Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 24

"The End-Start"

Previously on Quién Es Bonch...

"Beam sandali, nakakaloka ka!" Sigaw ni Angel habang pinipigilan nya si Beam na umupo sa Trono. Ngunit huli na nang naging bato ito.

"Criselda itakas mo ang Setro." Utos ni Queen Victoria sakanyang tapat na taga sunod. Naglakbay sa ibat-ibang lugar si Criselda upang itago ang piraso ng setro.

Habang Sina Bonch at Gemma ay muling nag balik sa panig ng kabutihan at nakilala na din natin si Enigma ang kakambal ni Queen Victoria na sya ding ina ni Dave.

Sa pagpapatuloy...

Dumating sina Graniel at Joyce sa Kastilyo.

"Naparito kami upang sunduin kayong dalawa." Wika ni Graniel at nakatingin sya kina Gemma at Bonch.

"Bakit anong nangyayari?" Tanong ni Leah.

"Sila ay lumabag sa batas ng oras at panahon. Kelangan nilang pagbayaran ang kanilang kalapastangang gamitin ang oras upang maka punta sa nakaraan at kasalukuyan. " Sagot ni Graniel.

"Kung ganun, Hindi kami papayag." Wika ni Angel at Leah.

"Hindi na, okay lang. Alam naming Ganito ang mangyayari. Kaya sasama kami." Wika ni Bonch. Na agad namang lumapit Sina Gemma at Bonch sakanilang dalawa. Nakita naman ni Joyce ang nangyari kay Beam.

"Ang kinoronahang Prinsesa." Sambit nito at nag tungo ito Kay beam.

"Naging bato sya upang mapigilan ang pagkasira ng mga mundo." Wika ni Dave.

"May paraan pa, hanapin ninyo ang setro ng Novaria. " Sagot ni Joyce at Hinawakan nya ang kamay ni Beam.

"Sa pagkakaalam ko, tanging ang kinoronahang Prinsesa din ang makakahanap sa Setro." Wika ni Enigma.

"Tama, at may alam akong paraan kung papano pansamantalang makawala sa sumpa si Beam sa trono ng Novaria." Wika ni Joyce. Ngunit sinaway sya ni Lucky.

"Joyce wag, Hindi Tayo pwdeng makialam sa kanila." Wika ni Graniel.

"Papano Joyce?" Tanong ni Leah. Habang nakatitig ito sa mga mata ng babae.

"Joyce wag!" Saway ni Graniel sakanya.

"Patawad mga ate.." wika ni Joyce. Ngunit biglang ginamit nina Gemma at Bonch ang kanilang kakayahan upang makatakas Kay Graniel.

"Let's have a deal, sasama kami sainyo kung sasabihin ninyo ang paraang naisambit ni Joyce." Wika ni Gemma.

"Patawad kung kelangan kung Gawin ito." Akmang babaliktarin ni Graniel ang hour glass ngunit pinigilan sya ni Leah nagamitin ito. Gamit ang kakayahang kontrolin ang isipan ng isang nilalang napigilan ni Leah ang gagawin ni Graniel.

"Mag salita ka kung Anong kelangan naming Gawin Joyce. Nagmamakaawa ako Sayo." Wika ni Angel.

"Joyce wag, Isang kaparusahan ang pakikialam." Wika ni Graniel habang sinusubukan pading Gawin ang pagbaliktad sa orasan.

"Kung ayaw nyong masira ang susi pauwi. Sabihin nyo na!" Sigaw ni Bonch habang hawak na nya ang hour glass ni Graniel.
Akmang gagamit pa sana si Graniel ng kanyang kapangyarihan pinigilan sya ni Dave gamit ang Isang malakas na pwersa at tumilapon ito palayo.

"Patawad, please tulungan nyo na kami."wika ni Dave. Habang ang dalawang kasamahan nina Joyce at Graniel lalaban na sana ng biglang isa-isang pinilayan ni Dave gamit ang kanyang isipan.

"Oo na. Kelangang may pumalit sakanya sa trono at walang ibang pwdeng pumalit. Hindi sina Gemma at Bonch dahil Hindi sila kadugo ng dating Reyna. Dapat ang tunay na kadugo ng Reyna. " Wika ni Graniel.

"At Ikaw yun, binibining Enigma." Mahinang wika ni Joyce.

"Kung Ganon papayag ako. Ayukong makitang nasasaktan ang aking pamangkin. Anong gagawin ko?" Tanong ni Enigma.

"Parang alam ko na kung papano." Wika ni Leah at kanyang hinawakan ang Ulo ni Beam Hanggang sa unti-unting natatanggal ang mga bato na nakabalot sakanyang buong katawan.

"Sa oras na tuluyan ng makawala si Beam sa upuan. Kelangan mong umupo Binibini." Wika ni Graniel na sa mga oras na iyon ay hawak na ang hour glass na ibinalik ni Bonch sakanya.
Nang magising si Beam..

"Anong nangyayari? Anong oras na?" Tanong nya.
Lumapit si Enigma sakanya at nag wika.

"Pamangkin ko, patawad at nadamay pa kayo. Pero pansamantalang ito muna ang bilanguan ko." Wika nya nang makatayo na si Beam agad syang pumalit sa upuan ng Reyna. At katulad ng nauna, naging bato si Enigma.

"Kakaiba ang pakiramdam ko habang naging bato ako. Nakakaloka.!" Wika ni Beam. At pinaliwanag nina, Angel, Dave at Leah ang mga kelangan nilang Gawin upang makabalik sa dati si Enigma.

Pagkalipas ng Sampung taon...
Naging isang guro si Rose sa Novaria. Guro upang sanayin ang bagong sibol na mandirigma sa Novaria. Kasama si Cathy.

"Salamat ate rose.." wika nina Beam, Dave, Leah at Angel.

"Nakikita kung mas magaling na kayo ngayon kumpara Nung unang tinuruan ko kayo. Sana mahanap na ninyo si Criselda at Ang setro." Wika ni Rose.

"Tama, wag kayong mag alala kung kelangan ninyo ng back up. Handa akong mag tungo. Saan man kayo!" Wika ni Cathy.

"Salamat, may dalawang taon nalang tayong natitira para Kay Ina. Kung hindi magiging statwa na ito." Wika ni Dave.

"Wag Kang mag alala sis, kaya natin to." Wika ni Angel.

"Tama, Basta sama-sama. Kayang kaya!" Wika ni Leah.

"Magpahinga na kayo, dahil bukas na Ang alis ninyo." Wika ni Rose.

"Sya nga pala, ibinigay ito ni Miss Gemma." Sambit ni Cathy sabay abot ng isang scroll.

"Dyan nya isinulat ang posibleng nag tungo si Criselda. At maari ninyong mahanap si Criselda Dyan." Wika ni Cathy. Nakita naman nila ang unang mundong nakasulat ay ang earth.

"Earth" wika ni Beam.

Kinabukasan...

Nasa harapan sila ng mga mamayan ng Novaria habang ang portal ay muling nagbukas.
Pansamantala nilang iniwan ang Novaria kay Madisson na may gabay nina Rose at Cathy.

"Madisson, maraming salamat saiyong pag payag." Wika ni Beam.

"Walang ano man yun beam, tulong ko na to sayo. Kulang pa nga ito bilang kabayaran sa mga kabutihan ninyo saakin. Wag Kang mag aalala, kung may mangugulo. Kasama ko ang mga Kenetic Gang. " Wika ni Madisson.
Niyakap Nila si Madisson bago sila pumasok sa Lagusan.

Unang pumasok sa lagusan si Dave, sumunod Sina Leah at Angel pang huli naman si Beam.
Bago pa ito pumasok. Nilapitan sya ni Randy at binigyan ng halik.

"Mag iingat ka, susunod ako pagkatapos kung ayusin ang mga kawal dito sa Lemen Forest." Wika ni Randy.

"Salamat Randy. Wag Kang mag aalala mag kikita pa Tayo." Sabi ni Beam sabay kindat at tuluyan na itong pumasok sa lagusan. At sa kabilang bahagi ng lagusan ay muli nilang nakita ang Mundo ng mga tao, kung saan nakita muli ang mga sasakyan at ingay ng mga tao.

"City girls are back bitches!" Wika ni Dave.

Samantala sa kabilang dako ng kwento.

Nagmamadaling nag lakad si Criselda ng maramdaman niyang may kakaibang nilalang ang sumusunod sakanya.

Nang mabunggo nya ang Isang malaking lalaki sabay wika.

"Hindi kami papayag na magtagumpay ang mga anak ni Enigma, Victoria,  Paula at Lena." Wika ng lalaki at mabilis niyang tinakpan ang mukha ni Criselda.

Abangan ang Season 2...
Kita Kits mga Mahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro