Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 20

" Ang setro ng Novaria "

Sa pagpapatuloy...
Nakapasok at nakabalik na muli sina Angel, Leah, Dave at Beam na kasalukuyang nasa katawan ni Beam si Bonch.

Inutusan naman ni Victoria si Criselda na itakas ang setro ng Novaria.

"Miss Criselda dito po." Tawag ni Randy sakanya. Agad namang lumapit si Criselda sakanya.

"Naguguluhan ako kung saan ko itatakas ang Setro. Hindi na ligtas ang setro dito. Hindi pwde sa Mundo ng mga tao." Sabi ni Criselda.

"Maari mong itago ang setro sa Andromeda o sa Hestia." Wika ni Randy. Nag uusap pa sila ng biglang may mga skin walker ang papalapit na sakanila.

"Heneral, papalapit na sila dito." Sabi ng Isang kawal.

"Wala na tayong oras Miss Criselda. Ito ang susi sa mga lagusan." Wika ni Randy at mabilis niyang ikinumpas ang kanyang mga kamay upang utusan ang mga puno na harangan ang mga papalapit na Skin walker.

Si Criselda naman ay nag bukas ng isang lagusan.

"Bahala na!" Wika nya bago sya pumasok sa lagusan na kanyang ginawa.

Samantala sa Palasyo ng Novaria.
Dumating na sina Paula at Lena.

"Paula, Lena mabuti at nandito na kayo!" Wika ni Victoria.

"Hindi ka namin iiwan pamangkin ko." Wika ni Lena.

"Mabuti at nagsama sama kayong tatlo, Hindi na ako mahihirapan pang patayin kayo." Wika ni Beam.

"Oras na kapatid ko, ibigay mo ang parusang nanarapat sakanila." Wika Naman ni Gemma at Sabay halakhak.

"Aba syempre." Itinaas ni Beam ang kanyang kamay at Sabay usal ng kanyang pangalan. Itinaas din naman ni Angel ang kanyang kamay sabay bigkas ng kanyang pangalan. Sa Isang iglap isang liwanag ang bumalot sa loob ng palasyo. Sa mga oras na ito, si Angel na ang kaharap nila habang si Beam naman ay nasa loob ni angel. Si Dave naman ay nakalabas na sa katawan ni Beam.

Mabilis na ikinumpas ni Angel ang kanyang kamay at Isang Nagliliwanag na mga baging ang mabilis na lumapit sa tatlo. Ngunit sinubukang pigilan ni Paula ang baging.

"Hindi mo kami mapapatay Bonch!" Wika ni Paula.

Ngumiti si Angel saka nag wika ng.. " Hindi ko Naman kayo papatayin bubulagin lang!"

Lumutang sa ire si Angel kasabay ng pagliwanag ng kanyang buhok at sa mga oras na ito ay Hindi na kulay puti ang liwanag na bumabalot sa kanyang buhok.

"Kamangha-mangha. Kayang dungisan ang liwanag ng mga taga luminous. Akala ko mga dalisay sila." Wika ni Gemma at lumapit Kay Leah.

"Anong iuutos mo Pinuno?" Tanong ni Leah.

"Gusto kung Pasukin mo ang mga isip ng tatlong iyang." Utos ni Gemma sakanya.
Humakbang Naman si Leah at tumitig ng masama sa tatlong Reyna. Sabay hawak sakanyang Ulo.

Si Dave naman ay Isang malakas na lindol ang kanyang muling ginawa Hanggang sa dahan-dahang nahuhulog ang mga malalaking tipak ng Bato sa palasyo.

"Victoria tumakas kana." Utos ni Lena habang pinipigilan ang ginagawang pagpasok ni Leah sakanilang isipan.

"Hindi ko kayo iiwan mga tiya!" Wika ni Victoria.

"Hindi ko na kayang pigilan ang ginagawa ni Angelica." Wika ni Paula habang pinipigilan si Angel.

"Nasaan na ba kasi sina Rose?" Tanong ni Victoria. Ngunit Hindi nya napansin na nagtungo sakanilang likuran si Gemma. Gamit ang gift na kanyang kinuha Kay Julianne. Ginawa nyang invisible ang kanyang sarili upang makalapit at upang linlangin silang tatlo na nandoon pa sila.
Mabilis nyang itinarak ang punyal na kanyang hawak sabay wika.

"Salamat sa gift ni Kendra, Ang luminous." At mas ibinaon pa nya ito sa dibdib ni Victoria.

"Kabayaran ito sa pag Lapastangan mo saamin ng kapatid ko, Para ito sa lahat ng pangungutya mo Kay Bonch, Pag bura ng saaking isipan upang ako na mismo ang maglagay sakanya sa Ganito. Para ito sa pang aalipusta mo sa lahi namin." Na mas ibinaon pa ni Gemma ang punyal. At Napa sigaw si Victoria sa sobrang sakit, kasabay ng pagkawala ng kanyang buhay.

Kasabay ng pag sigaw ni Victoria, unti-unting namamatay ang mga halaman sa buong Novaria. Maging sa ibang kaharian at maging sa Mundo ng mga tao. Nakaranas na ang mga magsasaka ng tag Tuyo.
Dahil na din sa huling sigaw ni Victoria muling nag balik sa dating ulirat Ang apat.

"Nasaan Tayo?" Tanong ni Dave.

"Ang sakit ng Ulo ko!" Reklamo ni Leah.

"Nasa Novaria na Tayo!" Wika ni Beam.

"Naala ko na lahat. Ina!" Wika ni Angel ng Makita nya si Paula. Ang maitim na usok ay unti-unting nagkakaroon ng katawan. Hanggang sa..

"Sa wakas may katawan na muli ako, Hindi Tayo binigo ng Enigma!" Sambit ni Bonch.

"Enigma?" Wika ni Lena habang hawak nya si Leah.

"Nakipag sundo kayo? Hindi nyo ba alam? Na Ang nag bigay ng sumpa sa mga taga Lemen Forest mga kalahi nyo. Walang iba kundi si Enigma. Namatay si Haring Isaac ang ama ninyo dahil Sakanya!" Wika ni Paula habang pinapagaling Sina Angel. Si Beam naman ay mabilis na lumapit sakanyang Ina.

"Ina. Anong nagawa ko? Ina patawad." Umiiyak na wika ni Beam. Ngunit walang sagot na narinig si Beam. Hanggang sa unti-unting naging buto si Queen Victoria.

"Inaaaaa!!!!" Sigaw nya.

"Anong pinagsasabi mo Paula! Hindi totoo Ang sinasabi ng babaeng yan!" Wika ni Bonch.

"Hindi pa kayo isinisilang ng mga panahong nagkaroon ng digmaan dito sa Novaria. Si Enigma ang nag sumpa sainyong mga kalahi upang katakutan ng mga taga Novaria, at sa iba pang mga kaharian." Salaysay ni Lena.

"Anong nagawa natin Bonch!" Wika ni Gemma.

"Tama lang ito para sakanila Gemma." Wika ni Bonch.

"Isang pagkakamali ang ginawa ninyong pakikipag sundo sa enigma. Mahabanging bathala." Wika ni Paula.

"Tumigil ka!" Sigaw ni Bonch at mabilis nyang inutusan ang mga dahon, upang saktan Sina Paula at Lena. Ngunit pinigilan sila ni Dave gamit ang gift nya. Isa-isang tumama sa mga pader ng Kastilyo Ang mga dahon na kasing tulis ng Isang punyal.

"Ay oo nga pala, kung Anong Meron kayo Meron din kami!" Wika ni Gemma. Kumpas ng kanyang mga kamay at malalaking baging ang umatake sakanila ngunit napigilan ito ni Beam.

"Hindi ko kayo mapapatawad!" Sabay kumpas ni beam upang ibalik ang mga baging sakanila.

"Hindi pwde, ang anak ni Victoria pigilan nyo!" Wika ni Lena. Na agad namang ginawa  nina Angel, Leah at Dave.

"Beam makinig ka. Wag mong pairalin ang galit mo." Wika ni Angel.

"Wala akong pakialam ate, magbabayad silang dalawa!" At mga malalaking ugat ng puno ang mabilis na umatake kina Bonch at Gemma.

"Tayo na Gemma umalis na Tayo dito!" Wika ni Bonch at mabilis silang nag laho.

"Hindi kayo makakatakas!" Wika ni Beam kasabay ng paglaho nina Bonch at Gemma ay nag laho din si Beam.

"Sundan ninyo ang inyong pinsan. Alam namin kung saan pupunta sina Gemma." Wika ni Lena.

"Saan Ina?" Tanong ni Leah.

"Sa Lemen Forest." Sagot ni Lena.

Samantala sa kabilang dako ng ating storya..
Sa Isang madilim na bahagi ng Novaria kung saan may Isang nilalang na masayang nanonood ng mga nangyari sa Novaria at ang pagkamatay ng Reyna.

"Nakakatuwa silang tingnan. Dahil sa kanilang ginawa. Unti-unting manghihina ang Novaria at nasasabik na akong makabalik sa Novaria." Wika nito.

"Pero mahal na enigma. Hindi magiging ganap na Reyna ang isa sainyo ni Beam kung Wala Ang setro ng Novaria." Wika ng Isang itim na ahas.

"Oo nga Pala, alam nyo na ba kung saan nagtungo si Criselda?" Tanong ni Enigma.

Napadpad naman si Criselda sa sa Hestia.
"Iiwan ko sainyo ang setro ng Novaria." Na agad namang kinuha ng Isang Hari.

"Saan kana tutungo ngayon Criselda?" Tanong ng Hari ng Hestia.

"Kelangan kung ikalat ang mga pirasong ito sa ibat-ibang kaharian at Mundo." Wika ni Criselda at nag palit bilang Isang maliit na ibon.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro