nagpapatakan mula sa gilid ng mga mata ko. Hinayaan muna nila akong ilabas ang emosyon ko hanggang sa kumalma ako upang muling ipagpatuloy ang broadcast.

Mabigat ang nararamdaman sa dibdib ko ay lakas loob akong nagsalita sa microphone, "Kesha, maraming salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kwento. Alam ko na marami sa mga nakikinig ngayon ang naantig sa mga salita mo, maski ako.

“Ang malaman na hindi ka sumuko ay nakakabuo ng lakas ng loob at pag-asa. Na marami kang natutunan dahil pinili mong magpatuloy. Ang hiling ko ay kasiyahan mo, sana ay magawa mo nang bumawi sa mga bagay na pakiramdam mo ay may pagkukulang ka."

Mula sa direksyon nila Director Jin ay sinenyasan nila ako na tapusin na ang broadcasting dahil dumating na ang kapalitan namin. Binigyan ko sila ng tango at nagpatuloy.

"At maraming salamat din sa lahat ng nakikinig ngayong gabi, ako pong muli ang iyong minamahal na radio broadcasting dito sa MCJ Radio Station, Dj Maj. Hanggang sa uulitin!"

* * *

"Areʼt you tired? You shouldʼve just left without me." Mula sa pagtulala ay napaangat ako ng tingin kay Jin na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. "Nauna ka na sanang umuwi para nakapagpahinga ka na," nag-aalala niyang dagdag at hinubad ang suot niyang jacket para isuot sa akin.

"Gusto ko kasi kapag natulog ako ay katabi ka, mas mahimbing akong makakatulog," panlalambing ko at tumayo mula sa kinauupuan ko. Pigil ang tawa niya naman akong inilingan saka hinawakan ang kamay ko.

"Kung sa bagay, mas panatag ako kapag alam kong ligtas ka," aniya at nagsimulang maglakad kaya naman humakbang na rin ako. "Iniyakan mo na naman iyong kwento ng sender kanina, namamaga tuloy ang mga mata mo."

"Naalala ko lang kasi noong muntik na tayong maghiwalay," nakanguso kong kwento. Tumatawa niya namang hinaplos ang gilid ng mga mata ko at marahang humalik sa noo ko.

"Wala ka nang dapat pang ipag-alala." Inangat niya ang kamay ko na hawak niya at dinala iyon sa kaniyang labi saka hinalikan ang singsing na suot ko sa aking daliri. "Kasal na tayong dalawa."

Nang mag-angat siya ng mukha sa akin ay binigyan niya ako ng ngiti saka ipinakita sa akin ang wedding rings na suot naming dalawa. Natatawa ko siyang hinampas sa balikat.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad na nagtatawanan. Pero sa isip ko ay nagpapasalamat ako na siya ang kasama ko sa pag-uwi, magkahawak ang mga kamay habang nakangiti.

___

the end.

a love that bloomed in october was aired in the radio to share the message that true love can last forever––be it with family, friends and even with your one that got a way.

© 2024 All Rights Reserved MajKtisis

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro