Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 22

"Ang katapusan at bagong simula (Part 1)"

Sa pagpapatuloy...

"Sumuko kana, nagbalik na ang mga taga Lemen Forest sa dati." Utos ni Leah kina Bonch at Gemma.

"Oo nga Miss Gemma. Alam kung Hindi ka masama. Naging kapatid ka lang na naghihigante." Dagdag ni Angel.

"Hindi!" Sigaw ni Gemma at sa pagkakataong ito naghiwalay ang kanilang katawan.

"Mas mapapanatag ako kung tutulungan ninyo akong maibalik sa dati ang Novaria." Wika ni Beam sabay abot sakanyang kamay sa dalawa. Nagkatinginan Sina Gemma at Bonch sabay wika ng..

"Hindi kami pupwedeng sumuway sa Pinagkasunduan kaya patawad!" Wika nina Gemma at Bonch at kanilang ginamit ang gift na kanilang nakuha kay Helen at unti-unting nanigas ang buong katawan nina Beam at Dave. Maging Sina Leah at Angel ay Hindi na din makagalaw.

"Ate..." Pag-alalang wika ni Madisson. Akmang tutulungan ni Bram Sina Beam ngunit pinigilan sila Rose.

"Wag kayong makikialam, delikado. Mag tiwala Tayo sakanila." Wika ni Rose.

Habang unti-unting naging bato ang kanilang mga katawan, Isa-isa namang kumawala sakanilang katawan ang mga sumanib sakanila.

Unang lumabas sa katawan ni Beam si Madisson, sumunod si Dawn sa katawan ni Dave, maging si Chellyn ay mabilis itong tumilapon palayo kay angel. Habang si Cristy at Leah ay nakaroon pa nang pagkakataong panain sina Gemma at Bonch gamit ang kidlat na palaso. Ngunit Hindi ito tinamaan.

"Sa wakas tutuparin na ng enigma ang kanyang pangako saatin ate." Wika ni Bonch.

Walang nagawa sila kundi tingnan ang apat kung papano sila naging bato.

Hindi alam ng dalawa na ang panang pinakawalan ni Leah ay si Cristy. Sadyang Hindi nya pinatamaan ang dalawa para sa kanilang Plano.

"Bilisan mo na Leah, Wala na tayong oras!" Utos ni Cristy Kay Leah.

"Sure kaba dito? Pano kung palpak?" Wika ni Leah sakanyang isipan.

"Bahala na. Ako ang bahala!" Wika ni Cristy.

Nang pinakawalan na ni Leah si Cristy gamit ang kidlat na palaso. Tumama sa isang puno si Cristy at dito nag tago sya sa likod ng puno upang Gawin ang Planong naisip nilang dalawa. Sa pagkakataong ito ay hawak ni Cristy ang libro ni Leah.

Gamit ang libro. Nagpakawala ng Isang malakas na boltahe ng kidlat si Cristy na mabilis na tumama kina Bonch at Gemma.

"Ngayon na Madisson!" Sigaw ni Chellyn. At mabilis namang nag palit anyo si Madisson bilang Isang malaking ibon. Gamit ang boses ng ibon biglang nabasag ang mga bato at bumalik sa dati ang apat.
Si Dawn naman ay bumalik sa katawan ni Dave ganun si Chellyn.

"Gising na wag nang tutulog-tulog!" Wika ni Chellyn at muling Pina liyab ang mga kamay ni Angel.
Sina Beam at Madisson naman ay muling naging Isa.
Habang sa kinatatayuan nina Cathy At Rose. Inutusan ni Rose Sina Richard At Alexis.

"Tulungan na ninyo sila!" Utos ni Rose.

"Papano?" Tanong ni Alexis. Sumagot Naman si Cathy.

"Using the chemical reactions ng fire and snow. Makakagawa kayo ng atomic bomb na will lead into ~ " ngunit Pina hinto sya ni Richard.

"Science nanaman. Alam na namin Cathy." Wika ni Richard at kanyang pinaliyab ang kanyang kamay habang si Alexis naman ay gumawa nang yelo sakanyang mga kamay.

"Handa na?" Tanong ni Alexis.

"Oo pre, bira na!" Sagot ni Richard at kanilang itinapon ang kanilang ginawa kina Gemma at Bonch.

"Cathy, oras na." Sambit ni Rose at katulad ng ginawa nina Angel at Chellyn nagsanib din Sina Cathy at Rose.

"Ate sure kaba kakayanin ng Isang vessel ito?" Tanong ni Cathy.

"Magtiwala ka!" Sigaw ni Rose at humawak Kay beam. Si Bram naman ay mabilis na kinuha si Cristy at sumanib Kay Leah.

"Anong nangyayari?" Sambit ni Leah. Maging Sina Alexis at Richard ay sumanib Kay Angel.

Kahit nanghihina na, namangha sina Gemma at Bonch sakanilang na tunghayan.

"Ang pag-iisa!" Sambit ni Bonch.

"Ngayon na kapatid ko!" Sambit ni Gemma. Tumango si Bonch at muling lumindol ng napakalakas. ngunit Hindi natinag ang pagsasama-sama Nila. Hanggang sa huling sumanib si Dave Kay Beam.

"Oras na.." sambit ni Beam, ngumiti naman si Dave at Isang malakas na liwanag ang kumalat sa boung paligid. At sa pagkakataong ito. Sout ni Beam ang sagisag ng mga kaharian sa Novaria.

Samantala sa madilim na bahagi ng Novaria.

"Mukhang Hindi na mangyayari ang nais mo mahal na Reyna. Naging Isa na ang mga kaharian." Wika ng Isang bata katabi ni Enigma.

"Tumahimik ka. Pinagmamasdan ko ang kanilang galing nang sagayong sa panahong makakaharap ko silang apat ay mabilis ko nalang silang mapapatay." Wika ni Enigma.

Balik sa Lemen Forest.

Sumugod Sina Bonch at Gemma nang magkasama at sa pagkakataon ito.
Ginamit nila ang Isa sa pinagbabawal na Mahika.

"Ang Sumpa ng pagkabuhay ng mga namayapa." Sambit ni Beam nang Makita nyang muling bumangon Ang mga skin walker na kanilang napatay.

"Hindi lang yan prinsesa. Makikita ninyo ang inyong kinatatakutan." Wika ni Bonch sabay tawa.

Mula sa likuran ni Beam, lumabas ang mga kinatatakutan nilang apat.
Si Leah ay ang kanyang ina-inahan sa Mundo ng mga tao.
"Leah, Hali ka nga dito bata ka!" Wika ng matandang babae.

Si Dave naman ay ang kanyang sarili.

"Hindi ka Naman talaga magaling." Sambit ng kinatatakutan ni Dave.

Si angel naman ay ang sobrang dilim.
"Ang dilim di ako makakita!" Wika nya.

Si Beam naman ay ang kanyang ina.

"Suwail ka, kaya ako namatay. " Sambit ni Queen Victoria.

"Hindi ka totoo!" Sigaw ni Beam.

"Wag kayong maghihiwalay" sigaw ni Rose.

"Oo Hindi lahat ng yan ay totoo. Labanan ninyo sila.!" Wika ni Cathy.

"Mama patawad." Sambit ni Beam. Samantala na tuwa naman sina Gemma at Bonch sa kanilang nakita.

"Mukhang ito lang pala ang katapat ninyo." Wika nila at mabilis niyang sinampal si Beam sabay tadyak.
Sa mga mata nilang apat, kahit naging Isa sila. Ang kanilang kaharap ay Ang kanilang mga kinatatakutan.

"Ito ay Isang ilusyon, wag kayong matatakot!" Sigaw ni Madisson.

"Mama, patawad!" Umiiyak na wika ni beam habang tila Isa syang batang pinaparusahan ng kanyang ina.

Habang sa likod ng mga puno.

"Kuya tulungan na natin sila. Hindi nila tayo matutulungan sa dalawang Lapastangan kung mamatay sila!" Sambit ni Joyce habang hawak ang isang hair clip. Tinitigan ni Graniel si Beam. bago mag salita nag buntong hininga ito.  Itaas nya ang kanyang Hawak na hour glass at muling ibinaliktad.

"Oras ay pahintuin! Utos koy sundin." Wika ni Graniel at biglang huminto Ang oras. Habang si Joyce naman ay lumapit kina Gemma at Bonch. Sabay lagay ng Hair clip na hawak nya sa buhok ni Gemma.

"Handa na!"  Wika ni joyce at mabilis itong nagtago sa likod ng mga puno kasama ang kapatid nya.
Nang muling ibalik ni Graniel Ang hour glass. Muling nag balik sa dati ang lahat. Nakikita na nila ang kanilang kaharap.
Akmang susuntukin pa sana ni Gemma si Beam. Mabilis nya itong sinalo gamit Ang kanyang kamay sabay ikot dito.

"Ang kapal ng Mukha mong gamitin ang mama ko!" Wika ni Beam habang napahiyaw Naman sina Gemma at Bonch dahil sa sakit.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro